"KANINA PA 'yang lalaki mo naghihintay sa 'yo sa labas." Michelle nudged Sabrina's shoulder who was washing the dishes in the kitchen. "So, okay na kayo?" tanong nito at tinulungan si Sabrina.
May alam si Michelle sa nangyari sa kanila ni Apollo dahil pahapyaw niyang sinabi rito. Sa halos apat na buwan na pagkakilala ni Sabrina rito ay natutunan niyang magtiwala rito at sa ibang tao sa paligid niya. Wala naman siyang ibang mapagsasabihan upang mailabas ang mga nasa dibdib kung 'di ito lang.
For the first time after her mother died, she asked someone an advice to what she should do with her situation. Lalo na't naging masigasing si Apollo sa pagdaan ng mga araw. Araw-araw niya itong nakakasama ng malapitan, nakikita, bagaman ay hindi niya ito gaanong kinakausap. But it seems liked it was okay with him. Wala siyang reklamo na natatanggap dito.
She admits that the defenses she built for a long time were slowly melting. Halos hindi na rin niya makapas sa dibdib ang galit niya kay Apollo, subalit naroon pa rin ang sakit sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay muling nabubuksan ang yugto ng kanyang buhay na kasama ito at matagal na niyang isinarado.
"Hoy, hindi ka na sumagot."
Iniling ni Sabrina ang ulo, hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya alam kung okay ba sila ni Apollo, bagaman ay nararamdaman niyang unti-unting gumagaan ang hangin sa pagitan nila sa paglipas ng mga araw.
"Magiging okay rin kayo, nasisigurado ko. Sa tiyaga ba naman niya, at tsak, Day, ang guwapo ni Apollo, no! Halos lahat ng nagiging guests natin ay humahanga sa kanya, baka maagaw pa," ani ni Michelle sa magaang tinig kapagkuwan ay sumeryoso rin nang bumuntung-hininga si Sabrina. "Hindi mo naman kailangang madaliin ang lahat. Kung sincere talaga siya sa damdamin niya, hindi siya aalis kahit anong taboy mo sa kanya. Mapapagod 'yon at magpapahinga pero hindi siya titigil kung mahal ka talaga niya... Sige na, ako nang tatapos dito, labasin mo na 'yon sa dining hall at baka malasing na naman ng lambanog ni Cecelio," taboy ni Michelle kay Sabrina sabay hagikhik. Noong nakaraang gabi ay uminom sina sina Cecelio kasama si Apollo ng lambanog at nalasing ang huli. Alam na tuloy ng lahat ang pagtingin nito kay Sabrina dahil sa mga pinagsasabi nito nang malasing.
Napailing-iling na lang si Michelle nang makitang sa likuran dumaan si Sabrina at hindi sa dining hall kung saan naghihintay ang manliligaw nito.
Naglakad si Sabrina sa buhangin at tinungo ang pinakagilid ng beach resort kung saan may mga naglalakihang bato ang ipinatag at ipinantay na siya na ring nagsisilbing bakod ng beach resort at ng private summerhouse na katabi niyon. Sumampa siya roon at naglakad sa ibabaw patungo sa pinakadulo kung saan maaaring mag-dive na siyang ginagawa ng mga guests na nagtutungo roon. Malalim ang parting iyon ng dagat kung saan tumatama ang alon sa batong tinutungtungan niya.
Umupo siya at nanatili roon upang makapag-isip at makalanghap ng hangin. Hindi siya makapag-isip ng tama kapag nasa paligid si Apollo.
Mahigit tatlong buwan na siyang naroon sa isla at simula naman nang dumating si Apollo ay hindi pa ito umaalis. Pagkagising niya sa umaga ay naroon na ito sa labas ng kanyang cottage kasama ang ngiti sa mga labi na nagpapaalala sa kanya ng dating Apollo na minahal niya. Sa gabi ay ito rin ang huling tao na nakikita niya bago matulog. Paanong hindi matitibag ang kanyang depensa kung ganoon ito.
"What are you doing here?"
Hindi nagtaas ng tingin si Sabrina dahil kilala niya ang may-ari ng boses na iyon na siyang pumutol sa kanyang pag-iisip. "Kailan ka titigil?" tanong niya sa pormal na tono nang makaupo si Apollo sa kanyang tabi habang parehong nakabitay ang kanyang paa sa gilid ng bato.
"Hanggang sa hindi ko na kaya," sagot ni Apollo nang maunawaan ang gustong tukuyin ni Sabrina sa itinanong. "And I'm telling you now, Sab, kayang-kaya ko pa, hindi pa ako nagsisimula."
"Kahit na sabihin ko sa 'yong walang patutunguhan ang ginagawa mo?"
