SHE sighed dreamily while staring at the handsome man behind the counter. She took the Frappuccino to her mouth and take a sip without breaking her eye contact with that handsome man who happened to be her ex-boyfriend.
Kumindat ito sa kanya at ngumisi bago hinarap ang mga orders dito.
"Stop ogling at my boyfriend," pabulong na sita sa kanya ng katabi sabay gawad ng pinong kurot sa kanyang tagiliran.
She sighed for the nth time and settled her chin above her knuckles. "How can someone be so hot and handsome? He's a walking sin."
"He's not yours anymore," nang-uuyam na paalala nito.
Marahas niya itong nilinga at kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ito sa kinauupuan. "Whose fault is that? Kung hindi ka lang naman malandi, 'di sana kasal na kami ngayon!"
"Well, he loves you but wasn't really in love with you. Do you get what I mean?" Hindi siya sumagot at inirapan lang ang katabi. "He loves me, bitch, suck it up," bulong muli nito malapit sa kanyang tenga.
"Whatever, mas maganda naman ako sa 'yo."
"Mas masarap ako," anito na ikinapadyak ni Cameron. Kumislap sa pagkaaliw ang mga mata ng katabi niya at may ngiting naglalaro sa mga labi.
"Wala kang matris, hoy, bakla. Bak—" Natigil siya sa pagsasalita ng bigla nitong takpan ang kanyang bibig. She tried to speak but he held her mouth captive. Ang malaki nitong kamay ay pumipigil sa kanyang bunganga at ilong, at nahihirapan siyang huminga dahil do'n.
"Sige lakasan mo pa," bulong nito at muling kinurot ang kanyang tagiliran.
Mariing kinagat niya ang kamay ng kaibigan kaya nabitawan nito ang kanyang bibig at ilong. Napahiyaw naman ito ng malakas na siyang sanhi upang mapatingin sa kanilang direksiyon ang mga customers ng café.
Cameron cannot contain her giggles when her friend wrapped his arms around her immediately and pulled her closer to his body, then flash his boyish grin to everyone.
"Bitawan mo ako, bakla," bulong niya rito na may kasamang ngisi at panunudyo.
"Be still! Just play along."
She smirked and leaned closer to his broad shoulder. Muli niyang dinala ang inumin sa bibig at wala sa loob na nagawi ang kanyang tingin sa may counter.
Napangisi siya ng may ideyang pumasok sa kanyang isipan. Sinalubong niya ang tingin ni Oliver—ang kanyang ex-boyfriend. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanilang direksiyon. Isiniksik niyang lalo ang katawan sa kaibigan at iniyakap ang braso sa katawan nito.
"What are you doing?" tanong nito na halata ang pagkailang sa kanyang ginawa. They were usually this close, but not in a public place. He was her best friend since diaper days. Magkasama silang lumaki at isa ito sa mga taong naging karamay niya noong namatay ang kanyang ama at palayasin siya sa kanila.
He loves her just like how she loves him. Kaya hindi siya masyadong nagtanim ng sama ng loob dito nang agawin nito si Oliver sa kanya, inagaw nga ba? No, not really. Mahal siya ni Oliver gaya ng kung paano siya mahal ni George—her best friend. She already had settled on that fact and accepted them with open arms. They were her friends and she was more than blissful to have them in her life.
"Don't move, bakla. Can't you see, I'm helping you! Nakatingin sa atin ang mga tao, sa tili mo ba naman." Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan na inilinga-linga ang paningin sa paligid.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa counter at napasimangot nang makita si Oliver na nangingiti at umiiling-iling habang nakatutok ang mga mata sa kanila ni George. "Bitch," she mouthed at his direction. Lumapad ang pagkakangiti ng dating kasintahan na siyang nagpatanga sa ilang kababaihan na umu-order ng kape sa harapan nito. Poor hearts. Many hearts will be heartbroken if they'll found out the true color of that macho man.
Pinakawalan niya si George at umayos ng upo. Wala rin namang silbi dahil hindi man lang magseselos si Oliver sa kanila. Inubos niya ang kape at binuksan ang kanyang laptop.
"A new case?" tanong ni George nang matingnan ang kanyang ginagawa.
