Sanford Series 2 Chapter 23

HE was staring at the blank canvas in front of him for a while now. His chest was tightening as her face keep on flashing in his mind.

He missed her. He wanted to see her face again, but he can't. She left him.

Dinampot niya ang paint brush at nagsimulang guhitan ang puting canvas na nasa harapan. He was not as good as his sister but he knew how to draw and paint. Noong bata pa si Tara ay palagi niya itong sinasamahan sa mga art workshop nito kaya natuto siya kung paano magpinta.

Red was oblivious on his surrounding as he was sitting on the floor and her hand moved in a fine stroke.

Tapik sa balikat at umagaw ng pansin ni Red mula sa ginagawa.

"Let's drink," ani Ashton na nakatunghay sa panganay na anak.

Tumango ang binata at itinabi ang mga kagamitan sa pagpipinta. Kinuha niya ang kanyang damit na nakasampay sa sandalan ng sofa at isinuot, kapagkuwan ay sumunod sa ama palabas ng work area ni Tara. Isang silid ang okupado nito para sa propesiyon sa bahay ng kanilang mga magulang.

Sa labas ng bahay sila dinala ng kanilang mga paa. Nandoon ang kanyang kapatid na si Tyler at ang pinsang si Apollo at Lucas.

Umupo siya sa katabing upuan ng kapatid at agad na dinampot ang isang bote ng beer. Sunod sunod niya iyong tinungga at hindi pinansin ang nakapaligid sa kanya.

Cameron. Hindi ito mawala-wala sa kanyang isipan. Ilang linggo na niya itong hindi mahanap at sa mga araw na nagdaan ay lalong tumitindi ang kahungkangan sa kanyang damdamin.

He's getting crazier every passing moment, she can see her in the office, in his house, in the court or even in his parent's house. Why can't he take her off his brain? Why does he have to think of her every second as if she was an unforgettable memory? Was it because he likes her all this time?

Unang kita palang niya kay Cameron sa loob ng sementeryo ay ilang gabi nitong binagabag ang kanyang isipan. Halos tatlong taon ang nakalipas mula noon ay muli niya itong nakita sa loob ng café. He didn't know what struck him at that moment, he was astounded when he saw her again sitting in the café after almost three years.

Naglalakad si Red sa kahabaan ng highway na iyon patungo sa pagkikitaan nila ng kanyang kliyente. Malapit lang iyon sa firm nila kaya napagdesisyonan niyang lakarin ang patungo roon.

Nang mapatingin sa kanyang kaliwa kung saan nakatayo ang paborito niyang café ay biglang natigilan si Red. Hindi niya namalayang napatigil siya sa paghakbang at tinitigan ang pamilyar na mukha ng babaeng nasa loob. Malaya niya itong napagmamasdan dahil salamin ang pinakadingding ng café.

Nagsalubong ang kanyang kilay at kinilala ang babae. Hinahagilap sa isipan kung saan niya ito nakita.

She was beautiful. Hindi iyong ordinaryong ganda. There was something in her that he can't take his eyes off, as if she was telling him to look at her. She was frowning and talking as if she was complaining about something.

He can clearly see her sharp nose and her auburn hair that flows on her fair and creamy skin perfectly.

Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang papasok sa Agapi Café. Nang muli niyang ibaling ang paningin sa dalaga ay nakatingin na ito sa kanyang direksiyon.

Red thought that he was lost at that moment. He got lost on the eyes that stared at him. The world stopped spinning and he could only see her. Tila ba isa itong magnet at hinihila siya papalapit.

Parang may umilaw na bombilya sa kanyang isipan nang maalala kung saan niya ito nakita. It was her! The girl he saw at the memorial park. The one who owned those sinful red shoes.

Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang kung tumibok ang kanyang puso sa pagkatitig sa mukha ng dalaga.

Subalit bigla siyang nagising ng isang lalaki ang nakita niyang pasugod rito. Akma niyang tatakbuhin ang direksiyon nito nang makita niyang nahila na ito ng isang lalaki.

Tumayo siya sa isang gilid at hindi maalis-alis ang kanyang mata sa mukhang iyon. Hanggang sa dumating ang mga pulis at dakipin ang suspek.

