"MANANAGOT kayo sa panginoon sa inyong gagawin. Isipin niyo ang inyong asawa't mga anak na babae bago kayo gumawa ng hindi makataong hakbang."
Tumawa ang mga kalalakihang nakarinig sa kanyang mga sinabi, na para bang iyon ang pinaka-nakakatawang birong narinig sa tanang buhay nila.
"Walang panginoon. Ilusyon lang 'yan nang mga walang magawa sa buhay!" Napaigik siya nang marahas na hilahin ng lalaking may hawak sa kanya ang kanyang mahabang buhok. "Tumahimik ka kung ayaw mong mapasama! Ikaw, dalhin mo 'tong babaeng 'to sa kubo nang mapakinabanggan!"
Binusalan siya ng isa upang hindi makasigaw para makahingi ng tulong. Kahit manlaban man siya ay wala ring saysay.
Marahas siyang hinila ng isang lalaki patungo sa loob ng madilim na kagubatan. Wala siyang makita kung 'di kadiliman, napapatid siya sa mga ugat at batong nakausli, nakulong ang kanyang mumunting daing sa loob ng bibig na nakabusal.
Hindi paman malayo ang kanilang nalakad ay umalingawngaw sa kagubatan ang mga daing mula sa mga lalaking dumukot sa kanya.
"Sino ka?" dinig niyang sabi ng isa sa mga lalaki.
"M-magpakita ka duwag!" anang boses na puno ng takot at sakit. Maging ang lalaking mariing nakahawak sa kanyang braso ay batid niyang nalilito at natatakot.
"Pakawalan mo ang babae!" mga katagang nagmumula sa baritonong boses. Malamig ngunit mapanganib ang tonong ginamit.
"'W-wag kang lalapit kung 'di papatayin ko 'tong babaeng 'to," pagbabanta nito, subalit ang mga brasong nakahawak sa kanya ay nanginginig.
Napaigik siya nang ilapat nito ang patalim sa kanyang leeg. Ramdam niyang nagdulot ng sugat ang pagkakadiin nito ng patalim sa parteng iyon ng kanyang katawan. Napakapit siya sa kanyang saya upang kumuha ng lakas dahil nanlalambot ang kanyang mga binti at nanghihina ang kanyang mga tuhod.
Biglang napadaing ang lalaking nakahawak sa kanya at nabitawan nito ang sandatang nakatutok sa kanyang leeg. Napasalampak siya sa lupa dahil sa panghihina. Inalis ang busal sa bibig at naghabol ng hininga.
She can't see what's happening but she can clearly hear the grunts and pleas of the men who abducted her.
Minutes later, the silence filled the darkness, her grip on her skirt tightened when she heard the snapping of the twigs as if someone stepped on them. The faint sound was getting closer and closer to her direction.
"Get up! Let's get you out of here!" said a commanding voice.
"W-who are you?"
"No one! Now haul your ass up or I'll haul it myself!" singhal nito sa kanya. Magkahalong pagka-irita at galit ang nasa boses.
Kahit nanghihina ang mga binti ay pinilit ni Margareth na tumayo dahil sa utos nito. Napaigik siya nang bigla siya nitong hilahin sa brasong nagkapasa dahil sa mahigpit na pagkakahawak doon ng lalaking dumukot sa kanya kanina.
Ilang beses siyang kamuntik-muntikang madapa dahil sa marahas nitong paghila at sa bilis ng paghakbang nito.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya rito nang maaninag ang motorsiklo na marahil ay pag-aari nito.
"Hop in!" mariing utos nito sa kanya nang maisuot ang helmet. Nang hindi siya tuminag ay sapilitang pinasakay siya ng estrangherong lalaki. "Faster or I'll kill you!"
Napapitlag siya dahil sa bangis ng boses nito at natarantang napasakay sa motorsiklo na bigla-biglang tumakbo hindi paman siya nakakaupo nang maayos. Muntik na siyang mahulog kung hindi nakakapit sa lalaking nagmamaneho.
