NAKAKUNOT ang noong hinawakan niya ang magkabilang gilid ng suot na gown at inangat. Hindi siya maayos na makalakad dahil doon at ilang beses na siyang muntik madapa, idagdag pa ang sapatos sa mga paa na ilang pulgada ang haba. Kung siya ang papipiliin ay mas gusto niyang magsuot ng rubber shoes o kaya ay magyapak na lang, pero siyempre ay hindi siya pinayagan ng kanyang ina.
Mula sa pagkakatingin sa dinadaanan at pagco-concentrate upang hindi siya masubsob sa lupa ay nagtaas siya ng tingin nang may umakbay sa kanya.
"You look beautiful, Tinkerbell."
Napaungol si Tara sa hindi pagsang-ayon at pagproprotesta sa sinabi ni Ashton Sanford—ang kanyang ama. Tumigil pa ito sa paglalakad, hinawakan siya sa magkabilang balikat at hinarap dito. Pagkatapos at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"'Wag mo akong asaring lalo, Dad. Kutang-kuta na ako kay Tyler." Si Tyler ay kapatid niya na mas matanda lang sa kanya ng isang taon. He just doesn't wanna grow up, he's still playful and a tease. "I look weird. My hair just doesn't add up." She had pixie cut hair, she liked her hair short because it makes her more comfortable. Lalo pa't napakainit sa Pilipinas, mas convenient and ganoong style ng buhok. She wears her hair short since time immemorial.
"Where is weird? I don't see that, all I see is a beautiful lady wearing a sexy mint green gown," Ashton said with a smile on his face, his adoration for his daughter was evident.
"Stop, Dad? I'm your handsome daughter, you're biased." Napasimangot si Tara nang tumawa ang kanyang ama sa kanyang sinabi.
"You're handsomely beautiful because you are my daughter."
Hindi malaman ni Tara kung matatawa o lalong maiinis. Hindi talaga siya sanay sa ganoong mga damit at kaunti na lang ay tatakas na siya roon upang makapagpalit.
"The bride requested her sister-in-law to be here." Rinig ng dalawa ang anunsiyong iyon ng wedding coordinator kaya napabuntung-hininga na lang ang dalaga.
"Shall we?"
Walang magawa si Tara at ikinawit ang kamay sa brasong iniumang ng ama. Nagpagiya siya rito pabalik sa harapan ng bahay ng kanyang Kuya Red na siyang ginawang venue ng reception.
"Can I go? Sabihin mo sa kanila na masakit ang tiyan ko."
Natatawang pinisil ni Ashton ang ilong ng anak. "Your mom will find you, she will find out that we are lying. We don't like her mad, do we?"
"We don't," she answered and grimaced. Hindi nila gustong magalit o magtampo ang kanyang ina. Maging ang ama niya ay hindi gumagawa ng mga bagay na ikakagalit nito—under si Ashton kumbaga. But despite that, he was very happy and contented with his marriage.
Napailing-iling si Tara nang magkasalubong ang kanilang mga mata ni Cameron na nakahanda na upang ihagis ang hawak na bouquet, siya na lang ang hinihintay. Inihatid pa siya ng ama sa direksiyon ng mga kadalagahang nag-aantay sa paghagis ng bouquet ng bride.
"Why are we here again?" bulong ng kanyang pinsang si Krishia na nakatayo sa kanyang tabi at nakasimangot din kagaya niya.
"I don't know, you tell me," she murmured back. Kumpara sa ibang naroon ay silang dalawa lang marahil ni Krishia ang hindi interesado. O siguro silang lang dalawa ang hagayang pinapakita ang hindi pagsang-ayon?
"Ready! One, two..." Ang tinig ng host na siyang pumukaw sa pansin nina Krishia at Tara na nagbubulungan. "Three!"
Malakas ang pagkakahagis ni Cameron kaya umabot iyon sa pinakalikod kung saan nakatayo si Tara at saktong tumama sa kanyang ulo. Dismayadong napaungol ang iba nang hindi masalo ang bouquet.
Inayos ni Tara ang buhok nang bahagyang magulo dahil sa tumama roon. Nang sikuhin siya ng pinsan sa tagiliran ay napatingin siya rito habang magkasalubong ang kilay. Nang makita ang ekspresyon sa mukha nito na nakangisi sa kanya ay inilinga niya ang mga mata sa paligid.
Gusto niyang tumakbo ngunit hindi niya magawa nang makita ang pagkakangiti sa kanya ng mga taong dumalo sa kasal ng kanyang Kuya Red at ni Cameron na pawang mga kamag-anak nila at malalapit na kaibigan. Red and Cameron wanted it to be as intimate as possible.
Nakita niya ang kanyang ina na katabi ng kanyang ama at nakangiti sa kanya. Ang mga mata ay inuudyukan siyang kuhanin ang pumpon ng bulaklak na nahulog sa madamong lupa.
