Sanford Series 3 Chapter 6

"SO THIS is where you eat your lunch."

Marahas na napatingin si Sabrina sa may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Susubo na sana siya ng pagkain nang bigla itong dumating. "What are you doing here?!"

"I'm eating here with you." Apollo smiled at her and sat beside her behind the tree.

Mabilis na isinarado ni Sabrina ang kanyang baunan kapagkuwan ay ipinasok sa bag at akmang tatayo upang umalis sa lugar na iyon nang pigilan siya ni Apollo sa braso at muling hinila paupo.

"I want peace of mind!" sita ni Sabrina kay Apollo na sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata na tila nagbabanta. Ngunit hindi man lang ito naapektuhan, tumawa lang si Apollo at pinisil ang ilong ng dalagita. "Ano ba!"Sinamaan ito ng tingin ni Sabrina at hinimas ang ilong na namumula.

"I don't want to eat alone," saad Apollo sabay labas ng kanyang baunan mula sa loob ng kanyang bag. Nanatiling nakatingin si Sabrina rito at hindi makapaniwala na nagbabaon ng pagkain ang kagaya nito. Ang mga estudyante roon ay bumibili ng pagkain sa cafeteria tuwing tanghalian o 'di kaya'y sa labas kumakain. The typical rich kids.

Isang buntung-hininga ang pinakawalan ni Sabrina bago muling nilabas ang baunan mula sa loob ng kanyang bag. Wala siyang magagawa dahil naroon na ito, alam niyang hindi rin naman ito magpapataboy. Halos isang buwan na nang lumipat siya sa paaralang iyon at kahit na hindi niya masyadong pinapansin si Apollo ay hindi ito tumitigil sa pakikipag-usap sa kanya.

Simula nang iligtas siya nito at ang aso ay lalo itong naging determinadong makipag-usap sa kanya. Hindi naman ito masamang tao kaya minsan ay pinagbibigyan ito ni Sabrina at sinasagot ang mga tanong nito. Minsan naman ay tahimik lang ito sa kanyang tabi habang nakaupo sila sa loob ng classroom o kaya'y naglalakad sa loob ng school.

Aaminin niyang sa pagdaan ng araw ay naging mas accommodating siya rito. Kung ang iba niyang kaklase ay nangingiming lapitan siya, si Apollo ay hindi man lang naapektuhan sa kanyang ugaling pinapakita. She was cold and she doesn't smile often, kaya marahil tingin ng iba ay mataray siya at unapproachable. That's somehow true though.

Wala sa loob na napasinghap si Sabrina nang makita ang ulam ni Apollo. Daing na tuyo bagaman may kasama iyong egg omelette at sausages.

"Mas gusto ko ang luto ni Yaya Nelly kaysa sa luto ng cook sa cafeteria," si Apollo na napangisi nang makita ang reaksiyon ni Sabrina. Kapagkuwan ay nagsimula nang sumubo ng pagkain.

"Are you for real?" Sabrina blurted as she watched him eating enthusiastically.

"You're overreacting. 'Di ka pa ba nakakita ng gwapong lalaki na nagbabaon at kumakain ng daing na tuyo?" Apollo said lightly and grinned at her. "Eat your food, baka ma-late tayo sa klase ni Sir Sallas."

"Whatever!" Itinuon ni Sabrina ang buong pansin sa pagkain ngunit hindi talaga siya komportable na may kasama roon kaya hindi siya maayos na nakakain.

"Do you want to see Archie?" Apollo asked her when they were already walking towards their room.

"Archie?" nakakunot noong tanong ni Sabrina. Hindi siya nag-abalang sulyapan ito sa kanyang tabi at nakatutok lang ang mga mata sa daang tinatahak.

"The dog, I named him Archie means truly brave, it fits him. So, do you want to see him?"

"Where is he now?"

"Home. I brought him home after she was treated at the vet clinic."

Sinulyapan ni Sabrina ang binatilyo upang tingnan kung nagsasabi ito ng totoo. "No," sagot niya nang makompirmang seryoso ito. She did not expect that he would take the dog home with him. She thought that he brought the dog to an animal center or just leave him in the street.

