ISANG ngiti ang sumilay sa mga labi ni Sabrina nang maradaman ang malamig na bagay na tumatama sa kanyang pisngi. Pagmulat niya ng mga mata ay agad na sumalubong sa kanya si Snow na nakatayo na sa ibabaw ng kanyang ama, dinidilaan ang kanyang mukha upang siyang gisingin.
"Good morning, baby." Binuhat niya ito, inilagay sa kanyang dibdib at niyakap.
Dalawang buwan na mula nang makilala niya si Snow, at sa loob ng mga buwang iyon ay malaki ang naiambag ni Snow upang pagaanin ang kanyang loob. Lalo na't may isang asungot na umaaligad na laging nagpapainis sa kanya.
The puppy wiggled her tail merrily while laying on top of her and looking at her face. She's just so adorable.
She got up from her and carry Snow in her arms. She walked towards the glass wall and removed the curtains and the bright light from the sun greeted them.
Sabrina sighed when she felt the peace of mind as she stared outside her window while Snow was in her arms.
"This is a good day for a walk. What do you think, Snow? Do you want to go outside?" Mukhang naintidahan ng aso ang sinabi niya dahil nagsimula itong maglulumikot sa kanyang mga braso at dinilaan ang kanyang mukha. "Okay. But let's have breakfast first and take a bath."
Pagkatapos maligo ay sabay silang bumaba ni Snow sa kusina, sabay rin silang kumain.
Sa tuwing wala siyang pasok, gaya ng araw na iyon, ay sabay nilang ginagawa ang mga bagay-bagay. She loved spending time with her. Snow was more than just a companion, she was the only one who can make her smile genuinely, she cheered her up when she felt down or stressed from work.
Suot ang isang komportableng short, maluwag na damit at snickers ay lumabas sila ni Snow ng bahay.
It was a sunny day, though the heat from the sun wasn't enough to burn her skin. It was a good day to go to a park so she brought Snow to a mini-park located in her neighborhood. Dahil weekdays at may pasok ay wala siyang ganoong nakikitang mga batang naroon na siyang kadalasang maglaro roon.
She let Snow played and have fun on the grassy ground. She was happily playing around and Sabrina felt contentment while staring at her.
Napatingin siya sa kanyang kaliwa nang maramdaman ang paglapit ng isang bata roon. Umupo ito sa kaliwang swing habang may pasak na lollipop sa bibig.
Umangat ang sulok ng mga labi ni Sabrina nang ngumiti sa kanya ang bata, kita ang bungal nito sa itaas na ngipin sa gitnang bahagi.
"What happened to your teeth?"
Dramatikong napabuntung-hininga ang bata bago sumagot. "Natanggal na rin po siya. Masakit po rito nong hindi pa siya natanggal." Sabay turo sa bungal nito. "Sabi naman ni Mommy ko babalik din dila," anito sabay kibit ng balikat at muling isinubo ang lollipop.
"Do you know that lollipops and other sweets are the causes why your teeth were aching?" Sabrina asked amusedly. She always had fun talking to Vodka's kids, they had become her friends, they often visit her in her house to see Snow whenever she was on a day-off or its weekends. Tuwing may pasok siya ay sa bahay ng mga Lorenzo niya iniiwan si Snow.
"No way!" Napasinghap pa ito at tinakpan ang dalawang tainga at ikiniling-kiling ang ulo. Kapagkuwan ay ngumuso. "That's what Mommy and Kuya Key said, but I don't believe them. I like sweets," the kid said stubbornly.
Sabrina smiled, kung hindi niya napigilan ang sarili ay baka tumawa na siya. "Listen to your Mommy and Whiskey, Bran." Sabay dukwang niya rito at hinaplos ang buhok nito na nakanguso pa rin. "Why are you here alone? Where's your Yaya?"
Nanghinala si Sabrina nang ngumisi sa kanya si Brandy at napakamot ng ulo. "Can you keep a secret po?"
"Maybe?"
Sandaling natigilan ang bata at nag-isip. "We don't have class today because our teacher is sick. We were playing with Marti no'ng mahulog ko 'yong ano ni Daddy, 'yong ano po 'yong tinitipa at may malaking screen at ginagamit para sa work." Pagpapaliwanag nito sa laptop ng ama. "It was an accident po."
