Sanford Series 1 Chapter 5

"UMAGA ako naglinis sa unit ni Ma'am Melissa. Wala namang masyadong lilinisin dahil hindi makalat si Ma'am. Pagkatapos kung maglaba ay nilinis ko ang banyo at lumabas na."

"Mabait ba si Dela Merced?" tanong niya sa may-edad ng babae.

"A-ah, eh, galante si Ma'am pero istrikto pagdating sa kalinisan. Hindi niya gustong may nakikitang madumi, kaya no'ng minsang nakalimutan kung hugasan ang nag-iisang baso sa lababo ay nasigawan ako ni Ma'am," hindi direktang sagot ng matanda, halata ang pagka-ilang sa itinanong ng dalagang pulis. Hindi nito magawang salubungin ang tingin ng mga pulis na kaharap.

"May napansin ba kayong kahina-hinalang tao na bumibisita sa kanya?" si PCMS Ramos.

Sandaling natigilan ang matanda at nag-isip. "W-wala naman akong napapansing gano'n. Kadalasan ay wala si Ma'am sa loob ng kanyang bahay sa tuwing naglilinis ako," anang matanda. Napakunot ang noo ng may mapagtanto. "Nitong mga nakaraang araw ay pansin kong iba ang mood ni Ma'am. Madaling magalit at iritable."

Pagkatapos nilang makausap ang cleaning lady ng namayapang aktres na dinayo pa nila sa bahay nito ay tumuloy na sila sa presinto.

"Kaninong bata ang nasa labas?" nakakunot ang noong tanong ni Niccola na ang tinutukoy ay ang batang babae na tahimik na nakaupo sa labas ng tanggapan nila.

"Kapatid ni Alonzo." Tukoy ng pulis sa lalaking siyang nakakita sa walang buhay na artista.

Sinundan niya ang pulis patungo sa observation room kung saan makikita ang pag-uusap ng pulis at ng witness sa loob ng interrogation room.

Ayon sa lalaki ay may relasyon ito at ang biktima. Sikreto ang naging relasyon ng dalawa at hindi alam ng madla. That explained the pictures she saw in the photo album of the deceased. "Bibisitahin ko sana siya kasama ang nakababata kong kapatid. Mahilig si Melissa sa mga bata. And she was fond of my Sarah. May access ako sa condo niya kaya malaya kaming nakapasok ni Sarah. I called her name but no one answered. I entered her room and she wasn't there. I searched the bathroom and... and..." Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin at napahagulgol.

Pinagmasdan ng dalaga ang miserableng anyo ni Alonzo. The pain and grief in his eyes were genuine.

"Hindi ba kayo nagkita kagabi? O dumaan man lang ba siya sa bahay niyo?" tanong ng pulis na mababanaag ang simpatya sa lalaking kaharap.

"Galing si Melly sa set kaya dumiretso siya pauwi. Hindi rin siya pumupunta sa bahay dahil baka may makakita. Yesterday, when I get home from work, I stayed inside the house until the next morning. She called me last night to say goodnight and I didn't think that it was the l-last time I would hear her voice."

Love sucks! Niccola thought at the sight of the man.

NAPAILING-ILING si Niccola nang mabasa ang mga mensahe mula sa kanyang ina. Nagpadala ito ng litrato ng isang lalaki at tinanong siya kung baka kursonada niya. Hindi na iyon bago sa kanya, bagaman alam na ng kanyang ina ang sagot ay hindi pa rin ito sumusuko na hanapin siya ng makakadate.

She was about to send a reply to his mother's message when her phone ran out of battery and shut down. She let out a soft sigh before putting her phone back in the pocket of her jogging pants.