"Why not? Don't you want to see him? He is looking fine and healthy now, a very healthy and happy dog," pangungumbinsi pa ni Apollo.

"I can't go anywhere else but in school aside from our house."

"Why?"

Hindi na sinagot ni Sabrina ang tanong nito at pumasok sa loob ng kanilang classroom nang makarating doon. Napailing-iling na lang si Apollo, napatigil sa may pintuan at sinundan ng tingin ang dalagita.

SA PAGLIPAS ng mga araw ay naging malapit sina Sabrina at Apollo. Naging komportable na ang una sa binatilyo at nasasabayan na niya ito. Sabay silang kumakain sa ilalim ng puno sa likurang bahagi ng school. Sabay na naghihintay ng sundo tuwing uwian.

Subalit kasabay nang pag-usbong ng pagkakaibigan nila ni Apollo ay siya namang paglala ng relasyon ni Vodka sa kanyang ama. It felt she doesn't exist for Bernardo, he would heed any attention if it's not related to her grades in school.

Kagaya na lang ngayon, pag-uwi ni Sabrina ay agad niyang nakita ang kanyang ama na nakaupo sa may living room at tila naghihintay talaga sa kanya. Hindi niya maiwasang hindi kabahan nang makita ang ekspresyon sa mukha nito.

Tumayo si Bernardo nang makita ang dalagita. "Follow me!" he said in controlled anger and walked towards the library. Sabrina reluctantly followed him there.

Naikuyom ni Sabrina ang mga kamao nang ihagis ng kanyang ama ang report card niya sa kanyang mukha nang makapasok sila sa loob. Tama nga ang hinala niyang iyon ang dahilan kung bakit ito galit. Nakita na nito ang kanyang report card at ang ranking nila sa school. Halatang hindi ito natutuwa sa kinalabasan niyon kahit na mataas naman ang kanyang mga nakuhang marka kung tutuusin.

Sabrina wanted to smile bitterly but she stopped herself.

"I didn't send you to that school for this! How can you let someone beat you? How could you lose to a Sanford?! You're such a disgrace!"

Halos bumaon na ang mga kuko ni Sabrina sa kanyang mga palad dahil sa pagpipigil sa kanyang sarili. She wanted to cry, shout and snarled at him at the same time. Wala ba siyang ginawang tama sa mga mata nito? How could he be that cold? Ni hindi niya naramdaman na naging ama ito sa kanya sa nakalipas na mga buwan.

"Manang-mana ka sa ina mo!"

Sabrina snapped when she heard what he said. Kahit masakit ay kaya niyang tiisin ang trato ni Bernardo sa kanya ngunit ibang usapan na kung idadamay nito si Yelena. Sabrina won't let anyone talk ill about her late mother. Her loving mother did everything to provide her a comfortable life.

"Then I should be thankful na nagmana ako kay Mommy." Naningkit ang mga mata ni Bernardo sa galit ngunit hindi nagpapigil si Sabrina. Sinalubong niya ang mga mata nito, kagaya nito ay galit din siya at nasasaktan. "I don't want to be manipulative, cold, cruel, and exploiter like you! You're heartless, you're—" Hindi na natapos ni Sabrina ang panunumbat sa kanyang ama dahil sa pagsampal nito na halos bumingi sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang nasaktang pisngi at nanubig ang gilid ng mga mata.

"You ungrateful son of a bitch!"

Napaatras si Sabrina nang makita ang mukha ng kanyang ama. Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit at pulang-pula ang buong mukha. Nanginig ang kanyang mga paa nang makitang kinalas nito ang sinturon ng pantalon at inihataw sa kanya. Agad niyang naitakip ang braso sa ulo kaya sa braso niya iyon tumama.

Ang ikalawang hataw ni Bernardo ay tumama sa likod ni Sabrina kaya napalugmok siya sa sahig. She curled herself in a fetus position and covered her head with her arms. She flinches every time the belt hits her body but she didn't cry.

