Sanford Series 2 Chapter 30

"KUMUSTA si baby?" nakangiting tanong ni Leandro pagkapasok nito sa ward. Dumukwang ito at hinalikan ang batang nasa mga bisig ni River.

"Puwede ng umuwi," tipid na sagot ng dalaga sa matamlay na boses.

"Tayo nang umuwi kung gano'n." Kinuha nito ang mga bag na kinalalagyan ng mga gamit ng bata at nagpatiunang humakbang palabas. Sumunod dito si River habang karga karga ang kapatid na nilalaro ang kanyang damit at humahagikhik.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga, mahal na mahal niya ang bata at hindi kayang tanggapin ng kanyang kalooban na ano mang sandaling ay maaari nitong sundan ang kanilang mga magulang. Hindi niya kakayaning mag-isa.

Itinuon niya ang paningin sa dinadaanan habang nakasunod kay Leandro nang may mahagip ang kanyang mga mata. Napatigil siya sa paghakbang at itinuon ang mga mata sa pasilyong nasa kaliwa niya. Imahinasyon lang niya marahil na nakita niya ang kanyang boss na siyang nagmagandang loob na ihatid siya kagabi.

Itinuloy niya ang paghakbang nang walang makita ni anino nito. Dala lang marahil iyon ng pagod at puyat kaya kung anu-ano na ang kanyang nakikita. And she had been thinking about him lately, she was fond of her boss who had a big heart and warm smile.

"Okay ka lang?" tanong ni Leandro nang makapasok sila sa loob ng taxing minamaneho nito. "Umiyak ka ba?" Tumaas ang kamay niya sa mukha ng dalaga at hinaplos ang ilalim ng mga mata nito.

Nag-iwas ng tingin si River at niyuko ang kapatid na humihikab at kumikibot-kibot ang mga labi. "Puyat lang," kaila niya. Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng kaibigan at naramdaman ang intensidad ng mga mata nitong nakatutok sa kanya subalit inignora niya iyon.

"Alam mo namang nandito lang ako palagi para sa inyo, River. Ka-kaibigan kita..." Sandali niya itong sinulayapan at muli ring ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"Salamat," usal ni River sa mahinang boses. Naniniwala siya rito, napakabait ng kaibigan niya at nang pamilya nito na handang tumulong sa kanya. Ang pambayad niya sa ospital ay inutang pa niya sa ina ni Leandro. Napakarami na niyang utang sa pamilya, maging sa mag-asawang Felimon.

Lalong naging mahirap ang buhay para sa kanya ng mamatay ang mga magulang. Ni ang upa niya sa bahay ay hindi niya mabayaran ng buo, at ngayon ay kailangan na niyang pag-ipunan ang pera para sa operasyon ng kapatid. May ilang buwan pa siya, subalit saan niya kukuhanin ang ganoon kalaking halaga?

Napapitlag si River nang dumantay ang maliit na palad ng kapatid sa kanyang mukha at doon lang niya napagtanto ang mga luhang nag-uumalpas. Pumapatak iyon sa pisngi ng kanyang kapatid. Naninikip ang kanyang dibdib dahil sa mga hikbing 'di na matapos tapos.

Napansin iyon ni Leandro at itinigil ang taxi sa tabi ng daan. Kinabig nito ang dalaga na hindi napigilan ang mumunting hikbi na kumawala sa mga labi. Siniguro niyang hindi mapipinsala ang batang nasa bisig nito na nakakunot ang noo at gumagawa ng mumunting ingay. "Shh, kakayanin mo, River. Nandito lang ako."

NAPANGIWI siya at marahang minasahe ang nanakit na mga braso. Hindi lang iyon ang masakit sa kanya, maging ang ibang parte ng kanyang katawan.

Ilang araw na siyang nag-o-overtime at sa gabi ay hindi siya masyadong nakakatulog, iyon marahil ang dahilan ng sakit at pagod na kanyang nararamdaman. Mapagod man ang kanyang katawan ay hindi ang kanyang puso't utak.

Hindi niya kayang mag-isa, lalo na ngayong lumala ang kalagyan ng kapatid. Kahapon ay tinawagan niya si Olivia, ang kanyang tiya na nakatira sa probinsiya, upang manghingi ng tulong dito. Sa susunod na linggo ay luluwas ito sa lungsod. Pinagalitan pa siya nito dahil ngayon lang niya nagawang tumawag.

Hindi niya ipinaalam sa Tiya ang totoo nilang kalagayang magkapatid dahil ayaw niya itong mag-alala. Matanda na si Olivia, palagi nitong idinadaing ang pananakit ng mga tuhod at nang sandali itong tumigil doon nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay hindi nakayanan ni Olivia ang ingay at pamumuhay sa lungsod.

Gustuhin man ni River na bumalik sa probinsiya ay hindi niya magawa dahil sa pangangailangang medikal ng kanyang kapatid. Mas gusto niya ang tahimik na buhay, ngunit wala silang magagawa kung 'di ang manatili roon.

