NAPAKURAP-KURAP si Sabrina habang nakatingin sa kisame ng silid kung saan siya naroroon. Nagising siya sa isang pamilyar na silid at sumalubong sa kanya ang pamilyar na amoy na iyon. At ang tunog ng lagaslas ng dutsa sa loob ng banyo ay kanyang naririnig at alam niya kung sino ang naroroon.
Pagkalipas ng ilang segundo ay mabilis siyang umupo sa ibabaw ng kama at nanginginig ang kamay na hinawi ang kumot na nakatabing sa kanyang hubad na katawan. Naalala niya ang nangyari kagabi, ngayong nagising na siya mula sa kahibangang iyon ay ngayon niya nararamdaman ang pagsisisi at kaba at... takot.
Kahit nanginginig ang kanyang mga binti, nangangalay at nananakit ang kanyang katawan, maging ang kanyang ulo dahil sa hang-over, ay tumayo siya at dinampot ang kanyang mga damit na maayos nang nakatupi sa may bedside table.
Mabilis na isinuot ni Sabrina ang mga damit ngunit dahil sa pagkakataranta nang tumigil ang tunog ng mga lagaslas ng tubig ay hindi niya mabutones ng maayos ang kanyang damit. Napabuntung-hininga na lang siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo kasabay ng pagsuot ng kanyang mga sapatos. Walang saysay ang kanyang pagmamadali na para bang tinatakasan ang demonyo dahil nakita na siya ni Apollo.
Nakatalikod si Sabrina sa binata kaya hindi niya ito makita subalit ramdam niya ang intensidad ng mga nito sa kanyang likod. Nang maisuot ang mga sapatos at maitali ang kanyang mahabang buhok ay naglakad siya palabas ng silid nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Apollo. Tinatagan niya ang mga binti dahil nanginginig pa ang kanyang mga tuhod. She won't gave him the satisfaction of seeing his effect on her.
Subalit bago pa siya makalabas ay naroon na si Apollo at pinigilan siya sa mga braso. Nilinga niya ito gamit ang malalamig na mga mata, malayong-malayo sa ipinakita niya kagabi. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ni Apollo patungo sa katawan nito na natatabingan lang ng tuwalya.
Pinigilan ni Sabrina ang sarili na manginig nang pumasok sa isipan ang nangyari sa pagitan nila kagabi. He took her more than twice and up till dawn and she responded stupidly as she did before.
"Let's talk."
Marahas na pinalis ni Sabrina ang kamay ni Apollo na nakahawak sa kanyang braso ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito na halos bumaon na ang mga daliri sa kanya upang pigilan siya sa pag-alis. Gamit ang isang kamay ay pinilipit niya ang braso ni Apollo na napangiwi sa kanyang ginawa at nabitawan siya. Kapagkuwan ay pabalyang binitawan niya ito at nagpatuloy sa paglakad.
Nasa pintuan na siya at akmang pipihitin ang seradura subalit nabitin sa ire ang kanyang kamay nang muling magsalita si Apollo.
"Did you regret it?" he asked in worriedness and insecurity.
Hindi agad nakasagot si Sabrina at sandaling nag-isip. She hated herself for being swayed for a moment, it must be an aftermath of the sex they shared together. Hindi dapat magbago ang nararamdam niyang poot para rito dahil lang sa isang gabing iyon.
"What do you regret the most?"
Sabrina scoffed and then looked at him in sarcasm. "You dare ask me that?" Her eyes became colder and her lips were in a thin line as she looked back at him. "I regret the day that I met you."
"Why?" he asked in a low voice. His eyes became melancholic.
She did not bother answering his question, she expressed her hatred towards the man through her eyes before turning her back at him. She was about to pull the door open when he muttered something that almost melted the façade she wore for nine years.
"The day I met you was the best day of my life, Sab." He sounded dejected and almost begging.
Hindi nagpaapekto si Sabrina sa sinabi nito, hindi maaari. Tulyan niyang binuksan ang pinto at lumabas sa bahay ni Apollo.
