ITINAAS niyang lalo ang comforter hanggang sa kanyang leeg nang makaramdam ng panlalamig. Sinubukan niya muling matulog ngunit hindi niya magawa, tuluyang nagising ang kanyang diwa.
Sinalakay ang kanyang ilong ng mabangong singhapyo ng bulaklak na sampaguita. Agad niyang nakita ang mga bulaklak na nasa loob ng mga paso at nakalinya sa gilid ng salaming dingding.
Pinapakalma ng amoy na kanyang nalalanghap ang kanyang nararamdaman at nagpapawala sa pananakit ng kanyang ulo. Totoo marahil na nakakawala ng sakit ng ulo at nakakagaling ang bulaklak na sampaguita.
Inilibot ni River ang paningin sa estrangherong silid na iyon. May tokador na nakadikit sa dingding sa tabi ng isang nakasarang pinto na sa tingin niya ay ang banyo.
May mahabang couch na nasa gilid ng pinto ng silid. Mas malaki pa ang silid na iyon sa apartment nila ng kanyang kapatid. Maging ang kamang kanyang kinahihigaan ay napakalambot at napakalaki, kasya ang apat na tao.
Dumapo ang kanyang paningin sa stand na yari sa bakal at may IV fluid na nakasabit subalit wala ng laman. Alam niyang sa kanya iyon itinurok dahil nararamdaman pa niya ang tusok ng karayom sa kanyang kaliwang kamay, at nang tingnan niya iyon ay nakitang may bulak na nakatapal doon.
Tiningnan niya ang orasan na nasa night table, ilang minuto nang lagpas alas-otso ng gabi dahil madilim na sa labas na kita mula sa salaming dingding.
Ilang oras ba siyang nakatulog? O minuto?
Iinot-inot siyang bumangon sa pagkakahiga at isinuot ang walk in slipper na nasa paanan ng kama. Ginalaw-galaw niya ang mga balikat at balakang nang makaramdam ng pananakit.
Kinakabahan siya nang lumabas sa loob ng silid, nasa estranghero siyang lugar at hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kanyang kapatid. Napaka makasarili niya dahil hindi man lang niya inisip ang kalagayan ni Maddie bago magpalakad lakad ng wala sa sarili. Paano kung may mangyari rito? Hindi niya kakayanin iyon, ikakabaliw niya.
Napahawak siya sa iron-wrought railings ng ikalawang palapag at dahan-dahan na humakbang. Mula roon ay malaya niyang nakikita ang kabuoan ng bahay na iyon. Bahay nga bang maituturing ang kanyang kinaroroonan?
Pagkataas-taaas ng ceiling, makintab ang sahig maging ang dingding na hindi niya malaman kung nilagyan ba ng pampakintab. Malawak ang foyer at napaka-elegante ng grand-staircase na kumukonekta sa ikalawang palapag at sa una.
At ang amoy na iyon na mapapabuntung-hininga sa kung sino dahil sa kaginhawaan. Hindi lang amoy ng sampaguita ang kanyang nalalanghap, there's the mixture of lavender and lemon and milk.
Napahawak siya sa balustre na may mga bulaklak na nakaukit habang pababa sa mga baitang na nalalatagan ng itim na carpet na kaylambot.
Sinundan niya ang ingay na naririnig at dinala siya ng mga paa sa dining room kung nasaan naroon ang lagpas sampung katao. Natuon ang mga mata nila sa kanya.
Bahagyang umawang ang mga labi ng dalaga nang mapagtanto kung nasaan siya. Pamilyar sa kanya ang mga taong nasa hapag, ilang beses na niyang nakita ang mga ito sa restaurant at palaging pinagchi-chismisan ng kanyang mga kasamahang empleyado na nakakaabot sa kanyang pandinig.
"Oh, you're awake!" bulalas ni Mrs. Villarama na nakangiti ng matamis. "Come here, darling."
Nag-atubili si River, nahihiya siya sa mga ito. Nakasuot siya ng isang pares ng pajama at alam niyang magulo ang kanyang buhok.
Lalong uminit ang kanyang mukha, pati yata bumbunan niya ay nag-init, nang tumunog ang kanyang tiyan. Agad siya roong napahawak at isang mapag-paumanhing tingin ang iginawad sa mga kaharap.
"Good evening." Agad na napatingin si River sa may-ari ng boses na 'yon, iyon din ang nakaringgan niya bago siya nawalan ng malay.
Nasalubong niya ang mga mata ng kanyang boss na nakatunghay sa kanya at nakangiti ng tipid. Ikinapitlag niya ang pagdapo ng mga kamay nito sa kanyang balikat, tinulak siya nito papasok at inupo sa bakanteng upuan. Kapagkuwan ay naupo ito sa kanyang tabi.
"Mabuti na ba ang pakiramdam mo, hija?"
"P-po?" Inalis niya ang paningin sa binatang nasa kanyang tabi at sinulyapan ang matandang lalaki na puti na halos lahat ng hibla ng buhok.
