Sanford Series 3 Chapter 13

DIRETSO ang tingin habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Hindi pinansin ni Sabrina ang taong umagapay sa kanya sa paglalakad pagkalabas na pagkalabas niya kanina sa opisina ng head ng legal department. Para bang inabangan talaga nito ang kanyang paglabas.

"You do have a name for her already? You like her?" Apollo asked referring to the dog he gave her for Christmas. She did not return the gift he gave her so he assumed that maybe she liked it. He can still remember how Sabrina loved dogs before, and she still loves them now. Hindi naman madaling mawala ang pagmamahal. He knew by experience.

Napangiti si Apollo nang maalala ang araw na ipinagtanggol ng dalaga ang aso mula sa mga nananakit dito.

Hindi sumagot si Sabrina sa tanong na iyon ni Apollo kahit malinaw niyang narinig at naintindihan niya ang ibig nitong ipahiwatig hanggang sa makarating sila sa harapan ng elevator at naghintay roon.

Of course, she gave the dog a name, more like Whiskey gave her a name. After she bonded with Snow for two days during holidays, the dog grew on her. Dalawang araw pa lang silang magkasama pero pakiramdam niya'y hindi niya ito gustong mapawalay sa kanya. Muli ipinaparamdam ni Snow sa kanya ang mga damdaming estranghero na sa kanya ngayon kahit na nakatitig lang siya rito buong araw habang natutulog ito o hinihimas ang malalambot nitong balahibo. Gaya ng kasiyahan at kakontentuhan.

Hindi na niya naisip na ibalik si Snow kay Apollo. Kanina, bago pumasok sa trabaho ay dinala niya ang cage ni Snow sa kanyang kapitbahay upang may tumingin dito at magpakain habang wala siya. Her friendly neighbor took the dog in wholeheartedly and promised to take care of her.

Kamuntikan niyang mairapan ang dalawang empleyadong nasa loob ng elevator nang sumakay sila roon ni Apollo. Napakalapad ng mga ngiti ng mga ito habang nakatingin sa binata. Pakiramdam niya ay gusto si Apollo ng lahat at siya lang ang natatanging tao sa buong mundo na kinamumuhian ito at wala siyang pakialam doon.

"Pupunta ka sa year end party?"

Kagaya kanina ay tila walang narinig si Sabrina sa tanong na iyon ni Apollo. Hindi siya pumupunta sa mga pagtitipon kung hindi naman required. Tuwing magtatapos ang taon ay nagseselebra ang kompanya, productive man o hindi ang taon na iyon. Tradisyon na iyon ng kompanya at wala siyang natatandaan na dumalo siya sa mga nakalipas na taon.

Lihim na nagdiwang si Sabrina nang marinig ang pagbuntung-hininga ni Apollo na marahil ay nadismaya sa kanyang pambabalewala. Siguro naman ay titigilan na siya nito sa lagay na iyon.

Nang tumigil ang elevator sa kanyang palapag ay walang lingong-likod na lumakad siya palabas patungo sa kanyang opisina.

She went inside her office and smirked in triumph after she closed the door.

But Apollo had his way of ruining her day. Around lunch, she received food delivery and a bunch of flowers which she knew was from him. It was his penmanship in the card attached to it.

"Put that in the trash bin and eat that food or give it to whoever who want it," aniya sa sekretarya na akmang lalabas pasunod sa kakalabas lang na delivery man. Sabay turo sa bulaklak at pagkain sa lamesa. Kahit na hindi niya tatangkilikin ang anumang bagay na bigay ni Apollo, bukod kay Snow, ay hindi pa rin niya kayang ipatapon ang pagkain. Alam niyang maraming taong nagugutom sa buong mundo, bahala na ang kanyang sekretarya kung anuman ang gusto nitong gawin do'n.

"Po?" ang nagulat na tanong ni Emma.

"You heard me." Tumayo si Sabrina mula sa kanyang swivel chair at naglakad palabas ng kanyang opisina upang doon kumain sa cafeteria nila.

Nanghinayang si Emma habang nakatingin sa pumpon ng bulaklak. Dinampot niya iyon kasama ang pagkain na galing pa mula sa isang kilalang restaurant. Kapagkuwan ay itinapon ang bulaklak sa pinakamalapit na basurahan gaya ng sinabi ng kanyang boss.

