Sanford Series 3 Chapter 30

"IT'S my first time watching that Indie film and it's—"

Napatigil sa pagsasalita si Harrison nang makitang natutulog na ang kasama niya. Nakasandig ito sa sandalan ng sofa, nakapikit habang bahagyang nakabukas ang mga labi.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito at mahinang natawa nang marinig ang mahihina nitong hilik. Napailing-iling siya bago tumayo at pinatay ang TV dahil kakatapos lang ng pinanood nilang pelikula. Ni hindi niya alam kung saang bahagi ng film nakatulog si Tara.

Muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa sofa katabi nito. Itinukod niya ang isang siko sa sandalan at idinikit ang pisngi sa kanyang kamay. Pinagmasdan niya ang mukha ni Tara na nakabaling sa kanyang direksiyon, isang masuyong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi.

Nang mahulog ang ulo mula sa pagkakasandal ay awtomatikong sinalo iyon ng kanyang palad. Binuhat niya si Tara at dinala sa silid nito upang komportableng makatulog. Hindi naman ito nagising hanggang sa mailapag niya sa kama. Alam niya kung nasaan ang silid ng dalaga dahil labas masok siya sa pamamahay na iyon bata pa man siya.

Umupo siya sa ibabaw ng kama at pinagmasdan ang payapa nitong mukha. Nang makontento ay hinaplos niya ang pisngi nito bago lumabas ng silid.

Hindi na siya nagpaalam sa mga magulang ni Tara dahil namamahinga na ito. Binilinan na lang niya ang isang katulong at umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang na ilang metro lang ang layo sa compound ng mga Smith.

His parents were both asleep when he arrived home so he went inside his room directly. He laid his body on top of his bed and stared at the ceiling. An unknown smile crept on his lips.

He tilted his head to her left and was greeted by a vibrant painting that was made by Tara Violet. It was a painting of a playground with kids playing in the background. Siya ang nakabili niyon noong solo exhibit nito. The painting caught his attention the very first time his eyes laid on it. It was taking him back to his childhood full of happy memories with his family, with his friends.

Parang nakikita niya ang sarili na naglalaro sa playground kasama ang mga kaibigan noong bata pa siya. Masaya at walang inaalala. Habang tumatanda ay lumalaki rin ang respondibilidad ng isang tao at maraming inaalala. Minsan ay namimiss niyang maging bata.

Tumayo siya at naghubad ng damit bago pumasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan. Paglabas niya ay umupo siya sa harap ng kanyang home desk at binuklat ang script sa gagawin nilang pelikula kasama ang ilang mga tanyag sa industriyang pinasok niya. Hindi rin basta basta ang makakaparesa niya na isang child star at mula sa pamilya ng mga artista. He needed to do his best to not disappoint them.

Iyon pa lang ang ikalawang pelikula na pagbibidahan niya. Tumatanggap din siya ng proyekto sa mga soap opera ngunit isang beses lang siyang tumanggap ng lead role. Mas aktibo siya sa pagmomodelo at pag-iindorsiyo. Kailangan din niya pagtuunan ng pansin ang pag-aaral, sa katunayan ay dalawang taon na siyang tapos sa kursong engineering at nakapasa na sa board exam. Hindi habang buhay ang pag-a-artista at pagmomodelo. Mas mabuti iyong may alam siyang ibang bagay na maaari niyang gawin kung sawa na sa showbiz o 'di kaya'y hindi na mabenta sa madla. Hindi naman habambuhay gusto siya ng mga tao.

Hindi naman naghihirap ang pamilya nila pero mas mabuti na iyong handa sa maaaring mangyari. Malaki rin ang naging tulong ng pagsabak niya sa pagmomodelo at pag-aartista sa kanila, lalo na noong manganib na magsara ang marketing firm na itinayo ng kanyang ama.

Nang magsimula siya ay hindi pera ang rason kung bakit niya tinanggap ang alok ng isang talent scout na magmodelo ng isang sikat na brand. Nakita siya ni Petra, isang talent scout na ngayon ay manager niya, sa isang mall habang namamasyal sila ni Tara at ni Tyler.

At first, he was curious about the job Petra offered to him. He tried modeling to satisfy his curiosity but he did not expect that he would like it. Nakakaramdam siya ng kasiyahan tuwing kinukuhanan ng litrato at pinupuri ng ibang tao. Siguro ay kagaya ng iba ay uhaw lang siya sa papuri. Ang mahalaga sa kanya ay kontento siya at masaya.

Hindi niya napansin na nagtuloy-tuloy na ang pag-pose niya sa mga magazine hanggang sa mapansin siya ng isang direktor at alukin ng trabaho para sa pelikula nitong may kinalaman sa buhay ng mga teenager. Gaya ng pagmomodelo ay naramdaman niya ang kuryosidad kaya sinubukan niya pagkatapos na kumunsulta sa kanyang mga magulag. Suportado naman siya ng mga ito basta ba hindi niya pababayaan ang pag-aaral, iyon lang ang hiling nila na tinupad naman niya.

