PINAPANOOD NI Apollo si Sabrina habang nakahiga ito sa ibabaw ng kama. Nakakunot ang noo ng dalaga, tagaktak ng pawis ang noo at balisa. Pinunasan niya ang pawis nito at ang mga braso't binti upang maibsan ang lagnat.
Nakatulog ito sa kanyang mga bisig sa kakaiyak kagabi. Dinala niya ito sa cottage nito at doon nga nagsimulang uminit ang katawan nito dahil sa lagnat. He stayed there the whole night to take care of her.
Hinawi niya ag buhok nito na nakatabing sa mukha at masuyong hinaplos ang namumula nitong pisngi. Hearing the whole story from her about what happened in the past doubled his regrets. He was angry with himself. If only he could turn back time.
Sabrina did not deserve everything that she had been through. She lost her child, their child, and he left her. He had his reasons why he left without talking to her after that night when they had an argument. But his reasons were not enough.
Siyam na taon, siyam na taon nitong tiniis ang pag-iisa, ang mga pasakit dahil sa pagkawala ng kanilang anak. Hindi naman niya ito masisisi sa hindi pagsabi sa kanya sa kalagayan nito at sa mga nangyari.
Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang nagawa. The baby could've made it if he was there when she went to his house. Their poor baby. He didn't even get the chance to see the world.
Nanikip ang lalamunan ni Apollo at bago pa tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Isang huling sulyap ang ginawa niya sa direksiyon ni Sabrina bago lumabas at tumungo sa sarili niyang cottage upang makaligo at makapagbihis ng bagong damit. Ang suot niya ay kahapon pa at natuyo na mula sa pagkakabasa kagabi nang sumulong siya sa dagat.
Napaupo si Apollo sa ibabaw ng kanyang kama sa inuokopang cottage at napasabunot sa buhok. Tiningnan niya ang mga butil ng luha na sunod sunod sa pagpatak sa kawayang sahig.
Who says men don't cry?
IINOT-INOT na bumangon si Sabrina sa pagkakahiga at umupo sa ibabaw ng kama. Her head throbbed but she can managed the pain. Mainit ang kanyang pakiramdam ay marahil ay nadapuan ng lagnat, masakit din ang kanyang lalamunan at may sipon siya.
Nang madako ang paningin sa maliit na palanggana sa mesitang gawa sa kawayan ay agad niyang nahulaan kung sino ang naglagay niyon doon kasama ang isang bimpo na marahil ay siyang ipinampahid sa kanya. Si Apollo lang naman ang huli niyang kasama bago siya nawalan ng malay.
Bumalik ang kirot sa kanyang dibdib nang maalala ang pagsasabi rito ng mga nangyari sa nakaraan. Hindi niya alam kung pagsisisihan niya ang ginawang pagtatapat o mapapabuntung-hininga sa relief dahil sa wakas, may karamay na siya sa paghihirap na nararamdam. The guilt and the pain.
Hindi lang ang pagkawala ng sanggol sa kanyang sinapupunan ang isinisi niya sa sarili, maging ang kamatayan ni Yaya Melly ay kinakargo niya sa kanyang konsesya. Kung hindi siya nagpumilit na umalis ng araw na iyon ay buhay pa sana ang matanda. Ito at ang driver ng sinakyan nilang taxi ay parehong namatay habang siya ay bukod sa nabaling braso at balikat ay wala nang ibang malalang tinamo sa katawan dahil sinangga ni Yaya Melly lahat para sa kanya. She protected her up to her last breath.
Habang buhay niyang dadalhin sa dibdib ang masasakit na ala-alang iyon. Kaya hindi niya magawang magpakamatay dahil kailangan niyang maghirap upang mapagbayaran ang kapabayaan niya. She deserved to be alive and be miserable. Iyon ang kanyang paniniwala. Makailang beses na niya noong sinubukang magpakamatay dahil sa hirap na pinagdadaanan ngunit sa huli ay hindi niya magawa.
Hindi siya nagbukas ng mga mata mula sa pagkakapikit at pagkakasandig sa headboard ng kama nang marinig ang mga pamilyar na tinig na nag-uusap sa labas. Tinig ni Maymay at ni Apollo. Nang magpaalam si Maymay kay Apollo ay siya namang pagbukas ng pinto at ang tunog ng mga yabag papasok.
Nang maramdaman ang mga matang nakatitig sa kanya ay nagmulat siya ng mga mata at tumingala. Nakatunghay sa kanya si Apollo habang hawak sa isang kamay ang bowl na may lamang umuusok na sopas na siyang ibinigay ni Maymay.
