RUSH hour kaya maraming mga pasaherong aligaga at nagmamadaling makarating sa trabaho. Sa loob ng tren ay siksikan ang mga nakasakay at nagkakabungguan na ang mga katawan.
When was the last time she rode a subway? Five years ago? Six perhaps? She can hardly remember. It was suffocating and it's making her sicker than she already was.
Ikinawit niya ang kanyang kaliwang kamay sa handrail habang nakatayo. Inilapat niya ang pisngi sa braso at napapikit.
Ilang minuto na siyang nakatayo nang maramdaman niyang may palad na dumantay sa kanyang pang-upo. Hindi na sana niya papansinin sa pag-aakalang hindi sinadya ang nangyari. Hindi maiwasang magsiksikan sila sa loob.
Subalit pagkalipas nang ilang sandali ay muling lumapat ang kamay sa kanyang puwet.
"Asshole!" mariing bulong niya nang muling himasin ng kung sino man ang kanyang pang-upo.
Sa gilid ng kanyang mata ay pinag-aralan niya ang mga katabing pasahero. When she caught the brute who was touching her behind, her hand on the rail tightened its grip and her teeth gritted in anger. She woke up in a bad mood and she got to encounter some groper! What a lucky day she had.
In one swift move, she grabbed the man's hand and twisted it. Napadaing sa sakit ang lalaki dahil sa kanyang ginawa. May mga malulutong na murang lumalabas sa bibig bukod sa daing nito dahil sa sakit.
Nagdulot ng komosyon ang ginawa niya dahilan upang lalong magsiksikan ang mga pasahero.
"Gago! Ang mga manyak na kagaya mo ang dahilan kung bakit natu-trauma ang mga babae. May puwet ka naman ba't ka nanghahawak ng puwet ng iba?! Ayusin mo ang buhay mo! The next time you will do this, we will meet in prison. Asshole!"
Marahas na pinakawalan ng dalaga ang braso ng lalaki at sumiksik sa mga nakiki-usyusong pasahero upang makalabas na mula ro'n. The train had stopped at her destination.
Mabilis siyang lumabas at baka hindi niya matantiya ang lalaking bastos. She hated people like him. Mga mapagsamantala. Ginagawa ang mga bagay na ikakasiya nila kahit pa may ma-agrabyadong ibang tao.
Nang makarating sa precinct nila ay nakasimangot pa rin si Niccola at magkasalubong ang mga kilay. Napuna iyon ng kasamahan sa trabaho na naka-agapay sa kanyang paglalakad. "Masama ang gising? Bakit nakasimangot ang prinsesa?"
"Don't ask me, Santos. Umiinit lalo ang ulo ko. And don't princess me! Sapakin kita riyan, eh!" Inirapan niya ang lalaki na ilang taon na niyang kasa-kasama sa trabaho at maituturing na niyang kaibigan sa tagal ng kanilang pinagsamahan.
The man playfully zipped his lips using his fingers.
"Ang aga-aga nakakunot na ang noo natin, ha, Villarama?" puna ng team leader nila na nasa late forties nito nang makalapit siya sa kanyang mesa. Maging ang iba nilang kasamahan ay napatingin sa kanyang direksiyon.
Pasalampak na umupo siya sa kanyang silya at marahas na napabuntung-hininga. "Pa'no kasi ang aga-aga may nakita akong bastos. I met some groper in the subway. Kung 'di ko lang napigilan ang sarili ko ay wala na siyang mga mata ngayon."
"Bakit naman mata? 'Di ba dapat yung kamay ang pinagtutuunan mo ng pansin?" tanong ng isa pa nilang kasamahang pulis na nakangisi.
"Mata ang nakakakita. Nakakita lang siya ng maganda at sexy sinunggaban niya agad. Dukutin ko kaya ang mata niya nang matauhan at ipakain sa mga pusang gala sa labas," aniya na ikinatawa ng mga kasamahang lalaki.
Niccola was the only woman on their team but she was completely comfortable with it. She got along well with the men. Some may pass as her older brother or a father figure to her.
Si Mason ay kanina pa nakaupo sa katabing cubicle ni Niccola bago pa man dumating ang dalagang pulis. Hindi napansin ni Niccola ang lalaki pagpasok dahil may nakaharang sa bawat mesa para mabigyan ng kaunting privacy ang isa't isa at makapag-focus sa trabaho.