Bumagal lang ang pagpapatakbo nito nang makarating sila sa tapat ng gate ng subdivision. Nang makilala ito ng mga guwardiya ay agad naman silang pinapasok. Muli na namang pinaharurot ng lalaki ang motorsiklo na halos ikinalaglag ng kanyang puso.
"Where to?"
"H-ha?"
"Bingi ka ba?! Ang sabi ko saan kita ihahatid?!" the man snarled in anger
"I-itigil mo nalang diyan sa malaking bahay na may maraming bulaklak," aniya nang matanaw na malapit na sila sa bahay ng kanyang mga magulang. Kapagkuwan ay napapikit at umusal ng dasal at lalong hinigpitan ang kapit sa damit nito.
Napasubsob siya sa likuran ng lalaki nang walang anu-ano ay tapakan nito ang preno. Nanginginig ang kanyang mga tuhod, maging ang kanyang mga braso, nang makababa sa motorsiklo.
Sa awa ng panginoon ay hindi siya napahamak sa mga kamay ng mga lalaking dumukot sa kanya at sa paraan ng pagpapatakbo ng kanyang tagapagligtas.
"M-maraming salamat, kung hindi dahil sa iyo ay baka napahamak na ako. Sa papaanong paraan ko masusuklian—"
Umingos ang lalaki sa kanyang sinabi bagaman ay hindi niya makita ang mukha nito dahil sa suot na helmet. "Pay me with sex, Lady."
Nai-iskandalong napasinghap siya dahil sa mahalay na salitang lumabas sa bibig nito.
"Why? You said you want to pay me... Are you scared now?"
Hindi niya alam kung seryoso ba ito. Magaspang ang tinig ng lalaki at buong-buo. There's no warmth in his voice, it screamed danger.
"P-pero—"
"Don't bother, I don't screw some vestal," saad nito sa mapanuyang tinig. At base sa paggalaw ng ulong nakatago sa suot na helmet ay pinasadahan siya ng tingin ng lalaki.
Hindi niya alam kung maiinis o magiginhawaan dahil sa pagbawi nito sa naunang pahayag. Tukoy niyang pang-iinsulto ang nakaringgan niya sa boses nito.
"Margareth?" Nabaling ang kanyang tingin sa kasambahay na kalalabas lang mula sa loob ng bahay. "Marmar, ikaw nga!" tuwang-tuwang wika ng matanda na lumapit sa kanila. Ngunit ang ngiti ay agad na napalitan ng pangamba at pagtataka nang makita ang dumurugong leeg ng dalaga. "A-anong nangyari sa 'yo?" anito na sinalat ang kanyang leeg sa nanginginig na kamay.
"Ayos lang po ako, Nanay Caring. K-kaunting gasgas lang po ito." Ngumiti siya at niyakap ang maluha-luhang katulong na naroon na mula nang ipanganak siya.
"Aba'y itong batang 'to hindi nagpasabi na uuwi. At sino iyang kasama mo?" Naningkit ang mga mata ni Caring na sinisino ang lalaking nakaangkas sa motorsiklo.
"Nanay, hindi ko po—"
"Good evening, Nay Caring," sabat ng lalaki sabay alis sa helmet na nasa ulo.
"Achilles, ikaw nga ba iyan?"
ANG lalaking tumulong sa kanya na nag-ngangalang Achilles ay kakilala pala ng kanyang mga magulang at nakatira sa bahay na katabi ng bahay nila.
Hindi niya alam ngunit nang matitigan niya ito ng malinaw kanina ay nakaramdam siya ng familiarity. Parang nakita na niya ito mula sa kung saan, ngunit hindi niya mahagilap sa isipan.
Kung hindi dahil sa lalaki ay napahamak na siya at maaaring 'di na niya makita ang kanyang pamilya at hindi na niya magagawang tuparin ang kanyang mga pangarap. Tunay na mabuti ang panginoon dahil nagpadala ito ng instrumento upang mailigtas siya sa kapahamakan.
"This is all my fault. Nagkaproblema sa ospital kaya hindi kita nasundo. Kung hindi dahil kay Aki ay baka napahamak kana. Thanks God, hindi malalim ang sugat at hindi na kailangang tahiin. I'm sorry," it was her Kuya Harold. Pagsisisi ng lumarawan sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Ang mga kamay ay nasa kanyang pisngi at masuyong humahaplos.