Nakangiwing tiningnan ni Tara ang bouquet at dinampot iyon kahit na hindi niya gusto. Ano pa nga bang magagawa niya?
"The sister-in-law caught it! Or rather the bouquet chose her?" Sabay tawa ng lahat sa sinabi ng host kaya sarkastikong napatawa si Tara at nang muling mapatingin sa pinsang katabi ay sumeryoso ang mukha.
"Kabagin ka sana," bulong niya rito habang naglalakad sila patungo sa kanilang upuan. "This is unacceptable."
"Don't make a fuss about it, it's just the bride's bouquet, Tara, and you caught it." A teasing smile was carved on Krishia's lips.
"Tigilan mo nga ako, you don't like it too just like I don't. I am just the unlucky one who caught this."
"Chill, cuz... Now let's see who will have the garter."
Pahinamad na ibinalik ni Tara ang mga mata sa gitna at pinanood ang mga kalalakihang naroon. Nang mahagip ng kanyang mga mata si Harrison na mortal niyang kaaway simula pa noon ay napaismid siya. Muli niyang naalala ang ginawa nito kaninang panunukso sa kanya dahil sa kanyang suot. Sa kasamaang palad ay ito ang naging partner niya sa entourage, at mula pa kanina sa simbahan ay nakadikit ito sa kanya. Nakatakas nga lang siya kanina nang magpunta sa banyo.
Si Harrison ang naging bestman ng kanyang Kuya at siya ang pinili ni Cameron na maging bridesmaid nito kahit na hindi niya gusto ay wala siyang takas. Kakuntiyaba ng kanyang sister-in-law ang kanyang ina.
Napuno ng tawanan ang reception venue nang hablutin ni Harrison ang garter mula kay Red pagkatanggal na pagkatanggal pa lang nito mula sa hita ng bride.
"Ladies and gentlemen, we have a winner."
Ang katabi ni Tara ay napasinghap pagkatapos ay tumawa sa nasaksihan habang siya napasimangot, lalo na nang lumakad si Harrison patungo sa kanilang lamesa habang nakangising nakatingin sa kanya. Ang mga tao ay pumipito at nanunukso sa kanilang dalawa. Saksi ang mga ito sa hindi nila pagkakasundo ni Harrison mula pa noon. And it must be fun watching them right now. Tara thought in sarcasm.
"Can I, Violet?" Harrison asked when he stopped in front of her.
Tatanggi na sana si Tara ngunit nasalubong niya ang mga mata ng bagong mag-asawa na makikita ang kislap sa mga mata habang nakatingin sa kanila ni Harrison. Hindi niya gustong biguin ang mga ito at sirain ang mahalagang araw na iyon kaya tumango siya. Inilabas niya ang isang hita na nakatago sa ilalim ng lamesa at inilihis ang suot na gown.
Nasisiyahang tinitigan ni Harrison ang nakalitaw niyang hita bago lumuhod sa kanyang harapan. Pakiramdam ni Tara ay biglang tumahimik ang mga taong naroon at naghihintay sa susunod na gagawin ng binatang nakaluhod sa kanyang harapan habang nakaupo naman siya.
Hinawakan ni Harrison ang kanyang binti at bahagyang hinimas ng hinlalaki ang mumunting balahibong naroon. Hindi niya ugaling mag-shave ng balahibo sa mga binti at hindi niya alam ngayon kung mahihiya dahil nakatingin doon si Harrison. Mabilis niyang ipinagpag ang kaisipang iyon dahil sa disgusto. Kailan pa siya nahiya sa isang Harrison Green? Umuotot nga siya sa harapan nito ng walang hiyang nararamdaman.
"Can you make it faster," she whispered to him between her teeth when he was taking a lot of time sliding the garter to her legs.
Nagtaas ng tingin si Harrison kay Tara. "No. They like it."
Umikot ang kanyang mga mata at walang magawa kung 'di hintayin itong matapos sa ginagawa.
"I'm curios about what they are talking about. 'Yong katabi ni sister-in-law, bulungan mo naman kami kung anong pinag-uusapan nila."
"They want to savor the moment," ang pasigaw na sagot ni Krishia na nakaupo katabi ni Tara. Muling pumuno ang tawanan sa paligid dahil doon.
Sinamaan ng tingin ni Tara si Harrison, tingin ng may pagbabanta. Hindi niya alam kung magpapasalamat dito nang matapos ito o mumurahin ito nang iwanan nito ng halik ang kanyang hita, malapit sa may tuhod, bago tumayo.
Napatingin si Tara sa direksiyon ng mga magulang na natatawa lang sa nangyari. They see it as a joke, no malice.
"Leave me alone," she said to Harrison when he sat beside her.
"I'm your partner."
"So what? The wedding's over."
