TARA SIGHED roughly as she was reading the text from her cousin Krishia. Inihagis niya ang aparato sa kabilang dulo ng couch na kinauupuan upang hindi lalong mainis. Kapagkuwan ay inihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.
Ang kabang naramdaman niya kanina ay napalitan ng pagkainis para sa taong kanyang hinihintay. Ang sabi ng kanyang pinsan ay patungo na roon ang lalaki ngunit kanina pa siya sa loob ng hotel room at naghihintay rito. Mahigit trienta minutos na itong late.
Tumayo siya at inilibot ang mga mata sa loob ng hotel room habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bewang. Malinis ang kabuuan ng silid at maaliwalas sa mga mata ang kulay ng pader na off-white. May malambot na carpet ang nakalatag sa sahig kaya komportable ang kanyang mga paa.
Sa kisame ay may nakasabit na babasaging chandelier na bagama't hindi ganoon kalaki ay elegante. May isang mahabang couch na may chaise. Ilang hakbang mula sa couch ay naroon ang kama na kasya ang dalawang tao, sa gilid niyon ay mayroong bedside table na may nakapatong na lampshade. The sheets were clean and as white as pearls. Bumalik ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatingin doon.
Inihakbang niya ang mga paa patungo sa direksiyon ng kama at inilatag ang katawan sa ibabaw niyon habang ang mga binti ay nanatiling nakalaylay sa dulo. Tinitigan niya ang kisame nang walang partikular na iniisip.
Muli na naman siyang napabuntung-hininga, sa pagkakataong iyon ay mas banayad na. Dumako ang kanyang mga mata sa direksiyon ng pinto. Maghihintay siya ng ilang minuto at kung hindi dumating ang lalaking hinihintay ay aalis na lang siya kahit sayang ang ibinayad niya para sa silid na iyon.
O kaya ay tawagan na lang niya ang pinsan at magpahanap ng iba. Madaming kaibigan at kakilalang lalaki si Krishia kaya ito ang hiningan niya ng tulong.
After a minute, she got up from the bed and walked back in the direction of the couch. She grabbed her phone and was about to call her cousin when the door of the hotel room opened.
She tilted her head towards the direction of the door and her forehead knitted when she saw a familiar man entered the room. "What are you doing here? How did you know I am here?" she asked, confused and irritated.
Instead of answering her questions, he locked the door behind him and walked towards her with a plastered grin on his lips. His eyes sparkled mischievously as he stared at her face.
"Sagutin mo ako, anong ginagawa mo rito?" ulit ni Tara sa itinanong, maririnig sa boses ang pagkainis at mahahalata sa kanyang mukha ang disgusto na makita ito roon. "What the fuck, Harrison?!" she hissed and her eyes widened when he suddenly took off his shirt.
Inihagis ni Harrison ang damit sa ibabaw ng couch nang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng dalaga. Lalong lumawak ang pagkakangisi ng binata nang makita ang ekspresyon ng dalaga habang tinitingnan ang kanyang hubad na pang-itaas na katawan.
"What the hell? What are you doing?" she asked in hysteric when his hand unbuttoned his fly. "Get out of here, now!"
"I can't do that. I'm your model."
"What? No!" Nang makitang hindi natinag si Harrison at nanghahamon ang kislap sa mga mata ay nagtagis ang mga ngipin ni Tara at mariing naikuyom ang mga kamay. Krishia, I'm gonna kill you! "Get out of here, I don't need you."
"Why, are you nervous? Are you scared?" Harrison asked tauntingly. His eyes and grin were provoking her.
"No!" Of course she's nervous! Kung sakali man ay iyon ang unang beses niyang makakita ng hubad na katawan ng isang lalaki. Fully naked from head to toe! At kay Harrison pa, ang lalaking hindi niya makasundo simula noong mga bata pa sila! She needed to do a nude painting of a man to pass college. Hindi niya alam kung maituturing niya ba iyong pinakamahirap na magagawa niya sa pagpipinta kung saka-sakali. Tama ang sinabi ng professor niya na magiging challenging iyon. Why does it have to be Harrison? "Hindi tayo talo," she said blandly.
Sarkastikong tumango-tango si Harrison "We'll see."
Tinatagan ni Tara ang kanyang tindig nang hubarin nito ang sapatos, pagkatapos ay muling tumayo ng tuwid sa kanyang harapan habang ang mga kamay ay nasa zipper ng pantalon. Kahit na hindi niya gusto ay dumadagundong sa kaba ang kanyang dibdib. Pasimple siyang tumalikod dito bago pa nito mahubad ang pantalon at kunwari'y inayos ang mga gamit sa pagpipinta kahit na kanina pa niya iyon nagawa.