"Yeah. A cold one, muling nag-apila ang pamilya ng biktima. Walang gustong ibang humawak dahil sa complexity ng case kaya sa akin ibinigay. They handle the easy road while I'll take the rough. Where is fairness anyway?" Palatak niya habang nanatiling nakatutok ang mata sa gadget. "Kaunti nalang and I'll resign to that firm at mag-aasawa ng mayaman." Masisira niya marahil ang keyboard ng kanyang laptop dahil sa pagkakadiin.
George snorted. Nagpakakomportable ito sa upuan, humalukipkip at tumingin sa kanya. "Kung may papatol, Cam," pang-iinis ni George sa dalaga.
"Suntok gusto mo? O kausapin ko kaya si Tito James." Tukoy niya sa ama ng kaibigan. Itinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusuko at ngumiti sa kanya na tila ba ang bait-bait nito.
"Go on, sweetheart, I'm all ears, I'll listen to all your sentiments," George, then pinch her nose.
Hinawi niya ang kamay nitong nasa kanyang ilong na namumula na at marahan itong sinuntok sa tiyan. "Buwesit!" She blew a deep breath and the moment she opened her mouth she blurted all the things that trouble her. "Life's really unfair, imagine, I was the one who won the case last week but that bitch took all the credits! Wala naman siyang naitulog, malaki ang tiwala niya sa sarili dahil ama niya ang director ng law firm. Naiirita ako sa boses niya, sa mukha niya, god, I want to get rid of her in my life. Pinapahirapan niyang lalo ang dati nang mahirap kong buhay."
Sandali siyang natigil sa pagtatalak nang may naglapag ng kape sa kanilang mesa. Tumaas ang kanyang tingin kay Oliver na nakalapit na pala sa kanilang direksiyon nang hindi niya napapansin. Napanguso siya at tumingin dito na tila ba nagsusumbong. He just smiled at her and ruffled her hair. Lalong napasimangot si Cameron sa ginawa nito.
He was too good to be true. Magandang lalaki, mayaman at maginoo—akala lang pala niya 'yon. He never took advantage when they were still together. Mabibilang lang sa daliri ang mga panahong hinalikan siya nito sa labi. And it wasn't really considered a kiss. Hanggang hawak ng kamay at akbay ang extent ng closeness nila noon. Iyon pala ay iba ang laman ng puso nito, iba ang gusto.
Noong malaman niya ang totoong pagkatao ni Oliver ay hindi niya matandaang nagalit siya sa dating nobyo. Mas lamang ang pagkamangha at pagkabigla nang malamang gay ito at matindi ang pagkagusto sa best friend niya. Ngunit aaminin niyang nakaramdaman siya ng sakit at tampo nang malaman ang dahilan ng pagsuyo nito sa kanya.
Oliver came from an influential family. Dating senador ang ama nito at dating actress ang ina. Dahil gusto nitong paluguran ang ama at para pagtakpan ang kasarian ay niligawan siya ni Oliver. Mabait ito at kampanti ang loob niya sa dating kasintahan kaya sinagot niya. Umabot ng halos isang taon ang kanilang relasyon bago ito nagtapat sa kanya at naglabas ng totoong damdamin. Ginamit man siya nito ay alam niyang minahal siya ng dating kasintahan, ngunit hindi ang pagmamahal na akala niya ay inalay nito sa kanya. He loves her as his younger sister, as his friend.
She didn't felt any betrayal when she found out that Oliver and George were in a relationship. She was happy for them, she was rooting for them.
Ngunit hindi niya maiwasang makaramdaman ng inggit sa tuwing tinitingnan ni Oliver si George. His eyes were glowing and full of love and it mirrored George's dark orbs. She was silently hoping that someone will look at her with those eyes. Apat na taon na ang relasyon ng dalawa ngunit masaya parin ang mga ito, saksi siya sa mga pinagdaan ng dalawang kaibigan. And she envied their love.
Kagaya ngayon, nang magawi ang tingin ni Oliver kay George ay agad ang pagliwanag ng mga mata nito.
"Stop doing lewd things with your eyes, okay? It was as if you are making love with those lustful eyes, mahiya nga kayo, may single rito!"
Ngumisi si George sa kanya at idinantay ang braso sa kanyang balikat. "Where were we, sweetheart?"
"Pinapahirapan niyang lalo ang dati nang mahirap kong buhay, that's what I've heard last," si Oliver na pasimpleng kumindat kay George.
