SHE WAS peacefully watching the waves as they hit the big rock she was sitting on. Just below her feet that were hanging on the edge of the rock, the water caused a huge splash when they crashed.
She sighed softly then filled her lungs with the sea breeze. The saltiness of the air was tickling her nostrils, after almost a month of staying there, she became familiar with the smell of the air.
Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kulay kahil na kalangitan. Ang simoy ng hangin ay lumalamig sa paglipas ng oras tuwing sumasayad sa kanyang basang katawan. Ang tubig ay tumataas at ilang minuto nala'y maitatago na ang batong kanyang tinutuntungan.
Ilang metro ang layo niya mula sa pampang, kapag mababa ang tubig ay lumilitaw ang batong kinaroroonan niya. Maya-maya lang ay maglalaho iyon mula sa katubigan at muling lilitaw kinabukasan.
"'Te, gipangita na ka sa kusina!"
Agad siyang napasulyap sa may-ari ng tinig nang sumigaw na iyon. Si Maymay, isang bateng babae na wala pang sampung taong gulang. Kumakaway ito sa kanya habang nakangiti. Gumanti siya ng kaway rito at tumango, agad namang bumalik ang bata sa pinanggalingan.
Nakakaintindi siya ng bisaya bagamat ay hindi siya masyadong matatas sa paggamit ng diyalektong iyon. Ang kanyang Mommy ay nanggaling sa Visayas at Bisaya ang unang natutunang salita. Noong nasa Alaska sila ay malimit itong gumamit ng salitang Bisaya. She got curious with the dialect that was used in some parts of Mindanao and Visayas Region, she asked her mother to teach her Bisaya words even just the basic ones. And she was glad that she did, nagagamit na niya ang mga natutunan mula sa kanyang ina.
Maingat siyang bumaba sa malaking bato upang hindi madulas at maihampas ng mga alon. Nilangoy niya ang patungo sa pampang at nang makaahon ay dinampot ang boteng lalagyan niya ng tubig na nasa buhangin.
Habang naglalakad pabalik sa cottage na kanyang tinutuluyan ay inilibot niya ang mga mata sa paligid.
Ang buhanging kanyang nilalakaran ay pino't maputi ang kulay kaya komportable siyang magyapak.
May mga hilira ng mga open cottages na ilang metro ang layo sa dagat. Tipikal na cottage na gawa sa nipa at kawayan, kulay brown ang pintura ng mga haligi at kulay berde ang bubong. May mga maliliit at meron ding malalaki na may kasamang videoke machine.
Sa isang closed cottage siya tumuloy upang kumuha ng damit na pamalit. Kagaya ng mga open cattages ay gawa rin iyon sa nipa at kawayan. Simple lang ang yari na lalong nagpapaaliwalas sa paligid. Kapagkuwan ay tumuloy siya sa gilid na bahagi ng beach resort kung nasaan ang hilera ng mga banyo upang maglinis ng katawan.
Halos isang buwan nang mapadpad siya roon. Isang isla sa Mindanao at nabibilang sa mga lugar sa Davao Region, ang Samal Island. Mahigit kumulang kinse minutos ang layo ng Isla sa Davao City, at tanging sasakyang pandagat ang transportasyon para makarating doon. Buong buhay, bago siya napadpad doon, ay hindi pa niya naririnig ang Isla. Wala siyang ideya kung anong lugar iyon.
Mahigit isang buwan na ang nakakalipas mula nang umalis siya ng walang tiyak na direksiyon. Ang sinakyan niyang bus ay patungo sa isang probinsiya sa Luzon subalit hindi siya makapanteng tumigil doon dahil pakiramdam niya'y mahahanap pa rin siya ng kanyang ama.
Mula roon ay sumakay siya ng barko patungo sa ibang rehiyon. Hindi siya komportable sa mga bayang tinigilan kaya isang araw lang ang itinigal niya sa bawat lugar na napupuntahan at muli ring aalis at maghahanap ng iba na mas malayo at walang makakahanap sa kanyang kakilala. Hanggang sa mapadpad siya sa Davao City pagkatapos ng walong araw mula nang umalis. Tumigil siya sa isang hotel doon ng dalawang araw.
Habang naglalakad sa downtown ay may nag-abot sa kanya ng isang flyer tungkol sa bagong bukas na beach resort sa isang Isla na malapit lang doon. Kinabukasan din ay nagcheck-out siya sa hotel at nakipagsapalaran sa islang iyon. The Island was known as the largest resort city in the country because of the number of beaches it had. The population was over a hundred thousand Samaleños and their source of income was through agriculture and tourism.