"Dalawang araw ka nang tulog, mabuti naman at magaling ka na."
"Ha?" Muli niyang naibaling ang mga mata kay Lucas na nilalagyan ng pagkain ang platong nasa kanyang harapan.
Dalawang araw siyang tulog? Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga nang ilibot ang paningin sa mga nasa hapag.
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan dahil sa relief nang makita ang kanyang kapatid. Hawak ito ng isang babae at nakasubsob ang bata sa dibdib nito at nagbe-breastfeed.
Na-intimidate siya nang makita ang mukha ng may hawak kay Maddie. Bahagyang nakataas ang isang perpektong kilay habang nakatingin sa kanya. Ang kislap sa mga mata ay inilalarawan ang kuryosidad.
"Eat!" said a commanding voice.
TULALANG nakatingin sa kisame si River habang nakahiga sa napakalambot na kama. Halos hatinggabi na ngunit hindi niya magawang ipikit ang mga mata at matulog.
Hindi pa rin siya makapaniwalang nandoon sila ng kanyang kapatid. Kanina ay hindi agad naproseso sa kanyang isipan ang kaalamang dalawang araw na sila doon at sa loob ng mga araw na iyon ay wala siyang malay at inaapoy ng lagnat.
The Villarama took care of Maddie when River was unconscious and her sister was sharing the milk of Elize Niccola's child. Sa unang tingin ay akala niya'y mataray ang kakambal ng kanyang boss. Mabait pala ang babae at tinataglay rin ang signature smile ng mga Villarama na hindi niya alam kung sa ama o ina ng mga ito nagmana. The old couple were as warm and welcoming as their children.
Hindi sila pinayagang umalis ni Mrs. Alessandra Villarama nang ikuwento niya rito ang nangyari sa kanila ng kapatid. Hiyang-hiya siya rito ngunit isang mapang-unawa at mainit na ngiti ang sumilay sa mga labi ng matanda. They could stay as long as they want, sabi nito.
Wala naman silang mapuntahan kaya tinanggap niya ang imbitasyon nitong doon muna sila. Maging ang mga gamit nilang naiwan sa apartment ay nandoon na. Napakalaking tulong niyon para sa kanya. Sa kabila ng lahat ay hindi niya maiwasang mainggit sa kung ano ang mayroon sa pamilyang iyon, hindi sa karangyaang meron ang mga ito, kung 'di sa pagmamahal at kasiyahan na nakikita niya sa mga mata ng bawat isa.
Hindi kagaya niya na tanging ang kapatid nalang ang natitira at si Olivia na nasa malayo pang lugar.
Maingat na bumaba siya sa kama upang hindi magising ang kapatid na nakahiga sa kanyang tabi at natutulog.
Inihakbang niya ang mga paa patungo sa direksiyon ng mga halaman. Sumandig si River sa dingding habang nakaupo sa sahig katabi ng mga sampaguita.
Inilagay niya ang baba sa ibabaw ng mga tuhod habang nakatingin sa kamang hinihigaan ng kapatid. Ilang sandali siya sa ganoong puwesto nang pukawin ang kanyang pansin ng mga katok mula sa labas ng sliding glass door patungo sa balkonahe.
Napatayo siya nang makita kung sino ang nasa labas at nakatingin sa kanya. Binuksan niya ang pinto at lumabas.
Nakasandig na sa railings si Lucas at nakatingin sa kanyang direksiyon habang nasa bulsa ang dalawang kamay.
Dahan-dahan siyang humakbang papalapit nang hindi inaalis ang paningin dito. Tila isang magnet ang mga mata ng binata na humihila sa kanya.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito nang makalapit siya.
Inilagay niya ang dalawang kamay sa railings at itinuon ang mga mata sa kadilimang nasa labas. "H—hindi pa po ako inaantok, Sir."
UMAABOT sa ilong niya ang natural na amoy ng dalaga. Tulad ng amoy ng mga rosas na namumukadkad. He filled his senses with her sweet scent, he felt like closing his eyes because of drowsiness.
Hindi awake si Lucas na lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig dito. Napakaliit nito na abot lang hanggang sa kanyang dibdib, ang damit na suot na pagmamay-ari ni Snow ay malaki pa rin dito kahit na may kaliitan din ang kanyang kapatid.
Ang itim na itim nitong buhok na napakahaba ay tila kay sarap samyuhin at ipaloob sa kanyang mga kamay. At mukha itong... mukha itong teen-ager, kung hindi lang niya alam na dalawampu't apat na taong gulang na dalaga ay mapagkakamalan niya itong high school student.
Binabagabag si Lucas sa kislap ng kalungkutan sa mga mata nito nang muli niyang ituon ang paningin doon.
"Okay na ba ang pakiramdam mo? You're not dizzy or anything?" Hindi siya aware na nilangkapan niya ng pag-aalala ang boses.
Ang sabi sa kanya ng doctor na kaibigan niya na siyang tumingin dito ay magaling na ang dalaga.
