DUMUKWANG si Cameron sa may passenger's seat at kinuha ang mga papeles na naroon. Isang huling sulyap ang ginawa niya sa rearview mirror at inayos ang buhok bago lumabas ng kotse.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makapasok sa malaking bahay. Gaya ng mga naunang pagkakataon na tumungo siya roon ay katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Diretsong tinungo niya ang grand staircase at umakyat patungo sa ikalawang palapag. Tinalunton niya ang silid ng abogado habang walang tigil ang malakas na tibok ng kanyang puso.
She gave a warning knock before opening the door. Subalit wala roon si Red. She invited herself in and settled the papers on top of his study table. May mga papeles sa ibabaw niyon na marahil ay pinag-aaralan nito.
Muli siyang lumabas ng silid at hinanap si Red. Naglalakad siya sa pasilyo ng ikalawang palapag ng bahay nang mapansin ang nakabukas na pinto sa pinakadulong bahagi ng bahay. Sa pag-aakalang nandoon si Red ay lumakad siya patungo roon. Akmang itutulak niya ang nakaawang na pinto nang bigla iyong bumukas ng malaki at bumungad sa kanya ang hinahanap.
Sa pagtataka niya ay biglang dumaan ang galit sa mga mata nito at itinulak siya. Lumabas ito at mabilis na isinarado ang pinto. "What are you doing here?!" he roared.
Napaatras siya ng isang hakbang, marahil ay nakita nito ang kanyang ginawa kaya biglang nawala ang pangungunot ng noo nito at ang pagtiim ng mga labi.
"I brought the document you ask. I'll go ahead." She turned her back at him abruptly when her lips quivered.
Hindi niya inaasahang sisigawan siya nito. At ang puso niyang mahina ay tila inapakan ng ilang beses nang makita ang galit sa mga mata ni Red.
Malapit na siya sa direksiyon ng hagdan nang bigla siya nitong pigilan sa braso.
"I'm sorry. I didn't mean to shout at you," he said, he sounded regretful. "It's just that, I don't want someone near that door aside from me. I—"
"It's okay, I understand."
His lips curved in a half-smile, he cupped her face and leaned closer before his lips landed on hers.
Naipikit niya ang mga mata at sinagot ang ginawa nitong paghalik sa kanya. She snaked her arms on his neck and fondle his hair.
Pareho silang naghabol ng hininga nang pakawalan nila ang labi ng isa't isa. Iminulat niya ang mga mata at napatingala rito. Their eyes locked and his hazels bewitched her. Wala sa loob na dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. "What happened to your eyes?" tanong niya nang mapansin ang pamumula ng paligid ng mga mata ni Red.
Tila napasong binitawan siya nito at nag-iwas ng tingin. "Where's the document?" His voice was colder than the North Pole.
"In your room," she answered. Her forehead wrinkled in confusion. "I'll leave—"
"No!" he answered quickly. She almost jump in surprise. Nagbago na naman ang emosyon sa mukha nito at naging apologetic. Ngayon lang niya itong nakitang ganoon. He switched mood easily as he was distracted about something. "Can you fix me something to eat?" Mahina ang boses nito na may kasamang pakiusap sa pagkakataong iyon.
Tumango si Cameron at bumaba na ng hagdan patungo sa kusina. Lalong lumala ang kanyang pagtataka at kaba nang marinig ang malalim nitong buntung-hininga na pumuno sa tahimik na bahay.
Si Red na naiwan sa itaas ay pinanood ang dalagang pababa ng hagdan. Ginulo niyang lalo ang magulong buhok bago humakbang patungo sa loob ng kanyang silid. Pagkaupo sa swivel chair na nasa harapan ng kanyang study table ay agad niyang nakita ang mga papeles na ipinakuha niya kay Cameron. Hindi naman talaga niya iyon kailangan, ang nagdala niyon ang kailangan niya.
Binuksan niya ang isa sa mga drawer ng kanyang study table at inilabas ang isang kahon na kulay pink. He smiled bitterly when he saw what's inside. Nandoon ang mga sulat nila sa isa't isa noong nabubuhay pa ito.
He met her in highchool. Dianne was meek and aloof. Nabu-bully ito dahil palaging hatid sundo ng mga magulang, she arose the protective instinct in him, pinagtatanggol niya ito sa mga kaklase nila. They became friends, he even get close with her parents. Subalit hindi katagalan mula nang magkahulihan sila ng loob ay lumipad ang pamilya ni Dianne patungo ng Amerika.
Sa katuwaan niya ay hindi roon naputol ang kanilang komunikasiyon. Isang araw ay nakatanggap siya ng sulat ng pangungumusta mula rito. Sinagot niya iyon at mula noon ay regular na silang nagpapadala ng sulat sa isa't isa. Their friendship became stronger and he started to feel something towards her.