Hindi siya pumunta sa beach resort na nakita sa flyer, nagpahatid siya sa driver ng tricycle sa mas malayo at tahimik. Iyon din ang unang beses niyang makasakay ng tricycle.
Unang kita pa lang niya sa dagat pagkapasok sa Sunrise beach resort ay nakaramdam na siya ng kapayapaan ng damdamin. She never felt so at ease during her eight days vagrancy.
At ngayon nga ay halos isang buwan na siyang tumitigil doon at balak pa niyang magtagal. O kaya ay roon na tumigil ng tuluyan. She loved the place, the people, and the peace it brings. She felt like she was finally free from her father's grip, from the company, from the feeling Apollo caused her. Though the memory from the past was an exception, it sometimes hunts her sleep.
Ayon nga sa isang kanta, hindi man siya nakakalipad ng mataas, at least nakakalipad siyang malaya. Iyon lang ang mahalaga sa kanya, ang makaramdam ng kalayaan.
"Lalo kang gumaganda sa pagdaan ng araw, malapit mo nang kabugin ang ganda ko," ang nakangiting salubong sa kanya ng head cook na si Michelle pagkapasok niya sa kusina kung saan sila nagluluto para sa mga guest.
Isang linggo na siyang tumutulong sa kusina sa pagluluto. May pera pa naman siya at matagal-tagal pa bago maubos subalit kailangan pa rin niya ng pagkakakitaan ng pera kung gusto niyang manatili roon sa matagal na panahon.
Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang mga labi sa isang ngiti. Mabait si Michelle at masayahing babae kaya marahil madali nitong nabagayan ang ugali niya.
Binati niya ang isa pang cook na naroon na si Belinda at magkatulong nilang tatlong hinanda ang mga pagkain para sa mga guest na kadalasan ay inihahatid pa sa kanya kanyang cottages ng mga ito.
The first time she started working at the kitchen, she felt genuinely happy and contented. And that's a first after nine years. She always wanted to be a chef but Bernardo won't hear of it. Malimit nilang pinag-aawayan noon ng ama ang kursong kukunin niya dahil ayaw niya sa gusto nito para sa kanya. But in the end, her father's decision prevailed.
Pagkatapos nilang magluto at kumain ay nagpalakad-lakad siya sa dalampasigan bago siya pumasok sa loob ng kanyang cottage at humiga sa kamang gawa sa kawayan na may kutson naman.
Hindi kasing lambot ng kanyang kama ang hinihigaan ngayon, hindi kasing laki ng sahod sa pagluluto ang kanyang sahod sa kompanya, ni wala pa sa kasingkapat iyon. Napakalayo sa pinanggalingang buhay ang buhay sa islang iyon ngunit mas tahimik at mas komportable, at higit niyang gusto ang ganoong buhay.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising at tumungo sa dalampasigan upang mamulot ng mga shells na inanod ng mga alon kagabi. Gagawin niya iyong bracelet na siyang itinuro sa kanya ni Maymay, iyon ang pinagkakaabalahan niya habang walang ginagawa bukod sa paglangoy sa dagat o pag-upo sa ibabaw ng batong napapalibutan ng mga tubig.
"Maayung buntag."
"Magandang umaga rin," ganti niyang bati kay Cecelio na nagwawalis ng mga dahoon na nilipad ng hangin malapit sa dalampasigan.
Halos kilala na niya lahat ng mga tao doon bukod sa mga guest, lahat ng mga ito ay mabait sa kanya kahit pa sa kabila ng pakikitungo niya. She doesn't know how to socialize in a casual setting the first time she went there. Subalit unti-unti siyang natuto sa pagdaan ng araw. Siguro nakakatulong din ang kaalamang hindi siya kilala ng personal na aspeto ng mga taong ito kaya malaya siyang nakikipagsalamuha dahil hindi siya natatakot na mahusgahan dahil sa kanyang mga nagawa sa nakaraan.
"'Te, nakakita kag mga guwapo nga shells?" Sabay silang dalawa ni Cecelio na napabaling sa batang si Maymay na patakbong papalapit sa kanila. Isinigaw nito kung nakakita ba siya ng magagandang klase ng shells.
Tiningnan ng bata ang maliit na basket na hawak niya na hiningi pa niya kay Michelle. "Didtota, daghan digtog shell, 'Te." Sabay hila ng bata sa kanya sa kabilang panig ng dalampasigan kung saan daw maraming mga shells. Bahagya niyang tinanguan si Cecelio bago nagpahila sa bata.
Pagkatapos nilang manguha ng shells ay tumuloy siya sa kusina.
"Sab, pakihatid sa ni sa Grayshell Eight," tukoy ni Michelle sa isa sa mga closed cottages ng beach resort.