Niccola yawned and leaned on the wall while waiting for the elevator. It was still on the basement two parking lot. It was almost midnight and she wanted to hit the sack. Kanina'y pinag-aaralan niya ang kasong hahawakan ng team nila kaya hindi siya agad nakakuha ng pahinga. Papatulog na sana siya nang mapagtantong wala na siyang gagamiting sanitary pads kaya lumabas siya sandali sa pinakamalapit na tindahan na bukas pa, bumili ng napkin kasama nang kape at instant goods na maaari niyang kainin kinabukasan dahil naalala niyang hindi pa siya nag-go-grocery at walang laman ang kanyang refrigerator at cupboard. Kaya heto siya ngayon, nag-hihintay ng elevator paakyat habang bitbit sa isang kamay ang supot na kinalalamnan ng kanyang mga pinamili.

Nasa loob siya ng condominium building kung saan naroon ang kanyang nabiling unit apat na taon na ang nakakaraan. Sa tuwing may mahahalagang assignment siyang pinag-aaralan ay roon siya natutulog sa condo niya dahil mas nakakapag-concentrate siya sa katahimikan.

Nang marinig ang pagtunog ng elevator, tanda nang bumukas na iyon sa kinaroroonan niya ay umalis siya sa pagkakasandal at pumasok sa loob habang humihikab.

Dahil nakatingin sa ibaba ay agad niyang nakita ang isang pares ng combat boots. Napangiwi siya nang maalala ang karanasan noong mga panahong nagte-training pa siya. Napakabigat ng mga ganoong sapatos, lalo pa't maputik. Noon ay may aksidente siyang naapakan na kasamahang trainee, namaga ang paa nito at hindi makalakad ng dalawang araw.

Mula sa maduming sapatos ay nagtaas siya ng tingin sa mga matitipunong hita na niyayakap ng pantalong suot. Agad na nangunot ang kanyang noo nang may maalala, biglang pumasok sa kanyang isipan ang lalaking nakita niya kanina sa opisina nila.

Her eyes climbed further to his upper body, his strong arms were wrapped around his chest while he was leaning on the cold elevator wall. Nang tuluyang makita ang mukha nito ay isang singhap ang kumawala sa kanyang dibdib nang makilala ito. Mason Scott Clarkson in the flesh, he was a meter away from her.

His eyes were directed at her and it was as cold and deep as the ocean in the pacific. She suddenly felt the urge to step closer in his direction and confirm if his sapphires were true. Or was he just wearing contacts? Hindi araw-araw na nakakakita siya ng taong may ganoong kulay ng mga ito, iilan lang sa mundo ang nagtataglay niyon.

One can tell at first glance that the man was a foreigner though his skin was fairly kissed by the sun.

Niccola was pulled back to reality and her mouth hung open when the elevator stopped moving and after a split second, the lights inside died.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nagsisimula na siyang magpanic. She never liked the dark, especially when she was confined in tight places like the elevator.

Noong bata bata pa lang ay hindi na siya komportable sa mga masisikip na lugar. She cannot breathe when she was in an enclosed space, with or without the lights. Subalit habang tumatanda ay nakakaya na niyang manatili sa isang masikip na lugar, basta ba hindi madilim.

According to her mother, Alessandra, her fear started when she was around four years old. Istrikto siya noong bata at umaaktong parang matanda. Sa madaling salita, maldita.

Nang malaman niyang nakipag-date ang kanyang ina sa ibang lalaki, nang mga panahong hindi pa ito nagkabalikan ng kanilang amang si Nick, ay nagtampo siya rito at nagtago sa loob ng attic. Hindi niya namalayang nakatulog siya habang nakaupo sa sahig. Kung saan-saan na siya hinanap ng mga kapamilya ngunit hindi siya makita ng mga ito.

Nang magising ang batang Niccola mula sa pagkaka-idlip ay namulatan niya ang madilim na kapaligiran. Wala siyang maaninag na kahit anong ilaw sa paligid at hindi niya magawang buksan ang pinto. Umiyak ang bata dahil sa takot. Normal lang marahil sa mga bata ang matakot sa kadiliman lalo na't nag-iisa siya ng mga oras na 'yon.