Cameron rolled her eyes. "Look at you..." she pointed her hand at the two men. "...you're happy and in love, you are showered with too much luck. How can life be so unfair to someone like me? My job, my relationships and family, it seems like that I took all the mishap I can accommodate."
"Oliver and George wasn't luck, darling, it's love," ani George malapit sa kanyang tainga. Napaigik ang kaibigan ng bigla niya itong sikuhin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kanyang tabi at lumipat sa harapan, katabi ni Oliver.
"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil sa balitang ikakasal na ang kapatid mo?"
"Kapatid, my ass! Of course not, Olly." Umilap ang kanyang mata at hindi matingnan ng diretso ang dalawa. Muli niyang itinuon ang paningin sa laptop.
Nagkatinginan lang ang dalawang lalaki at nagkibit ng balikat. Kahit na hindi sabihin ng dalaga ay alam ng dalawa ang totoo niyang nararamdaman.
Dahil sa sinabi ni Oliver ay muli na namang naalala ni Cameron ang pagkikita nila ni Francine kahapon. She blatantly insulted her for losing the case against the prosecution. Ito ang kaharap niyang prosecutor at natalo sila ng client niya sa kaso.
Paglabas ng supreme court ay nilapitan siya nito at hayagang ininsulto. Francine proudly showed her the ring on her finger and she even invited her to their engagement party. She was completely aware that Francine only did that to humiliate her further and she admits that she did felt humiliated. Ang mapapangasawa nito ay dati rin niyang naging karelasyon. Ito ang naging huli niyang kasintahan at ilang baldeng luha ang iniluha niya dahil sa ex-boyfriend niya na fiancée na ngayon ng kapatid. Yes, kapatid! She hated to accept the fact, but they were sisters, they were using the same surname but they were never sisters for the real definition of that word.
They are not in good terms, although they were professional when it comes to work. Hindi rin maiiwasang madalas niya itong makasalubong dahil sa uri ng trabaho nila. Hindi sila nagpapansinan malibang nasa loob ng courtroom at nagbabatuhan ng salita para idepensa ang kanya kanyang panig.
Iniyakan niya ang pagtataksil sa kanya ng dating kasintahan hindi dahil mahal niya ito. Nasaling ang kanyang pride nang malaman kung sino ang ipinalit nito sa kanya. She wanted to kill that bastard for doing that to her. Matatanggap pa niya kung ibang babae ang ipinalit nito sa kanya, but Francine? That brought her to edge, kaya nakagawa siya ng isang bagay na pinagsisisihan niya sa huli.
"Of course I'll be there, I wouldn't miss it for the world. I should at least congratulate my 'sister' and my 'ex-boyfriend'. You'll be great together." Yes, a cheating bastard and a bitch, you'll be a good match. "Do you mind if I'll take my fiancée with me?"
Tumaas ang kilay ni Francine at ngumisi sa kanya. "Really? You have a fiancee? Well, that's news, Cameron. Bring him with you then," anito sa tonong nang-uuyam at hindi kumbinsido sa mga katagang lumabas sa kanyang bibig.
Itinaas niya ang noo at ngumiti ng matamis sa kaharap. "Five months is a long time, my dear sister, I've moved on. I've found the love of my life and we're getting married too," she bluffed. Bahagya siyang lumapit dito at inilapit ang bibig sa bandang tenga nito. "Besides, he bores me to death. Buti natagalan mo... best wishes." She flashed a satisfied smile when she saw how her face turned red.
Iniwan niya roon ang babae na namumula parin sa galit at pagkapahiya. Humanap siya ng pinakamalapit na banyo at ini-lock ang pinto pagkapasok.
Nang masigurong siya lang ang tanging naroroon ay tumili siya at sinabunutan ang sarili. "You're crazy, you're crazy! Bakit mo sinabi 'yon? Bakit?" Panibagong suliranin na naman ang kakaharapin niya dahil sa sinabi. Ayaw niyang mapahiya sa pamilya ng ama niya. She'd rather buried herself than seeing the satisfaction on their faces for shaming her.
Nanlulumong napadausdos siya sa pinto at tumalungko habang nakasabunot pa rin sa kanyang buhok. Napukaw lang ang kanyang pansin ng mga katok mula sa labas kaya agad siyang tumayo at inayos ang sarili. "Bahala na", aniya sa repleksiyon sa salamin.