Hindi niya maiwasang hindi mag-alala habang nakatitig dito. Must be his brother's instinct, he had three sisters and his cousins Tara, Dawn, Lemon and Ginger who he adored.
He was the one who looked after her during those two days that she was running a high fever. Subalit hindi na nito kailangang malaman ang bagay na iyon. There was something in her that drew him closer. At ang instinct niya bilang protective na kapatid ang kanyang nahagilap na dahilan. Ang vulnerability sa mga mata nito ay pumapukaw sa loob niya.
Sinong niloloko mo, Lucas? sigaw ng tagong parte ng kanyang isipan.
"Okay na ako. Wala namang masakit," sagot nito.
Napalunok ng laway si Lucas habang nakatitig sa labi ng dalaga na kagat-kagat nito. Sino nga ba ang niloloko niya? Hindi magre-react ng gano'n ang kanyang katawan kung brother's instinct lang ang pinupukaw nito sa kanya.
Hindi niya aalamin ang lahat-lahat dito sa mga nakalipas na mga araw kung curiosity lang ang pag-uusapan. Mula noong makita niya ito sa kanyang opisina ay nag-iwan ito ng impres'yon sa kanya. Sa tuwing nakikita niya ito sa restaurant ay gumagaan ang kanyang pakiramdam.
"You can stay here," pukaw niya sa katahimikang namagitan ng ilang sandali. Inalis niya ang mga mata rito at itinuon sa labas.
Alam niyang pinaalis ito sa apartment na tinutuluyan at walang ibang mapupuntahan. Alam niya ang tungkol sa sakit ng kapatid nitong si Maggie at ang pagka-ulila ng mga ito nang mamatay ang mga magulang anim na buwan na ang nakakaraan. He can't imagine how hard it was for her.
"Salamat po, Sir."
Napakunot ang noo ni Lucas sa narinig at hindi nagustuhan ang itinawag nito sa kanya. "Drop the po and the sir, hindi pa naman siguro ako gano'n katanda para i-po," aniya sa seryosong tono. Pitong taon lang ang tanda niya rito.
Nakaramdam ng usig ng damdamin si Lucas nang makita ang pagpitlag nito dahil sa kanyang tonong ginamit. Ipinagkamali ni River na galit siya.
"You can call me Lucas or Nicholai or anything, basta hindi lang Sir o Mr. Villarama."
"Pero—"
"No buts!"
"Sige po, Kuya," saad nito sa mahinang boses.
Gustong sapuhin ni Lucas ang mukha sa pagkainis at pagkamangha. But instead, he chuckled in amusement. She called him kuya like what his cousins and siblings called him, but it wasn't as pleasing to his ears.
Natigil lang ang kanyang pagtawa nang tumingin ito sa kanya. Kumikislap sa katanungan ang mga mata habang kagat ang pang-ibabang labi.
His hormones were raging like a teenager who was eager to get hold of the girl he likes.
Marahas na ipinilig ni Lucas ang ulo at hinawakan ito sa balikat at itinalikod. Bahagya niya itong itinulak hanggang sa maipasok niya ito sa pinto. Siya mismo ang nagsara niyon.
Lihim siyang napabuntung-hininga habang magkasalubong ang kanilang mga mata nang lumingon ito sa kanya mula sa loob. Tanging salamin na pinto ang nakaharang sa kanila.
Nang muli itong tumalikod at sumampa sa kama ay humakbang na rin si Lucas papasok sa kanyang silid. Magkatabi ang silid nila at magkanugnog ang balkonahe.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses. Mahina lang ngunit nakaabot sa kanyang pandinig.
"Who's that?" Napapitlag si Snow na lumabas sa kabilang balkonahe habang may kausap sa cellphone.
"Bye," sabi nito sa nasa kabilang linya at pinatay ang tawag. "W-wala naman, Kuya. Bakit hindi ka pa natutulog?"
Nanghihinalang napatitig si Lucas sa kapatid na mailap ang mga bata at nakangiwi. "Matulog ka na, gabi na at malamig na dito."
Agad naman itong tumalima at nag-good night bago muling pumasok sa loob.
Nakakunot noong pumasok na rin siya sa kanyang silid. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala kay Snow, bagaman ay nasa edad na ito para sa ganoong bagay.
Alam niyang nagkakabutihan ang kanyang kapatid at ang ama ng estudiyante nito. He doesn't want to see her heartbroken, Snow was sweet and caring. Madali lang itong masaktan, madali pa naman itong magtiwala sa tao, ang iba ay sinasamantala ang kabutihan niya.
He wanted to be a cool brother, but he'll remain protective of the girls in his life. Gano'n siya kapag nagmamahal, strikto ngunit gagawin niya ang lahat para sa mga ito.
Ilang beses na niyang nakaringgan mula sa mga taong nakapaligid sa kanya na masuwerte ang babaeng bibihag sa kanyang puso.
Was it, really? Bakit may pakiramdaman siya ng mas masuwerte siya sa babaeng bibihag ng kanyang puso?