MULA SA kanyang sketchpad ay nagtaas ng ulo si Tara nang biglang may umupo sa katapat niyang upuan. Nasa isang café siya ng mga oras na iyon na pag-aari ng mga kaibigan ni Cameron, ang Amore Café.
Kailangan niya ng mga bagong subjects kaya lumabas siya ng bahay mula pa kaninang umaga. Nagtungo siya sa isang mall at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa national park at monumento dala ang kanyang camera.
Mag-iisang oras na siyang nakaupo sa café nina Oliver at George nang gambalain siya ng taong umupo sa kanyang harapan, si Harrison. Nakasuot ito ng sombrero at salamin sa mga mata.
"What are you doing here?"
Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay kinuha ni Harrison ang platitong may lamang cake na nasa kanyang harapan at ang kanyang kape, kapagkuwan ay sumipsip doon at kumutsara ng cake.
"That's mine!"
"Not anymore."
This was one of the reasons why he's her number one enemy. He loved to irritate her and piss her off. Sa tingin niya ay sa kanya lang ito gano'n, o mali lang talaga ang kanyang obserbasyon?
Inis na tumayo siya at lumakad patungo sa counter upang makakuha ng panibagong kape at panghimagas.
"Thanks, Olly," aniya kay Oliver na kaibigan ni Cameron at ex-boyfriend din nito nang ibigay nito ang order niya. "Where's George? I haven't seen him since I arrive." Si George ay isa ring matalik na kaibigan ng kanyang sister-in-law at ngayon ay kasal na sa ex-boyfriend nito na si Oliver.
George and Oliver were a gay couple and she heard that they got married in Canada. They become her friends too and she adored them, she respected them. As someone who claims herself to be part of the LGBTQ community a long time ago, she was rooting for Olly and Georgy.
"At his parents' house... Tell me if you need anything."
Napatango na lang si Tara sa isinagot ni Oliver at ngumiti rito bago pumihit pabalik sa kanyang lamesa dala ang saucer. Inilapag niya ang dala sa lamesa at tiningnan ang ginagawa ni Harrison. Pinag-aaralan marahil nito ang script na hawak.
"I was at the read-through conference earlier with the casts. We will start taping the first scenes next week. I'll be busy."
"I'm not asking," aniya nang makaupo at muling dinampot ang lapis at ang kanyang sketchpad.
"I'm still saying it."
"Whatever you please," she countered in sarcasm before giving her attention to what she's doing earlier before he joined her. Sa pagkakaalam niya ay ngayon nga ang read-through ng script nina Harrison kasama ang ibang casts sa pelikulang pagbibidahan nito. He was active in both films and television series, and he was also a model of the famous brands in and out of the country.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila habang nagguguhit siya at nagbabasa naman ito. Ngunit hindi maiwasang magambala ang katahimikan nila nang may makakilala kay Harrison at lumapit sa direksiyon nila upang makakuha ng autograph at magpapicture. Ginawa pa siyang tagakuha ng litrato.
Pinigilan niya ang pag-ikot ng mga mata habang nakatingin sa screen ng cellphone ng tagahanga ni Harrison. Nakaangkla ang babae sa braso nito at nakadikit ang katawan. Ninakawan pa nito ng halik ang pisngi ni Harrison na ngingiti ngiti lang.
Dahil sa trabaho ni Harrison na kilala at kasama na niya mula pagkabata dahil magkaibigan ang kanilang pamilya ay sanay na siya sa ganoong tagpo. May mga fans talaga na lumalagpas sa linya at ini-invade ang private space ng mga iniidolo. Harrison was a public figure and after years of training, alam na nito kung paano pakikitunguhan ang mga ganoong sitwasyon. May mga pagkakataong kahit ayaw nito ang mga ginagawa ng mga tagasuporta ay wala siyang magawa kung 'di ngumiti at tanggapin lahat.
Kasi sa industriya nito ay tatagurian ka nang snob at masungit kung pagsasabihan mo ang fans na mali na ang ginagawa nila. Mahalaga ang isang fan sa mga kagaya nito dahil iyon ang bumubuhay sa career nila.
"Girlfriend ka po niya?"
Tiningnan ni Tara ang babae dahil sa itinanong nito nang ibalik niya ang cellphone rito. "No," ang matigas niyang tanggi kasi hindi naman talaga. Hindi ang mga kagaya ni Harrison ang tipo niya. In fact, she doesn't even know what exactly her type was. Pagdating sa departamentong iyon ng buhay ay magulo ang kanyang isipan, malabo. She had been in a relationship once, and it had been in a woman. Yes, a woman!
"Parang pamilyar po kayo? Artista ka rin ba?"
Iniling ni Tara ang ulo bilang sagot. She wanted to tell the woman that she will appreciate it if she leaves them in peace. Hindi niya alam kung bakit pamilyar siya rito, marahil ay nakita nito ang kanyang mukha sa isang art column kung saan siya na-feature.