Nang makitang nakawala ang suspek sa hawak ng pulis ay agad niyang tinakbo ang kinauupuan ng dalaga at hinarang ang katawan rito. "Shit!" he cursed as pain spreads from his back when he took the blow. Tinamaan siya ng silyang ihahampas sana ng lalaki sa dalaga. Tumama ang bakal niyon sa kanyang likuran.

Tiningnan niya ang dalaga at muling nagsalubong ang kanilang mga mata. He can see the terror in her beautiful eyes. Mas maganda ito sa malapitan kahit na puno ng takot ang mukha.

Ang naramdaman niya noon ang dahilan kung bakit ayaw niyang mapalapit kay Cameron. Hindi niya kayang harapin ang kakaibang damdamin niya rito. Wala siyang naalala na ganoon ang epekto sa kanya ng isang babae sa una o pangalawa nilang pagkikita. Not even Dianne.

Subalit itinadhana marahil na muli silang magkita at magkasama. Dahil kay Anton Carlos ay napalapit siyang lalo rito. He never realized it at first. Akala niya ay ginagamit lang niya si Cameron upang tuluyang mawala sa kanyang isipan ang namayapang kasintahan.

Pinagmasdan niya ang babaeng katabi na payapang natutulog. Hindi nito alam kung gaano siya nito pinasaya nang malaman niyang siya ang pinakaunang lalaki sa buhay nito. Napakapalad niyang naangkin niya ang kagandahang iyon. She's making his heart falter in delight and something else, something that he couldn't name.

Mahigpit niya itong niyakap at napangiti. She purred and buried her face on his chest.

Kinabukasan nang magising siyang wala ito sa kanyang tabi ay gusto niyang magwala. Subalit naroon ang chambermaid na natigilan, kapagkuwan ay napahiyaw ng malakas. Sumugod pa ang ilang staff ng hotel at ang mga nabulabog na mga guest ng hotel.

He got mad at her. He wanted to strangle her pretty neck for leaving him and putting him in a horrible situation.

Since that moment, he can't get enough of her. It was always sweet every time their body touch. He wanted to be with her, always. Hinahanap hanap na ito ng kanyang sistema at hindi mabuo-buo ang kanyang araw kung hindi ito nakikita.

Ngunit dumating ang araw na naging malamig na si Cameron. Hindi ito sumasagot sa kanyang tawag at halatang iniiwasan siya nito.

"Baby, who is that? Come inside its raining!"

"No one." Hindi niya maipaliwanag ang sakit na sumalakay sa kanyang dibdib nang marinig ang mga sakitang iyon.

"Rain," he called her but she never glanced back at him. Even just for a split second.

Ilang sandali siyang nakatayo roon sa labas ng bahay ng dalaga at nakatingin sa nakasarang pinto. Hindi alintana ang malalakas ba patak ng ulan na tumatama sa kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay sumasabay sa buhos ng panahon.

Pumihit si Red upang umalis na sa lugar na iyon nang may mahagip ang kanyang mga mata. Dinampot niya ang dalawang halaman na tinatamaan ng ulan at dinala niya pauwi. Baka sakaling maisipan nitong puntahin siya para sa mga halaman nito.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan niya. Bukas na bukas rin ay nalaman niya mula kay Pauleen na umalis ng bansa si Cameron at hindi nito alam kung kailan babalik ang dalaga. Nawasak ang natitira niyang pag-asa na magiging maayos silang muli.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Yes, he was waiting for her to come back. He already had settled on the fact that he cannot live a fulfilling life without her.

"Go home, son." Tinapik ni Ashton ang balikat ng kanyang anak na nakayupyop na sa ibabaw ng mesa. Nakauwi na ang iba sa kanya-kanyang bahay at sila nalang dalawa ni Red ang naroon.

"How did you know that you want to spend your life with Mom? How did you know that she is the one?" Red asked in his drunk state.

"You'll know it when you feel it. I can't get her off my mind, I see her everywhere I go like a mad man."

"I love her, Dad," he said groggily.

"Then go get her," sagot ni Ashton. Ngunit duda siya kung narinig iyon ng anak na tuluyan nang nakatulog.

"You'll be fine, son."

TUMUNOG ang kanyang telepono ngunit hindi niya iyon pinansin. He was busy preparing for his upcoming hearing. Isang parricide case ang hinahawakan niya ngayon. Napatay ng akusado ang ama nito dahil tinangka siya nitong gahasain. Mataman niyang pinag-aaralan ang kaso upang malaman kung ano ang totoo at sino ang dapat na mapanagot sa nangyari.