He enjoyed his first movie, lalo pa't halos ang mga kasama niya ay mga kaedad din niya. Hindi na siya umalis sa showbiz at naging isang public figure at influencer hanggang sa kasalukuyan.

Subalit ngayon ay nakakaramdam na siya ng pagkahapo. Unti-unting nababawasan ang kakontentuhan at kasiyahan na kanyang nararamdaman. Nagsisimula na rin siyang manamlay sa suportang ipinapakita sa kanya ng kanyang mga fans.

He doesn't had a privacy. Even his personal life was known to everyone. Hindi siya nakakagala umaga man o gabi nang walang gumagambala sa kanyang tagahanga. Nagpapapicture, nagpapa-autograph, nangyayakap at minsa'y nanghahalik. Kahit na walang permiso mula sa kanya at minsan ay ayaw niya ang mga ginagawa ng mga fans ay wala siyang magawa kung 'di ngumiti sa mga ito.

"Fake it 'till you make it." Iyon ang kadalasan niyang naririnig mula kay Petra tuwing hindi niya gustong sumampa sa stage o wala siya sa mood na pumanta sa taping o kung pagod siya upang dumalo pa sa isang photoshoot.

It's his job and he needed to be responsible. Kahit na nawawalan na siya ng interes ay kailangan pa rin niyang tapusin ang trabaho. Ngayon ngang pumapasok na sa kanyang isipan ang posibilidad na titigil sa pagmomodelo at pag-a-artista.

Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay may mga taong nagmamahal sa kanya at sumusuporta. His family, his friends, and Tara Violet. Kahit na palagi silang nagkakasagutan ay alam niyang sa bandang huli'y naroon ito para sa kanya.

NGINITIAN NIYA si Direk Gilda Romero pagkapasok at ang ibang naroon sa loob ng conference room. Ang direktor ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyekto. Si Direk Gilda ang direktor ng unang pelikulang kinabilangan niya. Nang mabasa naman niya ang script ay mas buo ang kanyang loob na tanggapin ang proyekto. Maganda ang material, may kuwento.

Isa iyong kuwento ng isang lalaking may OCD na nakilala ang isang babaeng malayong-malayo sa kanyang pamantayan. Nahulog si Lawrence—ang kanyang karakter kay Eunice, isang babaeng tinatawid ang pamilya sa pagbebenta ng mga bote at bakal.

Unang pagkikita nila ay disgusto ang unang naramdaman ni Lawrence dahil sa isang katulad niyang may OCD o obsessive compulsive disorder o isang compulsive cleaning disorder ay napakadumi ng ginagawa nito. Ngunit sa ilang beses nilang pagkikita ni Eunice at pag-uusap ay nalaman niyang isa itong mabuting kapatid, anak at mabuti ang puso kaya hindi niya maiwasang hindi mahulog sa kabila ng OCD niya.

Dahil kay Eunice ay nabawasan ang pagiging obsess niya sa kalinisan hanggang sa hindi na niya maramdaman ang matinding pangingilabot sa katawan tuwing nakakakita ng madumi kahit kaunti lang.

Ngunit kagaya ng karaniwang nangyayari sa relasyon ng isang mayaman at mahirap ay tinutulan ng mga magulang ni Lawrence ang relasyon nila ni Eunice. Ngunit hindi nakinig si Lawrence sa mga ito at ginagawa ang gusto niyang gawin, ang makasama si Eunice.

Itinakwil siya ng mga magulang at pinutol ang lahat ng koneksiyon niya sa mga ito. Namuhay sila ng simple at masaya ni Eunice hanggang sa malaman nilang may breast cancer si Eunice. Simula no'n ay nagbago ang takbo ng buhay ni Lawrence, naranasan niyang maghirap at manghingi ng pera't tulong sa iba't ibang sangay ng gobyerno. Hanggang sa wala na siyang ibang pagpipilian at muling bumalik sa mga magulang. Binigyan siya nito ng pera para sa operasyon ni Eunice kapalit nang pag-iwan niya rito.

Sa bandang huli ay tumandang mag-isa si Lawrence at hindi na muling nakahanap ng ibang mamahalin. Ang kanyang OCD ay muling bumalik at lumala ngunit sa kabila ng lahat ay masaya siya. Masaya siyang makitang masaya si Eunice sa pamilyang binuo nito kasama ang pangalawang lalaking minahal.

Pagkatapos ng meeting nila ng araw na iyon ay sumama si Harrison sa mga kasamahan nagkayayaang pumunta sa isang esklusibong bar kung saan karaniwan nang pinupuntahan ng mga kagaya nilang nasa show businesses.

He had few drinks while talking to Stephanie—ang gaganap na Eunice sa pelikula. Isa siyang child star at galing sa pamilya ng mga tanyag na artista. Magandang ngayon pa lang ay makabuo na siya ng magandang samahan sa mga makakasama sa trabaho sa susunod na mga buwan. It will make the production easier and comfortable.