Pagkalipas ng ilang sandali ay marahas na itinapon ni Bernardo ang sinturan at natamaan niyon ang isang antigong vase. Kapagkuwan ay malalaki ang mga hakbang na lumabas ng library, marahas na isinarado ang pintuan na halos nagpayanig sa buong paligid.

Ilang minuto nang nakalabas ang ama ngunit nanatili si Sabrina sa posisyon habang nakahiga sa sahig. Masaki tang iba't ibang bahagi ng kanyang katawan na tinamaan ng sinturon ni Bernardo, lalo na sa parte na tinamaan ng buckle ng belt na yari sa metal.

Nang igalaw niya ang katawan ay napadaing siya, gusto niyang umiyak ngunit hindi niya hinayaan ang kanyang sarili. Gusto niyang sa loob ng kanyang silid ilabas ang kanyang nararamdaman, iyong walang makakasaksi.

Pilit na itinutuwid ni Sabrina ang paglakad habang palabas ng library at pasaka sa hagdan. Mukhang walang mga kasambahay ang nakapansin sa nangyayari sa kanya, o kung meron man ay takot lang makialam. Sa mga bahagi ng kanyang katawan na hindi kita ang pinatamaan ni Bernardo, bagaman ay may pasa rin siya sa braso na natamo niya sa unang hataw nito ng sinturon.

Nang sa wakas ay makapasok sa loob ng kanyang silid ay isinarado niya ang pinto at dumapa sa kanya kama. Doon niya pinakawalan ang mga luha at mga hagulgol na kanina pa gustong kumawala.

"YOU'RE AVOIDING ME."

Mula sa librong binabasa ay nag-angat ng tingin si Sabrina sa nagsalitang iyon. Nang makita si Apollo ay agad niyang dinampot ang mga gamit na nasa lamesa at ipinasok sa loob ng kanyang bag. Tumayo siya at lumakad paalis nang hilahin siya nito sa braso at hinila pabalik sa kanyang kinauupuan kanina.

"Let's talk!" mariing wika ni Apollo na mahigpit na nakahawak sa braso ng dalagita upang hindi ito makatakas. "Why are you avoiding me? Did I do something that offends you?"

Nakuyom ni Sabrina ang mga palad dahil sa itinanong ni Apollo. Totoong iniiwasan niya ito magta-tatlong araw na ngayon. Kinausap niya ang isang kaklase at nakipagpalit ng upuan dito. Hindi niya tinitingnan man lang si Apollo at hindi na siya nanananghalian sa likurang bahagi ng eskuwelahan sa likuran ng malaking puno. Doon siya tumatambay sa mini-forest na nasa loob pa rin ng school premises. May mga benches at lamesa roon, kahit papa'no ay komportable pa rin siya dahil magkalayo ang mga iyon. At hindi rin naman maraming estudiyante ang nagpupunta roon.

Marahas na tinanggal ni Sabrina ang braso ni Apollo na nakahawak sa kanya at tiningnan ito sa mga mata. "I hate you," she said coldly. She was putting the blame on Apollo for what her father did to her. Kung sana ay hindi siya nito nalamangan sa academic ranking ay hindi magagalit si Bernardo.

Apollo was smart. Palagi niya itong nakakasabay sa mga oral recitations, halos magkadikit ang scores nila sa exams at quizzes. Ngunit mas nakakalamang ito sa kanya, mas matalino.

Nangunot ang noo ni Apollo at hindi agad makapagsalita. Iyon ang unang beses niyang narinig ang mga salitang iyon na sinabi sa kanya. And she uttered them in such contempt.

Inayos ni Sabrina ang backpack sa balikat at akma muling tatayo nang hilahin na naman siya ng binatilyo sa kamay. "Ano ba?!" singhal niya rito.

"Stay still!" mariing anas ni Apollo sabay lihis sa manggas ng t-shirt ni Sabrina. "What happened to your arm?!"

"Nothing." Iniwas ni Sabrina ang mukha ng tingnan siya nito sa mga mata, ramdam niya ang pagtitig nito sa kanyang mukha. Napasinghap siya sa gulat ng walang paalam na hawakan ni Apollo ang dulo ng kanyang damit at bahagyang itinaas ang kanyang damit.