Nang muling tumunog ang aparato ay ibinaba ni Red ang hawak na ballpen. Kunot ang noong tiningnan niya ang caller. Nang makitang isa sa mga pinsan niya ang tumatawag ay tinanggap niya iyon.

"Kuya Red!" Agad niyang nailayo ang telepono sa tainga dahil sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya. "I saw her!"

"I'm busy, Krishia Winter, I have no time for your stories," he said coldly. Napahagod siya sa batok ng maramdaman ang pananakit do'n. Marahil ay dahil sa ilang araw na siyang walang maayos na tuloy.

"Nakita ko nga siya! Si Ate Cameron. She's here in Canada."

"Bye." Ibinaba na niya ang tawag nang marinig ang pangalang binanggit nito.

He missed Cameron but he won't run after her. Hihintayin niya itong bumalik sa kanya, kung bumalik man ito. Paano kung nakahanap na ito ng iba? Ang lalaking iyon sa bahay nito, paano kung ayaw na nito sa kanya dahil may nahanap na itong bago? Marahil ay kasama nito ang lalaki na nangibang bansa.

Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Red at binuksan ang drawer ng kanyang lamesa. Mula roon ay inilabas niya ang kamerang pag-aari ni Cameron. Lumang modelo na iyon ngunit functional pa at maganda ang kuha.

Ilang buwan na iyon sa kanya ngunit ngayon lang niya iyon bubuksan. Nang pumunta siya noon sa bahay ni Cameron ay hindi na niya ito nadatnan, pinapasok siya ni Pauleen sa bahay ng dalaga at nakita niya ang kamera sa ibabaw ng lamesa.

Inilapag niya ang salamin sa mga mata at humiga sa kanyang kama. He was browsing the photos when he saw his face. Kumunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang kanyang mukha. He had a lot of candid shots. A photo of him at the office, in his house, and what caught his attention was the photo where he was lying on the bed. Nasisiguro niyang sa loob iyon ng hotel room ng dalaga. Marahil ay kinuha nito iyon nang magising ito kinabukasan.

Malakas na malakas ang kalabog ng kanyang dibdib habang patuloy sa pagtingin sa mga larawan. Hanggang sa makarating siya sa panghuling kinuha nito.

Mabilis na tumayo si Red sa kanyang kama at dinampot ang cellphone na nasa kanyang study table.

"Where is she?" agad niyang bungad sa nasa kabilang linya nang sagutin nito ang kanyang tawag.

"Who?" tanong ni Krishia habang ngumunguya. Nginitian niya ang kaharap na binata na nakatingin sa kanya. "It's my cousin", she mouted at him.

"Where is Cameron right now?" he asked impatiently.

"Oh. I'll text you the address. I saw her once when I went shopping, sinundan ko siya dahil sa curiosity and I happened to know her address. Malapit lang sa hotel na tinutuluyan ko," mahabang paliwanag ni Krishia.

"Text me the address, now."

Nang maibaba niya ang tawag ay agad siyang naghanap ng book ng flights gamit ang app patungo sa bansang binanggit ng kanyang pinsan. Dalawang araw pa mula ngayon ang nakuha niya at hindi niya alam kung makakatagal pa siyang wala ito sa kanyang tabi pagkatapos ng mga nakita niya.

Tuluyong inukopa ni Cameron ang isipan ni Red. Ni hindi na niya magawang isipin ang kasong pinag-aaralan at tuluyan nang nakalimutan.

Lumakad siya palabas ng sliding door at tinungo ang balkonahe ng kanyang silid. Kapagkuwan ay dinampot ang dalawang halaman dahil nagsisimula nang bumuhos ang ulan.

Tuluyan pang lumaki ang mga cactus na pag-aari ni Cameron na nasa pangangalaga niya ngayon.

Inilapag niya sa center table ang dalawang paso at umupo sa mahabang sofa. "Terry, Lerry, I will finally see her again." Kilala niya ang dalawang halaman dahil naikuwento na iyon ni Cameron sa kanya maging ang pinagmulan ng mga ito. Terry was given by George and Lerry was from Oliver.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang maalala ang araw na nahulugan siya ng paso sa ulo. "Wait for me, Cameron."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.