Tumaas ang kamay ni Apollo patungo sa mukha ni Sabrina habang magkahinang ang kanilang mga mata.
The urge to sigh was there when Sabrina felt his hand touched her cheek. It was gentle and expressive and warm. Just like the eyes that were looking down at her.
"You need to it."
Natauhan si Sabrina sa sinabi ni Apollo at mabilis na tinabig ang kamay nito sa kanyang pisngi. Kinuha niya ang mangkok mula rito dahil mukhang may balak pa itong subuan siya.
"Puwede ka nang umalis," wika ni Sabrina sa malat na boses. Pagkatapos ay sumubo.
Sa halip na tumalima ay umupo si Apollo sa tabi ni Sabrina paharap dito. He leaned closer to her and blow the bowl of soup when he saw her grimace because of its hotness.
"Ano ba, Apollo!" Tinulak ito ni Sabrina dahilan upang matapon ang laman ng sopas sa damit nito. Nakaramdam siya ng kurot sa dibdib nang makita ang pagtatagis ng bagang ng binata at pagkuyom ng kamao na para bang pinipigilan ang sarili na dumaing dahil sa pagkapaso.
Pinanood ito ni Sabrina na tumayo, kinuha ang basahan sa mesita at muling lumapit sa kanya. Hindi niya naiiwas ang kamay nang hawakan nito iyon at punasan ang kanyang braso na natapunan din ng sopas. Mainit sa kanyang balat ngunit hindi naman siya napaso, paano na lang kaya rito na halos lahat ay natapon sa damit nito, sa may bandang tiyan.
"I'll get a new bowl of soup."
Nang makaalis si Apollo ay pinuno niya ng hangin ang baga bago dinampot ang isang unan at itinapon sa naksaradong pinto. Why does he had to be there and made her confuse?
Kinapa niya ang damdamin, naroon pa rin ang galit niya rito ngunit sumasama na roon ang isang damdamin na ayaw niyang maramdaman muli. O natatakot lang siyang maramdaman ulit iyon?
She hated Apollo because he was one of the reasons why her unborn child was gone, together with his father. Subalit gaya nang sinabi niya rito kagabi, hindi ito ang pinakakinamumuhian niya sa buong mundo, kung 'di ang kanyang sarili.
Muli siyang humiga sa ibabas ng kama patalikod sa direksiyon ng pinto kaya nang bumalik si Apollo ay hindi niya ito nakita. Hindi rin siya tumalima nang sabihin nitong kumain siya.
Isang malalim na buntung-hininga si Apollo at muling umupo sa gilid ng kama patalikod dito. "I was about to bid my goodbye to you that night when I saw you with him outside your house. But jealousy got the best of me and I said mean words to you, accused you."
Nanatiling tahimik si Sabrina at binuksan ang mga mata ngunit hindi parin humarap dito. Noon ay buo na ang kanyang paniniwala na hindi niya kailangan ang anumang paliwanag dito dahil hindi na niyon mababago ang lahat. Subalit ngayon ay bumukal ang kuryosidad sa kanyang dibdiib. She wanted to hear from him the reasons why he left her in her weakest state.
"After you left when we had dinner, I received a call from my parents. When I got home, they told me that my Mom's father, my grandfather, died from cardiac arrest. We had to go to the state for my grandmother who had an attack after knowing that her husband passed away. Hindi na ako nakapagpaalam dahil sa nangyaring away natin. I regret it, Sab. Hindi dapat ako nagpadaig sa nakita ko, I should've trusted you.
"No'ng nasa ibang bansa naman kami ay hindi kita nagawang matawagan. Palaging nasa tabi ko si Granny, kinailangan niya ang presensiya ko upang makarecover sa pagkawala ni Lolo. She will always tell me that I looked like him when he was still younger. Siguro ay mas gumagaan ang loob niya kapag nakikita ako. And I was still mad at you for hiding things to me, about your engagement, for dating that man.
"Umuwi ako. Pinuntahan kita sa bahay niyo upang makahingi ng tawad at ayusin ang nangyari sa pagitan natin. I was ready to ask your father's approval because I want to marry you. You were mine, hindi kita hahayaang mapunta sa lalaking 'yon. Kahit pa hindi pumayag ang ama mo ay handa akong kunin ka mula sa kanya at dahil sa ibang bansa, doon bumuo ng buhay kasama ka. Pero hindi kita mahanap, Sab. Sabi ni ng ama mo 'wag ka nang hanapin dahil masaya ka na kasama ang lalaking iyon at pumayag ka na ipakasal sa kanya. Halos dalawang linggo akong bumabalik-balik sa bahay niyo, naghihintay sa labas." Apollo sighed wearily as he reminisce.