Lies. It was all lies, Apollo was good at that.
Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa kanyang bahay, yakap ang sarili at nakatingin sa labas ng bintana habang tinalunton nila ang daan.
Nang makauwi ay agad siyang pumasok sa loob ng kanyang silid at naligo. Ipinikit niya ang mga mata habang nakatingala at sinasalubong ang lagaslas ng tubig. Hindi niya gustong maalala ang nangyari sa kanila ni Apollo dahil sa kahibangan niya. Hindi na sana siya uminom at sinuong ang sarili sa ganoong sitwasyon. Isa iyong malaking pagkakamali, kahit pa idahilan niya sa sariling ginawa lang niya iyon upang i-satisfy ang pangangailangang pisikal. She hated herself more.
She can still feel his touch, his kisses, the way his body felt against her skin. Perhaps she cannot stop herself from being so affected because she only did it again after nine years, with the same person. Walang ibang lalaki sa buhay niya pagkatapos ni Apollo dahil hindi niya gustong gawin ang nagawa niyang pagkakamali noon. She even decided of living her life alone for years now, she won't marry, she won't have children. At hindi magbabago ang desisyon niyang iyon.
Nanatili sa kanyang silid si Sabrina buong araw. Hindi siya lumalabas sa loob ng kanyang silid at nakapatay ang kanyang cellphone kahit alam niyang hahanapin siya sa trabaho. Dahil doon ay hindi niya alam na may isang taong kanina pa nasa labas ng kanyang bahay at gusto siyang makita.
"Maybe Sabrina's not home," ang hindi mapigilang sabi ni Vodka na lumabas pa mula sa kanyang bahay. Kanina pa nila naririnig ang ginagawang pagkatok ang pagsigaw ng lalaking nasa labas ng bahay ni Sabrina. Sirado ang lahat ng bintana at pinto ng bahay, madilim iyon at walang maririnig na kaluskos kaya marahil ay walang taon doon. Sa isip ni Vodka.
Napatingin si Apollo kay Vodka, mababanaag ang lungkot at kadesperaduhan sa mga mata nito na siyang ipinagtaka ni Vodka.
"Are you Tita Sab's boyfriend," si Whiskey na biglang sumulpot sa likod ng ina at tinitigan si Apollo mula ulo hanggang paa.
Isang malugkot na ngiti lang ang isinagot ni Apollo sa mag-ina, isang huling sulyap ang iginawad niya sa bahay ni Sabrina, tumalikod at pumasok na sa kanyang sasakyan upang umalis. Babalik na lang siya sa susunod na araw.
Gabi na nang bumaba si Sabrina dahil hindi na niya makayanan ang nararamdamang gutom. And at the same time, she turned her phone on. She ignored the texts and missed calls she received from Apollo and her secretary, what caught her attention was her father's text message.
He was asking her, no, more like commanding her to come over to his house to discuss a very important matter. Hindi na sana siya pupunta at tinapos ang pagkain kahit wala siyang gana, ngunit tumawag ang kanyang ama at sinabing ito mismo ang pupunta sa kanya kahit saan man siya naroroon kung hindi siya pupunta sa bahay nito.
Kahit labag sa kanyang loob at wala siyang lakas na makipagkita rito dahil naubos ang lakas niya sa engkuwentro nila ni Apollo ay wala siyang magawa kung 'di imaneho ang kanyang sasakyan patungo sa bahay ni Bernardo Salvador.
Nang makarating ay agad siyang pumasok sa loob at tuloy-tuloy sa kusina nang sabihin ng katulong na naroon si Bernardo at naghahapunan.
"What do you want from me?" Sabrina asked abruptly the moment she saw Bernardo inside the kitchen. Wala siyang pakialam kung magtunog walang galang siya, ang mga kagaya ng kanyang ama ay hindi karapat-dapat sa paggalang, lalo na't mula sa kanya.
