Sanford Series 1 Chapter 36

"INIWAN mo na naman ang anak mo?" It was more of a statement than a question coming from his cousin Elize Niccola.

Hindi niya pinansin ang kanyang pinsan at seryosong kinulikot ang makina ng sasakyang kanyang inaayos. Ngunit sadyang madaldal si Niccola at hindi niya ito mapipigilan sa lahat ng mga gusto nitong sabihin. She's the noisiest person he ever knew and no one can compete with her persistency. Buti napagtitiisan ito ng kaibigan niyang si Mason

"I'm getting more and more interested in this Margareth woman. What does she look like? She must be very friendly knowing that Brianna is picky. And they were inseparable you say? I am dying to meet her..." Napasimangot si Niccola nang makitang hindi siya pinapansin ni Achilles. She was really curious about the woman named Margareth. Kung hindi pa nito aksidenteng nabanggit ang pangalang iyon ay hindi niya malalaman ang pangalan ng babaeng gumugulo sa isipan nito. She rolled her eyes and her pout turned into a grin when she thought of something wicked to taunt him. "Okay! I'm going to your house. She's your neighbor, right? I could—"

"Leave the woman alone, Elize Niccola Villarama! You—"

"Correction! It's Elize Niccola Clarkson!" putol ni Niccola kay Achilles habang nakangisi. Ipinakita pa niya sa pinsan, na magkasalubong na naman ang makakapal na kilay, ang daliring may singsing.

"The hell! Just leave Margareth alone. The novice cannot handle you. You are—" hindi na itinuloy ni Achilles ang sasabihin at napapailing habang nakatitig rito. Magkaiba ang personalidad nito at ni Margareth at maaaring matakot ang huli sa pinsan niya. He knew her too well since they were kids.

"What novice? A neophyte of what? Novitiate? In a nunnery?" Nakumpirma ang katanungan ni Niccola ng hindi sumagot ang binata. Knowing that Margareth was a novice excites her more than she already was. May naaamoy siyang kakaiba sa pinsan niya kapag napag-uusapan si Margareth. Maybe that girl could bring back the happiness in her cousin's eyes. Niccola was hopeful. "Oh! This is incredibly interesting. I love her already."

"Whatever you say!" Isinara ni Achilles ang hood ng sasakyan at pinunasan ang kamay na may grasa bago pumasok sa silid na nakalaan sa kanya roon. Hindi niya nagustuhan ang kislap ng mga mata ng kanyang pinsan. Elize Niccola can be very mischievous.

MAINGAY sa loob ng bar at patay sindi ang ilaw sa paligid. May mga lalaki't babae ring nagsasayaw sa gitna ng dance floor na tila ba wala ng bukas. If groping, grinding each other's crotch, and lapping each other's lips like wild animals are categorized as dancing, then that was one hell of a dance.

Hindi pinansin ni Achilles ang mga titig ng mga kababaihan sa kanyang direksiyon at naglakad patungo sa kinauupuan ng tatlong lalaking nasa isang sulok at nag-iinuman.

Pagkalapit ay umupo siya sa tabi ng pinsang si Lucas na kakambal ni Niccola. Inabot niya ang beer na ibinigay ng kapatid na si Apollo at agad iyong tinungga. Ilang buwan din siyang hindi nakapunta sa isang bar at uminom hanggang sa umikot ang kanyang paningin dahil sa kalasingan.

Sa mga unang buwan mula nang mamatay ang kanyang mag-ina ay ibinuhos niya sa alak ang lahat ng kanyang oras. Drinking helps him forget for a while. Marahil ay nabaliw na siya kung walang alak ang nandoon ng mga panahong siya'y nagluluksa.

He had stopped drinking to death when Niccola knock him off of it. May isang pangyayari rin na kamuntikan na siyang masibak sa trabaho dahil sa sa paglalasing. He decided to stop and drink in moderation.

Mapait na ngumiti si Achilles sa pagka-alala sa kanyang dating asawa at anak. Sunod-sunod ang tungga niya sa alak na ikina-iling ng kanyang mga pinsan.

"I will sue that woman for shaming me in front of the board!" It was Apollo, his face became hard in anger. Mabilis nitong tinungga ang alak at muling sinalinan ang baso.

"Will you, really? On what ground?" Red asked with a smirk on his face.

"You tell me! You're my lawyer! How dare that woman defies me, she's a witch! I will fire her!"