Isang pagkalalim lalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at inayos ang pagkakapusod ng mahabang buhok na abot sa kanyang puwet ang haba. Hindi niya magawang ipaputol iyon dahil gustong-gusto iyon nang kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

Kinuha niya ang saucer na may lamang mga pagkain at dinala sa isang partikular na mesa. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng babae habang inilalapag niya ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. "Thank you."

Ibinalik ni River ang ngiti rito at hindi maiwasang pagmasdan ito. Napakakinis at puti niya na para bang isang prinsesa na nakita niya sa mga Disney movies. Para silang kape at gatas kung ihahambing, malayong malayo ang kanyang morenang balat dito.

Napakapayapa rin ng mukha at kahit na nakakaintimidate ang ganda nito ay palakaibigan ang ngiti at ang kislap sa mga mata.

"Sit properly, Germany and France, we'll eat na." Nilangkapan nito ng authority ang boses ngunit malambot pa rin sa kanyang pandinig. Agad namang tumalima ang dalawang batang kasama nito at umayos ng upo.

Bahagyang yumuko si River at iniwan na ang tatlo na nagsimulang kumain. Sandaling sinulyapan niya ang mga ito at malungkot na napangiti nang mapagmasdan ang dalawang bata. Ang sisigla ng mga ito at masiyahin. She wish that Maddie would be like them when she grows up. Sana ay magagawa nito ang mga nagagawa ng mga normal na bata.

Parang tinangay ng hangin ang lungkot ng dalaga nang makita ang lalaking lumapit sa tatlo. Hinalikan nito sa noo ang magandang babae na may palakaibigang ngiti. Umupo at kinandong ang isang bata na tuwang-tuwa na makita ito.

Napakaganda talaga ng ngiti ng kanyang boss, kahit bata mabibighani sa mga ngiting iyon. Nanalantay marahil sa dugo ng mga Villarama, maging ang kapatid nitong babae ay taglay iyon.

Nang tapikin siya sa balikat ng kasamahang waitress ay doon siya natauhan at muling itinuon ang buong atens'yon sa trabaho.

WALA siyang trabaho nang araw na iyon kaya nagawa niyang alagaan si Maddie, dinala rin niya ito sa ospital para sa regular check-up nito.

Dumaan siya sandali sa convienience store at namili ng gatas at diaper ng kapatid.

Ipinagpasalamat niyang hindi ito naligalig sa biyahe nang pauwi na sila sa apartment. It was twilight when they reached home.

Sa gulat ng dalaga ay nadatnan niya ang mga gamit sa labas ng kanilang apartment na tinutuluyan. Nakatayo sa tabi niyon si Agnes, ang anak ng kanyang kasera, nakahalukipkip ito at nakataas ang kilay sa kanya.

"A-anong ibig sabihin nito, Ate?" kinakabahang aniya.

"Sa limang buwan mo rito ay para sa isang buwan lang ang perang naibayad mo. Mahiya ka naman! Kung hindi ka kayang paalisin ng mabiit kung ina..." sarkastikong turan. "...ako kaya ko! Umalis na kayo at 'wag ng bumalik, may mangungupahan sa apartment na 'to."

"Teka sandali-" Hindi niya ito napigilan dahil mabilis ang kilos na tinalikuran siya nito at malalaki ang mga hakbang paalis.

Nanghihinang napasandal sa pader si River at sinulyapan ang mga gamit na nasa labas ng apartment. Maayos naman na nakasalansan ang mga iyon at isa pa ay hindi naman karamihan ang kanilang mga kagamitan.

Sandaling nablangko ang kanyang utak at hindi malaman ang gagawin. Ni hindi niya napansin ang mga matang nakamasid sa kanila, bagaman nakikisimpatya ay walang balak na tumulong.

Hindi naman niya magawang magalit kay Agnes dahil sa ginawa nito. Kahit naman siguro sino ay gano'n ang gagawin. Ngunit naroon ang panghihinampo sa kanyang dibdib at ang awang nadarama para sa kanyang sarili partikular na sa batang nakapaloob sa kanyang bisig at nilalaro ang hibla ng kanyang buhok.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga upang kalmahin ang sarili at makapag-isip ng dapat gawin. Tila may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang patungo sa apartment ng mag-asawang Felimon. May pag-aalinlangan man ay kinatok pa rin niya ang pinto, ngunit walang nagbukas, marahil ay wala roon ang mag-asawa.

"Shh..." Inihele niya ang kapatid nang magsimula itong umiyak. "Okay lang." Subalit kabaliktaran niyon ang kanyang nararamdam. "Okay lang tayo, Maddie. Nandito lang si ate."

Nang matahimik ang bata at pumikit habang subo-subo ang hinalalaki ay nagpasya siyang hanapin si Agnes upang maki-usap. Subalit matigas ang babae at sinabing maghanap nalang siya ng panibagong titirahan dahil may ookupa na sa nabakanteng apartment bukas.

Nanlumo si River sa nalaman at wala sa loob na lumakad palabas ng apartment complex.

