PAPALABAS na siya ng trial court nang makitang papasalubong sa kanya ang step-sister na si Francine. Nakasuot ito ng prosecutor's robe at may dalang dokumento sa mga kamay at marahil ay patungo sa isang hearing.
Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy na lumakad. Subalit napatigil siya sa paghakbang nang bigla itong magsalita. "Why?" Kunot noong nilingon ni Cameron si Francine na nakalagpas na sa kanya. Nakalingon din sa kanya ang kapatid. "Why didn't you sue my mother?"
Pinakawalan ni Cameron ang noo mula sa pagkakakunot at bumuntung-hininga. She smiled at Francine wryly. "I don't want to stress myself." Iyon lang at tinalikuran na niya ito. Narinig pa ni Cameron ang mahina nitong, thank you.
She decided to not file a case against Feliza. Nakuha na niya ang dapat na sa kanya at hindi rin siya mapapayapa kung maipapakulong niya ito.
Nang makalabas si Cameron ay tumigil siya sa harap ng trial court at tinitigan ang mataas na gusaling iyon. Sari-saring damdamin ang namahay sa kanyang dibdib, there was sadness and there was contentment.
It was her last day as a lawyer. Finally, she found the courage to be true to herself. Hindi naman talaga iyon ang kanyang pangarap, hindi ang pagiging abogado ang hinangad niya noong bata pa siya.
She wanted to please her dad and gain the respect of her stepmother and siblings. She believed that if she'll become like them, they would accept her. But now, she realized that she didn't have to be anybody she doesn't want to be just because she wanted to be accepted. That's not what her father wanted for her.
Sure, she loved helping others, she enjoyed being a lawyer. Standing in a courtroom, engulfing all pressures and fought hard to beat it and won. She'll probably miss those things, but she needed to stop and start pampering herself.
Kahit na naging masaya siya sa mga nagdaang tatlong taon na pagtatrabaho bilang abogado ay naroon palagi ang pakiramdam na parang may kulang.
Ipinasok ni Cameron ang kanyang briefcase sa loob ng kotse, kapagkuwan ay inilabas ang digital camera na galing pa sa kanyang ama.
Itinutok niya ang kamera sa mataas na gusali at kumuha ng magandang shot. A smile of satisfaction etched her lips as she captured the best shot. The building was standing proud and mighty under the afternoon sun. Now, that was she loved the most, taking photographs. Bata palang siya ay iyon na ang gusto niyang gawin.
It was always satisfying when she saw the photographs she shot by herself. It was fulfilling and blissful.
"CONGRATULATION for winning the case," bungad sa kanya ni Anton Carlos pagkapasok niya ng opisina nito.
"Thank you, Attorney," kiming sagot ng dalagang abogado. Umupo si Cameron sa upuang nasa harap ng mesa ni Anton Carlos. Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago sinalubong ang mga mata ng nakangiting abogado. "I... I am very thankful and grateful to be part of your team, Attorney..." panimula niya. "...but I have to do this," aniya sabay labas ng resignation letter mula sa kanyang bag.
Nagsalubong ang kilay ni Anton Carlos at may pagtatanong sa mga mata. "Why?"
"I don't to be someone who I don't wanna be just to please others. I need to have the time for myself, Sir."
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni AC, tumayo ito at lumapit sa dalaga. "Let me hug you," he said and envelop her in a warm embrace. "Do what you want to do and what your heart desires. Your father will be happy to see you living each day with your eyes glow in happiness and contentment. Please know that you always have a place here, Cameron."
"Thank you, Sir," sagot niya na gumaralgal ang boses.
"Call me Tito."
"I'll visit you, Tito."
"Yeah, do that. Go find your place under the sun, I'll be cheering for you."
Nagpaalam na si Cameron dito at tumalikod na upang umalis. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalabas ay muli siyang nagsalita. "Can you keep this between us? I didn't tell someone yet. He didn't know," tukoy niya kay Red.
Tumango si Anton Carlos. "Are you okay?"
"I will be."
"ANONG ginagawa mo rito?" she asked with a straight face. Red frowned at the coldness she emitted.
Sinara ni Cameron ang pinto ng kanyang bahay at kahit umaambon ay wala siyang balak papasukin ang binata sa loob ng bahay.
