Sanford Series 3 Chapter 5

SABRINA was disturbed from her reminiscence when she felt someone moved beside her. She looked up at the thing that was blocking the heavy rain from hitting her body. It was an umbrella, a yellow one.

Seconds after she sat on the bench near the Narra tree, the heavy pour of rain started to fall, but she did not bother to run to shade. She let the rain embrace her while she was looking back at the past.

She looked at the man who disturbed her and made her expression colder when their eyes met. She won't let him break the defenses she built for the past years.

She was fifteen when she first met him. Even though she was beaten by her father that night, she still slept peacefully because she kept on thinking of Apollo before going to bed. She was a fool, a naïve teenager who admired the boy that saved the poor dog.

Looking at him now, all she could feel was hatred. She can't forget the things he had done to her, and probably she can't forgive him.

"Did you follow me here?" she asked indifferently and rose from the bench. She looked at him as cold as the raindrops.

He stared at her face for a couple of minutes, she did not shy away and met his eyes bravely. He was the first one who gave up on their staring match and sighed deeply.

"I'm sorry, Sab..." he muttered meaningfully. "I didn't mean—"

Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita at mabilis na pumihit upang makaalis sa harapan nito. Ngunit dalawang hakbang lang ang kanyang nagawa dahil hinawakan siya nito sa braso.

Bago pa siya makahuma ay inilagay na nito ang payong sa kanyang kamay at tumalikod upang umalis. Hindi nito alintana ang malakas na ulan na bumabasa rito.

Naikuyom niya ang kamao habang nakatitig sa papalayong likuran ni Apollo. Binitawan niya ang payong na ibinigay nito, hindi niya kailangan iyon. Basa na rin naman siya ng ulan at hindi siya tatanggap ng mga bagay mula rito.

Paglabas niya ng gate ay hindi niya pinansin ang guwardiyang nagbabantay roon at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kanyang kotse. Pinaarangkada niya ang sasakyan patungo sa kanyang bahay dahil nakakaramdam na siya ng panlalamig. Hindi siya puwedeng magkasakit.

Malakas pa rin ang ulan nang makauwi siya. Mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit. Kapagkuwan ay bumaba patungo sa kusina at naghanap ng makakain. Ngunit walang laman ang kanyang refrigerator na puwede niyang kainin kaya dinampot niya ang bote ng wine na nasa cupboard. Binuksan niya at nagsalin sa isang kopita at tinungga.

Dinala niya iyon sa sala, inilapag ang bote sa center table at sumalampak ng upo sa mahabang sofa. Tiningnan niya ang cellphone na nasa lamesa at nakitang alas-otso na ng gabi.

Tanging ang malakas na tunog ng ulan sa labas ang tangi niyang naririnig bukod sa kanyang paghinga. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kanyang bahay kasabay nang pagdala sa bibig ng kopita.

Her house looked so bare and melancholic. There's nothing a single photo hung on the wall or the shelves. She doesn't have flowers or any decorations. She only had her sofas, the center table and a big television in her living room.

Sabrina was living alone and she was a minimalist. And besides, everything was comfortable for her.

Her thoughts were disturbed when she heard a knock on the door. She frowned, she doesn't expect a visitor at this hour and weather, and she did not call for a delivery.

She was greeted by her neighbor when she opened the door. Then her eyes settled on the food container she was holding.

"Come in." She had no choice but to let the woman in. Her neighbor was getting wet despite that she was holding an umbrella.

"I cook this... Naparami ang luto ko, and you came first in my mind. I hope you don't mind," nakangiting wika ng kapitbahay niya sabay umang ng dalang pagkain.

Tinanggap iyon ni Sabrina at bahagyang umangat ang sulok ng mga labi sa isang ngiti. She was really famished and the food came on time.

"Thank you—" she trailed off. She doesn't know her name and what to call her.

"Vodka. I'm Vodka." Nakangiti pa rin ito at mukhang hindi naman na-offend dahil sa halos isang taon nilang magkapitbahay ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito.

"Suit yourself, Vodka." Mabilis siyang tumalikod upang maitago ang ngiting kumawala mula sa kanyang mga labi dahil sa pangalan nito.

If she remembered it right, her sons' names were Martini and Brandy, she wondered what was the name of the third son.

