Sanford Series 1 Chapter 35

SUMALUDO siya sa opisyal bago lumabas ng opisina nito. Sandali lang ang itinagal niya doon nang kausapin ito tungkol sa muli niyang pagle-leave sa trabaho. Well, he had a daughter to take care to and he cannot let his neighbor took care of his daughter all the time.

Mabilis ang pagmamaneho niya sa kanyang motorsiklo. Nang madaanan ang SC ay tumigil siya ro'n at naisipang tingnan ang kanyang kapatid. He wanted to know how Apollo was holding on. Hindi naman siya sinisisi ng kapatid dahil dito naatang ang lahat ng trabaho sa opisina. Subalit alam niyang may mga pagkakataong gusto siya nitong murahin dahil sa pagtalikod niya sa kompanya.

Tatlo silang mga anak ni Alexander Sanford, he, Appolo and Adonis who was a jet-setter. He loved to travel from town to town and race like it was the end of the world. He barely got intached with Adonis, he doesn't come home very often. Kung hindi pa siguro hilingin ng ina nila ay hindi ito magpapakita ng personal, sa mga magazine at billboard lang nila ito kadalasang makita. Maihahalintulad din naman siya sa kanyang bunsong kapatid, ang kaibahan nga lang ay nandito siya sa Pilipinas at sadya ang pag-iwas niya sa kanyang pamilya.

He groaned silently when he felt that many pairs of eyes were fixed on him. He doesn't like attention, ngunit sino ba naman ang hindi mapapatingin kay Achilles kung siya lang ang naiiba sa mga naroon. Everyone was in their business attires, while he, was wearing his camouflage pants, his combat shoes and leather jacket.

He even heard some who were gossiping about him being a Sanford. He doesn't go out in public and his affiliation with the Sanford Corporation was unheard of. As the eldest son of Alexander and the eldest grandson of the late Chairman Alessandro Sanford, he was supposed to be the heir of the company, the heir to their throne. But Achilles had no interest in the company or business per se since the beginning.

Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob at hanggang sa makarating sa elevator ay walang pumigil sa kanya. Pinindot niya ang ika-dalawampung palapag kung nasaan ang opisina ng kanyang kapatid. Hindi siya nag-iisa sa loob at ramdam niya ang mga mata ng ibang mga nakasakay roon na nakatutok sa kanya. He wanted to snarl at them but he reign his irritation firmly.

Nang tumigil sa isang palapag ang elevator at bumukas ay nagsalubong ang mga mata nila ng babaeng papasok. Dahil nasa pinaka-unahan siya ay madali niya itong nakita.

Sandali lang ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ng babae at agad ding ngumiti sa kanya. Achilles recognizes the woman, she was with Apollo that night when he attended the eightieth anniversary of Sanford Corporation.

Pumasok ito at tumayo sa kanyang tabi. He boredly placed his arms around his torso and mentally cursed the elevator for being too slow. From the wall of the elevator, he can clearly see his reflection and the woman who was smiling and looking at him through the elevator wall.

Bitch!

Nang lumabas ang dalawang empleyado sa fiftienth floor ay naiwan silang dalawa roon ng babae.

"You're Achilles, Polo's older brother, right? I'm Christie."

I don't care! Achilles wanted to shout to her face. He ignored her and she was shrewdly enough to shut her mouth. He even saw her shrugged from his peripheral vision.

Nang tumigil ang elevator sa ikadalawampung palapag ay inunahan na niya itong lumabas, mukhang doon din ang tungo nito. At tama nga siya, nakasunod sa kanya ang babae.

Wala ang sekretarya sa lamesa nito kaya tuloy-tuloy sana siya papasok nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at lumabas mula roon ang isang babae na walang emosyon ang mukha, bagaman ay ramdam niyang galit ito.

"What a rude, bitch!" rinig niyang sabi ng babaeng nakasunod sa kanya.

Pumasok siya sa loob at nakita ang kapatid na nakaupo sa swivel chair nito at nakayuko habang nakasabunot sa buhok.

"Sir, I brought the report you ask me," pukaw ni Christie kay Apollo.

"Just put them there and get the hell out of here!" singhal nito nang hindi pa rin nagtataas ng tingin.

Nilakad ni Achilles ang patungo sa salaming dingding kung saan kita ang kabuuan ng siyudad. Hindi pa rin siya napansin ng kapatid hanggang sa makalabas ang babaeng kasunod niya kanina.

"Fuck!"

"Fuck yourself," he uttered amusedly. He remembered Apollo saying that same line to him.

Agad itong nag-angat ng tingin at nagulat nang makita siya roon.

