"WHY did you run away?" anito malapit sa kanyang tainga at humigpit ang pagkakayapos sa kanyang katawan.
Inalis niya ang mga mata sa bubong at tumagilid ng higa patalikod kay Red. "I didn't," kanyang sagot sa mahinang boses.
"I'm a lawyer, I know if someone is lying," he murmured on her ear.
She tried so hard to stop herself from shivering when she felt his breath fanned her nape. "I'm a lawyer, I'm good at lying!" wala sa sariling tugon niya. She bit her lips in frustration, it was as if she's admitting that she's really lying.
He chuckled in amusement. Natigilan siya nang marinig iyon, ang akala niya ay hindi ito marunong tumawa o ngumiti man lang. Why does it have to be so good hearing him laugh?
Cameron's lips curved in a smile, she released the tension in her body and relax her muscle.
"You don't know what happened after you left. You put me into trouble," he said, but unlike earlier, his voice was light and humorous. Itinukod nito ang isang braso sa kama at ipinatong ang ulo sa palad. Hindi niya sinalubong ang mga mata nitong nakatutok sa kanyang mukha at nanatiling nakatuon ang paningin sa dingding. "The chambermaid entered the room expecting there's nothing a single soul left. The woman almost faint when she saw me in my glory, her shriek could tear the whole hotel down."
Her hand immediately covered her mouth to muffle her laugh. But she can hold it in, she freed her mouth and laugh 'til her eyes welled up. "She must've been horrified when she saw your... glory," she said in a half-laugh.
"Is it funny, huh?" Red whispered in her ear.
Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang hita. He fondled her thighs and poured light kisses to her shoulder blade. "R-Red... What are you doing?" she pant.
Tila siya isang sulo na sinindihan dahil sa mga haplos at halik nito sa kanyang katawan na nagpapawala sa kanyang katinuan.
"What do you think I'm doing?" he whispered alluringly and nibble her earlobe. His fingers found her jewel and they do their job impeccably. She gladly opened up for him and moaned wantonly.
Her breathing rasp, her eyes dilated in sheer pleasure. And that thing poking on her back, fully awaken and proud, was making her dizzy in torment.
Nakikita na niya ang mga bituin nang bigla nitong alisin ang mga daliri sa parteng iyon ng kanyang katawan. Subalit pumalit naman ang nag-uumigting nitong pagnanasa na halos magpawala sa kanyang ulirat.
"Rain..." he growled.
She gripped his strong arms as he kept on sending her to edge. He took her sideways and from behind. And like always, he drove her to the cosmos.
NAALIMPUNGATAN siya nang makarinig ng ingay sa paligid subalit hindi niya gustong imulat ang mga mata dahil may pakiramdam siyang ilang sandali lang niyang naipikit ang mga iyon.
She sluggishly opened her eyes. In her half-conscious state of mind, she saw him putting his clothes on. Her vision was blurry as she witnessed his every move.
He glanced at her and walked towards her direction. He sat on the bed and gently touched her cheek. "See you at work, Rain," he spoke before planting a kiss on her lips.
Her drowsy eyes shut close as if she was about to go back to sleep.
Red smiled when he saw and heard Cameron purred. He brushed his thumb on her cheek once again before climbing off her bed. Isang huling sulyap ang kanyang ginawa sa direksiyon ng dalaga bago lumabas ng bahay nito.
Si Cameron ay niyakap ang malaking unan sa kanyang tabi. Akma siyang babalik sa pagtulog nang may maamoy na kakaiba sa unang yakap-yakap, doon tuluyang nagising ang kanyang diwa.
A smile carved out her lips when she smells his scent on her pillow. Tuluyang pumasok sa kanyang isipan ang ginawa nitong paghalik sa kanya bago umalis. She felt delighted, knowing that he cares.
Umupo siya sa kanyang kama kipkip ang kumot sa kanyang dibdib. Inilibot niya ang paningin sa kanyang bahay at bumuntung-hininga. Tuluyan na itong nakapasok sa buhay niya, sa ngayon ay hahayaan na muna niyang tangayin siya ng agos. Ngayong natamasa niya ang langit sa piling nito ay hindi niya alam kung kaya niyang pigilan ang sarili na hangaring makasama ito. She'll jump into the fire and deal with the consequences later.