So, the woman was a cop? Mason thought. That explains the skills she had shown last night when she knocked a man off. Namangha siya nang makita ang dalagang papasok sa tanggapan ng CIDG. She looked pissed and definitely in bad mood. The woman must have a terrible headache, he supposed. Kagabi lang ay nakita niya kung paano lagukin ng pulis ang basong may lamang alak na tila ba ordinaryong tubig lang ang iniinom nito.
Tumayo si Mason mula sa pagkakaupo na ikinagulat ni Niccola. She didn't notice the man when she arrived. He was towering her in her seat, he was probably in his six-foot and a few inches height.
Napakunot ang kanyang noo habang nakatingala sa lalaki. She didn't recognize the man. Ngayon lang niya nakita ang lalaking kaharap. And oh boy, he was tall and very masculine. Exactly her ideal type of a man. Makakapal ang kilay ng lalaki, matangos ang ilong nito at nagtataglay ng mapupulang mga labi na walang kangiti-ngiti. How can a man possess lips like his? The blue-eyed man was tall and sinewy. His body was built like those of the hardest brick there was. His hard chest was evident on his t-shirt and he was wearing tight old-faded jeans that hugged his legs like a woman.
"I'll go ahead," walang kaemo-emosyong sabi ng lalaki na nakatingin sa team leader. Kapagkuwan ay malalaki ang mga hakbang na lumabas doon.
Niccola got to see his strong thighs and firm butt before he vanished behind the door. "Who is that?" tanong niya kay Police Chief Master Sergeant Ramos na team leader nila.
"He is the son of the chief," sagot ng pulis.
"Our department chief?" Hindi niya alam na may anak palang gano'n ka misteryoso at katikas ang kanilang chief. But the man looks foreigner and their chief was a full-blooded Filipino!
"No. Not our department but the whole police force. He is the only son of the commander-in-chief of the PNP."
Napanganga si Niccola sa narinig. She did not expect that. What was the man doing at their precinct?
"And that's not it. I happened to pass by at the other department and they were talking about the man," Santos interjected then shared the things he overheard. Maging ang ibang mga kasamahan nila ay lumapit sa kanilang kinaroroonan at nakinig sa sinasabi ng binatang pulis. "Mason Scott Clarkson, thirty-three years old, single. A Filipino-American, Irish-Spanish. His mother was from Ireland and is half Spanish while his father-the PNP chief-is a Filipino-American. He was born out of wedlock and the only son of the chief."
"Tsismoso mo talaga, Santos," anang team leader at may inilapag na mga papeles sa harapan ng binatang pulis.
"Sir, nakaringgan lang," dipensa nito na napapakamot ng ulo. "Ah, meron pa pala. Here's what interesting, the man was formerly part of the US Navy Seal."
Lalo siyang namangha sa narinig. Maging ang iba ay gano'n din ang naramdaman. "A petty class officer?"
"Do not underestimate the man. It is rumored that he was a former platoon leader. He was a lieutenant commander."
"Wow!" Iyon lang ang nagawa niyang tugon dahil sa pagkamangha. It was hard to be part of the US Navy seal. And a lieutenant commander? He must be very tough and competent. "Why was he here though? Sir?" What was the man in his caliber doing in their crowded office?
"The commander-in-chief and our department chief are good friends," sagot nito na para bang nasagot niyon ang kanyang tanong. "Find a loophole or any lead on our case. Kung wala tayong mai-presenta sa itaas baka mawalan tayo ng trabaho," he said, dismissing their conversation.
"Yes, Sir," they chorus.
Bumalik silang lahat sa kanya-kanyang trabaho. Si Niccola ay pinagtuunan ng pansin ang mga dokumentong nasa kanyang harapan. May kaso sila tungkol sa isang serial killer na hindi pa mahuli-huli ng kapulisan. Pinag-aaralan niya ang paraan nito ng pagpatay at inaanalisa kung saan maaaring nagkamali ang suspek at posibleng mag-iwan ng bakas.
Kahit gaano pa ito ka-ingat sa paggawa ng masama ay meron at meron paring butas. Their job was to find it and catch the suspect. There's no perfect crime, only remiss and idle policeman. But she wasn't part of those irresponsible men in uniform, she was doing her job the way it should be done.
Nakuha ang atensiyon nilang lahat sa ulat na umiire ngayon sa telebisyon. Siya namang pagtunog ng kanilang telepono na sinagot ng isang pulis. Si Niccola ay nag-angat ng tingin mula sa dokumentong binabasa at itinuon ang pansin sa screen ng flat screen TV.