"Sit down, Sabrina," ang kalmadong utos ni Bernardo sa anak at sinenyasan ang mga katulong na lumabas ng kusina.
Sumubo ng steak si Bernardo, ngumuya at uminom ng tubig bago nagtaas ng tingin sa anak na hindi tumalima sa kanyang sinabi. Dinampot niya ang folder na nakapatong sa silya sa kanyang kabila at inilapag sa mesa.
Walang sali-salitang kinuha ni Sabrina ang folder at binuksan. Nang masilayan at mabasa ang laman niyong dokumento ay sari-saring emosyon ang sumalakay sa kanya. Nangunot ang kanyang noo sa pagtataka at bumundol ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa kanyang hinala.
This is not happening to her, again!
"Your engagement with the heir of Willington Corporation days from now, the date of the wedding had been decided."
Parang nanlaki ang ulo ni Sabrina nang makompirma ang hinala. Sa harapan ng kanyang ama ay pinunit niya ang dokumento na may lamang impormasyon tungkol sa lalaking papakasalan niya na pinili nito. Kagaya nang nangyari sa nakaraan. Kilala niya ang lalaking iyon na tagapagmana ng WC, ang kompanyang kakompetensiya ng Sanford Corporation sa loob ng mahigit tatlumpung taon. Dating kaklase at kaibigan ng kanyang ama ang presidente ng kompanyang iyon kaya marahil nagawa nitong planuhin ang kanyang kasal sa anak ng president.
Hell will break loose but she won't allow him to manipulate her life.
Galit na ikinuyom niya ang mga kamao, wala siyang pakialam kung mawala ang kalamigan niyang ipinapakita sa ama at sa iba pa sa loob ng maraming taon. Ngayon lang muli siyang nakaramdam ng matinding galit na gusto niyang saktan ang taong kaharap, ang huli ay noong siyam na taon na ang nakakaraan.
"I am stupid for thinking that you will change, Bernardo Salvador, after what you've done to me and to Mama! You will never change no matter what comes your way! You are manipulative, cruel, and evil!" she shouted angrily. Wala siyang pakialam kung marinig man ng mga tao sa bahay na iyon ang kanyang mga sinabi.
"You will marry him, Sabrina! Pinagbigyan kita noon, and now you have to do what I want you to do! I made you! Kung hindi dahil sa akin hindi ka mabubuhay!" Bernardo said in the same anger, but not as fuming mad as Sabrina.
"Right! You are one of the reasons why I was born! I never regretted being born because I made my mother happy when she was alive! Do you know what I regret, Bernardo? Having you as my father! You only care for Collin, siguro ikaw rin ang dahilan kung bakita naging gano'n siya!" Alam ni Sabrina na hindi niya dapat dinadamay ang kapatid na mahigit sa dalawampu na ang edad ngunit ang utak ay yaong sa isang maliit na bata. May autism ang kapatid niyang si Collin at saksi siya kung paano ito alagaan ni Bernardo.
Bakit nagagawa nitong magpakaama sa kanyang kapatid ngunit hindi sa kanya? Siguro ang nagawa lang mabuti ni Bernardo buong buhay nito ay alagaan ang anak na may karamdaman.
Galit pa rin na tinalukuran ni Sabrina ang ama na tinatawag siya. "Come back herer, Sabrina!" Sandali niyang tinitigan ang kapatid na nasalubong niya patungo sa pinto na binabantayan ng Yaya nito.
Nang makalabas at makasakay sa kanyang kotse ay pinasibad niya iyon paalis, patungo sa opisina. Mariin ang pagkakaapak niya sa silinyador at ibinuhos ang galit sa pagmamaneho.
Ilang traffic rules ang kanyang nalabag bago siya makarating sa kompanya. Tanging mga guwardiya na lang ang nakikita niyang naroon habang tumuloy sa kanyang opisina.
Binuksan niya ang drawer sa ibaba ng kanyang lamesa na palagi na'y nakalock at inilabas mula doon ang isang flash drive. Dahil sa galit ay iprinint niyang lahat ng files na naroon na siyang katibayan sa mga anumalyang ginawa ng kanyang ama sa kompanya.