He did not know that during those times that she was in America, she's fighting cancer. Tanging ang mga sulat niya ang nagpapanatili ritong matatag at lumalaban.
After three years, he saw her again. Shocked was an understatement when he saw her, she's so thin, she lost all her hair and she's pale. Doon niya nalaman ang sakit nito nang sabihin nito sa kanya.
Buong araw siyang nagkulong sa kanyang silid at umiyak dahil sa kanyang nalaman. Bata palang si Dianne ng magkasakit ng leukemia. Sampung taong gulang ito ng ideklara ng doktor na cancer free. Subalit bumalik iyon paglipas ng limang taon. Tatlong taon itong nakipaglaban sa cancer sa ibang bansa ngunit lalo iyong lumala.
Wala siyang sinayang na oras at sinabi rito ang totoo niyang nararamdaman. Hindi nito tinanggap ang kanyang pag-ibig dahil sa kadahilanang ayaw siya nitong masaktan. But he kept on insisting and courted her till she gave up and accepted him.
Ginawa niya ang lahat upang mapasaya ang kasintahan noong nabubuhay pa ito kahit na patuloy itong humihina sa pagdaan ng mga araw. Tumagal ng ilang buwan ang kanilang relasyon hanggang sa tuluyan itong mamaalam sa mismong araw ng ikalabing siyam nitong kaarawan.
Matagal nang nangyari ang lahat ng iyon, ngunit hindi niya maiwasang maalala ito at ang mga pinagdaanan nila. Today was her twenty-eight birthday and her ninth death anniversary.
He needed Cameron to make him sane. It was selfish of him but he needed her, her presence calms him. For the past years, women come and go, but no one affected him emotionally before Cameron.
INILAGAY niya sa saucer ang fresh juice na nakuha sa loob ng ref. Kapagkuwan ay naglabas siya ng tinapay at gumawa ng sandwich.
Nakaramdam siya ng lumbay sa pagkaisip sa kanila ni Red. Nitong mga nakaraang araw ay masasabi niyang naging malapit na sila nito. Sa loob ng opisina ay ganoon pa rin ang personalidad nito, bagaman hindi kagaya noon na hindi siya kinakausap. He won't show any emotion but he would buy her lunch and before he goes home, he'll kiss her goodbye.
Their relationship get better, especially in bed. Cameron smiled melancholy at that thought. Ang nangyari noong gabi sa hotel room niya at sa kanyang bahay ay nasundan pa ng ilang beses. At sa lahat ng pagkakataon ay wala siyang makapang pagsisisi sa dibdib.
She already had settled on the fact that she was his prisoner. But he will never be hers, she's just someone who fill his bed and she's fine with that. Una palang naman ay wala itong ipinangako sa kanya. Makikipagbahay-bahayan muna siya rito hanggang sa may pagkakataon pa siya at kaya pa ng kanyang damdamin. Ganoon siya karupok, na marahil ay namana niya sa inang hindi man lang niya nakilala. Pumatol sa may-asawa at nang mabuntis at makapanganak ay iniwan siya.
Nang matapos sa ginagawa ay muli siyang umakyat patungo sa silid ni Red habang dala ang pagkain na hinanda niya. Bukas ang pinto kaya agad niya itong nakita. Tumigil siya sa bungad at pinagmasdan si Red na may kausap sa video conference.
Hanggang sa matapos ito ay nanatili siya roon at nakatingin rito kahit na nangangalay na ang kanyang braso.
"Come here," untag nito sa kanya matapos magpaalam sa kausap na marahil ay isang kliyente.
Inilapag niya ang saucer sa center table bago lumakad palapit rito. Hinila siya ni Red ng mapatapat siya rito kaya napaupo siya sa mga hita nito.
She bravely met his hazel orbs. His thumb went to her lower lip and caress its softness.
Ipinalibot niya ang mga braso sa katawan ni Red at humiling sa dibdib nito. Hindi niya matagalan ang lungkot sa mga mata ng abogado. She wanted to ask him but she had no guts, she doesn't want to impose. Natatakot siyang layuan siya nito kung makikialam siya sa personal nitong buhay.
Despite that they have this silent agreement, he was still cold and distant. He was very different in bed, he was always sensuous and passionate. A very generous lover, he'll always make sure that she comes before he does. He always pleasures her and worships her body, at least doon man lang ay maramdaman niya ang warmth mula rito.
"Thank you," he murmured.
"Why?" Nadadala siya sa lungkot na naririnig sa boses nito. This is so not him, Red was supposed to be cold and impassive. She wondered what made him this sad, or who?
"Just because..."