"Natagpuang patay ang kilalang actress sa loob ng kanyang apartment unit kani-kanina lang. Ayon sa nakakita, binibisita nito ang actress sa bahay nito. Nagulantang ang lalaki ng makita ang actress na nakahandusay sa tiled floor nang banyo at wala ng buhay. Para sa karagdagang detalye abangan ang susunod naming ulat. Magandang umaga."
"Sir, may bago tayong kaso," anunsiyo ng pulis na siyang sumagot sa tumawag.
PAGDATING palang sa condominium building na tinitirhan ng aktres ay makikita na ang kumpulan ng mga reporters sa labas at mga taong nakiki-usyuso. Hinigpitan ang security sa loob kaya hindi magawang makapasok ng mga ito.
"Anong nangyari?" tanong ni Police Chief Master Sergeant Ramos sa naroong SOCO personnel pagkapasok nila sa loob ng condominium unit. Nagsuot sila ng gloves at sapin sa sapatos.
Inilibot ni Niccola ang paningin sa kabuuan ng bahay. Malaki ang espasyo niyon at maganda ang pagkakadisenyo. Mahahalatang isang babae ang nakatira. May katamtaman ang laki ng kusina. Dalawa ang silid at may malawak na sala, ang glass wall ay nakatanaw sa abalang avenue.
Sumunod si Niccola papasok sa loob ng silid ng namayapang artista. Wala na roon ang katawan ng babae dahil naipasa na sa forensic team upang masuri.
Ayon sa inisyal na pagsusuri, base sa mga naunang nakalap na impormasyon, ay walang foul play na naganap. Ngunit hindi nila maaaring isantabi ang posibilidad.
Malinis ang loob ng silid at walang bakas na makapagsasabing may nangyaring pagpatay. But there was always something more to it that the eyes can't see in a glance. And their job was to disclose the true story behind someone's death, especially in an unusual demise.
"Ayon sa nakakita ay naabutan niyang walang buhay si Dela Merced sa loob ng banyo. He called nine-one-one immediately. The restroom is wipe out. We can't find a shred of single evidence inside. Walang bakas ng panlalaban mula sa biktima. Dela Merced was showering when she accidentally tripped, her head hit the tiled floor, hard, and bled to death, that's the conclusion, but we need to dig further now. The family and supporters of the deceased don't believe that there's no foul play. They demand to know the truth."
Sumunod sila sa imbestigador papasok sa malaking banyo na nasa loob ng silid ng namayapa. The room smells. Matapang ang amoy na malalanghap sa loob ng banyo at hindi iyon galing sa dugong nasa sahig. "What is that smell? Peroxide?" Niccola asked. It was too strong that it stung her nose.
"Yes. 'Yan ang nakapagtataka. Ang sabi ng cleaning lady ng biktima ay kahapon ng umaga pa niya nilinisan ang banyo ngunit hanggang ngayon ay matapang pa rin ang amoy ng ginamit na bleach," sagot ng lalaki.
Maingat na pumasok si Niccola sa loob ng shower area kung saan nangyari ang aksidente. O pagpatay? Natuyo na ang dugo sa sahig bagaman hindi nila iyon mapapakinabangan dahil humalo ang bleach sa dugo ng aktres.
Dumako ang tingin niya sa mga toiletries ni Melissa Dela Merced. Wala sa loob na dinampot ang bote ng body wash at napakunot ang noo kapagkuwan. Muli rin niya iyong binalik sa kinalalagyan at lumabas na ro'n. Ang kabuoan naman ng kuwarto ang kanyang sinipat. Gayundin ang ginagawa ng dalawa niyang kasamahan. May iba ring mga imbestigador sa iba't ibang departamento ang nandoon. May nagdo-dokumentaryo at mga nangunguha ng ebidensiya, kagaya na lamang ng mga fingerprints at footprints. Maging ang hibla ng buhok ay hindi pinalampas ng mga imbestigador.
"What do you think, Villarama?" tanong ni PCMS Ramos kay PMSg Niccola Villarama.
"Something is off here, Sir," aniya. Tumango-tango ang pulis sa kanyang obserbasyon.
Naglibot ang dalaga sa loob ng silid upang makanap ng maaring makapagsiwalat sa totoong nangyari. Maingat na dinadampot niya ang mga bagay na nakakuha ng kanyang atensiyon at muli ring ibinalik sa tamang puwesto.
Her keen eyes never missed a single detail. She's always observant as her team says.
Nahagip ng kanyang mga mata ang isang photo album. Dinampot niya iyon at binuklat.