"Why are you avoiding me?" he asked, still frowning in confusion. "Bakit hindi ka na pumapasok sa firm?"
"I resigned," she answered indifferently as if it wasn't a big deal.
"You what?! Why? Why didn't you tell me?"
"Do I have to tell you, Attorney?" Her voice was as cold as the glaciers. "If you don't have anything important to say, please leave Attorney. I'm busy at the moment."
"What happened to you? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Bakit mo ako iniiwasan?" His lips were pressed into a thin line and his jaw tightened.
Galit si Red at sa maikling sandali ay gustong bumigay ni Cameron at pumaloob sa mga bisig nito. Tinatagan niya ang dibdib at sinalubong ang nag-aapoy nitong mga mata. "I'm busy." Totoong marami siyang ginagawa nitong mga nakaraan kaya hindi sila nagkikita, totoo ring ginamit niya ang pagiging abala upang hindi ito makatagpo.
Hindi pa rin nawawala ang sakit sa kanyang dibdib nang marinig mula rito ang totoo nitong nararamdaman. It's time to let go and part ways. Hindi naman puwedeng habang buhay nilang igugol ang kanilang oras sa isa't isa sa ibabaw ng kama.
Gusto niyang magalit kay Red ngunit wala siyang karapatan. Ginusto niya ang lahat at siya dapat ang sisisihin sa mga pasakit na dumating sa kanya ngayon. Gusto niyang magmove-on at lumayo rito upang makalimutan ang kanyang nararamdaman para rito. She had her time with him, now its time to have time for herself, alone.
"Baby, who is that? Come inside its raining," tinig na mula sa loob ng bahay. Naikuyom ni Red ang mga kamay at lumarawan ang mga katungan sa mga mata habang nakatingin kay Cameron.
"No one, babe," balik na sigaw ng dalaga para sa nasa loob ng kanyang bahay. It was Oliver, pinalalilam nito ang boses upang marahil ay hindi makilala ni Red. "Kung wala ka nang sasabihin, Attorney, I'll go inside. Tinatawag na niya ako."
Mabilis na tumalikod si Cameron, kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pag-uunahan ng bawat patak ng kanyang luha. "Rain." Hindi niya pinansin ang mahina nitong pagtawag at pinihit ang seradura ng kanyang bahay upang pumasok.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay dalawang pares ng mga braso ang sumalubong kay Cameron. "O-Olly, Georgy..." she cried in their arms.
"Are you okay, now?" Oliver asked when there were no tears left on her swollen eyes.
"I will be," she muttered and smiled bitterly. She will be okay, not now but maybe later. Time heals all wounds ika nga, at darating din siya sa puntong makakalimutan ng kanyang puso ang isang Tyson Red Sanford.
"Are you sure with your decision?" tanong ni George na sinulyapan ang maletang nasa ibabaw ng kanyang kama.
Kinuha ni Cameron ang magkabilang kamay ng dalawa at hinalikan ang palasingsingan ng mga ito. "I wouldn't miss your special day. I'll be the happiest friend in the world." At least masaya ang dalawang taong mahal niya. They'll be married in Canada and she will be there to witness it and of course, she had other reasons why she wanted to go to Canada. She wanted to forget Red and find her mother.
TININGNAN niya ang eroplanong dumaan sa himpapawid. She was as if looking in an artwork where the vast and sunny sky was the canvas and the plane was the masterpiece that was crafted by the great artist.
The sky was peaceful and quiet, but her heart contradict its brightness. There was a heavy rain in her heart that flooded her whole system and drowning her. She wondered, if she'll fly high, will she be able to capture the vibrant sun? She hoped that its brightness would kiss the storm in her heart away.
"Are you ready?" Binalingan niya ni Cameron si Oliver at tinanguan. Hindi niya magawang suklian ang ngiti nito. Naiintindihan naman iyon ni Oliver at hinalikan ang kanyang noo. "Let's go," anito nang tawagin na ang mga pasahero sa flight nila.
"Hindi talaga sasama si Pauleen?" tanong ni George na nasa kabila niya. Muli ay tango lang ang tanging naisagot ni Cameron dito.