Dahan dahan siyang umalis sa kanyang kama at tumungo sa kanyang maliit na banyo upang maglinis ng katawan. Pagkatapos niyang maghanda sa umagang iyon ay bumaba na siya ng hagdan na nakakonekta sa tagiliran ng bahay ni Pauleen.
"Meow!". Napahawak siya sa dibdib nang magulat sa pagngiyaw ng pusa saktong makababa siya. Sinamaan niya ito ng tingin, agad namang tumakbo ang pusa paalis nang makita ang nanlilisik niyang mga mata. Mukhang natakot.
Natatawang pumasok siya sa bahay ni Pauleen dahil sa kanyang pinaggagawa. "Good morning, Paul... leen." Her heart pounded on her chest when she saw him sitting inside the kitchen and eating with gusto.
"Good morning, dear. Come here, eat before you go to work."
Dahan-dahan siyang pumasok sa kusina at naupo sa katabing upuan ni Red na nakatutok ang mga mata sa kanya. "G-good morning," she stuttered and throw a brief look at his direction.
Itinuon na niya ang mga mata sa pagkaing nasa harapan at nagsimulang kumain upang maiwasan ang mapanuri nitong tingin.
"Good morning," he muttered. An awkward silence filled the room and if not for Pauleen, she would've run away from that place as fast as she could.
Why does he have to be there? Did Pauleen invited him in and saw him descending from the stairs? Cameron's thoughts were cut off when the door of the house slammed open.
Ang lalaking pumasok ay tuloy-tuloy na naglakad patungo sa isang silid na parang walang pakialam sa paligid. Malakas na isinarado rin nito ang pinto ng silid pagkapasok.
She threw a baffled look at Pauleen's direction. Nang makita ang pagtataka at takot sa mga mata nito ay naikuyom niya ang kamao at naibagsak ang kutsara at tinidor sa kanyang pinggan.
Marahas na tumayo siya at malalaki ang hakbang na nilakad ang patungo sa silid na pinasukan ni Cristopher. Pinihit niya ang seradura ngunit hindi niya ito mabuksan. Malakas na kinatok niya ang pinto at sa galit na tinig ay sinabing, "open this door!"
Nakarinig siya ng kalabog mula sa loob at ilang sandali pa ay bumakas ang pinto. "Ano na namang problema mong babae ka?!"
"Ikaw, anong problema mong hayop ka?! Hindi ba malinaw sa 'yo na hindi ka na welcome sa pamamahay na 'to?!" she shouted, matching his anger.
Galit na tinulak nito ang kanyang balikat galit ang hintuturo. "Ikaw sino ka ba? Kung makaasta ka parang ikaw ang may-ari ng bahay na ito!" Tuloy-tuloy siyang napahakbang paatras habang patuloy ito sa pagtulak sa kanya. She tried to brush his fingers off but he's strong. "Saling-pusa ka rin dito! Hindi porke't may trabaho ka—"
"Get your filthy hands off her!" Sabay silang napabaling sa pinanggalingan ng malamig at galit na boses na iyon.
"At sino ka naman?" maangas na bulyaw ni Cristopher sa bagong sulpot na lalaki.
Lumapit si Red sa kinaroroonan ni Cameron at hinila ang dalaga patungo sa kanyang likuran. "I'm Attorney Red Sanford and I'm good with my job. I'll make sure that you'll rot in jail if you won't leave right now and if you'll keep on coming back," Red declared in a menacing voice.
Mukhang natakot naman ang lalaki at biglang natigilan, tila nalulon nito ang dila at hindi makapagsalita.
"Get out of here and never come back!" she hissed.
"I'M SORRY you have to see that," she muttered coyly. She saw him shrugged from the corner of her eyes.
"Tell me if he'll cause trouble again," he answered.
Tinapakan niya ang preno ng maging pula ang ilaw ng traffic light. Isang tikhim ang kanyang pinakawalan bago tumingin sa gawi nito.
Her cheeks flushed when she saw him looking at her intently. "T-Thank you." She wanted to slap herself for stammering. And to her surprise, she saw how his lips curved in a smile. "Marunong ka palang ngumiti," wala sa sariling bulalas niya. Nanulas sa kanyang bibig ang laman ng kanyang isipan na siyang ikinapulang lalo ng kanyang pisngi.
"I don't smile often, but I know how to. I only beam to someone I fancy." His eyes sparkled in amusement. She bit her lip and he wanted to pull her closer and kissed her to oblivion.