Naramdaman niya ang pagsunod ng kapitbahay sa kanya patungo sa kusina habang inililibot nito ang tingin sa paligid ng kanyang bahay. Inilapag niya sa kitchen table ang dala nitong pagkain at binuksan. Nanubig ang kanyang bagang at kumalam ang sikmura nang malanghap ang amoy ng kaldereta at spaghetti na bigay ni Vodka.

Nagpasalamat siyang may bigas pa siya, mabilis siyang nagsalang sa rice cooker upang may maipares sa ulam.

Napatingin si Sabrina kay Vodka nang marinig ang pagtikhim nito. Sandali niya itong pinagmasdan habang tumitingin ito sa paligid. Mag kasingtangkad lang sila at marahil ay dalawa o tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Vodka had a prominent feature of most Italian women. She was beautiful and her smile was friendly.

"You can knock on our door when you need... something," Vodka said and shrugged her shoulders lightly.

Naitiim ni Sabrina ang mga labi at lumamig ang mga mata dahil sa sinabi nito. Kung hindi dahil sa palakaibigang ngiti sa labi ni Vodka at sa kislap ng mga mata ay iisipin niyang kinaaawaan siya nito.

Nakita marahil nito ang pagkaiba ng kanyang ekspresyon kaya nakagat nito ang pang-ibabang labi. "I mean no harm, Sab. I'll go ahead so you can enjoy your food."

Sinundan ni Sabrina si Vodka nang lumakad ito patungo sa direksiyon ng pinto at dinampot ang nakatiklop na payong na isinandig nito kanina sa labas bago pumasok.

Sabrina was about to close the door when her neighbor said something.

"It is good to have a friend."

Napabuntung-hininga si Sabrina at isinara ang pinto nang makaalis na ang kapitbahay. Imbes na magpasalamat dahil sa pagmamagandang loob nito ay minasama pa niya ang intensiyon ni Vodka. She really sucked on building a relationship with other people, but she was very good at pushing them away.

She doesn't have friends. Well, there was one person who had a close tie with her, but she wasn't certain if she'll consider him as a friend. He was Apollo's cousin and she doesn't want to be close with someone who was associated with him. But she can't avoid meeting people who were connected to Apollo.

Pinagpag niya ang pagsisising nagsisimulang mapukaw sa kanyang dibdib dahil sa ginawa sa kapitbahay. Tinungo niya ang kusina at hinintay maluto ang kanin, pagkatapos ay kumain.

Pagkatapos maglinis nang pinag-kainin at mailigpit ang natitirang alak ay dinampot niya ang cellphone at pumanhik sa kanyang silid upang makapagpahinga na.

Nakahiga na siya sa malambot na kama nang tumunog ang aparato. Nakakunot noong inabot niya iyon sa may bedside table, lalo siyang nagtaka nang makita ang pangalan ng assistant na tumatawag. Hindi ito tumatawag sa kanya kapag hindi office hours.

"What is it?" bungad niya nang sagutin ang tawag.

"H-have you heard the news, Ma'am?"

"What news?" she frowned even more when she heard the anxiousness in Emma's voice.

"I'll send you the link..."

Napaupo siya sa kama habang hinihintay ang link na sinasabi nito. She ended the call and open the link she gave her.

Kumabog ang kanyang dibdib habang binabasa ang isang artikulo tungkol sa isang barkong lumubog. Halos isang araw nang lumubog ang barko ngunit kanina lang nalaman nang matagpuan ng barko ng China ang mga crew ng barkong lumubog na nagpalutang-lutang sa dagat. Ligtas ang lahat ng sakay niyon bagaman ang lahat ng mga kargamento ay nasa ilalim na ng dagat ngayon.

Sabrina brushed her hair in frustration. It was their shipment! Ang laman ng barko ay mga purified water at soft drinks na ini-import nila sa bansang Indonesia.

Tumayo siya at dinampot ang susi ng kanyang sasakyan. Hindi na niya nagawang magbihis at mabilis na lumabas ng bahay, sumakay sa kanyang kotse at pinaandar pabalik sa opisina kahit masama ang panahon. Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan kaysa kanina.

Pagkarating sa Sanford Corporation ay agad siyang tumungo sa ikalabing-walong palapag. Bukod sa mga guwardiyang nag-ro-roving sa may lobby ay wala na siyang ibang nakitang tao roon.

Binuksan niya ang ilaw sa loob ng kanyang opisina at kinalkal ang mga files na may kinalaman sa shipment. Maayos ang pagkakasalanlan doon ni Emma kaya madali niyang nakita.

