Sanford Series 2 Chapter 12

WALA sa sariling nakatuon ang mga mata ni Cameron sa mga nagkikislapang bituin sa langit. Suwerte na kung maituturing na makakita ng ganoon kagandang tanawin sa kalangitan kapag ikaw ay nasa lungsod, dahil sa makapal na polusyon sa hangin na siyang tumatakip sa mga ulap.

Malaya niya iyong nakikita dahil salamin ang bubong sa bandang iyon ng kanyang bahay katapat ng kanyang higaan.

Subalit wala doon ang kanyang buong pansin. Okupado ni Attorney Sanford ang kanyang isipan, sa halik na kanilang pinagsaluhan. Kahit na anong gawin niya ay hindi 'yon mawala-wala.

Kung hindi pa sila nakita ng ina at kapatid nito ay sigurado siyang higit pa roon ang mangyayari. She had completely lost her mind when his lips landed on her. Gano'n ba humalik ang isang bakla? Nakakawala ng katinuan at... pagkababae? If no one interrupted them, she would surely surrender herself to his heat, wholeheartedly.

Hindi pa siya nakaramdam ng gano'n sa kahit sinong naging kasintahan niya. Only Red had that effect on her. "This is insane," she mumbled.

Humiga siya patagilid at humigpit ang pagkakayakap sa malambot na unan. Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi parin siya makatulog. Binabagabag siya ng halik at ng may-ari ng mga labing humalik sa kanya.

Bumalikwas siya ng upo sa kanyang kama at napatitig sa dingding ng kanyang bahay. Kapagkuwan ay marahas na bumuga ng hangin at inot-inot na tumayo.

Dinampot niya ang bag na nasa ibabaw ng couch at inilabas ang digital camera mula roon. Muli siyang humiga sa kanyang kama at binuksan ang digicam.

Nang makita ang unang litratong lumabas ay bumigat ang dibdib ni Cameron. Nakangiti ang kanyang ama habang nakatingin sa lens ng camera, o sa kumukuha no'n? She missed him. Hinaplos ng kanyang mga daliri ang nakangiting mukha ni Peter.

Bago pa tumulo ang luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata ay mabilis na inilipat niya sa susunod na litrato. Hindi niya namalayang ilang minuto na siyang nagbabrowse ng mga litratong kinuha niya simula noong siya'y labing pitong taong gulang.

Hanggang sa lumabas ang larawan ng lalaking iinisip niya kanina. Natigil ang kanyang kamay sa pagpindot at natuon ang mga mata sa mukha ni Red. Nakatagilid ito sa kanyang direksiyon, may salamin sa mga mata at nakayuko sa mga binabasang papeles sa mesa.

Palihim niya iyong kinuha noong unang araw niya sa firm. She can't see any flaws with that shot, he looked so good. His proud nose, his lips as soft as a pillow, his dark and thick brows that added to his formidable personality, his sharp jaw and his tousled hair can take her breath away.

Bumagsak ang camera sa malambot na kami nang bitawan niya iyon. Kapagkuwan ay ibinaon niya ang mukha sa unan.

PAHINAMAD na muli siyang kumutsara ng chocolate cake na recipe ni Oliver na nasa kanyang plato. Nang maubos niya ang isang slice ng cake ay muli siyang nangalumbaba at bumuntung-hininga. Pang-ilang buntung-hininga na ba niya 'yon ngayong araw?

"A penny for your thoughts," untag ni Oliver sa kanya na lumapit sa kanyang direksiyon at umupo sa katapat niyang upuan.

She looked at him with puzzled eyes. "Bakit gano'n? Why does he have to affect me that much? It's just a kiss, it wasn't even my first kiss. But why does it have to be mind-boggling? You've kissed me when we're still together, though a peck, it's still a kiss and it did not affect me."

"You didn't love me as a woman to a man, Cam."

"I didn't love him!" dipensa niya sa sarili. "Hindi naman dahil sa hindi ko mabura-bura ang halik niya hindi ibig sabihin na mahal ko na siya. Definitely, absolutely not!"

"I didn't say that," Oliver uttered with a shrug. There's a glint of amusement in his eyes. "What I mean is, you didn't love me, that's why the kiss didn't matter to you. It wasn't even a kiss, darling... I don't give a mind-blowing kiss to someone who was born with a cave." Tumaas ang sulok ng mga labi ni Oliver sa isang naaaliw na ngiti. Kung hindi lang nakuha ng nauna nitong sinabi ang atensiyon ni Cameron ay natawa na siya sa ginamit nitong salita.

"So you're saying that I am in love with him that's why I like his kisses? You're implying! And you're definitely effin' wrong!" depensa niya sa mababa ngunit mariing boses. "I just couldn't pinpoint why it affects me like no one before. Could it be lust?"