"Okay lang ako, Kuya Harold." Malumanay ang kanyang tinig at nakangiti sa kapatid.
Bumuntung-hininga ito at inalayan siya ng halik sa tuktok ng kanyang ulo bago tumayo. "You take a rest."
Nilapitan ni Harold ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanilang magkapatid habang katabi si Nanay Caring.
Mabuti nalang at natutulog na ang kaniyang mga magulang. Baka makalala lang sa kanyang ina kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya kani-kanina lang.
Isang huling sulyap ang ibinigay niya kay Achilles, nagkasalubong pa ang kanilang mga mata, bago niya pinanhik ang kanyang silid kasama ang katulong.
The familiarity she felt towards the man was still a mystery to her.
PAGKAPASOK ni Achilles sa kanyang bahay na katabi lang ng bahay ng mga Laurencio ay dumiretso siya sa kanyang silid.
Pumasok siya sa banyo at tumapat sa dutsa nang hindi inaalis ang kasuotan. Nakatukod ang kanyang kamay sa dingding habang nakayuko ang ulo at wala sa loob na nakatutok ang mga mata sa tiled floor kung saan dumadaloy ang tubig mula sa kanyang katawan na naging kulay pula.
Dumako ang kanyang kamay sa kanyang tagiliran kung saan nagmumula ang pulang likido na iyon.
Nakaramdam siya ng kirot bagaman hindi ganoon kalala. Nadaplisan siya ng saksak mula sa kutsilyo ng mga lalaking naka-engkwentro niya kanina. Sa lahat nang mga tamang natamo niya sa giyera ay daplis lang kung maituturing ang pagkakasaksak sa kanya. He had been a lot worse, a near to death experience.
Nakuyom niya ang kamao nang maalala ang babaeng tinulungan niya kanina mula sa kamay ng mga masasamang loob na nagkukuta sa kagubatang malapit sa kanilang subdivision. Sinong babaeng nasa tamang pag-iisip ang maglalakad sa madilim na kalsada sa kalagitnaan ng gabi? Kung hindi pa niya naisipang hintuan ang taxing nasiraan sa may kanto ay hindi niya malalamang may isang walang isip na dalaga ang maglalakad mag-isa sa ganoong oras sa gitna ng dilim.
Sa ganoong kalagayan ay isa pa uling mukha ang pumasok sa gunita ni Achilles. Ang kanyang namayapang asawa. Naaalala niya ang kanilang unang pagkikita. She was being harassed by their schoolmates in the university they've both attended to in college. Pinagsisihan niyang nakialam siya nang sandaling iyon. Kung hindi sila nagkakilala ay hindi sana ito mawawala sa mundo nang ganoon nalang. She deserve to live a long life. But she didn't, and it was because of him. Nadamay pa ang anak nilang walang kamalay-malay.
Marahas niyang ipinilig ang ulo at tinapos ang paliligo.
Itinapis niya sa pang-ibabang katawan ang isang tuwalya at kinuha ang kanyang medicine kit. Nilinis niya ang sugat at nilagyan ng gasa pagkatapos.
Nang mailigpit ang mga gamit ay kinalkal niya ang personal ref na nasa loob ng kanyang silid at naghanap ng puwedeng makain. Wala siyang kinain sa party na pinuntahan dahil agad din siyang umalis upang umuwi. Nang walang mahanap doon ay dinampot niya ang isang lata ng beer.
Naglakad siya patungo sa kanyang balkonahe at lumabas. Napakunot ang kanyang noo nang muling makita ang babaeng kamuntikan nang mapahamak kanina. Pamilyar ang mukhang iyon at alam niyang nakita na niya ito sa kung saan man ay hindi niya maalala.
Sumandig siya sa pader at pinagmasdan ang ginagawa nito habang tinutungga ang beer na tangan.
Si Margareth ay nasa balkonahe rin na kanugnog ng kanyang silid ng mga oras na iyon. Nakatalungko siya sa isang pusa na kumakain. Nahuli niya itong nangunguha ng pagkain sa kanilang kusina.