Tyson Red tsked and the other two men shook their heads in amusement.

How many times did his brother said those words? Achilles lost his count. He cannot fire the woman because she was significant to the company, and maybe to him?

"How about you date, Sabrina, Boss?" tanong ni Tyler kay Apollo na nakangisi nang makalapit ito sa kanilang direksiyon mula sa dance floor.

Sandaling kinuyumos ni Tyler nang halik ang babaeng kasama mula sa pagsasayaw. He was the younger amongst them and he was the wildest.

"Laters baby!" anito sa babaeng kahalikan, pagkatapos niyon ay agad na lumakad paalis ang babae na may isang nasisiyahang ngiti sa mga labi.

Umupo si Tyler katabi ang nakakatanda nitong kapatid na si Red at dumampot ng alak. "You should loosen up, cousins, bro. Napaghahalataang tumatanda na kayo," nakangising saad ni Tyler sa malakas na boses. "And you, Boss, you should date Sabrina instead. You'll make a good match. Cold plus serious equals romance, you'll melt each other's defenses."

"If you won't submit the report tomorrow that I ask you yesterday I'll transfer you to Mr. Valencio's office," Apollo said in a dangerous voice.

"Oh, come on! Give me a break. Ubos na nga ang lakas ko dahil sa inyung dalawa ni Sabrina tapos ililipat mo pa ako sa opisina ng matandang iyon?! No fucking way! I will just resign and party like a mad man!"

"Okay," Apollo answered nonchalantly. "I will tell Uncle Ashton—"

"I already finished writing the report, Boss. It'll be on your table first thing tomorrow morning. And you should not marry Miss Sabrina, she's too cold. Baka malamigan ka, Insan."

"You're a dick, Tyler!" hindi maiwasang komento ni Achilles sa nakababatang pinsan. Matigas ang ulo nito at mapaglaro ngunit takot ang pinsan niya sa ama nito.

Bumaling si Tyler sa direksiyon ni Achilles nang marinig ang komento ng huli at ngumisi rito. "I overheard Tara and Niko talking about a certain woman in your life. What was her name again? Margie, Marian—no its Margaux... Oh fuck, I forgot the name."

Sinamaan ng tingin ni Achilles si Tyler na agad na nag-iwas ng tingin nang makita ang matatalim niyang mga mata.

He gulped the beer in his hand and emptied the bottle easily. He picked another one and do the same thing. Hindi niya pinansin ang mga nagtatanong na mga mata ng kalalakihang kasama niya. Naging sunod-sunod ang kanyang pag-inom dahil sa isang mukhang pumasok sa kanyang isipan. She was smiling brightly and her eyes were sparkling. He wanted to punch Tyler's face for reminding him of that woman.

He tried to think about his late wife and son and embraced the pain, guilt and anger. But he failed. Hindi mawala wala sa isipan niya ang mukha ni Margareth.

Ilang sandali pa ay bagsak na si Achilles sa dami ng naimon. Lungayngay na ang ulo nito sa lamesa sa dami ng alak na naubos. "Margareth," mahinang bulong ni Achilles sa pangalan ng dalaga.

"Ano daw?" Inilapit ni Tyler ang tenga sa bibig ni Achilles upang marinig ang binubulong nito. "Ma-Margie... no... it's... Margareth! It's Margareth! Do you know her?" Tanong nito sa ibang kasama na ikinilig ang mga ulo.

"It's a good thing to hear him say another name," saad ni Lucas na kanina pa tahimik. Tumango ang iba sa pagsang-ayon. Sanay na silang sa tuwing nalalasing si Achilles ay dalawang pamilyar na pangalan ang palagi nitong sinasambit. But now it's Margareth, whoever that woman was, she must've grown on Achilles.

NAGISING si Margareth mula sa kung anong ingay na kanyang naririnig. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang batang payapang natutulog sa kanyang tabi. Hindi niya namalayang nakatulog din siya habang pinapatulog niya si Brianna.

Binasahan pa niya ito ng pambatang libro. Buong araw silang magkasama ng bata, kaninang umaga ay nagisnan niya ito sa kanyang silid nang magising siya. Naalala pa niya ang mukha ni Achilles kanina na walang magawa sa gustong mangyari ni Brianna. But she assured him that it was okay, Brianna can come to her anytime. She knew that he needed a hand for taking care of his daughter.