"Ayaw kong isipin na walang patutunguhan ang lahat. Kung hindi mo nakikita ang landas na tinatahak natin, then I'll make a path for us." Hindi sumagot si Sabrina kaya nagpatuloy si Apollo. "I'm more than okay with what we are right now, I get to be close to you, to get near you, to hold you. You would snarl at me, frowning at me, and got irritated by me. Hindi kagaya noon na hindi mo 'ko pinapansin."
"Give up," bulong ni Sabrina.
"No! Never. If I have to jump into the sea to prove how much I love you, then I will start praying now that I won't drown."
Sa pagkamangha ni Sabrina ay tumayo si Apollo, hinubad ang pang-itaas na damit at tsinelas. "What are you doing?"
"I love you, Sabrina Clementine Salvador." Isang ngiti ang ibinigay ni Apollo kay Sabrina na nakaawang ang mga labi bago siya tumalon sa dagat.
Agad na napatayo si Sabrina at napatingin sa tubig dahil sa ginawa ni Apollo. Hindi niya gaanong mahagilap ang paligid dahil may kadiliman ang parting iyon. Nang hindi niya ito makita pagkalipas ng ilang segundo ang dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib. Mabilis niyang hinubad ang tsinelas at walang pagdadalawang-isip na tumalon sa dagat.
"Apollo!" sigaw niya paglitaw ng kanyang ulo sa tubig habang sumisinghap. Inilinga-linga niya ang ulo upang hanapin ito subalit kadiliman lang ang kanyang nakikita. Sumisid siya at sinubukan itong hanapin ngunit mas madilim sa ilalim at wala siyang maaninag. "Apollo!"
Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ni Sabrina hanggang sa ang kaba ay maging takot nang hindi niya ito mahanap. Nanginig ang kanyang mga labi at nag-init ang kanyang mga mata. Ang tibok ng kanyang puso ay pumupugto sa kanyang hininga.
Nalunod ang kanyang sigaw nang may humila sa kanyang binti, bahagya siyang nakainom ng tubig. Habang nasa ilalim ay ramdam niya ang mga bisig na pumalibot sa kanyang katawan at alam ng puso niya kung sino ang may-ari niyon.
Sabay silang lumutang sa ibabaw ng tubig, kanda-ubo si Sabrina dahil sa naimon. Nang makabawi ay agad niyang sinampal ang mukha ni Apollo at sinuntok sa dibdib kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. "Ang sama mo! Ang sama-sama mo," hagulgol niya habang sinusuntok ito.
Niyakap ni Apollo si Sabrina at hinalikan ang tuktok ng ulo.
"I love you so much, Sab. Hindi kailanman nawala ang pagmamahal na iyon. Fourteen years, ganoon na katagal... I'm sorry, I didn't mean to scare you, baby."
Itinulak ni Sabrina si Apollo at muling sinampal. Para iyon sa ginawa nito pananakot sa kanya at sa isang bagay na ipinagtanto nito sa kanya. She still loves him. Kagaya ng sinabi nito ay hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya at ilang taon nang naroon sa kanyang dibdib.
Mabilis na lumangoy si Sabrina paalis kay Apollo na napakamot ng ulo at agad na sumunod. Sa halos tatlong buwan ni Apollo roon ay pinag-aralan niyang lumangoy at natuto naman siya. If they will live there then he should know how to swim at least.
Pinigilan ni Apollo sa braso si Sabrina ng pareho silang makaahon. Iniharap niya ito sa kanya at sinalubong ng halik ang mga labi.
Nagulat si Sabrina dahil sa ginawa ng binata. Sandali niyang hindi malaman ang gagawin. Kinapa niya ang dibdib at nang walang makapang resistance doon at ipinikit niya ang mga mata at napabuntung-hininga.
NAKAHINGA nang maluwag si Sabrina nang pagsilip niya sa labas ng kanyang cottage ay hindi niya makita si Apollo. Nahihiya siyang harapin ito pagkatapos nang nangyari kagabi. Hindi lang siya basta nagpaubaya, tinugon pa niya ang halik nito. Walang namutawing salita sa pagitan nila nang ihatid siya nito sa kanyang cottage kagabi ngunit iniwan siya nito ng isang mabilis na halik sa mga labi bago siya iniwan sa harap ng kanyang pinto.
Pumunta siya sa dalampasigan at dinampot ang mga shells na nakakuha ng kanyang atensiyon. Napupuno na ang maliit na basket na siyang pinaglalagyan niya ng mga magagandang uri ng kabibi ngunit hindi pa rin niya nakikita si Apollo.
Inililibot niya ang mga mata sa paligid upang hagilapin nito nang maramdaman niya ang mainit na hanging tumatama sa kanyang tainga at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Hinahanap mo ba ako?"