"Kaya ka tumakas?"
"Yes, with my lollipop."
Napailing-iling si Sabrina habang nakatingin dito. Alam niyang pilyo ang mga anak ni Vodka, maliban sa pinakamatanda sa triplets, ngunit mababait naman ito at magagalang sa nakakatanda.
"Oh no!" bulalas ni Brandy habang nakatingin sa harapan.
Tiningnan ni Sabrina ang tinitingnan nito at nakita ang Daddy ng bata na si Eugene na nakilala na rin niya. Papalapit ito sa kanilang direksiyon at nakakunot ang noo habang nakatingin sa bata.
"Bran, you're not supposed to eat lollipop for two weeks. I will tell Mommy about this," ani ni Eugene nang may himig na pagbabanta ang boses sabay karga sa anak na nahintakutan sa kanyang sinabi.
"No, Daddy. Let's compromise, just don't tell Mommy, she will throw my lollipops and I will cry po," Brandy reasoned out and tried to summoned the tears from his eyes to convince his father.
Isang malalim na buntung-hininga na lang ang pinakawalan ni Eugene habang nakatingin sa anak. Pagkatapos ay binalingan niya si Sabrina na tumango lang sa kanya.
"Did he troubles you?" Eugene asked her.
"No," Sabrina assured.
"Good. Have a good day." Sabay talikod ni Eugene at naglakad pauwi sa bahay nila habang karga ang anak.
Habang nakasunod ang tingin sa mag-ama na papalayo ay hindi maiwasan ni Sabrina na muling mabuhay ang mga tanong sa kanyang isipan. Kagaya rin ba sana ni Eugene si Apollo kung hindi sila naghiwalay? Magiging masaya ba ang buhay nila kasama ang kanilang mga anak kagaya ng pamilya Lorenzo kung hindi nangyari ang mga nangyari?
Nakuha ni Snow ang kanyang pansin nang tumahol ito sa kanyang harapan. Napangiti siyang muli nang marinig ang unang tahol ng kanyang aso. "Good girl, good job." Kinarga niya ito at niyakap.
Si Snow na lang ang meron siya.
LUMABAS si Sabrina sa kanyang opisina at nilapitan ang lamesa ng sekretarya. Nakatutok ang mga mata ni Emma sa monitor kaya marahil ay hindi siya napansin. Nagulat pa ito nang magsalita siya. "You can go home, Emma. Buy me some food on your way home, ipadeliver mo na lang."
"Paano kayo? Hindi pa ba kayo uuwi, Ma'am?"
Umiling si Sabrina bilang sagot. "You can go now and don't forget the food." Lumakad pabalik sa loob ng opisina si Sabrina pagkalapag ng pera sa ibabaw ng mesa ni Emma. Tumigil muna siya sandali bago tuluyang pumasok at muling nilinga ang sekretarya. "Buy some food too to take home to your family."
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Emma habang nakatingin sa nakasarang pinto ng opisina ng kanyang boss. Hindi naman pala siya ganoon ka cold, sa isip niya.
Muling bumalik si Sabrina sa kanyang mga trabaho. Kanina pa nagtapos ang working hours ng mga empleyado at halos lahat sa kompanyang iyon ay nakauwi na. Sabrina had to work overtime to prepare for their meeting and monthly assessment in their department tomorrow. Apollo would be there, at hindi niya hahayaang may mapuna itong mali sa kanyang trabaho. Masasaling ang pride niya. Well, she always does her best when it comes to her work.
Nang dumating ang mga pagkain ay mabilis siyang kumain dahil nagugutom na siyang talaga. Hindi siya nakakain ng maayos kanina sa tanghalian. Pagkatapos ay muli rin siyang bumalik sa kanyang trabaho.
Agad na nag-angat ng tingin si Sabrina nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina. It must not be her lucky night. Apollo was the one who opened the door and went inside.
"What are you doing here?"
Parang walang narinig na nagtuloy-tuloy nang lakad si Apollo patungo sa lamesa ng dalaga. Hindi na nagtaka si Sabrina nang tumabi ito sa kanya at bahagyang umupo sa ibabaw ng kanyang lamesa, ang dalawang binti ay naka-ekis habang nakapamulsa gamit ang isang kamay, ang isa ay nakatukod sa lamesa.