Napailing si Oliver, kapagkuwan ay dumukwang at inilapat ang mga daliri sa gilid ng kanyang labi.

"The answer is already there, from the depth of your soul. You just need to find and acknowledge it," he said while wiping the smudge off her face. Lalo lang iyong ikinagulo ng magulo niyang isipan. "He's here," anito habang nakatuon ang mga mata sa pinto ng café. Akmang lilingon siya nang hawakan nito ang kanyang mukha. "Don't look, don't be too obvious, darling," he added while tucking a hair behind her ear.

Ginawa niya ang sinabi nito at nang makarating sa may counter ang abogado ay nakita na iyon ng kanyang mga mata.

Nang maibigay ang in-order nito ay agad na pumihit si Red upang umalis. Nakita pa niya ang madilim nitong mukha—gusot ang noo at iisang linya ang mga labi—bago ito nawala sa kanyang paningin.

She heaved a deep and heavy sigh. He's dangerous, she should protect herself from him before it's too late.

"Did you find the answer?" untag ni Oliver. Agad siyang napasulyap sa direksiyon nito at napasinghap ng may mapagtanto.

"How did you... know?" she asked, ignoring what he questioned her. Oliver just shrugged at her as his response. "You knew? Am I too obvious?" Sa natatandaan niya ay wala siyang sinabi ritong ang abogado ang gumugulo sa kanya.

"We've known each other for six years, Cam," sagot nito na para bang masasagot niyon ang kanyang mga tanong.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa kaibigan at bumalik sa law firm na hindi kalayuan sa café. Nang makarating sa labas ng opisina nila ni Red ay tumigil siya sa paghakbang at sumilip sa loob na para bang isang magnanakaw.

Nang makitang mayroon itong kausap at nakatalikod sa direksiyon ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok, marahang isinarado ang pinto dahil mukhang pribado ang pinag-uusapan ng dalawa at lumakad patungo sa kanyang mesa.

Tahimik na pinakawalan niya ang hininga at napahawak sa pusong tila tatalon na mula sa kinalalagyan.

Umayos siya ng upo at hirap ang kanyang trabaho. Hindi niya maiwasang hindi makinig sa pinag-uusapan ng abogado at ang matandang lalaking kasama nito dahil nakakaabot sa kanyang pandinig ang tinig ng dalawa.

Her mouth formed an O when she figured who the man was. It was Francisco Perez. Ang lalaking sinadya nila ni Red sa isang maliit na bayan sa probinsiya, ngunit hindi nila naratnan doon sa bahay nito ang matanda.

Her curiosity aroused when she heard him talk about the arson incident. She held her breath and didn't move a muscle until after the two ended their conversation.

Ikinagulat niya nang pag-angat niya ng ulo ay nakasalubong ng kanyang mga mata ang mga mata nitong kakulay ng kape. Nakatayo ito kaya malaya siya nitong nakikita kahit na may mga papeles at computer na nakaharang sa kanyang harapan.

She gulped with the intensity that his eyes exude. Where in fact, he was not looking at her with tenderness, his thick brows met in a frown, his eyes were sharp and his lips were tightly pressed together as if he was mad about something. But it didn't hinder her capability to feel something towards the man. Jittery and something akin to desire. Or was it lust?

Iniiwas niya ang mga mata rito at nagyuko ng ulo.

PAUWI na siya ngunit wala siyang masakyan dahil punuan ang mga bus at taxi. Nag-uunahan ang mga tao sa pagsakay dahil sa malakas na buhos ng ulan. Hindi rin niya dala ang kanyang payong kaya hindi siya makaalis doon sa hintuan ng bus.

Ang kanyang kotse ay ginamit ni Pauleen dahil may seminar ito sa labas ng lungsod. Isa itong nutritionist-dietician at naanyayahan ng mayor ng bayang pinuntahan. Hindi rin niya matawagan ang alinman sa mga kaibigan dahil walang baterya ang kanyang cellphone.

Sinulyapan niya ang relong pambising, triente minuto na mula nang lumipas ang alas-otso. Maraming pasaherong nag-aabang ng susunod na bus at dadaang taxi kaya paniguradong hindi siya kaagad makakasakay, ayaw pa naman niya nang nakikipagsiksikan.

Nababasa na rin siya ng ulan, kung magtatagal siya roon ay paniguradong pulmonya ang aabutin niya kinabukasan. Kipkip ang bag ay tinakbo niya ang restaurant na malapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya masyadong mabilisan ang kilos dahil madulas ang semento at mataas ang takong ng kanyang sapatos.

Nang makapasok sa loob ay para siyang isang basang sisiw. Mabuti nalang at may heater ang restaurant kaya hindi siya masyadong nilamig.