GABI NA nang tapusin ni Sabrina ang trabaho sa araw na iyon. Dala ang kanyang bag ay bumaba siya sa basement parking lot upang makauwi na at makapagpahinga. Subalit sa kanyang pagkadismaya ay natuklasan niyang flat ang likurang gulong ng kanyang sasakyan.

She had a spare tire but she doesn't know how to change the depleted tire of her car. She kicked the wheel out of frustration and looked at it coldly.

Nang may humawak sa kanyang balikat ay agad niyang nilinga ang taong iyon. Nag-isang linya ang kanyang mga labi nang makita kung sino iyon, Director Dela Merced, ang tiyuhin ni Christie at kasa-kasama ng kanyang ama sa masasama nitong ginagawi laban sa kompanya.

Isang malamig na tingin ang iginawad ni Sabrina sa kamay nitong nakahawak sa kanyang balikat, bahagya pang pumisil-pisil. Ngunit tila walang epekto iyon sa direktor na pinasadahan siya ng tingin at isang malisyosong ngiti ang iginawad sa kanya.

The director was almost in his sixties and for Sabrina, he was a certified maniac, a sex-starved old-geezer.

"I'll give you a ride, Sabrina."

Sinalubong niya ang mga mata ng matanda habang inaalis ang kamay nito sa kanyang balikat. Pagkatapos ay tinalikuran niya ito at naglakad paalis.

Nakakailang hakbang pa lang si Sabrina ay pinigilan siyang muli nang direktor. Ikinuyom niya ang kamao upang mapigilan iyon sa pagdapo sa mukha ng matanda.

"I'll bring her home."

Sabay na napatingin sina Sabrina at ang direktor sa nagsalitang iyon. Lumapit si Apollo sa kanila na madilim ang mukhang nakatinggin sa kamay ng direktor na nakahawak sa balikat ni Sabrina kapagkuwan ay binaklas ang kamay nito palayo sa katawan ng dalaga.

Isang seryosong tingin ang iginawad ni Apollo sa direktor bago hinila si Sabrina patungo sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Sabrina tried to pull her hand but he was holding her tightly.

"Bitiwan mo ako."

Tumigil sa paglalakad si Apollo, hinawakan ang balikat ng dalaga at isinandig sa pinto ng isang sasakyang malapit sa kanila.

Matapang na sinalubong ni Sabrina ang mga mata ni Apollo. Ang kanyang mga kuko ay halos bumaon na sa kanyang palad dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. Ipinapaalala niya sa sarili ang nararamdamang pagkasuklam para kay Apollo upang hindi maapektuhan ng presensiya nito lalo pa at sobrang lapit na nito ngayon sa kanya at nalalanghap na niya ang hininga nito.

Itutulak sana ito ni Sabrina nang lalog lumapit ang mukha nito sa kanya subalit sa kanyang pagkabigla ay binuhat siya nito Apollo nang pa-bridal style kaya wala awtomatikong napakapit ang kanyang braso sa leeg nito upang hindi mahulog.

"What are you doing, Mr. Sanford," sita niya rito habang pigil ang galit dahil sa ginagawa nitong kapangahasan.

Tila walang narinig si Apollo na nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto at inilagak sa may passenger's seat si Sabrina na matalim na ngayon ang tingin sa kanya.

Mabilis ang naging kilos ni Apollo at naikabit ang seatbelt sa dalaga, isinara ang pinto ng kotse at pumakabila sa direksiyon ng driver's seat.

Sinubukang buksan ni Sabrina ang pinto ngunit hindi iyon nagbubukas. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at inayos ang pagkakatali ng kanyang buhok bago binalingan si Apollo na nakaupo na ngayon sa likod ng manibela.

"Open the door," she said calmly.

"I'll take you home," Apollo countered with determination. He had vowed not to be affected by the coldness she emitted. He vowed to melt her defenses and made her trust him again. This time, he would do it right and with a strength of mind.

He directed his gaze and attention in driving after minutes of having a staring match with her.

"Why are you doing this? You're just wasting your time, Mr. Sanford," Sabrina said when they were already on the road. Hinayaan niya muna ito sa pagkakataong iyon, hindi niya gustong sumakay sa sasakyan nito at magpahatid pauwi pero mukhang hindi niya ito matitinag sa pagkakataong iyon. And she was really tired and hungry to argue with him.

