"Let me borrow your body just for one night," deklara niya sa dalawang kaharap na nanlaki ang mga mata dahil sa kanyang sinabi. Kung wala lang siyang inaalalang problema ay bubunghalit siya ng tawa sa mukha ng dalawang bakla. "It's not what you think it is!" She rolled her eyes upward then showed her troubled eyes.
"Hindi kami pumapatol sa kagaya mo, Cam! Mandiri ka nga."
"Hindi rin ako papatol sa kagaya niyo, George!" Oliver and George smirked as if telling her that she already did. "Whatever! Just help me, I'm desperate. Kailangan ko ng magpapanggap na fiancée sa engagement party nila. Damn, why did I do that?!" Sabay gulo niya sa kanyang buhok sa sobrang frustration.
Dumukwang si Oliver at pinigilan ang kamay ni Cameron na gumugulo sa mahaba nitong buhok. May mga customer nang napapatingin sa kanila dahil sa kanya ngunit wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid. She's desperate and frustrated, her life's crazy.
She pouted and stared at him. "Olly, I don't want to be humiliated and be tagged as a bluffing fool in front of them," sumbong niya rito habang inaayos nito ang kanyang magulong buhok. Oh, Oliver is the sweetest. "Let me borrow him, Georgy, just for one night. Holy cow, this is driving me mad!"
"What will happen next? They'll expect that you'll be getting married, you're driving yourself to the pit, sweetheart," George muttered in a soft voice with a concerned look on his face.
"I'll marry Oliver then!" she declared in a sarcastic tone.
"Bitch!" Her best friend gave her a roll. "Why don't you find yourself a man? When I say, man..." George leaned forward and angled her face through the direction of the café's glass door. "...I mean that man, Cameron! He's handsome and oozing with sexiness. Maghubad ka kaya sa harapan niyan, siguro naman papatulan ka. Galingan mo lang sa paggiling."
"Shut up, Georgy!" she hissed without glancing back. Her mouth agape and her eyes were fixated at the sight of the man who was entering the café. Tama si George sa mga ginamit na adjectives dito. His long legs that seem to run forever, his broad shoulder and his tall physique would drive any woman mad. The man was of the mysterious type, aloof, and he also looked... foreigner.
Napakunot ang kanyang noo nang maramdamang tila pamilyar ang mukha nito. Bagaman ay hindi ito ang uri ng taong madaling makalimutan, he stood out from the crowd. May nararamdaman siyang familiarity habang tinitingnan ang kakapasok lang na lalaki.
She was staring at his face with knitted brows when he glanced in her direction and their eyes met. Hindi niya magawang mag-iwas ng tingin dahil huli na, nakita na siya nitong nakatingin dito.
For a moment, she felt like her world stopped spinning and there was only him and her. The sound in her surrounding was inaudible and she couldn't explain why the sudden hit of uneasiness. But her delusions were disturbed with the shriek and commotion from the customers and that broke her eye contact with him.
Tiningnan niya kung ano ang sanhi ng pagpulasan ng mga taong nasa loob ng café, maging ang mga kasamahan niya ay napatayo sa kinauupuan. Approaching her direction was a man in his late forties, his eyes were murderous and he looked livid.
Napasinghap si Cameron nang makita ang pagkislap ng patalim na hinugot ng lalaki mula sa tagiliran nito. Hindi niya agad nahamig ang sarili dahil sa pagkagulat kaya nang undayan siya nito ng saksak ay natulos ang kanyang katawan sa kinauupuan.
"Mamatay ka, Montgomery!" Nanlilisik ang mga mata ng lalaki at iniunday ang patalim sa direksiyon ni Cameron.
Napasigaw ang mga taong nakakita sa ginawa ng lalaki. Ngunit sa upuan tumama ang patalim na para sana kay Cameron dahil agad siyang nahila ni George paiwas.
Furious, the man turned his darting eyes in her direction. Muli itong sumugod patungo sa kanya ngunit agad itong napigilan ni Oliver. Oliver was trained in martial arts and he's much bigger than the attacker. He was tackled by Oliver to the ground and loosen his grip on the knife.
"Are you okay?" George cupped her horrified face. Tango lang ang nagawa niyang itugon dito dahil nanginginig ang kanyang mga labi sa gulat at takot. It was too sudden that she was frozen in place, kung hindi dahil kay George ay baka napahamak na siya.
Binalingan niya ng tingin ang direksiyon ni Oliver at ng lalaking nakalugmok sa sahig at nagsisisigaw. He was screaming how he wanted her dead, he really wanted to kill her. Napakapit siya sa kaibigan dahil biglang nanghina ang kanyang mga tuhod, agad namang ipinulupot ni George ang mga braso sa kanyang bewang.