"Sa susunod 'wag kanang manguha ng pagkaing hindi sa 'yo, bibigyan naman kita. Saan ka ba nakatira?" Kausap niya sa hayop na tila ba sasagot iyon sa kanya. Naniniwala siyang may dahilan ang mga kagaya nito kung bakit nangunguha ng pagkain. Kung may mga mabubuting loob lang sana na magbibigay sa mga ito ng pagkain at mag-aalaga ay hindi na sila magnanakaw ng pagkain ng iba.
Hinaplos niya ang mabalahibong pusa kasabay nang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit may mga naliligaw ng landas ay mayroon paring mga mabubuting tao sa mundo. Kagaya ng nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan.
"Alam mo ba, may mabuting lalaki na tumulong sa akin kanina. He was sent by God to save me from harm."
Achilles snorted when he heard what the woman had said. He threw a boring look in her direction.
Nagtaas ng tingin ang dalaga mula sa pusa patungo sa balkonaheng katapat ng sa kanya nang marining ang pag-ingos ni Achilles. Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ang kabuuan nito habang nakasandig ito sa pader.
Nakatingin sa kanyang direksiyon ang lalaki na tangan ang isang lata ng beer at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa hubad na katawan. Nai-eskandalong mabilis siyang pumihit patalikod at pumasok sa loob ng kanyang silid.
Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ni Achilles dahil sa pagkamangha. Nanatili siyang nakatayo sa malamig na balkonahe at itinuon ang mga mata sa kalangitan habang inuubos ang beer. Ilang sandali siyang nakatayo roon habang blangko ang isipan na nakatuon sa itaas.
After a couple of minutes, he was about to step inside his room when the cat jumped to his balcony from the opposite direction. The cat hissed at him, showing its sharp teeth and claws. Nakipagtitigan siya rito at walang anu-ano'y malakas na sinapa ang pusa na nahulog mula sa kanyang balkonahe at diretso sa mga halamanan ng kanyang kapitbahay.
DINIDILIGAN niya ang mga magaganda at malulusog na alagang bulaklak ng kanyang ina. She was humming a beautiful melody with a smile on her face. It was a beautiful day, hindi masakit sa balat ang sikat ng araw at masaya siya nang magisnan ang ina sa kanyang silid. Masayang-masaya rin ito nang malamang dumating siya kagabi.
"Ang gaganda niyo naman!" Sinamyo niya ang mga bulaklak at maingat na kinuha ang mga tuyong dahon. "Ang bilis niyong lumaki!"
Walang kamalay-malay ang dalaga na may mga matang nakatutok sa kanya mula sa kabilang bakod. Hindi kagaya ng kagabi, tasa ng kape ang hawak niya ng oras na iyon. Napailing-iling si Achilles nang makita ang ginagawa nito. Ang hilig nitong makipag-usap sa mga bagay na hindi naman sumasagot. The woman must be nuts.
Hindi niya maiwasang hindi pagmasdan itsura nito. Maganda ang dalaga bagaman wala marahil itong hilig sa mga damit. Nakasuot ito ng mahabang palda na abot hanggang sakong. May nagsusuot pa pala ng mga ganoong damit sa mga kababaihan ngayon? Biglang kumudlit sa kanyang isipan ang isang pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan. "No way!" bulong niya ng wala sa loob.
Sa pagkatitig rito ay bigla niyang maalala na may nabanggit si Mrs Laurencio tungkol sa anak nitong pumasok sa kumbento. Ito marahil ang anak na nabanggit ng ginang. That explained the modest dres' code. And now he was certain that she was the woman he met three years ago when their unit accompanied the volunteers to the mountain for their outreach mission.
"Sinong masamang tao ang gumawa sa 'yo nito?" kausap nito sa pusang sinipa niya kagabi na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Masamang tao? Yes, that's me, he thought bitterly.
Si Margareth ay masuyong tiningnan ang gasgas ng pusa sa mga paa. Kagabi ay maayos pa ito, may mga masasamang loob sigurong nanakit dito. "Halika, papakainin kita. I won't hurt you, I promise."