Scrutinizing Myself (Engineer Series 3) Chapter 12

"Number your ass," I uttered and rolled my eyes at him.

Naalala ko lahat ang nangyari kagabi at hindi ko malilimutan na muntik na akong mapahiya sa maraming tao. Yeah, I'm thanking him because he did great to catch me. Pero nakakapang-init kaya na ininom niya ang canned beer na para sa akin.

At isa pa, iyong sinabi ng drummer ng banda nila nang buksan ni Haisely ang butones ng damit nito. It's making me mad! He's a flirt!

"What?" he stuttered and laughed a bit.

"What's your digit, Ms. Savannah?" tanong niya ulit pero umiling ako.

"I don't have any digit to give, so fuck off." I furiously told him and went to the counter.

Natawa pa siya sa sinabi ko at uminit na naman ang dugo ko dahil sa hinalo niya ang kaniyang pinamili sa mga binili ko. Nakaka-bwesit siya ah!

"Kung balak mo akong rape-in, sinasabi ko sa 'yo, tumigil ka na sa binabalak mo." seriously said it to him a loud.

Napatingin pa sa akin ang casheir pero hindi ko iyon inalintana. At least, I' m straight to the point. Nakakatakot na mangyari ulit iyon eh.

"Damn! You're too wild," Octavius said and laughed because of what I said.

"I'm not wild, Mr. I just don't want to trust other people easily." I said and handed my cash to the casheir, but I was too late.

Nai-slide na ng casheir ang ATM nitong si Octavius at nabayaran na pati ang mga pinamili ko. "532.75 pesos po, Sir." the casheir said while shyly looking at Octavius.

Damn, flirty girl.

Napailing na lang ako roon sa babae dahil sa tamis ng ngiti nito kay Octavius.

Girl, if you only knew that his friends are flirt just like him.

"Then, I can conclude that you were hurt from your past relationship." sambit na naman ngayon ni Octavius nang maibalot na ang pinamili naming pareho.

Tiningnan ko siya nang masama at tinaasan ng kilay.

"Wow ha? Kailan ka pa naging manghuhula, Octavius?" I asked him then I raised my brows.

"My instinct told me so," he said and smiled at me again.

Naglibot na lang ulit ako sa loob ng 7/11 dahil nandoon sa iisang plastic ang pinamili naming dalawa. Kung p'wede nga lang na murahin 'yong babae kanina ay ginawa ko na.

I already told her that she should separate the things we bought! But because she was too preoccupied by Octavius' handsome face, she forgot it!

Damn those looks! Ang daming nalilinlang!

"Do you still have something to buy?" tanong niya sa akin habang hinahanap ko ulit ang beverage section at ang mga noodles.

"Kindly, mind your own business, Octavius." I furiously told him.

At nang magtama ang aming mga mata ay tinarayan ko siya. Natawa siya sa ginawa ko kaya pwersahan ko siyang binangga ng aking balikat pero sadyang malakas ang kaniyang katawan!

"Hey?" tawag niya sa akin ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.

Hinawakan niya ako sa aking balikat kaya kaagad ako sa kaniyang lumayo. Damn! I'm still not into touch like that for fucking sake!

"Fuck off!" I furiously tod him.

"Damn, Sav." sambit niya at bumaling sa paligid para tingnan ang mga taong narito rin sa lugar. "What's your fucking problem?" kunot-noo niyang tanong kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"You're flirty boy, so just fucking back off." mariin kong salita pero parang wala naman siyang narinig mula sa akin.

"I never thought that this would be your true color," he said that caught me off guars.

Tiningnan ko siya nang seryoso pero isang seryoso lang din na tingin ang pinukol niya sa akin. Kinalma ko tuloy ang aking sarili at binalik ang mga pinili ko.

"Give me my goods," I told him.

"Wala tayong extra paper bag, Savannah." sambit niya pero umiling ako.

"Then, make a damn way on how!" I said with too much frustration.