Kinuha ni Sabrina ang saucer na may lamang mga pagkain at inihatid sa tinukoy ni Michelle. Hindi siya karaniwang naghahatid ng pagkain dahil may ibang gumagawa ng trabahong iyon. Pero minsan ay sila na mismo ang gumagawa kung walang available na servers.
"Narito na po ang pagkain niyo," aniya mula sa labas ng pinto ng cottage, puno ang kanyang mga kamay at hindi siya makakatok.
Hindi siya naghintay ng matagal at agad na bumukas ang pinto at iniluwa ang isang pamilyar na tao. She cannot contain a gasp and her eyes widen in surprise. Hindi maaari! "What are you doing here?"
TINITIGAN NI Apollo ang signage sa labas ng isang beach resort na naaninag pa niya mula sa mapusyaw na ilaw. Pagkatapos ay bumuntung-hininga ng malalim nang hindi pa rin inaalis ang mga mata roon.
Gustong-gusto niyang makarating sa lugar na iyon agad, ngunit ngayong naroon na siya ay hindi matawaran ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Bago pa magtungo roon ay buo na ang kanyang desisyon sa mga bagay na nais niyang gawin. He wanted to have her back in his arms.
Katakot-takot na kaba ang naramdaman niya nang malamang umalis ito at walang nakakaalam kung saan ito nagtungo. He tried to call her, he tried to find her but he can't reached her.
Suddenly, he can't function well when she left. He can't stand a day without seeing her. Napapabayaan na rin niya ang trabaho at mga obligasyon dahil hindi siya makapagpokus. Ang gusto niyang gawin ng mga araw na iyon ay hanapin si Sabrina ngunit hindi niya basta na lang maiiwas ang mga obligasyong nakaatang sa kanya. He even talked to Alson who was close to Sabrina if he had known her whereabouts. He said he didn't, he asked Alson's help to find her but he refused.
Halos araw-araw niyang kinakausap ang pinsan na tulungan siya. Sa tingin niya ay naawa ito sa kanya pagkalipas ng isang buwan at sinabi sa kanya ang lokasyon ni Sabrina. Inamin nitong alam nito kung nasaan ang dalaga una pa lang kahit na sinabi ng huli na 'wag itong hanapin, nag-aalala ito sa kaibigan at hindi makatiis na hindi alamin kung nasa isang mabuti itong lugar.
Iniwan niya ang lahat at sinundan si Sabrina sa kinaroroonan nito. Mabuti na lang at nandoon ang isa niyang pinsan na siyang pansamantalang humahalili sa kanyang posisyon sa kompanya. Lalo pa't ngayon ay may kinakaharap silang problema dahil sa dokumentong iniwan ni Sabrina sa kanyang mesa nang araw na umalis ito. He trusted his cousin Luke Nicholai Villarama and he knew that he will do what's best for the company.
Ngayon nga ay nakarating na siya sa beach resort na siyang sinabi ni Alson na tinitigilan ni Sabrina. Hindi niya alam ang unang sasabihin sa dalaga kapag nakaharap ito. Isa lang ang natitiyak niya, gagawin lang ang lahat mahawakan lang itong muli.
After the night they've shared inside his house, the decision of having her again in his arms was firm. He still loves her after nine years. Hindi madaling mawala ang pagmamahal niy kay Sabrina. Tatlong taon nga niya itong palihim na minamahal bago nagtapat ng kanyang damdamin, at mahirap tibagin ang nabuong damdaming iyon. Mahirap na bunutin ang ugat na tumubo at yumabong.
Nang mangalay ang mga paa kakatayo ay pumasok siya sa loob at kumuha ng isang cottage. Nang makapasok ay agad siyang humiga sa kamang naroroon. Marahil ay dahil sa kapaguran dahil sa biyahe at ilang gabing walang maayos na pahinga ay nakatulog siya.
Kinabukasan ay nagpahatid siya ng pagkain nang makaramdam ng gutom. Hindi niya inaasahang si Sabrina mismo ang maghahatid niyon. At ngayon nga ay magkaharap na sila nito.
Agad na namatay ang munting ngiti sa mga labi ng dalaga nang makita siya. Tila may malamig na bagay ang humaplos sa kanyang dibdib nang makita kahit panandalian lamang ang ngiting iyon. Ngayon lang niya uli nakitang ngumiti ang dalaga.
Gusto niya itong yakapin ng mahigpit ngunit para bang ipinako ang kanyang mga mata sa kawayang sahig at iginapos ang kanyang katawan at hindi siya makagalaw. Bukod doon ay nararamdaman din niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
"What are you doing here?"
"S-Sab..." he muttered as if he can't still believe that she was in front of him. So near and so familiar. "I miss you," he said tenderly.