Akmang hahakbang siya upang kumuha ng lamesa nang isang pamilyar na mukha ang nahagip ng kanyang mga mata. Huli na para umiwas, nakatingin sa kanyang direksiyon si Red na kalalabas lang sa isang pinto kasama ang isang lalaki. A gasp came out her lips when she saw the man on his side. Namumukhaan niya ang lalaki, iyon ang nakita niyang kasama ni Red na papasok ng hotel ilang araw na ang nakakaraan.

Ang lalaking kasama ng abogado ay hinayon din ang direksiyon ni Cameron, kapagkuwan ay napakunot ang noo nang makita siya.

Isang alanganing ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa dalawa.

Ibinaling niya ang ulo sa ibang direksiyon at naglakad patungo sa lamesang walang umuokopa. Umupo siya sa naroong upuan, kinuha niya ang panyo sa loob sa kanyang bag bago iyon inilapag sa katabing upuan.

Inayos niya ang kanyang buhok at pinahiran ang kanyang basang katawan. Nang mapasulyap sa kanyang sapatos ay isang ungol ang kumawala sa kanyang bibig.

Idinantay niya ang isang binti sa kabila at pinunasan ang pulang sapatos na nabasa at naputikan. It was very precious to her.

"You should throw it!" Nang marinig iyon ay agad siyang napaangat ng tingin sa may-ari ng boses. Namilog ang kanyang mga mata nang makita si Red na nakatunghay sa kanya. "You value your shoes more than your life!" anito sa iritadong tono, puno ng pagkadisgusto ang mukha habang nakatingin sa kanyang sapatos.

"W-wala kang pakialam," utal niyang buwelta.

He snorted but his passive expression did not change.

Ikinagulat ni Cameron ang sunod nitong ginawa. Hinubad nito ang coat at itinakip sa kanyang katawan. "Cover yourself," he muffled then turned his broad back at her.

Hindi niya inalis ang mga mata sa likod ng binatang abogado hanggang sa makapasok itong muli sa pintong nilabasan kanina. "May konsensiya pa siyang naiwan sa katawan," wala sa loob niyang usal.

Bewildered, she clasps the fabric in front of her chest where her heart resides. Ang lakas ng tibok niyon na para bang tumakbo ng milya milya.

"Ito na po ang kape niyo, Ma'am," tinig ng waitress na siyang nagpagising sa kanya. Napatingala siya sa nakangiting mukha ng babae, maganda ito at maaliwalas ang mukha. Nakakahawa ang ngiti na nakapaskil sa labi kaya hindi niya maiwasang mapangiti. River ang pangalan nito ayon sa nameplate na nasa ibabaw ng dibdib. A beautiful and unique name.

"I'm sorry, but I didn't ask for coffee. Pero kung walang ibang may-ari, akin nalang."

"It's on the house, Ma'am. Enjoy your coffee po," anito at bahagyang yumuko sa kanya kapagkuwan ay tumalikod na paalis.

Nagugulumihang binalingan niya ang umuusok na kape sa kanyang harapan. The color of the coffee reminds her of his eyes. Malabnaw.

Dinampot niya iyon at hinipan pagkatapos ay marahang humigop. A smile broke out her lips over the rim of the mug. Hindi niya alam kung bakit siya nangingiti at hindi niya iyon mapigilan.

Itinuon niya ang mga mata sa labas ng restaurant at pinanood ang mga patak ng ulan habang humihigop ng kapeng nasisiguro niyang galing kay Red. Naniniwala siyang ito ang nagbigay niyon. He wasn't that cold after all. He still cares. At hindi maiwasan ng puso niyang hindi magsaya. Her stupid heart was a sucker of sweet men and gestures.

Isang oras ang itinigil niya sa loob ng Rigo Cuisine bago napagpasyahang lumabas nang tumila ang ulan. Isang sulyap ang ginawa niya sa direksiyon ng silid na pinakusan ni Red kanina bago tuluyang lumabas.

Hindi katagalan ay may tumigil na taxi sa kanyang harapan habang naghihintay ng masasakyan. Mabilis siyang pumasok sa loob at nagpahatid sa kanyang bahay.

Madilim sa loob ng bahay ni Pauleen nang makita niya pagkapasok niya sa gate. Sinindihan niya ang ilaw sa portico at pumanhik na sa hagdan patungo sa kanyang bahay.

Dinaanan niya ang mga alagang cactus, na basang basa sa nagdaang ulan, at dinala ang mga iyon papasok sa kanyang bahay. Pagkapasok ay inilapag niya sa isang gilid sina Lerry at Terry at naghugas ng kamay.

Pagkatuyo ng mga kamay ay maingat na hinubad niya ang coat ni Red at ini-hanger. Tumaas ang kanyang kamay roon at hinaplos ng mga daliri ang tela.

Hindi namalayan ni Cameron na ilang minuto na siyang nakatitig sa damit ni Red.

She's slowly melting and it scares her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.