Pitong araw nang bumibiyahe sa dagat ang barko at inaasahang dumating sa Indonesia sa susunod na linggo. Nang magsimulang bumiyahe ay maganda ang panahon, bagaman ay may LPA na binabantayan ang PAG-ASA na maliit ang tiyansiyang maging bagyo kaya pinayagan sila ng custom. Kompleto sila ng clearance kaya hindi niya mahanap ang pinagmulan ng aberya.

Nanghihinang napasandig si Sabrina sa swivel chair at napahawak sa kanyang ulo. Their team was in charge of the shipments and all business operations, and her direct boss was Apollo, the Chief for Operation. She was sure that by now Apollo already knew what happened.

Ang tanging konsolasyon lang nila ay walang nasawi sa mga crew ng barko. Bagaman ay nasayang ang bilyong halaga ng mga exported goods.

Pinatay niya ang kompyuter matapos panoorin ang balita tungkol sa nangyari. Walang pang opisyal na imbestigasyon pero tinitingnang anggulo ang bigat ng mga kargamento. Hindi maaaring lumampas sila sa weight limit dahil kinalkula nila ang bigat ng mga produkto bago e-export.

Ang mga barko ay may bigat lang na kayang kargahin, at kapag lumampas ay may posibilidad na hindi niyon kayanin at maaaring lumubog.

Inayos niya ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa at hindi na iyon ibinalik sa kinalalagyan kanina. Kakailanganin niya iyon bukas bilang katibayan na ginawa niya ng mahusay ang kanyang trabaho. Paniguradong tatawag ng meeting ang board at masasalang siya sa hot seat. Mabuti nang handa.

Sunod-sunod na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan habang palabas ng opisina pagkatapos niyang patayin ang ilaw.

Malapit na siya sa elevator nang marinig ang mga tinig sa isang pasilyo. Mahinang nag-uusap ang mga ito ngunit dahil gabi na at napakatahimik nang gusali ay nakaabot sa kanyang pandinig ang pag-uusap ng dalawa.

"The plan was successful..."

Napatuptop si Sabrina sa bibig upang pigilan ang singhap nang makilala ang mga may-ari ng boses. May tinig na nag-uudyok sa kanyang na makinig kaya nanatili siyang nakatayo roon.

Naikuyom niya ang kamao dahil sa mga naririnig at sumiklab ang galit sa kanyang dibdib.

Nang marinig ang mga yabag na papalapit ay mabilis ngunit tahimik ang mga galaw niya na binuksan ang pintong pinakamalapit at pumasok. Nanghihinang napasalampak siya ng upo at sumandig sa nakasarang pinto ng storage room.

Alam niyang marami nang nagawang masamang bagay ang kanyang ama sa kompanya ngunit hindi niya naisip na magagawa nitong isabotahe ang shipment nila. Alam nitong kasama siyang mananagot doon ngunit ginawa pa rin nito.

Ayon sa pag-uusap ng kanyang ama at ni Mr. Dela Merced ay pinadagdagan nito ang shipment ng barko. Ang layunin ay upang hindi kayanin ng barko dahil sa sobrang bigat ng sakay niyon at lumubog.

Hindi na nagtaka si Sabrina kung paano nagawa ng ama na isabotahe ang shipment nila. He had all the resources and connections to carry out his evil deeds.

And now she was torn between reporting her father or staying silent, kagaya ng palagi niyang ginagawa.

Gulo ang isipan na lumabas siya sa gusaling iyon at lumulan sa kanyang sasakyan. Habang nagbibiyahe pauwi ay nakatanggap siya ng tawag na ang nakalagay sa caller ID ay office. Hindi niya iyon sinagot dahil alam niyang mula iyon kay Apollo Sanford at nahuhulaan na niya kung ano ang sadya nito sa kanya.

She'll deal with them tomorrow, all she wanted right now was to lay on her bed and have a good night's sleep to recharge.

Nang makarating sa kanyang bahay ay dumiretso siya papasok sa kanyang kuwarto at pinatay ang cellphone.

Humilata siya sa kanyang kama ngunit hindi siya kaagad nakatulog. Hindi nilulubayan ng mga alalahanin ang kanyang isipan. Lampas hating-gabi na ng tuluyang tangayin ng antok ang kanyang diwa.

Ngunit kabaliktaran ng inaasahan ni Sabrina, hindi siya nakakuha ng payapang tulog nang gabing iyon dahil sa mga ala-ala ng nakaraan. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.