She was worried of living Pauleen, but he assured her that he will be alright. Ilang buwan din siyang mawawala at maiiwan itong mag-isa. Inanyayahan niya itong sumama ngunit tumanggi ito dahil marami itong aasikasuhin. Whilst her was completely jobless. Ang balak niya ay mahasa ang kaalaman niya sa photography sa bansang kanilang pupuntahan.
With all the money she got from her father, she could have the luxury of spending her life doing nothing. Kahit hindi siya magtatrabaho ay mabubuhay siya ng perang iniwan ng ama, sobra sobra pa. Subalit balak niyang sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay magtatayo siya ng negosyo. Or pursue photography as her profession.
Nang makasampa sa eroplano ay ipinagpasalamat niyang sa may bintana naroon ang kanyang upuan.
Hanggang sa magtake-off ang kanilang sinasakyan ay hindi niya maialis ang mga mata sa labas ng bintana, hanggang sa halikan ng eroplano ang mga ulap.
She inhaled deeply and twitched her lips in a bittersweet smile. Hati ang kanyang kalooban sa pag-alis, naroon ang sakit dahil malalayo siya sa taong mahal niya at ang pagkasabik na makilala ang kanyang inang buong buhay niya ay hindi niya nakita.
Nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ay pumikit si Cameron. Isinandig ang ulo sa balikat ni Oliver at binalikan sa isipan ang araw na una niyang nakita si Red.
MALAKAS ang kalabog ng dibdib ni Cameron habang nakatayo sa labas ng bahay na kanyang pinuntahan. Nanginginig ang kanyang binti dahil sa kaba.
Ilang sandali na siyang nakatayo roon bago bumuga ng pagkalalim-lalim na hininga at lumakad palapit sa pinto ng bahay.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at kumatok. "Who's behind the door?" tinig mula sa loob ng bahay.
Hindi makasagot si Cameron at nanatiling nakatayo sa labas. Her hand formed into a tight fist when she heard the footsteps from inside.
"Who—" Natigilan ang babaeng nagbukas ng pinto ng makita ang dalagang nasa labas.
"K-kayo po ba si... si Cassandra," she asked in a trembling voice.
Sa halip na sagutin ang dalaga ay mahigpit itong niyakap nang may katandaan ng babae. Nanginginig ang katawan nito at ramdam iyon ni Cameron. "Anak..."
"M-Mom..." sambit niya habang walang tigil ang luha sa pagpatak mula sa kanyang mga mata. Sinuklian niya ng mahigpit na yakap ang kanyang ina at umiyak sa mga bisig nito na parang isang sanggol.
Nang araw ring iyon ay nakilala ni Cameron ang ilangm niyang kamag-anak mula sa panig ng kanyang ina. Ang kapatid ni Cassandra na si Cathy at ang mga anak nito.
Hindi nagkaroon ng asawa ang kanyang ina o ibang anak maliban sa kanya.
Wala siyang galit dito, sa katunayan ay tuwang-tuwa siyang makita ito. Perpekto na sana ang buhay niya kung hindi lang sa suliraning pampuso na kanyang kinakaharap.
Nalaman niya mula kay Cassandra na sinubaybayan siya nito mula noong bata pa siya. Palihim na nakatingin mula sa malayo. Sa mga mahahalagang araw ng kanyang buhay ay naroon ito. Subalit nang paalisin siya sa bahay ng mga Montgomery ay hindi alam ng kanyang ina kung saan siya hahanapin.
"Hindi ako makapaniwalang nandito ka sa tabi ko, anak," si Cassandra. Hinaplos nito ang pisngi ng anak na sa wakas ay nagawa na niyang mayakap at mahawakan. For the past years, her life was always hollow.
"I'm sorry, natagalan ako, Mom." Mom, it feels so good to utter that word. Pagkalipas ng dalawampu't walong taon ay may matatawag na siya gamit ang salitang iyon. "Dad is very happy right now, now that I've found you. His wish was for this day to happen."
"I love you, Rain, anak."
Buong araw silang nag-usap ng kanyang ina. Bumabawi sa mga araw na nasayang nila.
Sa nakalipas na mga araw ay noon lang nakangiti ng totoo si Cameron. Sandali niyang nakalimutan ang problemang kinakaharap ng kanyang puso.