"It isn't."
Walang saysay kung makipagtalo pa siya rito. Magkakasagutan lang sila dahil hindi naman ito papatalo. Si Krishia na lang ang kanyang binalingan at kinausap upang hindi lalong mainis kay Harrison.
Nang magsayaw ang bride at groom sa gitna ay napatingin siya sa dalawa at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She liked Cameron for her brother, she loved her. She was happy for the both of them. She wished that they will have a happy life together. Marami nang pinagdaanan sa buhay si Cameron mula nang isilang at ang kanyang nakakatandang kapatid naman ay ilang taong namighati sa pagkamatay ng dating kasintahan dahil sa cancer sa dugo, karapatan ng dalawa na maging masaya.
Habang nakatingin sa bagong kasal ay roon niya napagtuunan ng pansin ang kagandahan ng paligid. Hindi lang dahil sa magandang pagkakaayos sa reception kung 'di dahil na rin sa masasayang ngiti sa mga labi ng bride at groom at sa mga taong dumalo sa pag-iisang dibdib nila.
Nangati ang kanyang kamay at hindi siya mapakali sa kinauupuan. Gusto niyang kuhanin ang kanyang paintbrush at isang blankong canvas upang ipinta ang tanawing iyon.
NAPABUNTUNG-HININGA sa relief si Tara nang sa wakas ay makapasok sa kanilang bahay. Tumakas siya sa reception na ginanap ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay. Nakatira sa isang compound ang mga Sanford kaya malapit lang ang bahay ng kanyang kapatid mula sa bahay ng kanilang mga magulang.
Nakasentro ang atensiyon ng kanyang mga magulang sa bagong kasal kaya nakahanap siya ng pagkakataon na tumakas. Malapit na rin namang matapos ang pagtitipon. Tatawagan na lang niya mamaya o bukas ng umaga sina Red at Cameron upang i-congratulate habang nagbibiyahe ang mga ito patungo sa isang beach resort sa isang isla para sa kanilang honeymoon.
Sa halip na sa ibang bansa magpunta gaya ng isinuhesiyon ng kanyang ina at ang ina ng bride ay sa islang iyon ang tungo ng mag-asawa. The island must be significant to the couple. Naaalala niyang nakapunta na silang magkapatid doon kasama si Harrison at ang kanyang pinsang si Adonis. At tiyempong naroon sina Cameron kasama ang mga kaibigan nito. Something special might've happened to them on the island and left a beautiful memory that they wanted to go back to.
Tumuloy siya sa kanyang studio na nasa loob ng bahay. Isang malaking silid ang inuokopa niya para sa pagpipinta na inilaan ng mga magulang para sa kanya.
Kumuha siya ng high chair at dinala sa direksiyon ng nakatayong easel na siyang kinatuntungan ng blangkong canvas. Kinuha niya ang paintbrush sa maliit na lamesang katabi niyon na siyang pinaglalagyan niya ng mga gamit. Ilang sandali pa at naging abala ang kanyang mga kamay at isipan sa pagpipinta at pag-aalala sa mga kaganapan sa kasal ng kanyang kapatid. Iplinano na talaga niyang pintahin iyon at ibigay sa bagong mag-asawa pagkatapos. They will surely love it.
She loved to paint portraits of the people she adored, she love to document a beautiful scenery through painting. And the scene on the wedding and the reception were beautiful at nakatatak na sa kanyang isipan. 'Pag may bagay na hindi niya matanggal-tanggal sa gunita ay ipinipinta niya iyon kahit ano pa man iyon. Kahit na mga simpleng tanawin gaya ng pagtawa ng kanyang ina, ang pilyong kindat ng kanyang ama, ang pagsimangot ni Tyler kapag pinapagalitan ito dahil sa pagkahilig sa babae. At marami pang iba na nakikita niya sa araw-araw.
She loved art in general. She was in her most confident self when she was holding her paintbrush and taking strokes on the canvas in front of her.
"I know you're here."
Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin nang marinig ang sinabi ng bagong dating na hindi niya agad napansin dahil nakatutok ang kanyang buong atensiyon sa ginagawa. Kilalang kilala niya ang may-ari ng baritonong boses na 'yon.
"Get out of here, Harrison. I'm busy."
"I know," anito pero nagpatuloy sa pagpasok at tumayo sa kanyang tabi.
Sandaling tumigil si Tara sa ginagawa at pinuno ng hangin ang baga bago nagpatuloy muli. Si Harrison lang ang nag-iisang tao na ginagambala siya tuwing nagpipinta. Ang kanyang mga magulang o mga kapatid ay hinahayaan siya sa loob ng kanyang studio kapag alam ng mga itong nagtatrabaho siya. They will give her the time and space to do what she do best.
Harrison was the only exception. Her number one enemy and her number one supporter when it comes to art.