Sanford Series 2 Chapter 11

"Domestic violence cannot be overlooked by the law. Thus, we have laws and orders that protect women and their children. No violence should be stopped with a murder..." Red stated with confidence, looking at every person in the room. "However, women are weaker than men when they used their strength. Women have no way to defend themselves when a man uses force to aggravate them. The accused ends up taking the life of Mr Wilson was an act of self-defense to protect her children and herself. We plead not guilty, your honor."

"Any last word from the prosecution?" tanong ng judge matapos magbahagi ng huling salita ang defense counsel.

Namangha si Cameron habang nakatitig kay Red na nagsasalita kanina. Hindi niya maialis ang mga mata mula rito kahit na tapos na itong makapagbigay ng huling statement. Halos hindi narin niya mawawaan ang sinabi ng prosecuter.

Red was good. No! He's brilliant! The way he talks and carries his body while delivering his closing statement was heart thumping. Or was it just her?

Ang kasong hawak nito ay isang kaso ng murder. Napatay ni Mrs. Wilson ang asawa nang lumaban ito sa pananakit ni Mr. Wilson. Ang mga kapatid ng namayapa ay desididong ipakulong ang asawa ng kapatid.

Cameron also believes that it was self-defense on the accuse side. Ano nga ba ang laban ng mga kababaihan sa lakas ng mga lalaki? Habang nag-aaway ang mag-asawa ay hindi namalayan ng mga ito nakarating sila sa balkonahe ng kanilang bahay. Sa panlalaban ni Mrs. Wilson ay naitulak nito ang asawa kaya bumulusok pababa.

"Here's the verdict!" Tinig ng judge ang pumakaw sa kanya. Inalis niya ang mga mata mula sa direksiyon ni Attorney Sanford at ibinalik sa judge na maghahayag ng hatol sa akusado. "The defendant had no intention of killing the victim, thus, the defendant was protecting herself and her children from domestic violence. Therefore, the court finds the defendant not guilty!" Tunog ng gavel at palakpakan ng mga tao ng maririnig matapos ianunsiyo ng judge ang hatol.

Maging siya ay nakahinga ng maluwag sa hatol. Nang mapatingin siya sa gawi ni Attorney Sanford ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng abogado. His lips were in a thin line, his face remain stoic.

Inalis niya ang mga rito at tumayo upang sumabay sa mga tao palabas ng court room.

Nakasalubong niya ang kanyang step-sister sa mahabang pasilyo ng trial court. Hindi niya ito pinansin o tinapunan man lang ito ng tingin at nagtuloy-tuloy sa paglakad.

Agad niyang tinungo ang parking lot at pumasok sa kanyang sasakyan. Habang nagkakabit ng seatbelt ay gulat na napabaling ang kanyang paningin sa kabilang bahagi ng sasakyan nang bumukas ang pinto doon.

Hindi niya maiwasan na panlakihan ng mga mata at umawang ang mga labi nang makita si Red na prenteng nakaupo sa passenger seat. Tatlong araw na siyang nagtatrabaho sa law firm ni Attorney Cruz at sa mga panahong iyon ay wala siyang matandaang kinausap siya nito. Ano ang dahilan at naligaw ito sa loob ng kanyang sasakyan?

Kumurap-kurap siya nang hindi mapaniwalaan ang nakikita. Nang bumaling ito sa kanyang direksiyon pagkaraan ng ilang minuto ay naiatras niya ng kaunti ang kanyang ulo. Kung hindi ay tumama na ang mukha nito sa kanya dahil sa bigla nitong paglingon.

"Are you driving or not?" he exclaimed in an irritated pitch.

Tila nahimasmasan siya nang marinig ang boses nito at agad na inilayo ang mukha rito. Umayos siya ng upo at inayos ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt.

"Saan ko utang ang karangalang ito?" patuyang aniya. Hindi ito sumagot at itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. Nayayamot na pinaarangkada niya ang kotse paalis. "Where to?" tanong niya subalit para siyang walang kasama.

She rolled her eyes in annoyance and shut her mouth close. Kung ayaw nitong makipag-usap, edi 'wag!

Tinalunton niya ang daan pabalik sa firm at wala naman itong reklamo kaya sa konklusiyon niya ay roon din ang tungo nito.

At ang walang utang-na-loob ay walang sabi-sabing lumabas ng kanyang sasakyan pagkaparada niya at pumasok sa law firm. "Suplado, bakla naman!" she howled before getting off of her car.