Hindi man ganoon katanyag kagaya ng mga hinahangaan niyang pintor ay may nabuo na siyang pangalan para sa kanyang sarili. Napatunayan na niya ang sarili sa industriyang kanyang pinasok. She had received a couple of recognition for arts and she had represented the country in the international stage. Hindi siya mahilig magpa-interview sa mga social columns dahil mas gusto niyang tahimik lang at nakasentro ang buong atensiyon sa craft niya. Ngunit paminsan-minsa ay pinagbibigyan niya ang ibang mga pahayagan na gusto siyang makapanayam.
Lihim na napabuntung-hininga si Tara nang umalis na ang babae. Sinamaan niya ng tingin si Harrison na ngayon ay hawak na ang kanyang sketchpad at tinitingnan ang kanyang mga iginuhit.
Kinuha na lang niya ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa at ipinasok sa kanyang bag. Kapagkuwan ay kinuha niya ang sketchpad dito.
"Where are you going?" Sabay pigil ni Harrison sa kanyang kama at tumayo.
"Home."
"Great. I'm going home too. Let's go together."
Tumango na lang si Tara rito at humakbang patungo sa kinapupuwestuhan ni Oliver nang bitawan nito ang kanyang kamay. "Bye, Olly. Tell George I said hi."
"Get home safe."
Pagkatapos halikan sa pisngi ang kaibigan ay sumunod siya kay Harrison palabas ng café na siyang karaniwan na'y pinupuntahan niya upang ma relax.
Hindi na niya pinansin ang ginawa ni Harrison na pagbubukas sa kanya ng pinto at ang malaking ngising nakapaskil sa mga labi nito. Alam nitong ayaw na ayaw niyang pinagbubuksan ng pinto at marahil ay isa na naman iyong paraan upang inisin siya.
Ayaw na ayaw niya ang mga bagay na ginagawa ng mga lalaki sa babae dahil hindi siya isang typical na babae na gusto ng mga ganoong gestures. Kagaya ng pagbubukas ng pinto, paghihila ng upuan para sa kanya at iyong hindi siya pinagbabayad ng bills dahil babae siya. Alam iyon ng mga kamag-anak niya at malalapit na kaibigan at nirerespeto ng mga ito ang kanyang pananaw.
Inilabas niya ang cellphone nang paandarin ni Harrison ang sasakyan at naglaro ng criminal case roon. Iyon ang ginagawa niya kapag lutang siya o bored o di kaya'y hindi gustong makipag-usap. Ayaw niyang kausapin ang kasama dahil baka sa pagbabangayan na naman iyon mauuwi. Subalit masasabi niyang nalilimitahan ang hindi nila pagkakasundo ni Harrison sa paglipas ng mga araw. Noong mga bata sila ay hindi talaga niya ito makasundo at minsan ngang nauuwi sa pisikalan ang pag-aaway nila. Well more like siya ang namimisikal dito.
Six years old siya nang makilala niya si Harrison nang umuwi ang pamilya nito mula sa paninirahan sa Florida. She can still remember that particular day where she saw him playing with her brothers.
Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Tara pagkatapos niyang makaligo at makapagbihis. Suot niya ang kanyang jersey uniform na ipinagawa pa ng Daddy nila, kapareho iyon sa kanyang mga Kuya.
Naririnig niya ang tunog ng bola sa likurang bahagi ng kanilang bahay kung saan may itinayong ring para makapaglaro sila ng mga kapatid. Tara liked playing basketball with her brother even though she wasn't that good. Maybe because she wasn't tall, unlike her brothers. But she was still six and she will grow taller as she grows older, that's what her Mommy said.
"You're good, Harry. I like playing with you."
"Me too."
Napakunot ng noo si Tara dahil sa sinabi ng kanyang Kuya Red na sinigundahan naman ni Tyler. Sinong Harry ang tinutukoy nila?
Napabilis ang kanyang paghakbang palapit sa mga ito at agad niyang nakita ang isang batang lalaki na kulay brown ang buhok. Hindi niya agad ito makilala dahil nakatalikod ito sa kanya.
"Sino siya?" tanong niya sa mga kapatid habang nakapamaywang at nakanguso sa direksiyon ng batang may kulay brown na buhok. Nang lumingon ito sa kanya ay lalong kumunot ang kanyang noo. Hindi rin niya nagustuhan ang ginawa nitong pagtingin sa kanyang suot.
"A new friend," sagot ni Tyler at inihagis ang hawak na bola sa bago nitong kaibigan.
Nagpatuloy sa paglalaro ang tatlo at hindi siya pinansin na nakatingin sa mga ito sa gilid. Mukhang gusto talaga ng kanyang mga kuya ang bata. Ikinagalit niya iyon. Inaagaw nito ang atensiyon ng mga kuya niya sa kanya.
Nang lumingon sa kanya si Harry habang hawak ang bola ay ngumisi ito bago nagshoot. Hindi naman pumasok sa ring.
Ikinuyom niya ang kamao at galit na lumapit sa direksiyon ni Harry. Kinalabit niya ito at nang lumingon sa kanya ay sinalubong niya ang mukha ng kanyang kamao. Sapol sa ilong si Harry na agad nitong sinapo.