"Does women gave you a hard time?"

"Fuck you! Those woman are witches, especially my senior manager. She's unbearable."

"Your senior manager?" he teased, the possessive pronoun he used didn't slipped his hearing. "Should I say sorry for giving all the responsibilities to you?" he asked seriously this time.

"Oh shut up! I already killed you inside my head, fucker!"

Achilles shrugged and his mouth slashed in a dry smile.

Nakita niyang naglabas ito ng isang bote ng wine mula sa pang-ibabang cabinet ng executive desk nito. Naglabas din ng dalawang wine glass at sinalinan, kapagkuwan ay lumakad patungo sa kanyang direksiyon. Ibinigay nito sa kanya ang isang kopita ang namulsa habang nakatutok ang mga mata sa labas ng salaming dingding.

Namayani ang katahimikan sa mga sumunod na segundo. Pareho silang nakatingin sa labas habang sumisipsip ng alak sa kopita.

Achilles gave out a rough sigh and swirled his wine glass. "I'm really a fucker for letting all the burden to you, huh... I'm sorry, Man, this is my reality and being a soldier is my... destiny," he muttered blandly.

"So am I, brother, so am I."

They sighed in unison.

PAGPASOK ni Achilles sa bahay ng mga Laurencio ay agad niyang nakita si Margareth at ang tatlong batang payapang nakahiga sa futon bed at natutulog.

Napagod marahil ang mga ito sa kakalaro. Maging ang dalaga ay nakikipaghabulan sa mga pamangkin nito at kay Brianna kanina. He knew because the moment he arrived there earlier, he was watching them from a distance while they were playing.

Nakaramdam siya ng kaginhawaan dahil nandoon si Margareth at mabuti ang trato nito sa kanyang anak. Mula nang araw na magkakilala ang dalawa ay hindi na gustong humiwalay ng bata rito. His daughter was fond of her. Who wouldn't be if she always had that smile on her face?

Hindi niya namalayang ilang sandali na siyang nakatingin sa mga ito, partikular na sa dalagang pinagigitnaan ng mga bata.

Tinig ni Mrs. Laurencio ang pumukaw sa kanyang nahihipnotismong diwa. Binalingan niya ang matanda na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanyang direksiyon.

"Have you eaten? Halika sa kusina at naghanda ako ng merienda."

Sumunod si Achilles kay Sally papasok sa kusina at naupo sa isang upuan. Lihim siyang napangiwi nang makita ang nakahain sa mesa. Mga matatamis na pagkain ang mga nandoon at hindi niya kinahiligan ang pagkain ng mga ganoong pagkain.

He took a spoonful of the cake she gave him out of respect. She was looking at him and apparently waiting for his reaction or his feedback.

Hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang lasa niyon. Hindi iyon masyadong matamis. Nagustuhan marahil ng matanda ang reaksiyon niya dahil mas lumawak ang pagkakangiti nito.

"This is my daughter's favorite. Back in the old days, I always bake her cookies and cakes. She loves them. Ngayon lang uli ako nakapagbake para sa kanya. Pinili niyang pumasok sa kumbento and I couldn't stop her. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na iyon sa—" The old woman stopped in mid-sentence and sighed. Si Achilles ay matamang nakikinig sa matanda, and he was intrigued a little bit. No! Not really little, he wanted to hear her talk about her daughter. "I want to be selfish, no, I am selfish even before, I want her here. I don't want her to go back to the convent. I hope that there is someone who could stop her from going back."

Umiwas ng tingin si Achilles dito nang mataman itong tumingin sa kanya. Nang dumako ang kanyang mga mata sa bungad ng kusina ay nakita niya roon si Margareth na nakatayo at nakayuko ang ulo. She must've heard what her mother had said.

"Oh, come here, Dear. You taste my cake and the cookies," ani Sally nang makita ang anak na dalaga na nakatayo sa bungad ng kusina. Naglakad papasok si Margareth at naupo katabi ang kanyang ina. "Eat, this is all your favorite," anang matanda na hinaplos haplos ang mahabang buhok ng dalaga. "I'm gonna check on the kids. You two, stay here and eat."

Tumayo si Sally at iniwan ang dalawa sa loob ng kusina. The silence filled the kitchen when the old woman was out.

Ang mahihinang buntung-hininga ni Margareth at ang tunog ng kutsara at pinggan ang tanging maririnig.

Sumadal si Achilles sa sandalan nang kinauupuan at nakahalukipkip na tinitigan si Margareth na panay ang buntung-hininga na tila ba may bumabagabag dito.