Kumalam pa ang sikmura ko kaya ramdam ko na ang aking gutom! Napangisi na naman siya dahil sa nangyaring iyon.

"In one condition," seryoso niyang sabi at saka lumapit sa akin.

Because of his intimate look, I stepped backward. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gwapo niyang mukha ako nakatitig. Umatras ako nang umatras ganggang sa nawalan na ako ng aatrasan. He smiled playfully at me and put his right hand on my right side.

Damn!

His face was also inches away from mine!

Mabuti na lang at wala namang napupunta sa pwesto naming dalawa kaya nakahinga ako nang maluwag. But I almost stop from breating because he was too close from my face.

Ang bilis rin ng tibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba.

"You're too loud, Ms. Savannah." sambit niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay para naman maalis ang aking kaba.

"And you're too flirt," I said bravely in front of him.

"Bakit?" tanong niya sa akin. "Nilandi na ba kita para sabihin mo 'yon?" tanong niya pa.

Again, I was caught off guard because of what he said.

Tama siya! Damn!

"How old are you?" tanong niya na naman sa akin kaya binalingan ko na siya ng tingin.

"Interviewer ka ba?" tanong ko sa kaniya pabalik kaya naman ay umiling siya sa akin.

"Then stop asking me with those stupid questions." I told him. "Ibigay mo na lang ang mga pinamili ko," sambit ko sa kaniya kaya sa huli ay binigay niya pa rin 'yon.

Humingi rin siya ng extra paper bag galing sa casheir na panay pa ang pagpapa-cute sa kaniya. Iba talaga ang nagagawa ng kagwapuhan at kagandahan, ano? Kulang na nga lang na lumuhod si Ate para sa kaniya.

Matapos naming paghiwalayin ang mga binili namin ay lumabas na ako ng 7/11. And I immediatetly said bad words because Kuya Rolly is nowhere to be found.

"Why?" tanong niya sa akin na hindi ko nahalata ang kaniyang presensya kanina. "May kasama ka ba?" tanong niya ulit sa akin kaya tumango ako.

"Damn, I forgot to tell Kuya Rolly." I whispered.

"Ihahatid na lang kita kung 'yong ang kinababahala mo," sambit ng lalaking nasa tabi ko.

Makikipag-away pa sana ako sa kaniya dahil ayaw kong sumabay sa kaniya. But I haven't no choice. Walang dumadaan na jeep dito at wala ring mga taxi.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Tita ay dali-dali niyang lumabas ng kaniyang kotse. He opened the door for me and then he smiled sweetly at me.

"So... T-thanks?" I said unsure.

"Wala nang libre sa panahon ngayon, Ms. Savannah." sambit niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

Shit! Akala ko pa naman ay nakalibre na ako ng pamasahe!

"Fine, I'll pay you." I said and about to get my wallet from my pocket, but he held my hand to stop me.

Kaagad ko 'yong binawi sa kaniya at tiningnan siya ng masama.

"It's not what you think," kalmado niyang saad kaya kumunot ang aking noo.

"Then, what?" I asked.

"Just give me your digits in return for this. Then, we're fine." litanya niya kaya napailing ako.

"Ano ba kasi at ang gustong-gusto mong kunin ang numero ko?" inis kong tanong sa kaniya.

"I just want to be friends with you, Ms. Savannah. And I'm planning to invite you on our next gig," sambit niya.

Nanlaki pa ang mga mata ko sa huki niyang sinabi.

"Hindi ako p'wedeng sumama sa gigi n'yo dahil hindi naman ako miyembro n'yo. At isa pa, hindi ko nga kayo kilala lahat!" asik ko sa kaniya ngunit umiling lang siya sa akin.

"Maybe some other time, I'll text and invite you. At saka, ako naman ang lider ng grupo kaya ayos lang 'yon," litanya niya pero umiling ako.