Hindi niya pinansin ang mga matang nakatutok sa kanya at nagtuloy-tuloy sa paglakad. Naging bingi siya sa paligid at nanlalabo ang kanyang paningin.

Hindi alam ni River kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad. "Mama, Papa, bakit n'yo ako iniwan. Ang hirap hirap na."

Namalayan nalang niya na kalat na ang dilim sa paligid nang maramdaman ang mumunting patak ng ulan sa kanyang balat. Bigla niyang naalala ang kasamang bata at napasinghap. How foolish could she get to wander insensibly with a sick child in her arms? Though Maddie was peacefully sleeping and purring on her chest.

River gasped in horror when she roamed her eyes around. Malayo-layo rin ang nalakad niya habang wala sa sarili, mabuti nalang at hindi siya napahamak.

Nasindak siya nang tuluyang mapagtanto kung nasaan sila. Paano sila makarating doon? Sa kanyang tantiya ay tatlong kilometro o mahigit ang layo niyon sa apartment.

Hinapit niyang lalo si Maddie nang maramdamang bumibilis ang mga patak ng ulan. Agad siyang naghanap ng masisilungan at nahagip ng kanyang mga mata ang shed na nasa tagilirang bahagi ng Rigo Cuisine. Kahit papa'no ay makakasilong sila sa ulan at sa nagngangalit na kalangitan. Mababagsik ang kulog at nagbabanta ng mas malalang unos.

Hindi niya alam kung ilang sandali na silang naroon. Hindi siya makaalis dahil lalong lumakas ang ulan at hindi niya alam kung saan pupunta.

Nanginginig ang katawan na pilit niyang tinatakpan ang batang karga-karga upang hindi ito mabasa. 'Di bale nang siya ang sumalo sa bawat patak ng ulan na tumatama sa kanyang katawan at hindi kayang sanggain ng shed na tinigilan nila.

Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ni River at gusto nang kumawala dahil sa kamiserablehang kanyang tinatamasa.

Biglaang sumalakay ang pananakit ng kanyang ulo at katawan dahil sa ilang araw na kulang ng pahinga at dahil sa ginawang paglakad kanina. Ngayon niya nararamdaman ang pananakit ng mga binti't paa. "Mama..."

Tuluyang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata dahil sa kawalan ng pag-asa. Sumasabay sa pag-iyak ng langit. Ang kagustuhan na maglaho upang matigil na ang kanyang paghihirap ay pumupuno sa kanyang dibdib. Ngunit paano ang batang kanyang hawak? Hindi siya puwedeng maging makasarili dahil hindi lang naman siya ang nahihirapan sa sitwasyon nila.

Mahinang humihikbi ang dalaga nang masilaw sa ilaw na tumama sa kanyang mukha. Itinakip niya ang isang braso at pinaningkit ang mga mata upang aninagin ang may-ari ng ilaw na iyon. Ngunit lalo lang niyong dinagdagan ang pananakit ng kanyang ulo.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tinig mula sa baritonong boses na siyang huling narinig ni River bago nawalan ng malay.

In reflex ay mabilis ang naging kilos ni Lucas at sinalo ang dalagang nawalan ng malay. Nabitawan niya ang flashlight na hawak upang mahawakan ito. Hindi niya malaman kung paano ito hahawakan at ang bata!

"Lucas, let's-"

"Mom, help me," putol niya sa sasabihin ng ina na papalapit sa kanilang direksiyon.

"What happened? Oh god!" Mabilis naman na tumalima si Alessandra at nabitawan ang payong na hawak upang makarga ang sanggol na nanatili paring tulog. "Who are they, Lucas? Who is she?"

"She's my employee," tipid na sagot ni Lucas sa inang naguguluhan. "Wait here, Mom. I'll take her to the car first." Binuhat nito ang dalaga na lupaypay at walang malay, umungol naman ito ngunit hindi nagising.

Mabilis niyang sinuong ang ulan patungo sa kanyang kinapaparadahan. Ipinasok niya ang dalaga sa loob at muling tinakbo ang pabalik sa kinaroroonan ng kanyang ina.

Wala nang ganoong tao sa bandang iyon dahil gabi na at isang oras nang nagsara ang restaurant dahil sa bagyong tatama sa bansa. Kaya masama ang panahon kanina pamang umaga, ngayon ngalang tuluyang bumuhos ang malakas na ulan.

Dinampot niya ang payong na nabitawan ni Alessandra at pinayungan ito at ang bata patungo sa sasakyan.

"What happened to her, Lucas?"

"I don't know, Mom." Nakakunot ang noong tinitigan niya ang dalaga at inayos ang upo nito sa passenger seat. Ini-recline niya ng bahagya ang upuan upang maging komportable ito kahit papa'no.

"Oh!" Alessandra muttered when the child in her arms babbled incoherently. She purred and buried her face on her chest. Lumambot ang mukha ni Alessandra at masuyong hinaplos ang pisngi ng baby. "She's adorable."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.