Alam ni Sabrina na hindi niya ito mapapaalis gamit ang mga salita kaya ginamit niya ang kadalasan niyang ginagawa upang maitaboy ang mga taong gustong lumapit sa kanya. Ignoring them.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa na tila ba wala roon si Apollo kahit na malinaw na malinaw niyang naririnig ang hininga nito, nalalanghap ang amoy na pamilyar sa kanyang ilong, at ang intensidad ng mga matang nakatutok sa kanya.
Sa mga nakalipas na araw ay pakiramdam niya'y nasasanay na siya sa ganoong presensiya nito. Kahit anong gawin niyang pambabalewala kay Apollo ay palagi itong dumidikit sa kanya tuwing nakakahanap ng pagkakataon. Araw-araw rin siyang may natatanggap na bulaklak mula rito na araw-araw rin niyang pinapatapon sa kanyang sekretarya.
Pakiramdam din ni Sabrina na pinag-uusapan na siya ng mga subordinate niya dahil sa mga pinanggagawa ni Apollo. Walang nakakaalam kung sino ang nagbibigay ng bulaklak at wala ring naglalakas ng loob na magtanong mula sa mga empleyadong kanyang pinapamahalaan. Sa tingin niya ay may ideya si Emma, but Emma wasn't the type who will stick her nose to someone elses business.
"You're a very hardworking employee Sabrina na para bang may gusto kang patunayan... You don't have to do that, you don't have to kill yourself with work. You have already proven yourself to everyone... to me," Apollo said after a couple of minutes of silence.
"Do you realize that I don't need your opinion?" she asked indifferently.
"I know, I just want to tell you what I think. And I think that you have to go home now and take a rest. Tomorrow will serve its purpose."
"Work is work."
"Yeah, but your work for today is done almost three hours ago."
Galit na malakas na pinindot ni Sabrina ang enter button ng keyboard bago nagtaas ng tingin kay Apollo. "Puwede ba...!" Sabrina stopped herself abruptly from bursting into anger, she sighed deeply to bring back her composure.
Ngumiti si Apollo sa halip na maapektuhan sa nasilip niyang galit mula kay Sabrina. "I'm glad that I can now bring out another emotion from you. I prefer you angry than cold. Anger is easier to melt than coldness I guess."
"Damn you," Sabrina managed to curse plainly. She turned the monitor off and piled the documents on her table. Dinampot niya ang bag at akmang tatayo nang pigilan siya ni Apollo sa balikat.
Sa panggigilalas ni Sabrina ay walang pakundangang yumuko si Apollo sa kanya at inangkin ang kanyang mga labi. Sa gulat ay hindi agad rumehistro ang ginagawa nito sa kanyang utak, sandali rin niyang hindi maalala ang galit para sa lalaking humahalik sa kanya.
Tila nawalan ng lakas ang kamay ni Sabrina habang pinapakiramdaman ang malalambot nitong mga labi na nakalapat sa kanya kaya nabitawan niya ang kanyang bag. Dahil bahagyang nakaawang ang kanyang bibig dala nang pagkagulat ay malayang naipasok ni Apollo ang dila nito.
He ran his tongue on the roof of her mouth and lick her lower lip. His hand went to the back of her head and pulled her closer to him.
The kiss was very familiar to Sabrina, the soft lips and the man holding her were all familiar to her. A part of her past that she wanted to forget. She shared not only kisses with Apollo before, she had given him everything she had before.
It took her a minute or two to gather her wit back and pushed Apollo away from her body. Then she slapped him in the face, hard, before picking her bag on the floor and walked towards the door of her office even though her knees were trembling and her heart was thudding so loud against her chest.
Mabilis siyang lumabas at mabilis din ang paglalakad patungo sa elevator. Nang makapasok ay pinindot niya agad pasara ang pinto gamit ang nanginginig na mga daliri. It was as if she was running for her and she had to get out of there fast.
"Damn you, Apollo!" sigaw niya. Siya lang mag-isa sa loob kaya malaya niyang nailalabas ang nararamdaman. Nagtagis ang kanyang mga bagang at mariin ang pagkakakuyom ng mga kamao. She felt like she wanted to hit someone to let out her anger. Sana ay sinapak na lang niya ito kanina sa halip na sampal ang igawad dito.
"Damn you!" Damn him for making her feel the emotions she had long forgotten.