Ang hindi lang komportable si Harrison ay ang paraan ng pagkakatingin at pagkakangiti ni Stephanie sa kanya. Tila nakikita rin niya ang interes sa mga mata nito. Nginitian lang niya ang babae nang magbahagi ito ng kuwento tungkol sa nakaraan nitong proyekto. She was beautiful and well-spoken but it did not aroused his interest.

Nakikipag-usap siya rito at sa iba pa nang maramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag. "Excuse me," paalam niya sa mga kasamahan at lumakad palabas ng bar dahil maingay sa loob.

"What took you so long to answer the call?"

Napangisi siya at ipinasok ang isang kamay sa bulsa nang marinig ang tanong mula sa kabilang linya gamit ang naiiritang boses. "I'm in the middle of something. Why did you call, do you miss me?"

"Miss my ass! Importante ba 'yang ginagawa mo?"

"Hindi naman. Sort of."

"Hindi ka naman sigurado kaya malamang hindi importante. Puntahan mo ako rito sa bahay ni Mrs. Watson. Letseng Tyler 'yon, hindi sinasagot ang tawag ko at mukhang nakalimutan na ang sinabi kong sunduin niya ako. Bilisan mo at nakakahiya na rito kina Mrs. Watson, baka ihatid pa ako!"

"Sa akin 'di ka nahihiya?" tanong niya sa magaang boses.

"Hindi!" diretsa nitong sabi at sinabi sa kanya ang address na kinaroroonan nito. "Bilisan mo!" anito bago pinatay ang tawag.

Iiling-iling na muling ibinalik ni Harrison ang cellphone sa kanyang bulsa. Malayo ang sinabi nitong address doon at nasa labas pa ng lungsod ngunit walang pagdadalawang-isip siyang pupunta roon. Kahit nasaan pa marahil si Tara ay pupuntahan niya.

Muli siyang bumalik sa loob at nagpaalam sa mga kasamahan. Humingi siya ng pasensiya dahil kailangan niyang umalis.

Dahil maluwag ang kalsada ay halos isang oras lang ang naging biyahe niya. Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada dahil hindi niya alam kung saan liliko dahil may dalawang daan patungo sa sinabi ni Tara.

"Saan ka na ba?"

"Saan ako liliko? Tumigil ako sa gilid ng kalsada."

"Oh, wait there. Maririnig nila ang tunog ng sasakyan, I told them earlier, almost an hour ago, na narito na ang sundo ko."

Napakunot ang noo ni Harrison nang marinig ang mabibigat nitong hininga sa sumunod na segundo at ilang sandali pa ay nakita niya itong tumatakbo nang mailawan ng kanyang headlight. He ended the call and press the horn of his car.

Binuksan niya ang passenger seat kaya agad na nakapasok si Tara ng makalapit. Naghahabol pa ito ng hininga kaya kinuha ang bag nito at inilagay sa backseat.

Ininom nito ang tubig na nasa kanyang dashboard at napapabuntung-hiningang inilapat ang likod sa sandalan.

Napatingin si Tara kay Harrison na nakatingin sa kanya. "What? Magdrive ka na dahil inaantok na ako."

"Yes, Ma'am." Pinaandar ni Harrison ang sasakyan pauwi gaya ng sabi ng dalaga. "What are you doing at Mrs. Watson's house?"

"Job. She wanted me to paint her house and her and I can't say no. She was very kind to me when I was still in highschool." Naging guro ni Tara si Mrs. Watson noong high school at kinagigiliwan niya ito kaya hindi niya ito matanggihan. Buong araw siya sa bahay nito at tinapos niya ang pagpipinta bago umuwi. Marami pa siyang nakapending na requests kaya kailangan niya iyong tapusin agad. "'Wag mo nga akong kausapin, matutulog ako. At masakit ang paa ko dahil kanina pa ako nag-aabang sa labas ng bahay nila... Shit, my back hurts too!"

Napailing na lang si Harrison nang ipikit nga nito ang mga mata. Ini-recline niya ang upuan ng dalaga upang maging komportable ito sa pagtulog. Sanay na siya sa ugaling iyon ni Tara kaya hinahayaan na lang niya ito. He was very fond of her even though he loved to tease her sometimes. Mas nararamdaman niya kasi ang koneksiyon nila kapag nagbabatuhan sila ng mga salita.

Itinigil niya ang sasakyan nang makarating sa harapan ng bahay nila Tara. Tinanggal niya ang seatbelt at tiningnan ito.

Tila may sariling utak ang kanyang mga kamay na tumaas patungo sa baba ng dalaga. May pintura pa ito roon. Marahan niya iyong kinuskos paalis nang magmulat ng mga mata si Tara kaya mabilis niyang inalis ang mga kamay.

He chuckled when she yawned then roamed her eyes around her. Nang mapagtantong nakarating na sila ay dumukwang ito sa likuran at kinuha ang bag.

Pinihit ni Tara ang pinto pabukas at bago makalabas ay binalingan niya ng tingin si Harrison kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata. "Thank you. Good night..."

Nakangiting sinundan ni Harrison ng tingin si Tara na papasok sa bahay ng mga ito. Kapagkuwan ay isang magaang buntung-hininga ang lumabas sa kanyang bibig. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.