Hindi na siya muling nagtanong at nanahimik nalang. Nang bigla itong tumayo ay ipinulupot niya ang mga binti sa bewang nito upang hindi mahulog.
Humiga si Red sa kama habang nakadapa siya rito. Akmang aalis siya sa pagkakadapa nang pigilan siya ng binata, kapagkuwan ay ipinikit nito ang mga mata.
"How about the sandwich?" she whispered.
"Hmm." Iyon lang ang isinagot nito.
Inayos ni Cameron ang pagkakahiga sa ibabaw ni Red at humilig sa dibdib nito. His breathing became even, an indication that he had fallen into sleep.
ANG tunog nang pagbukas ng pinto ang nagpagising kay Cameron. Nang imulat niya ang mga mata ay ang mukha ng binata ang agad niyang nakita. Tulog pa ito at hindi man lang nabawasan ang kakisigan nitong taglay. Isang ngiti ang kumawala sa kanyang labi at tumaas ang mga daliri sa hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito.
Isang tikhim ang nagpagulantang sa kanya, nang lumipad ang kanyang mga mata sa may-ari ng boses ay halos lumuwa na iyon dahil sa gulat.
"Ash, gising na ba ang anak—" Napatigil si Tamara nang makita si Cameron sa loob ng silid ni Red. "Oh, hi there, Cameron."
Namula ang pisngi ng dalaga at akmang babalikwas ng bangon nang lalong humigpit ang mga braso ni Red sa kanyang katawan. Umungol ito at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "R-Red, wake up," she spoke nervously. Mabuti nalang at disente silang naabutan ng mga magulang nito kung hindi ay baka lumipad na siya palayo ng Pilipinas dahil sa kahihiyan.
"We'll be waiting downstairs, dear." Tamara smiled at her before tugging her husband whose brows were knitted.
Pulang-pula ang kanyang mukha, hiyang hiya siya sa mga magulang ni Red. Ginising niya ang binata sa kanyang tabi, salubong ang kilay nito nang magising.
"Your parents were here," aniya sa garagal na boses. "Please, hinihintay ka nila sa ibaba," pakiusap niya ng mag-akma itong muling matutulog.
Inalis ni Cameron ang braso nito sa kanyang katawan at tumayo. Inayos niya ang damit at sinuklay ang buhok na nagulo gamit ang mga daliri. Binalingan niya si Red na nakaupo na sa kama at ginawa rito ang ginawa niya sa sarili.
Tiningnan niya ang abogado gamit ang nakikiusap na mga mata. He sighed and get on his feet. Hinawakan nito ang kanyang kamay at humakbang palabas. Tuloy-tuloy na bumaba sila ng hagdan hanggang sa makarating sa living room kung saan naghihintay ang mga magulang nito.
Kahit nakangiti sa kanila ang dalawa ay hindi mawala-wala ang pagkailang ni Cameron. "I-I'll go home na po," paalam niya at pilit na inaalis ang kamay ng abogado na nakahawak sa kanya.
"Join us for dinner," the old man said, flashing his dashing grin. Hindi niya maiwasang mapamaang sa lalaki, bagaman sa tantiya niya ay nasa fifties na ito at nagsisimula ng tumubo ang mga puting buhok ay hindi maipagkakaila ang kakisigang taglay. "I'm Ashton Sanford. My sons takes after me when it comes to looks," he said in a half-joke and extend his arms.
Kiming ngumiti si Cameron at tinanggap ang pakikipagkamay ni Mr. Sanford. Napatitig siya sa mga mata ng matanda na kumikislap, it was brown, mas malabnaw ang kulay ng mga mata ni Red kaysa rito. But both were lovely.
Walang nagawa si Cameron kung 'di ang makipaghapunan sa pamilya ni Red.
Ipinagpasalamat niyang hindi nagtanong ang mga ito kung bakit siya naroon sa bahay ni Red, sa kama nito. He was blessed to have a very beautiful family. They were nice people. Nakilala rin niya ang kapatid ni Red na lalaki na may kulay abong mga mata, kulang ang salitang pagkamangha nang makilala niya ito. Hindi araw-araw na nakakakita siya ng gano'ng kulay ng mga mata. She wonder where Tyler got his eyes, his mother got dark one's and his father's was brown. Si Tyler din ang lalaking nakita niya sa kusina ni Red noong inakala niyang bakla ito. The day when she tasted his lips for the first time.
Napakalaki ng bahay ng mga magulang ni Red na nakatayo malapit lang sa bahay nito. It was as big at Montgomery's house, but the Sanford's was cosy and warm. She felt welcome and envious at the same time.
Nang mapatingin sa gawi ni Red na kaharap niya sa mesa ay nahuli niya itong nakatingin sa kanyang mukha. She smiled at him and he smiled back, the corner of his lips twitched in a half-smile.