Hindi napansin ni Margareth ang mga matang matamang nakatutok sa kanyang direksiyon dahil nakayuko siya sa kanyang kinakain at may gumugulo sa kanyang isipan.

"That was the nth time that you sighed. Something's bothering you?" Achilles can't help himself but be nosy.

Nagtaas ng tingin si Margareth at namula ang kanyang mga pisngi nang mapagtantong nandoon pala si Achilles at hindi siya nag-iisa roon.

"May iniisip lang ako," sagot niya sabay subo ng cake na nasa kanyang plato. Pagkalunok ng kinakain ay muli na naman siyang napabuntung-hininga. Ibinaba niya ang kutsara at napatingin sa binatang kaharap.

For Achilles, everything went haywire when her troubled eyes stared at him straightly. This was the first time that he saw her like this, she always had those bright smiles and glowing eyes. But now, all he can see in her dark orbs are bewilderment and anxiousness. It's bothering him, big time!

"Is there a point in your life that you are torn between two things? And you started to doubt yourself if you really deserve one of the choices. Feeling mo hindi ka naman karapat dapat doon sa isang bagay kasi kung buo talaga ang loob mo ay bakit 'yon naging isa sa mga choices, bakit may kahati? If it is really the thing that you love and desire to have, then why hesitate? You should've made your choice from the beginning and not get swayed. But why?"

Lalong nag-init ang pisngi ni Margareth nang makitang nakatitig lang sa kanya ang lalaki habang nakahalukipkip. Tila ba tumatagos ang mga titig ni Achilles sa kanyang pagkatao dahil sa intensidad ng mga mata nito.

"Are you talking about yourself?" nakataas ang isang makapal na kilay na anito.

"Ganoon ba kahalata?"

"You are an open book, Margareth Laurencio," Achilles said and he's right. Hindi magawang itago ni Margareth ang kanyang emosyon at ang nararamdaman para sa ibang tao. She was indeed an open book. Napakadali niyang basahin.

Hindi mahanapan ng sagot ni Margareth ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib habang magkahinang ang kanilang mga mata. Hindi lang ng mga oras na iyon huramentadong tumatahip ang kanyang dibdib, maging sa mga nakaraang araw na nakikilala niya si Achilles.

Tila ba nahahalina siya sa mga mata nitong puno ng kalungkutan. Nais niyang makita ang mga iyon na sumigla at kuminang sa kasiyahan. Ni ang pagngiti ay hindi nito nagagawa, kahit minsan man sa loob ng halos dalawang buwan ay hindi niya ito nakitang ngumiti ng totoo.

Achilles was a good man, she's a living testament, he had saved her many times. Man like him deserve happiness and she will do everything she can to see him smile. A true smile for that matter. It must be what God's wanted her to do, bring back the life in his eyes.

Tumaas ang kamay ni Achilles patungo sa mukha ni Margareth. Napapitlag ang dalaga ng lumapit ang mga daliri ng binata sa kanyang balat. His thumb finger wiped the smudged of the icing in the side of her lip. She almost trembled in anxiousness.

Napalunok si Achilles habang nakatingin sa mapupulang labi ng dalagang kaharap. May mga eksenang naglalaro sa kanyang isipan kaya mabilis na inalis niya ang kamay sa mukha nito.

The air was filled with an awkward silence. Itinuloy ni Margareth ang pagkain ng paborito niyang cake habang si Achilles ay dinampot ang baso ng juice sa kanyang harapan na muntik na niyang maibuga nang malasahan ang tamis niyon.

Walang sali-salitang tumayo si Achilles mula sa pagkakaupo at humakbang palabas ng dining room ngunit tumigil siya sa paghakbang bago pa man siya makalabas.

He turned around and face her direction while both of his hands were in his pockets. "Thank you for looking after Brianna."

Nag-angat ng ulo si Margareth patungo sa direksiyon ng kinatatayuan ni Achilles. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga na lihim na pumigil sa paghinga ng binata. "Walang anuman."

Mabilis na tumalikod si Achilles at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinahihigaan ng kanyang anak. Maingat na kinarga niya si Brianna upang hindi ito magising at ang dalawang batang katabi nito.

Naglakad siya palabas sa bahay ng mga Laurencio at pumasok sa kanyang sariling bahay.

Inilagak niya si Brianna sa higaan, inalayan niya ng isang halik ang noo bago lumabas sa silid nito at pumasok sa kanya.

Umupo si Achilles sa dulo ng kanyang kama habang nakatutok ang mga mata sa pader. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang isang mukha. Margareth's smiling face and eyes that glows.

He's doomed! 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.