Hindi katagalan ay dumating ang mga pulis. Ang mga kaibigan na ang nakipag-usap sa mga ito dahil nasa state of shock parin siya, iyon ang unang beses na nangyaring may nagtangka sa kanya sa dalawang taon niyang pagiging abogado.
Kilala niya ang lalaking sumugod sa kanya, nakita na niya ito makailang beses sa loob ng courtroom. Ama ito ng lalaking naipakulong niya dahil sa salang pagpatay. The man took it personally and centered all the blame in her. Aware siya sa mga panganib na dala ng trabahong kanyang napili, pero hindi ganoon kalala ang inakala niya.
Nanginginig ang mga kamay na dinampot ni Cameron ang basong may lamang tubig at ininom.
Marami-rami naring mga tao ang nakikiusyoso sa pangyayari. Dahil salamin ang pinakading-ding ng Agapi Café ay makikita ng mga nasa labas ang nangyayari sa loob.
Kinuha na ng isang pulis ang lalaki at akmang pupusasan ng makawala ito sa naroong pulis at tinakbo ang kinaroroonan ni Cameron na nakaupo sa isang tabi.
Nagulat ang naturang pulis at hindi agad nakakilos. Nakalapit na ang attacker sa direksiyon ng dalaga at akmang hahampasin siya ng upuang kinuha nito.
She closed her eyes and embraced herself. Ngunit walang tumamang kahit ano sa kanyang katawan, sa halip ay ungol ng isang lalaki ang kanyang narinig.
Binuksan niya ang mga mata at napatingala sa lalaking nakaharang sa kanyang harapan. Umawang ang kanyang mga labi sa pagkagulat nang makita ang lalaking nakasalubong niya ng tingin kanina. Nakatayo ito sa kanyang harapan at nagngangalit ang mga bagang, gawin ba namang human shield ang katawan nito sa atake ng lalaki.
Nabitawan ng attacker ang pang-isahang upuan sa pagkagulat. Mabilis na lumapit ang pulis at pinusasan ito upang hindi na makapinsala ulit. Wala nang resistant mula sa attacker na biglang nagbago ang anyo. From anger to agony, tears flowed down to his cheek and he was staring at Cameron with those eyes. "Pinatay mo ang anak ko. Pinatay mo! Kung hindi mo siya pinakulong hindi siya mamatay sa riot sa loob ng kulungan!"
Hindi malaman ng dalaga kung ano ang mararamdaman, maaawa ba siya, magagalit o makikisimpatya? Pagkalito ang lumatay sa kanyang mukha na agad na nakita ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan at iniinda ang pananakit ng katawan.
"Don't listen to him." Muling tiningala ni Cameron ang lalaki sa kanyang harapan nang magsalita ito. Under different circumstances, she would've appreciated his deep and husky voice. "Shit!" mahina ngunit mariing mura ng lalaki na nakaabot sa kanyang pandinig. Ginalaw galaw nito ang braso habang nakakuyom ang kamao't nakatiim ang bagang.
Akmang bubuksan niya ang bibig upang makapagpasalamat ng walang sali-salita'y tumalikod ito at humakbang palabas ng café.
SAPU-sapo niya ang nananakit na ulo habang pababa sa hagdan. Agad siyang napapitlag nang marinig ang malakas na kalabog mula sa bakal na gate.
Dahil elevated ang kanyang kinaroroonan ay nahagip ng kanyang mga mata si Cristopher na siyang lumabas ng gate. Madilim ang mukha ng lalaki at nakikinita na niya ang dahilan kung bakit.
Itinuloy niya ang pagbaba sa hagdan na nakakonekta sa tagilirang bahagi ng bahay. Nang makapasok sa loob ng bahay ay agad niyang hinanap si Pauleen, nakita niya ito sa loob ng kusina at naghahanda ng pagkain sa mesa.
Nang makita nito si Cameron ay ngumiti si Pauleen dito ngunit agad ding nag-iwas ng tingin. "Umupo kana para makakain ka."
Hindi tuminag si Cameron at nanatiling nakasanding sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. Pinakatitigan niya ng mabuti si Pauleen na hindi magawang tumingin ng diretso sa kanya, kapagkuwan ay napabuntung-hininga.
"Sinaktan kana naman niya?" aniya, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pasa nito sa pisngi.
Tumalikod si Pauleen at hinarap ang mga hugasin sa labobo. Hagayan nitong iniiwasan ang tanong ng dalaga.