Of course he can't see her during those times. Siguro noong bumalik ito ay ang mga araw na depress siya dahil sa nangyari sa pinagbuntis at kay Yaya Melly. Hindi rin siya makalakad noon dahil sa pinsalang natamo mula sa aksidente at hindi siya pinapalabas ni Bernardo sa kanyang silid. Wala siyang alam na pumunta sa bahay nila si Apollo at nakausap ang kanyang ama.
Namimighati siya noon, halos hindi makakain at palaging umiiyak, halos gabi-gabi ay mga luha ang kanyang kasama bago makatulog.
Apat na buwan siyang hindi lumalabas ng bahay. Apat na buwang nalunod sa sakit at guilt at galit. Ang alam lang niya noon ay iniwan siya ni Apollo. Pagkalipas ng apat na buwan ay bigla na lang tumigil ang mga luha, at simula noon ay ipinangako niya sa sariling hindi na muling iiyak. Sinikap niyang makalakad ulit, hinarap ang puntod ng kanyang anak at ni Yaya Melly.
She started to redeem herself. Bumukod siya sa ama kahit ayaw nito, hindi ito nanalo sa kanya dahil ibang Sabrina na ang lumabas sa kanyang silid pagkalipas ng limang buwan. The cold Sabrina, she had nothing to fear, nothing to lose. Nawala nang lahat sa kanya kaya marahil siya nagkaroon ng lakas. Natatakot ang tao dahil may mga bagay na ayaw nilang mawala sa kanila. Being alone made her fearless.
Hindi man siya nakadalo sa graduation ceremony nila nang magtapos sa college ay nakapagtapos pa rin siya ng may mataas na marka. Tinapos niya ang kanyang master's degree sa business administration at nagtrabaho sa SC. Umangat siya sa kompanya sa sarili niyang sikap. Pinatunayan niya sa kanyang ama na kaya niya kahit wala ito.
Pinaghandaan niya ang pagbalik ni Apollo at nang makita itong muli pagkalipas ng dalawang taon ay wala na ang Sabrinang kilala nito. Nagtangka itong kausapin siya't lapitan ngunit sa tuwina ay hindi niya ito pinapaunlakan o kausapin man lang.
"Wala akong balak na tumigil sa paghintay sa 'yo sa labas ng bahay niyo. But I received a call from my grandmother, she wanted me back and she asked me to live with her. And I chose to leave again without seeing you and saying goodbye. I had my master's degree there and I only had the chance to go back to the Philippines again when my grandmother died... I still remember it like it just happened yesterday, Sab. I'm sorry. I don't want to break my grandmother's heart by not granting her plea and leaving her side."
"And you chose to broke mine instead," Sabrina muttered in a low voice but it was enough to reach Apollo's ear. She sniffled to stop her tears from brimming off her eyes. Ngunit hindi niya napigilan ang mga ito na kumawala.
"I'll spend the rest of my life asking you for forgiveness," Apollo said in a voice full of torment. Maging ito man ay hindi napigilan ang pagbuhos ng damdamin.
Ilang sandaling katahimikan ang lumipas habang pareho silang lumuluha ng tahimik. Pagkalipas ng ilang minuto at pinahid ni Sabrina ang basang mga mata at pasngi bago muling umupo sa ibabaw ng kama. Tumingin siya kay Apollo na nakatingin din sa kanya. Hindi ito nag-abala na itago o pahiran man lang ang mga luha. Showing her that she was not the only one who is miserable.
"I'm hungry," she said casually.
Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Apollo at tila siya nagkaroon ng pag-asa na mapapatawad siyang muli ni Sabrina. Tumayo siya at kinuha ang mangkok sa ibabaw ng mesita at ibinigay rito. Pinanood niya ang dalaga sa pagkain kahit na ang gusto niyang gawin ay yakapin ito. He would make up with her. Kung kailangan niyang igugol ang natitira niyang buhay sa mundo sa paghingi ng kapatawaran kay Sabrina ay gagawin niya.
"Thank you for giving me a chance to explain my side." After nine years, pareho silang naliwanagan sa mga nangyari. Hindi man nawala ang sakit sa dibdib ay pareho nilang natuklasan kung ano ang dahilan ng sakit.
And maybe they could find a solution to be happy again regardless of the pain. Being happy with her again became his goal from then on. Soon.