"What will I do?" Harrison asked huskily.
"Lay on the bed," Tara answered without glancing back. She heard his footsteps in the direction of the bed.
"Then?"
Mariing ipinikit ni Tara ang mga mata at lihim na napabuntung-hininga, pagbukas niyon ay pormal na ang kanyang mukha. Lumingon siya kay Harrison at sandaling natigilan nang makita ang itsura nito. Nakasampa ito sa ibabaw ng kama ng patagilid, ang isang siko ay nakatukod sa ibabaw ng higaan at nakapatong sa nakuyom na kamao ang ulo. Habang ang isang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng bewang.
Napalunok siya nang magsalubong ang kanilang mga mata. Wala nang ngisi sa mukha nito ngunit nakatingin sa kanya gamit ang mga matang tila gustong galugarin ang kanyang buong pagkatao. Inalis niya ang tingin sa mukha nito at dumako sa katawan nitong halatang inalagaan ng mabuti. He had muscles in the right places, there was fine hair on his chest, he had packs of abs on his belly but not too exaggerated.
Nag-init ang kanyang mukha, pati na ang kanyang leeg, nang madako ang mga mata sa gitna ng hita nito. She was seeing that intimate organ of a man live for the first time. His shaft was half aroused, looking so proud and... terrifying. The size and the length were enough to make a woman scared. Well for her, that's what she's feeling right at that moment.
Hindi nakapagtatakang parang tila nililok ng isang tanyag na iskulptor ang katawan ni Harrison. He was a model since he was a teenager and he was taking extra care of his body.
"Eyes up here."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tara at inalis ang mga mata roon. Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago sinalubong ang mga mata ni Harrison. Bumalik ang ngisi nito sa mga labi habang nakatingin sa kanya. Ni hindi niya matukoy kung nakakaramdam man lang ba ito ng pagkailang at hiya.
"Will you paint me now, Violet?"
Doon lang naalala ni Tara ang kailangan niyang gawin at kinuha ang isang manipis at parehabang tela na nakapatong sa couch. She walked towards him while trying to avoid looking at his thighs. Inilapag niya ang tela sa ibabaw ng kama, sa harapan nito, at bumalik sa direksiyon ng couch.
Tumayo siya sa likod ng medium-sized canvas na sinusuportahan ng easel. "Cover your thighs with the fabric."
"Like this?"
Nagtaas siya ng tingin kay Harrison, gaya ng sabi niya ay nakatakip na ang manipis na tela sa maselang bahagi ng katawan nito bagaman ay naaaninag pa rin iyon dahil manipis ang tela. Hindi na niya pinabago ang puwesto nito at sinimulang gumuhit.
Stop shaking! Lihim niyang sigaw sa sarili dahil sa nanginginig na kamay na may hawak na paintbrush. Nanatiling tahimik si Harrison sa puwesto nito na siyang ipinagpasalamat niya. Bagaman ay bahagya lang nabawasan ang tensiyon sa kanyang dibdib. Hindi maiwasang magkasalubong ang kanilang mga mata tuwing lumilinga siya rito at tuwing napapatingin sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Be professional, Tara Violet Sanford! Si Harrison lang 'yan!
Hindi na namalayan ni Tara ang paglipas ng oras at mas naging komportable na siya sa pagpipinta. Harrison was an interesting subject, any artist would want to paint him.
"I'm hungry," wika ni Harrison makalipas ang halos tatlong oras na katahimikan.
Tinitigan ni Tara ang pinipinta at napailing-iling nang hindi sumang-ayon sa ginawa. Hindi pa iyon tapos at marami pa siyang kailangang ayusin. Ngunit kagaya ni Harrison ay nakakaramdaman na rin siya ng gutom. Tinitigan niya ang relo sa bisig bago nagsalita, "Let's have food service."
Tinungo niya ang kinaroroonan ng banyo nang hindi nililingon si Harrison. Naghugas siya ng kamay at naghilamos. Tinitigan niya ang mukha sa salamin at ginulo ang maikling buhok. Kumuha siya ng isang hand towel upang ipangpunas sa mukha at mga kamay. Nang bumalik ang kanyang mga mata sa salamin ay napasinghap siya nang makita ang repleksiyon ni Harrison doon. Nasa likuran niya ito at nakatingin sa kanya.
Lalong lumapit si Harrison kay Tara na ikinatigil ng hininga ng huli. Dumukwang siya at inilapit ang bibig sa tainga ng dalaga habang magkasalubong pa rin ang mga mata sa salamin.
"I want caldereta for dinner, Violet."
Tara shivered involuntarily when his breathing fanned the skin on her neck. Pinakawalan niya ang pinipigilan na hininga at humigpit ang hawak sa tuwalya.