Ilang oras ang ginugol niya sa loob ng madilim attic hanggang madiskubre ng mga kapamilya ang kanyang kinaroroonan. Doon nagsimula ang takot niya sa kadiliman at masisikip na lugar.

She can hardly remember that particular event in her childhood but it affected her until now.

Kinapa niya ang cellphone na nasa bulsa ngunit napagtanto niyang wala na iyong baterya. Nang manikip ang dibdib ay napahawak siya roon

Kasabay nang paghahabol niya ng hininga ay ang pagkawala ng lakas ng kanyang mga binti kaya hinayaan niya ang sariling mapasalampak sa malamig na sahig at nabitawan ang hawak.

Get your grip, Niccola! she mentally screamed to herself.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mainit na kamay na humawak sa kanyang balikat. Ni hindi man lang niya narinig ang mga yabag nito papalapit. It's either because the man was trained or she was out of it because of her fear.

"Hey! Are you okay?" rinig niyang tanong ng malamig at malalim nitong boses. Hindi niya makompirma kung narinig niya nga bang talaga ang iritasyon mula sa tinig nito.

"L-lights," garalgal na usal ni Niccola habang sumisinghap.

"Well, I don't have one, woman! Now, breathe. Come on!" anito sa kanya sa tonong nang-uutos kasabay nang paghagod ng magaspang nitong palad sa kanyang likod.

Napahawak siya sa damit ng lalaki. Ang isa niyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso nito. Ang kanyang kuko ay bumabaon na sa balat nito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa damit at braso ng lalaki habang naghahabol ng hininga.

"Breathe. In and out... Come on. Slowly."

She felt relieved for some reason. Maybe because of his voice, though it was far from being gentle, the tone he used was similar to training officers in the training camp she went to. Or was it his scent, musky and billowing?

"That's it," bulalas nito na tila nagustuhan ang kanyang ginawang pagsunod dito.

Ilang minuto rin silang nakasalampak sa malamig na sahig ng elevator bago bumukas ang ilaw at muling umandar ang elevator.

"Are you okay now?" he asked.

Napamulagat si Niccola nang lumapat ang daliri nito sa kanyang pisngi at pinalis ang luhang tumukas mula sa kanyang mga mata. Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay agad naman nitong binawi ang kamay na tila napaso sa ginawa.

When she realized that she was gripping the man tightly, she released his shirt and arm from her grip. Gusot ang damit nito dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak kanina at ang braso ay namumula.

She gasped softly, did she just saw blood on it? Hindi niya masigurado dahil mabilis na itinago ng binata ang braso sa likuran.

When she looked at his face again, she wanted to shudder in coldness. The man maintained his poker face and he looked intimidating. But she was not the type that easily got intimidated, especially when it comes to a man and if it wasn't her superior. But for some reason unknown to her, those eyes were making her knees weak and it was new and alarming to her.

Hindi pa man nakakabawi ay pumalibot ang mga braso ng lalaki sa kanyang bewang at walang pasabing inalalayan siya pagtayo, tila siya isang magaang papel sa mga braso nito. "Can you walk?" he asked in a flat tone.

"Of course! Why can't I? Hindi ako imbalido!" angil ni Niccola sabay tulak rito kaya nabitawan siya nito.

Nakita niya ang pagsasalubong ng mga makakapal na kilay ng lalaki at dumiing lalo ang pagkakatikom ng mga labi at bahagyang gumalaw ang panga.

Niccola was embarrassed to a great extent, she was the type of person who doesn't want to be weak in front of other people, especially to the likes of him. This blue-eyed man just witnessed the other side of her, the vulnerable Niccola who feared the darkness. When the elevator opened, with long strides, she quickly went out. She needed to redeem herself and get out of his sight as soonest as possible.