Nilinga ni Sabrina ang taong iyon at ang kanyang buhok ay sumasayaw sa hangin na nahawi dahil sa kanyang ginawa. Nakangiti si Apollo sa kanya at kumikislap ang mga mata. Sandali siyang natigilan at pinasadahan ito ng tingin. Tumagal ang kanyang mga mata sa mga labi nito at muling naalala ang halik na pinagsaluhan nila kagabi. Walang impluwensiya ng alak ang kanyang sistema nang mangyari iyon kaya higit niyang naramdaman ang epekto no'n sa kanya.
"Hindi." Umiwas si Sabrina at muling tumingin ng mga shells sa buhangin. Umagapay naman sa paglalakad sa kanya si Apollo at nakipulot din.
Nang mapuno ang basket ay umupo si Sabrina sa buhangin at agad namang sumunod ang binata.
"He's in jail."
Napatingin si Sabrina kay Apollo dahil sa sinabi nito. Sandaling nangunot ang kanyang noo, ngunit nang matukoy kung sino ang tinutukoy nito ay nnapabuntung-hininga siya. "That's what bound to happen."
"You have no regret?"
Ipinilig ni Sabrina ang ulo. Hindi niya pinagsisisihan ang pagsiwalat sa katiwalian ng kanyang ama. One way or another, he had to pay the price for his actions. Ipinapanalangin na lang niyang magbago ito at matuto sa mga ginawa nito.
Sinalubong ni Sabrina ang mga mata ni Apollo nang gagapin nito ang kanyang kamay. Hinawi niyang mga daliri ang hibla ng buhok na sumasayaw sa kanyang mukha at masuyong hinaplos ang kanyang mga labi pagkatapos. Hindi ito pinigilan ni Sabrina, maging ang pag-iwas ay hindi niya ginawa.
"I have to go back," imporma ni Apollo sa tonong tila nahihirapan sa gagawin. "I won't say goodbye because I will go back after everything's okay with the company." Hinalikan ni Apollo ang noo ng dalaga at binagsak ang tatlong salitang, "I love you," bago tumayo at lumakad paalis.
Tumayo si Sabrina at tinakbo si Apollo na bahagya nang nakalayo sa kanya. Siya naman ang pumigil dito sa braso. "I'll go with you," aniya habang naghahabol ng hininga.
Nabura ang lungkot sa mga mata ni Apollo at sumilay ang ngiti sa mga labi. Kapagkuwan ay inumang ang isang kamay kay Sabrina.
She did not hesitate and accepted his hand. She wanted to hold onto him again, like before. And she just hoped that things would turn the way they expected them to be.
"I LOVE YOU, BABY ANGELO."
Gustong mahawa ni Sabrina sa pag-iyak ni Apollo habang nakatunghay sa puntod ng anak nila. Nakalarawan ang sakit at pangungulila sa mga mata nito. Nakikita rin niya roon ang pagsisisi.
Hinawakan niya ang kamay ni Apollo at pinisil. Isang malungkot na ngiti ang ipinakita ni Apollo sa kanya at muling nagpaalam kay Angelo, ang anak nila.
Dinaanan rin nila ang puntod ni Yaya Melly at nag-alay ng dasal at bulalak bago muling sumakay sa taxi na naghihintay sa kanila at siyang sinakyan paglabas ng airport.
Pagkabalik na pagkabalik nila ay sa ang memorial park ang una nilang tinungo. Ipinakilala niya si Apollo sa kanilang anak at kay Yaya Melly. Parang may mabigat na bagay na naman ang nawala sa dibdib ni Sabrina dahil doon. Hindi na siya nag-iisa sa pagpunta sa lugar na iyon at nakahanap na ng karamay. Someone she can share her pain to.
Pagkagaling sa sementeryo ay dumiretso sila sa presinto kung saan nakakulong ang kanyang ama. Hindi niya maiwasang umiyak habang kausap ito. Sa ngayon ay wala pa siyang nakitang pagsisisi mula sa ama subalit hindi niya isinusuko ang pag-asang magbabago ito.
Nalulungkot siya dahil sa nangyari kay Bernardo. He was still her father after everything that happened. Hindi man niya sabihin ay may mga bagay siyang ipinagpapasalamat kay Bernardo. Because of him she learned how to be independent, to be brave, and forgive.
Hapong-hapo si Sabrina pagkatapos niyang maka-usap ang ama. Nakaabang agad si Apollo sa kanya sa labas ng presinto. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya ng buong pagmamahal.
She decided to have another chance with him. To gamble with faith.
Mas matanda na sila ngayon kaysa noon at marami nang natutunan sa buhay. Mas mapapangalagaan na nila ang mga bagay na ipagkakaloob sa kanila ng pagkakataon. They both learned their mistake and they will do their best not to repeat it.
"What do you want to do next?" Apollo asked after giving the side of her head a kiss.
"I want to rest," she answered wearily.
"Let's rest then... Together."
Sinalubong ni Sabrina ang mga mata ni Apollo at ngumiti rito. "Together."