Sa kanyang pagtataka ay nakatuon sa kanya ang mga mata ng mga kasamahan pagkapasok niya. Isang naiilang na ngiti ang iginawad niya sa mga ito.

Habang naglalakad ay isang kasamahan ang humigit sa kanya na ikinabigla niya. Hinila siya nito hanggang sa loob ng banyo. Pagkatapos nitong isarado ang pinto ay mataman siyang tinitigan ni Attorney Quinto na nakahulihan na niya ng loob sa mga nakalipas na araw.

Nang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito ay lalo siyang kinabahan. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? I thought we're close already?"

"What do you mean?" she asked, confused.

"You can't hide it, girl. The whole firm already knows about your involvement with Attorney Sanford. So, when is the wedding? Invited ako, ha."

Cameron saw the spark of jealousy in her eyes but it didn't live long. The woman smiled at her as if she's celebrating with her.

Kumurap-kurap siya at nang agad na mapagtanto kung ano ang sinasabi nito ay naglumikot ang mga mata. She waved her hand dismissively and laughed awkwardly. She forced a smile on her face and looked at her. "Matagal pa. Career muna ang kailangan naming harapin ngayon. Para naman wala kaming pagsisi kapag nakasal na and besides, mas mabuting kilalanin muna ng mataman ang isa't isa."

"Well, that's right. I'm happy for the both of you and invite me to your wedding, please."

"O-of course," wika niya at bahagya itong tinanguan.

Ngayon ay alam na niya kung bakit siya tinitingnan ng mga kasamahan at lalo siyang nailing dahil doon. It was supposed to be a one night act but everything gets back at her. She'll be paying for her lies in the next few days, months, or years?

Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina nila ni Red nang hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.

Nahihiya siya rito. Ano ang gagawin niya ngayong nakaabot na sa kanilang mga kasamahang abogado ang kasinungalingan niya. Will she asked him for his cooperation?

She stomped her feet and jerk her hair in exasperation. She accidently hit the documents on her table and it fell on the floor.

She squint at his direction when she heard him tsked. Ngunit wala sa kanya ang pansin nito at nakatutok ang mga mata sa computer.

She inhaled a deep quiet breath and turned her attention to the documents on the floor. Isa-isa niya iyong dinampot at binalik sa kinalalagyan. Nang mahawakan ang case file ng isang murder—isang gay ang pinatay ng kinakasama nito dahil sa selos—ay may biglang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.

Umangat ang kanyang labi dahil sa naisip. Tumayo siya ng tuwid at taas noong muling naupo sa kanyang swivel chair. Gagamitin niya ang sikreto ng isang Tyson Red Sanford upang mapasunod ito sa gusto niyang mangyari. Blackmail na kung blackmail, pero wala na siyang ibang pagpipilian.

Hindi niya gustong ipahiya ang sarili, kahit pa sabihing siya rin naman ang puno't dulo ng lahat ng kanyang mga suliranin. Papalipasin niya muna ang mga araw o buwan, gagawa nalang siya ng kuwento kung paano sila naghiwalay ni Red. That they've parted ways without resentment towards one another. Gusto niyang mahilo sa naisip. One lie lead to another. Hayst, bahala na!

NAKASIMANGOT na lumabas ng kotse si Cameron at humakbang papasok sa bahay ni Attorney Sanford.

Hindi ito pumasok sa trabaho at inutusan siyang dalhin sa bahay nito ang mga papeles na nasa lamesa nito. Nang makatanggap ng text mula sa abogado kanina ay gusto niyang itapon ang aparato sa inis.

Napaka-antipatiko! Hindi nga ito namamansin, uutusan pa siya? The nerve!

Bukas ang pinto ng malaki nitong bahay kaya malaya siyang nakapasok. The rustling of the curtains filled her ear when she stepped inside his house. Hindi na siya magtataka kung pamamahayan man iyon ng mga multo.

The curtains were thick and dark. Kung hindi dahil sa malaking chandelier na nasa gitna ng bahay ay mapapagkamalan na iyong haunted house. Kulang nalang ang mga cobweb para sa finale.

Sure, the house was elegant and was built in detailed. But it was too quiet for comfort. Pero malay ba niyang 'yon ang trip ng abogadong 'yon. She shrugged the thought off.

Inilapag niya ang mga dalang papeles sa mesita na nasa living room at sinimulang hanapin ang may-ari ng bahay.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa kusina at biglang natigilan nang makarinig ng mga boses sa loob. Alam niyang hindi tama subalit hindi niya mapigil ang sarili na makinig.