Maingat na binaklas niya ang mga kamay ng bata na nakahawak sa kanyang braso nang muling makarinig ng kalabog sa labas. Dahan dahan siyang umalis sa pagkakahiga at lumakad palabas ng silid.

Pagkalabas niya ay agad niyang nakita si Achilles na pasuray-suray kung maglakad habang paakyat ng hagdan. Mabilis na lumapit siya rito at tinulungan ito sa pag-akyat.

Napangiwi si Margareth nang maramdaman ang bigat ni Achilles habang akay ito sa pag-akyat. Malaki itong tao at maliit lang siya, halos mapisa siya ng katawan nito. Ilang sandali ang binaling bago sila nakapasok sa silid nito.

"You!" bigla nitong saad habang nakaduro sa kanya ang isang daliri. "W-why are you here?" he asked in his drunk state. "You're a leech!"

Nanlaki ang mga mata ni Margareth at hindi agad nakahuma sa pagkabigla nang itulak siya ni Achilles sa malambot na kama at idinagan ang buong bigat sa kanyang katawan. Lumubog siya sa kama at hindi na halos makahinga.

"Leave me alone!" sigaw nito at siniil ng halik si Margareth. Mas lalong nagulat ang dalaga at tila nablangko ang kanyang isipan sa ginawa ni Achilles. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin.

Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo ng binata at nakatulog dahil sa kalasingan. Lalong nadagdagan ang bigat nito sa kanyang katawan na ikinangiwi niya. Buong lakas niya itong itinulak paalis sa pagkakadagan sa kanya dahil pakiramdam niya ay mapupugto na ang kanyang hininga anumang sandali.

Nanginginig ang mga tuhod na tumayo siya at tiningnan si Achilles na naghihilik na habang nakatihayang natutulog sa ibabaw ng kama. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi habang nakatingin dito. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso at nanghihina ang kanyang tuhod dahil sa halik na iyon. Iyon ang unang beses na may nangahas na halikan ang kanyang mga labi.

Wala sa sarili na lumabas si Margareth sa bahay ni Achilles at umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang. Dumiretso siya sa kanyang silid at humiga sa malambot niyang kama habang nakatutok ang mga mata sa kisame.

Ilang minuto siya sa gaanong posisyon at nanatiling nakahawak sa mga labi. Walang ibang nasa kanyang isipan kung 'di ang halik na ipinaranas sa kanya ni Achilles. It was a savage kiss but why does it have that effect on her? Maybe because it was her first kiss?

Pagkalipas ng ilang sandali ay lumuhod siya sa ibabaw ng kanyang kama, ipinagdaop ang mga kamay at ipinikit ang mga mata.

Inihingi niya ng tawad sa panginoon ang kanyang pagkakasala. Ang pagdantay ng kanilang mga labi ay hindi dapat nangyari ano man ang sirkumstansiya no'n. Isang pagtataksil ang ginawa niya at lalo siyang nakaramdam ng usig ng damdamin nang aminin niya sa sarili niyang nagustuhan niya ang paglapat ng kanyang mga labi sa mga labi nito.

Iyon na siguro ang sagot sa kanyang mga katanungan? Hindi siya karapat-dapat na magsilbi sa panginoon kung nakakaramdaman siya ng ganoon sa ibang lalaki. Nahihiya siya sa panginoon dahil do'n. Sinumpaan niyang hindi magpapadala sa tukso ngunit ano itong nararamdaman niya ngayon? Hindi na dapat siya lumabas ng kumbento, isa iyong maling hakbang.

"Ano ang gagawin ko? Bigyan niyo po ako ng kasagutan, naguguluhan na ako." She badly needed an answer from him. She badly needed his guidance and she knew that he won't fail her. She just needs to wait, she will get her answer in no time.

Hindi magawang makatulog ni Margareth kaya lumabas siya sa balkonaheng kanugnog ng kanyang silid at tinitigan ang kalangitan habang nakaupo sa malamig na sahig. Makulimlim ang langit at walang makikitang kahit isang bituin, maging ang buwan ay natatakpan ng makakapal na ulap na nagbabadya ng pag-ulan.

Napatingin siya sa kabilang bahay, sa katapat na silid ng kanyang silid, at napakagat ng labi nang muling maisip ang lalaking natutulog doon.

Margareth waited until the heavy pour of rain hit the land. She got up and entered her room. She climbed on top of her bed and covered herself with the comforter. She uttered a short prayer and seconds later she fell off to a deep slumber. But until then, she wasn't able to get rid of him in her mind.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.