Nag-iwas ng tingin si Cameron at muling ibinalik ang paningin sa harapan. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Red. May laman ba ang mga salitang iyon?
"Saan kita ibababa?" tanong niya at muling pinatakbo ang sasakyan.
Pagkagaling sa bahay ni Pauleen, na hiyang-hiya dahil nakita ni Red ang mga nangyari, ay sabay silang umalis. Wala itong dalang kotse kaya sumabay ito sa kanya.
"I left my car in the office. Doon nalang ako bababa."
From her peripheral vision, she saw him staring at her still. "W-why are you looking at me like that?" Sa panggigilalas niya ay dumukwang ito at inilagay ang mga kumawalang buhok sa likod ng kanyang tainga.
"You're more beautiful when you blush."
Humigpit ang hawak niya sa steering wheel dahil hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Red. Ngayon lang ito naging ka-approachable at ka-open. "Tigilan mo nga ako, Attorney," pagtataray niya.
Nagkibit lang ito ng balikat at ipinagpasalamat niya na muli nitong itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan.
Nang makarating sa harapan ng firm ay muli siya nitong hinalikan sa labi bago lumabas ng sasakyan. Hindi mabura bura ang kanyang ngiti dahil sa kaligayahan.
"MAY bruhang blooming," George then nudged her shoulders.
She beam at him. Kumapit siya sa balikat nito at madamdaming napabuntung-hininga. "Life is so beautiful, Georgy." She sighed again dramatically.
"Ang OA mo, gaga. Parang kailan lang halos sumpain mo ang mundo dahil sa pagiging-unfair. What made you change your mind?"
"Nothing," she said and shrugged her shoulders. She batted her eyelashes to him and her grin grew wider when George forehead knitted in wonderment.
"Ano nga?" usal nito sa tonong naiinis na. "Kanina ka pa nakangisi, natatakot na ako sayo, Cameron. You're crazy," he mumbled in horrification and rolled his eyes when she just chuckled at his remarks.
"Siguro nga. Sino namang hindi mababaliw sa... sarap," dagdag niya sa mahinang boses at nag-init ang mukha.
"Ano? I didn't hear it. Lakasan mo naman, bruha ka!" he hissed.
"It's private," aniya. Namilog ang mga mata ni George at bumagsak ang panga ng tuluyang maintindihan ang kanyang sinabi.
Niyugyog siya ng kaibigan at kinurot sa tagiliran. Kung wala lang sila sa loob ng mall ay sigurado siyang nagtititili na ito. "Ang harot mo! Tell me who's the lucky guy?"
Sa halip na sagutin ang tanong nito ay hinila niya si George papasok sa isang boutique. Napasimangot naman ang kaibigan dahil sa hayagan niyang pag-iwas sa usapan.
Ginugol nila ang ilang sandali sa pagsho-shopping at panonood ng sine. Walang tigil kakatanong si George sa kanya subalit ngiti lang ang isinasagot niya sa kaibigan.
"Fine, kung hindi mo talaga sasabihin, then don't. I just want to tell you that I'm happy that you're happy. Whoever that guy is, I might kiss his ass for making you beam like that. Subalit kung dumating man ang araw na lumuha ka dahil sa kanya ay susunugin ko siya ng buhay," saad ni George nang matapos silang kumain.
"Kung dumating man ang araw na 'yon, Georgy, walang ibang sisisihin kung 'di ako. He never promise anything, you know?" she said bitterly. Bigla-bigla ay bumigat ang kanyang dibdib at nabura ang ngiti sa kanyang mga labi.
Nang dumapo sa kanyang pisngi ang kamay ni George ay muli niyang inangat ang kanyang paningin dito. He smiled at her indulgently. "Everything's going to be alright. Aba, malas lang niya kung pakawalan ka pa niya, ikaw pa bruha ka," he said then chuckled lightly.
Hindi niya magawang ngumiti dahil sa tinuran nito nang madako ang kanyang paningin sa salaming dingding ng restaurant na pinagkainan nila. He was there, with a woman in his side. Magkaagapay sa paglalakad ang dalawa habang nakaabrisiyete rito ang babaeng kasama.
Kumunot ang noo ni George at hinayon ang kanyang tinitingnan. Then he sighed and muttered, "Attorney Red Sanford. He better be good or Oliver and I will kill him."