"Goodbye, babe, I'll be using your car for a while." Iyon ang huling narinig ni Cameron.

Sumilip siya sa loob ng kusina. A grin broke out in her face when she saw him with someone. Nang makaalis ang lalaking kasama nito gamit ang backdoor ay nilapitan niya si Red.

Tumikhim siya upang makuha ang pansin nito. Isang ngisi ang nakapaskil sa kanyang mga labi habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likuran.

Red looked at her with a bored expression.

"Don't worry, Attorney Sanford, I won't tell a single soul about your secret. Her grin grew wider when his forehead knitted even more. "Sus, ikaw naman, ako lang to, oh. Alam ko na ang sekreto mo..." Umusod siya papalapit rito at bumulong, "...walang masama sa pagiging gay, safe ang secret mo sa akin. But, you need to do something for me—" Natigil siya sa pagsasalita at nahigit ang hininga ng mariin siya nitong hawakan sa braso.

"What did you say?" he hissed. His eyes were red in anger.

Napangiwi siya sa lakas ng boses nito. Sumakit ang eardrums niya dahil doon.

Akmang tatapikin niya ito sa balikat gamit ang isang kamay nang hapitin siya nitong lalo. Halos pisain nito ang kanyang katawan dahil sa higpit ng pagkakayapos.

"You will pay for it, woman!" Red lowered his head to her and claimed her lips in a savage kiss.

Cameron cannot move a muscle by the sudden attack of his sweet lips.

Her eyes widen in surprise.

Mariin ang pagkakahalik nito sa kanya, mapagparusa at galit. Mainit rin ang hininga nito ngunit nakadagdag lang iyon sa sensasyong nanaloy sa kanyang katawan. Ang isa nitong kamay ay nasa kanyang buhok at marahas ang pagkakahila roon.

Nakaramdam siya ng sakit sa biglang pagsalakay ni Red ngunit hindi magawang manulak ng kanyang mga kamay. Sa halip ay umangat iyon sa lapel ng damit ng abogado at kumapit doon. Her eyes shut closed involuntary and her mouth agape, letting his vicious tongue in.

Hindi katagalan ay nag-iba ang paraan nito ng paghalik sa kanya. Bahagya iyong naging magaan at nabawasan ang karahasan.

He groaned when she started to move her lips against his. He nibbled on her lower lip as she nibbled his upper. A gasp was muffled in his sinful mouth when he bit her.

Nanghihina ang kanyang tuhod kaya isinandig niya ang katawan sa lamesa upang suportahan ang sarili. Ang magkabilang kamay ay itinukod niya sa ibabaw niyon. Red's hands was still on her hair and the other was caressing the hollow of her back.

She angled her head and meet his tongue halfway. It was a full open-mouthed kiss and it affects her sensually. Her body screams for more and she couldn't get hold of her emotion.

Isang tikhim ang gumulantang sa kanilang dalawa. Agad niyang naitulak si Red at nanlalaki ang mga matang napatingin sa entrada ng kusina. Standing there was a woman who was probably in his fifties and the other one who seems to be a couple of years younger than her.

"You're Kuya's fiancée!" bulalas ng kapatid ni Red sa namamanghang boses.

"Fiancée?" tanong ng matandang babae na nakakunot ang noo. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanila ni Red na tahimik lang sa kanyang tabi.

Gusto niyang lumubog dahil sa kahihiyaan o 'di kaya ay mawala nalang ng parang bola.

"I'll tell you later, Mommy. For now, kilalanin muna natin ang fiancée ni kuya."

"Pissed off, brat!" si Red na nagawa nang magsalita.

Hindi natinag si Tara at inikutan ng mga mata si Red. Natulos si Cameron sa kinatatayuan nang lapitan siya nito at halikan sa pisngi, ganoon din ang ginawa ng ginang na nakalarawan pa rin ang kalituhan sa mukha.

"My name is Tara and this is our beautiful mother, Tamara Sanford, " pagpapakilala nito.

Pulang pula ang mukha ni Cameron at hindi masalubong ang mga mata ng dalawa. "N-Nice too meet you po," she stammered.

"You have a lovely woman here, Tyson. Bakit ngayon ko lang siya nakilala? And why are you kissing her? You're sick, baka mahawa ang fiancée mo."

Goodness gracious, Cameron wanted to become nothing but a fleck of dust at that moment. She's red from head to foot. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.