"Oh shit!"

"A-Anong ginagawa mo?" Hinawi ng dalagita ang kamay nito, nanginginig ang kanyang mga mga daliri at mga labi. Nakita ni Apollo ang mga pasa niya sa katawan na nagkulay ube, hindi pa iyon tuluyang naghihilom kahit na tatlong araw na ang nakakalipas nang mangyari ang pananakit ni Bernardo sa kanya sa loob ng library. "M-Malapit nang mag-time, baka ma-late tayo."

Hinawakan ni Apollo sa magkabilang braso ang dalagita at tiningnan ito na nakayuko. "Look at me." Isang nahahapong buntung-hininga ang pinakawalan ni Sabrina bago nag-angat ng ulo. Gusto niyang mapasinghap nang makita ang galit sa mga mata ni Apollo, ngayon lang niya ito nakita sa ganoong emosyon. "Who did it?"

"H-He's... he's just disciplining me."

"Discipline! It's not called disciplining, Sabrina! He's clearly hurting you! My father won't do that to me or to any of my siblings to discipline us!"

Sabrina looked at him wearily and pleadingly. Pleading him to let it go and act as if he didn't see anything. "Just ignore it. It's nothing."

"How could you say that?!"

"P-Please..."

Bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Apollo nang marinig ang pagmamakaawa nito. Marahas siyang napabuntung-hininga at pinuno ng hangin ang baga. "Are you okay?" he asked a lot calmer now. Sabrina nodded her head but avoided eye contact. "What happened? Why did he do it?"

"You don't want to know," she answered in almost a whisper.

"I want to know. You're my friend and I can't sleep peacefully at night knowing that you have bruises all over your body!"

Bumuntung-hininga muli si Sabrina bago sumagot. "He wasn't satisfied with my grades." Sabrina bit her lip when it trembled and sniff to hold her tears back.

Walang magawa si Apollo kung 'di hawakan ang kamay nito. Akmang babawiin ni Sabrina ang kamay ngunit hindi iyong pinakawalan ni Apollo. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumayo si Apollo at hinila ang dalagita.

"Where are we going?" naguguluhang tanong ni Sabrina nang hilahin siya nito patungo sa likurang bahagi ng paaralan kung saan siya usually kumakain ng tanghalian. "Apollo slow down!"

Habang hila nito ay inilibot ni Sabrina ang mga mata sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang wala ng halos mga estudiyante sa quadrangle at napagtantong oras na ng pang hapon nilang klase.

"What are we doing here? We're late!" Pinanlakihan niya ng mga mata si Apollo na ngumiti sa kanya.

"Come on, sumampa ka sa balikat ko."

"Why?" nakakunot noong tanong ni Sabrina.

"Hindi tayo papasok."

"What?! No!" Sa tanang buhay niya bilang estudiyante ay hindi niya naranasang mag-cutting class. Biglang bumundol ang takot sa kanyang dibdib pero kasabay niyon ang munting kudlit ng pananabik sa naisip na gawin ni Apollo. At ang ngiti nito, ang ngiti nito na puno ng pangungumbinsi. "P-Paano kung mahuli tayo?"

"We won't. Come on, Sab, it'll be fun."

Kagat labing tumango si Sabrina na lalong nagpalaki ng ngiti ng binatilyo. Umuklo ito at sumampa siya sa likod nito upang makatalon sa lampas taong pader. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso nang lumapat ang kanyang mga paa sa lupa sa kabilang bahagi ng pader.

"It's your fault if we're caught," aniya kay Apollo na nakatalon na rin at nakatayo na sa kanyang tabi.

"Yes, Ma'am!" he said and smiled boyishly before handing her bag to her. "Now let's go to the mall!" Hinawakan ni Apollo ang kamay ni Sabrina at nagsimulang maglakad patungo sa sakayan. Apollo wanted to make her happy after what happened to her. He wanted her to forget what her father did to her even just for a while. And he just simply wanted to be with her.

Kagat labing tinitigan ni Sabrina ang kanyang mga kamay na magkahugpong habang naglalakad. Hindi niya maintindihan ang tibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.