"Stop this already, Pauleen. May ibang lalaki naman diyan, hindi ko ba alam kung bakit si Cristopher pa," hindi nag-abala si Cameron na itago ang disgusto sa kanyang boses para sa lalaking binanggit. "Ginagamit kalang niya, hindi mo ba nakikita?" That was harsh but she had to say that. Gusto niyang matauhan ito sa ginagawa nito at sa sinasabi nitong pag-ibig para sa lalaking hindi naman karapat-dapat mahalin.
She sighed deeply and walked towards the kitchen table. "I'll see what I can do, I'll file a case against him—"
Marahas na bumaling si Pauleen sa kinauupuan ni Cameron. "Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin, Cameron!" Nanlalambot ang mga tuhod na umupo si Pauleen sa kaharap na upuan ng dalaga. Tiningnan niya ito sa mga matang nagsusumamo. "I love him, I need him."
"Ngunit hindi ka niya mahal," Cameron uttered bluntly.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Pauleen at sinalubong ang tingin ni Cameron. "I love him," tugon nito na para bang masasagot niyon ang mga alalahanin ng huli.
Hindi man sang-ayon ay hinayaan nalang ito ng dalaga. Sanay narin siya, gumagawa naman siya ng hakbang ngunit ayaw talaga nito. Nagpakatanga sa pag-ibig, kung pag-ibig mang maituturing ang ginagawa nito.
Kung ganoon ang pagmamahal, mas pipiliin niyang huwag nang magmahal. Hindi niya mahinuha ang sarili na nahihibang sa isang lalaki, kahit na sinasaktan na siya ay sumisige parin. She doesn't want that kind of love.
LALONG lumala ang pananakit ng kanyang ulo pagkatapos makausap ang kabilang panig. Ayaw makipag-areglo ng biktima, balak magbayad ng danyos ng kanyang kliyente ngunit hindi ito tinanggap ng kabila.
Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng kanyang kliyente kung hindi nila makumbinsi ang biktima na makipag-alegro.
Dating magkasintahan ang kanyang kliyente at ang biktima. Nang magkahiwalay ang dalawa ay hindi agad nakamove-on ang lalaki. Sinunsundan nito ang dating girlfriend saan man ito magpunta kaya nagfile ng restraining order ang dating kasintahan dito.
Ilang buwang hindi nagkita ang dalawa, ngunit nito lang nakaraang linggo ay hindi sinasadyang nagkita sila sa sakayan ng bus. Natakot ang babae nang makita ang dating kasintahan kaya nag-panic ito.
Tumakbo ang babae ng mabilis dahil sa takot, sinundan naman ito ng kliyente niya dahil nag-aalala raw ito sa dating girlfriend dahil malalim na ang gabi. Habang tumatakbo upang makalayo sa lalaki ay hindi nakita ng babae ang manhole sa sidewalk kaya nahulog ito roon.
Nagsampa ng kasong physical injury ang babae laban sa dating kasintahan, emotional distress at misdemeanor and felony dahil sa paglabag nito sa restraining order. Hindi naniniwala ang kabilang panig na hindi sinadya ang pagkikita ng dalawa kaya hindi ito makikipagsundo sa kanila.
Napukaw ang pansin niya nang marinig ang malalim na pagbuga ng hangin ni Justin—ang kanyang kliyente. "Ayaw talaga niya, Attorney. Hindi ko naman siya masisisi, pinagsisihan ko naman ang mga nagawa ko sa kanya dati. Ngunit wala na siyang tiwala." Muli itong bumuntung-hininga at bumaling sa kanya. Cameron can see the melancholy in his eyes, but there was something more to it. Something's odd and intriguing.
"I'll see what I can do, Mr. Reyes," aniya gamit ang pormal na boses.
"Sige, Attorney. Mauuna na ako," paalam nito bago umalis.
Tumayo na rin si Cameron at lumabas sa restaurant na siyang meeting place nila ng nasa kabilang panig kanina.
Huminto siya sandali at napahawak sa pader upang suportahan ang sarili nang makaramdaman ng pagkahilo. Kulang siya ng tulog nitong mga nakaraang araw at kagabi ay halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari sa café.
Nang humupa ng kaunti ang pagkahilo ay mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan ng parking lot.
Nang paliko na siya ay tumama ang kanyang katawan sa matigas na bagay. Kung hindi siya nahawakan ng lalaking nakabanggaan ay sa sahig siya pupulutin.
Pag-angat niya ng tingin dito ay sumalubong sa kanya ang mga mata nitong kakulay ng malabnaw na kape. She gasped and her mouth parted in shock.