She lived with Bernardo for almost six years, she knew a thing or two about his scheme. Lihim niya ring minamatiyagan ang mga kilos ng habang nang magsimula na siyang magtrabaho. Hindi nga lang niya naisip na sa ganoong dahilan niya magagamit ang mga nakalap ng ebidensiya nang katiwalian ng ama.
She wrote a message for Emma and thanked her after she left her office and headed to the twentieth floor where Apollo's office was located. Sabrina appreciated the efforts that Emma had done for her job. Emma was a hardworking employee. Ito lang ang katangi-tanging naging sekretarya niya na hindi niya nakaringgang ininsulto siya o ichinismis sa iba. Ito rin ang unang taong nagmalasakit sa kanya sa loob ng siyam na taon.
She left the documents on Apollo's table as a parting gift before going home. Agad siyang nag-empake ng mga damit pagkarating sa kanyang bahay.
Nang masigurong dala na ang lahat ng kanyang kailangan ay isinukbit niya ang isang travelling bag sa balikat at bumaba. Nilapitan niya ang si Snow na natutulog sa cage nito at biglang nakaramdam ng lungkot dahil kailangan niya itong iwan. She will miss her.
Dinala niya palabas ang cage, ipinasok ang bag sa kanyang sasakyan at nilapitan ang pinto ng bahay ng kanyang kapitbahay. Malalim na ang gabi kaya marahil ay natutulog na ang mag-anak.
"Goodby, Snow. I'm sorry." Inilapag niya ang cage sa harapan ng bahay at pinindot ang doorbell. Kapagkuwan ay mabilis na pumasok sa kanyang sasakyan at umalis.
Dumaan muna siya sa isang lugar na palagi niyang pinupuntahan upang ipaalala sa sarili ang kanyang mga nagawang mali sa nakaraan na pinagsisihan niya ng mahigit. Mula roon ay naghanap siya ng maaaring pagwithdrawhan ng pera. Naglabas siya ng salaping alam niyang kakailanganin niya. Kapagkuwan ay itinapon ang kanyang ATM card sa basurahan.
Kinuha niya ang travelling bag mula sa sasakyan at inilabas ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon.
"Delete my trace that no one can find me," aniya sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag. Tinawagan na niya ito kanina habang pauwi at sinabihan sa gusto niyang gawin.
"Sabrina, you don't have to run away," pigil ni Alson kay Sabrina mula sa kabilang linya.
"Please, Alson, I have to do this. I'm tired, very tired. I can't face them all. If you're really my friend, you will help me and won't try to find me wherever I'm headed." Alam niyang sa pag-alis ay hahanapin siya kanyang ama, at ni Apollo. Kahit pa kaibigan niya ay Alson ay pinsan naman nito si Apollo.
Narinig marahil ni Alson ang kadesperaduhan sa boses niya dahil bumuntung-hininga ito sa kabilang linya at tumipa sa keyboard. She asked him earlier to delete all her traces so that her father, or whoever, can't track her.
"Thank you for everything, Alson, and I'm sorry for all the trouble I caused you," she said sincerely. Hindi na niya kailangang itago ang damdamin dito. It was Alson, her friend.
"Good luck, Sab. I will be waiting for your return."
Pagkapatay sa tawag ay tinapon din ni Sabrina ang kanyang cellphone sa basurahan at iniwan sa tabi ng daan ang kanyang sasakyan. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa terminal ng bus.
Nakatulalang nakatingin siya sa labas ng bintana habang nakasakay na sa loob ng bus na patungo sa isang probinsiya. Hindi pa siya nakakaratinng doon ngunit wala siyang pakialam kung saan man siya dahil ng mga paa. Ang gusto niyang mangyari ay hindi siya mahanap ng mga taong nakakakilala sa kanya.
She had to run away or she'll go insane. She was tired and spent.