Pinuno ni Apollo ng hangin ang kanyang mga baga bago sumagot. "At first, I was just thinking that I want you to forgive me. But when I get to think about it a lot of times, I am certain that I want us to be friends again. You were my friend, Sab, after all of these happened. I miss my best friend."

Mariing ipinikit ni Sabrina ang mga mata habang nakabaling ang kanyang ulo sa labas ng sasakyan dahil sa mga alaala nila noon na nagpupumilit pumasok sa kanyang isipan. Yes, they were best friends after everything between them fall out of place, but he ruined the friendship they had in the beginning. He shouldn't have crossed the line on her eighteenth birthday. Now, they will never get back to what they supposed to be, friends or lovers.

Hindi niya kayang maging malapit muli kay Apollo dahil higit kanino man ay isa ito sa mga taong nagpapaalala sa kanya kung ano ang nawala sa kanya at mga bagay na nasayang niya. Kaya hindi niya mapatawad-tawad si Apollo at ang kanyang sarili dahil nawalan siya, isang malaking kawala para sa kanya na halos dumurog sa kanya noon. Sa katunayan ay kamuntikan na siyang mawala sa sarili sa mga panahong iniwan siya ni Apollo. Nagpakita lang itong muli pagkatapos ng dalawang taon. At sa mga taong wala ito ay naipon ang lahat ng sakit, galit at pagsisisi sa kanyang dibdib. Pagbalik nito ay imposible nang magkaayos sila dahil binago niya ang sarili at piniling kamuhian ang puwede niyang kamuhian nang hindi lang ang kanyang sarili ang kanyang sinisisi.

"She died nine years ago," Sabrina uttered emotionlessly and opened her eyes at the same time.

"Hindi mo talaga ako mapapatawad?" ang malungkot na tanong ni Apollo. Wala siyang sagot sa dalaga ngunit alam na niya ang ibig ipahiwatig nang pananahimik nito. "It's been nine years, Sab."

"Nine years but I still remember everything like it was yesterday."

Sandaling napasulyap si Apollo sa dalaga, kung hindi dahil sa walang ekspresyon nitong mukha ay iisipan niyang totoong naringgan niya ng lungkot ang tonong ginamit nito. He suddenly felt frustrated because he cannot read her at all, he doesn't have an idea what was she's thinking and feeling right at that moment. Kung mahirap pakisamahan ang dalagitang Sabrina nang una niya itong makilala noong highschool ay lalong mas mahirap ang matured na Sabrina na kasama niya ngayon. Alam niyang kailangan niyang triplehan ang effort na ginawa niya noon upang hulihin ang loob nito para maibalik ang tiwala ni Sabrina sa kanya.

"I'm sorry, Sabrina. I shouldn't have left you before."

Hindi na nagsalita si Sabrina kaya nanahimik na lang si Apollo hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay nito. Hindi na naghangad si Apollo na aayain siya nito sa loob, ni ang paghatid nga rito ay pahirapan na. Mabilis at tahimik na lumabas si Sabrina mula sa sasakyan, pinanood ito ni Apollo hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay.

"See you tomorrow," he muttered blandly before driving away from her house. He still had a lot of times to try and get her back, as best friends or as lovers, it doesn't matter to him as long as she would trust and forgive him.

Getting her forgiveness and rebuilding the trust he broke was what matters, for now. A determined man can only hope.

Samatala, si Sabrina ay muling lumabas mula sa loob ng kanyang bahay nang marinig ang pag-alis nang sasakyan ni Apollo at kinuha si Snow sa kanyang kapitbahay.

"I hate him. I really hate him, Snow," sabi niya sa tuta habang nakaupo na sila sa kanyang sofa sa may sala at nakabukas ang TV.

Nakahiga si Snow sa kanyang kandungan habang nakatingin sa kanya na para bang nakikinig talaga ito. Pinagmasdan niya si Snow at parang bulang nawala ang inis na nararamdaman niya kay Apollo.

Akala niya ay tuloy-tuloy na ang kanyang magandang mood at makakatulog nang maayos ngayong gabi dahil sa bonding nila ni Snow. Subalit nang patulog na siya ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa numerong nakaregistered sa pangalang office.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa aparato at matinding pagpipigil sa sarili ang kanyang ginawa upang hindi iyon maibato.

"Good night, Sab. Sweet dreams, see you tomorrow."

"Walang good sa night ko!" asik niya na para bang maririnig iyon nang nagpadala ng mensahe. "Go to hell, Apollo Sanford!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.