"Motherfucker!"
Dahil sa ginawa niyang iyon noon ay napagalitan siya ng mga magulang, maging ang kanyang mga kapatid ay hindi siya kinausap buong araw. Hindi naman dumugo ang ilong ni Harry pero umiyak ito at nagsumbong sa mga magulang na naroon din pala sa bahay nila noon.
Galit na galit ang kanyang Mommy sa kanyang ginawa at pagkapahiya sa mga kaibigan kaya isang linggo siyang grounded noon. Humingi rin siya ng paumanhin kay Harrison dahil sinabi ng kanyang mga magulang, peke naman iyon. Nang makaalis ang kanilang bisita ay pinakain naman siya ng isang maanghang na pagkain ng kanyang Daddy bilang parusa sa kanyang pagmumura. Lumuha pa siya no'n dahil hindi niya nakayanan at nangakong hindi na ulit magmumura.
Inaaamin niyang nagmumura siya, ginagawa pa rin niya hanggang ngayon. Hindi nga lang sa harapan ng kanyang mga magulang at ng kanyang Kuya Red dahil alam niya ang mangyayari sa kanya kapag ginawa niya iyon.
Hindi nagsalita si Harrison sa ilang minuto nilang biyahe hanggang sa makarating sa bahay ng kanyang mga magulang, sa bahay nila. Dalawampung pitong taong gulang na siya ngunit hindi niya gustong bumukod ng tirahan, ayaw rin ng kanyang Mommy. Gusto niya rin naman ang paninirahan kasama ang mga ito dahil nasanay na siya. Ang kanyang Kuya Red at si Tyler ay may sariling bahay na malapit lang do'n. Ang bunso naman nilang si Blue ay kasalukuyang nakatigil sa America dahil doon ito nag-aaral kasama ang pinsan nilang si Sandor.
"Bakit ka nakasunod? Umuwi ka na nga!" sita niya kay Harrison nang sumunod ito sa kanyang papasok.
"Makikikain ako," sagot nito at ngumiti sa kanyang Mommy na lumabas mula sa kusina. Kumislap naman kaagad ang mga mata ng kanyang Mommy nang makita ang binata.
Napaismid na lang si Tara at nagpaalam sa ina bago pumanhik sa ikalawang palapag patungo sa kanyang silid. Sandali niyang inilatag ang katawan sa ibabaw ng kanyang kama bago pumasok sa banyo at naglinis ng katawan.
Halos isang oras siyang nanatili sa loob ng kanyang silid bago siya pasukin ng katulong at sabihing maghahapunan na. Naroon pa rin si Harrison nang makapasok siya sa dining room. Hinalikan niya sa pisngi ang ama bago umupo sa kaliwa nito, katabi ni Harrison na asikasong-asikaso ng kanyang ina.
Tamara—her mother, adored Harrison Green. Ninang ito ni Harrison at matalik na kaibigan ang Mommy nito.
Habang kumakain ay tinanong siya ng kanyang ama kung ano ang nangyari sa kanyang araw. Masaya naman niya iyong pinaunlakan. Talking to her parents' about her day was always satisfying and bliss. Nararamdaman niyang may pakialam ang mga ito sa kanya, ang pagmamahal ng mga ito. They were the best parents' ever. She loved them very much.
She enjoyed their dinner despite Harrison's presence. Gustong gusto talaga ito ng kanyang mga magulang. He was also Mr. Friendly to everyone except her. Kaya kasundo ito ng lahat bukod sa kanya.
Pagkatapos ng hapunan ay pumasok na ang mga magulang sa loob ng silid ng mga ito habang siya ay dumiretso sa TV room at nag-video call sa bunsong kapatid. She missed Blue, she wanted to see him again in flesh but she still had to wait for a couple of years before he finished his studies. Umuuwi naman ito sa mga espesyal na araw at tuwing bakasyon ngunit iba pa rin kung palagi nila itong nakakasama.
Almost every day, she always made sure that she will talk to her brother. Para naman kahit na malayo sila ay malapit pa rin silang magkapatid. Gano'n din naman ang ginagawa ng mga magulang at mga Kuya niya na kinumusta ito.
Pagkatapos ng pakikipag-usap sa kapatid ay nanood siya ng isang indie film. Doon naman pumasok si Harrison na may dalang popcorn at sodas. Akala niya ay umuwi na ito.
Hindi na niya ito tinaboy at tahimik na nanood habang kumakain ng dala nito. Ganoon din naman ang ginawa nito na nakaupo katabi niya.
Ipinilig niya ang ulo nang makaramdam ng antok habang nasa dulo na sila ng pelikula. She leaned on the sofa and yawned.
They were silent the whole time and she was more comfortable with it. Nilinga niya si Harrison na nakatutok ang mga mata sa screen ng TV at matamang nanonood.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata habang pinapanood ito hanggang sa hindi na niya nakayanan at tuluyan iyong ipinikit.