"Okay nga lang ako kaya bitiwan mo na ang kamay ko!" singhal ni Niccola nang maramdamang pinigilan nito ang kanyang pulso pagkaapak na pagkaapak niya sa labas. Humarap siya rito habang magkasalubong ang kilay at marahas na binawi ang kamay.

Pinigilan ng lalaki ang muling pagsara ng pinto ng elevator, pagkatapos ay ipinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. "You drop something on the floor," he said, then tilted his head and looked at the things she bought just a while ago. Kapagkuwan ay umuklo ito at dinampot ang tumilapon na pack ng sanitary pads malapit sa kinatatayuan nito.

Mariing napapikit si Niccola kasabay nang pag-iinit ng kanyang mukha. Just kill me now!

Nang magmulat ay mabilis siyang humakbang muli papasok at hinablot ang kanyang napkin sa kamay ng lalaki. Mabilis din niyang dinampot ang ibang pinamili na sumaboy nang mabitawan niya ang supot kanina. Nang maipong lahat ay walang sali-salitang muli siyang lumabas. Binilisan niyang lalo ang paglakad nang maramdaman ang init ng mga mata nito na tila sinusunog ang kanyang likuran.

Nang makapasok sa loob ng kanyang unit ay marahas niyang itinapon ang dala sa ibabaw ng sofa at nanlulumong napaupo sa kanyang sahig.

Pagkaraan ng ilang sandali ay marahas siyang napabung-hininga, tumayo at pumasok sa loob ng kanyang silid na bagsak ang mga balikat.

KINABUKASAN, pagkagising ni PMSg Villarama ay nagmamadali siyang mag-ayos upang makapagtrabaho.

She bought a cup of coffee and bread at the shop nearby before taking a cab. Nagpahatid siya sa driver ng taxi patungo sa condominium ng namayapang aktres habang mabilis na kinakain ang binili.

Nang makarating ay pinakita niya sa namamahala ng lugar ang kanyang I.D at hiningi ang susi ng unit ni Melissa.

Wala ng bakas ng dugo sa loob ng banyo nang tingnan niya.

Nilibot ni Niccola ang bahay. Her instinct was telling her that there was something there. She searched the kitchen, the rooms, the receiving area but she found nothing suspicious. Madidismaya na sana ang dalaga nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang maliit na bagay. It was too small that she almost didn't notice it.

She was lucky to have seen that thing. Paanong hindi iyon nakita ng SOCO kahapon? It was neglection on their part. Kung siya lang ay napagalitan na niya ang mga ito.

Inilabas niya ang gloves at dinampot ang butones na nakita. Isinilid niya iyon sa transparent na lalagyan at muling ipinasok sa kanyang bulsa. Nang wala nang mahanap ay lumabas ang dalagang pulis sa unit.

Sa ilalim ng mainit na araw ay sinipat niya ang mataas na building sa kanyang harapan. Madali lang sanang mahanap ang suspek gamit ang CCTV camera's ng building. Isa pa iyon sa mga sirkumstansiya na nagpapatibay sa kanyang paniniwala na mayroong foul play. Walang footage na nakuha mula sa mga CCTV cameras ng araw na nangyari ang krimen. It was totally wiped out.

The whole surveillance camera of the building was out that day, from early in the morning to the dawn of the next. At least, that's what they know. How possible it was that someone deleted the footage, someone who was an expert in the field of technology?

Ang teorya ng iba ay may glitch sa system ng building kaya hindi na-save ang mga kuha ng kamera ng araw na nangyari ang krimen. What a huge coincidence it was! Noong araw pa talagang iyon nagka-error.

But in her job, she doesn't believe in coincidences, only logical circumstances.

Kung wala siyang makukuhang footage sa loob ay maaring makakuha siya sa labas!

Pinag-aralan niya ang nakapalibot na mga gusali sa paligid ng condominium. Malakas ang kanyang kutob na mahuhuli nila ang suspek sa mismong araw na iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.