"Ang bata ko pa para sa gig, salamat na lang." I said in finality and I was about to turned back at him, but he pulled my arms.

"Shit! Fine!" I said with frustration.

Bakit ba ang kulit ng lalaking ito?!

Hindi porque gwaopo siya ay madadaan niya ako sa ganito niya!

"Payag ka na?" tuwang-tuwa na sabi niya kaya napapikit ako.

"No, just give me your number and I'll text you na lang. I'll decide if I will text you or not." I told him and rolled my eyes.

Kaya sa sinabi kong 'yon ay wala na siyang ginawa. In-add ko siya sa aking contacts at saka pumasok na ako sa bahay nila Tita. Sinalubong ako ng dalawa kong pinsan na ang sama ng tingin sa akin pero binalewala ko na lang sila.

I distant myself from them and starting the day that Matthew almost molested me, I didn't tend to talk to them. Tita Suzette on the other hand, understands me why I did it for my own sake.

Nang araw rin 'yon ay nagluto lang ako ng noodles at saka natulog muli dahil ramdam ko pa ang sakit ng aking ulo. Kung bakit inis na inis ako kanina kay Octavius ay dahil sa parang binibitak ang ulo ko dahil sa alak. Pagkataos kong kumain ay natulog na lang ako maghapon. Nagising lang ako noong gabi na para maghapunan.

I don't really feel spoiled here at Tita's Suzette house, but today is different because I drunk alcolhol last night. May mga katulong naman kasi talaga sila Tita pero gusto ko pa ring tumulong sa paghain ng pagkain minsan.

"Ayos na ba ang enrollment mo sa BU, Sav?" tanong sa akin bigla ni Tita habang nasa hapag kami kaya tumango ako.

I eat first the food on my mouth and looked at Tita. "Aasikasuhin na po namin, Tita, pero baka po may bayaran po kami. Like for our mental and dental health records," I told her.

She nodded at me and smiled, "Lalagyan ko na lang ng pera ang ATM mo na nandiyan sa 'yo," sambit niya kaya tumango ako.

"Ano nga ulit ang kursong kinuha mo, Sav?" tanong naman ngayon sa akin ni Tito Glenn kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bachelor of Science in Mechanical Engineering po," I answered.

"Good choice of course, Sav." sambit niya kaya napangiti ako.

On the other hand, when I glanced at Ate Glez and Rhea, they secretly rolled their eyes on me, but I caught them. Binalewala ko na lang sila dahil ganoon naman talaga ang kanilang ugali. Ni-hindi ko nga alam kung paano ko ba sila papamuhin pagdating sa akin.

Well, siguro ay galit sila sa akin. I don't know, but I guess it because they're mad at me because I passed the BUCET. Habang sila naman ay hindi nila iyon naipasa kaya naman ay sa private school sila papasok.

Hindi ko nga 'yon inaasahan talaga eh. Our group study really did worked. Nakakalungkot lang na hindi ako nakapasa sa DOST scholarship pero ayos na rin iyon para sa akin. At least ay kaunti lang ang gagastusin nila Tita para sa kolehiyo ko.

"Uhm..." I whispered and unable to continue what I want to say.

Shit! Gusto ko lang na ipasok namin sa usapan sila Ate Glez at Rhea. I want to give the spotlight to them. Para naman hindi sila magalit sa akin palagi!

"S-Sila Rhea at Ate Glez din naman po," I told Tito and Tiga and I smiled. "You'll have a daughter who's a nurse in the future, Tito. And also an accountancy," I uttered.

"Yeah," Tita said and smiled to her two daughters.

Ngunit kahit na sinabi ko 'yon para mapansin nila Tita silang dalawa ay inirapan pa rin ako ni Rhea.

"We're manifesting your success, Sav. And we are already looking forward for the three of you," Tito Glenn said and smiled at me.

"Sana lang ay magbago na itong si Glez at huwag nang maisipang gawin sa 'yo iyon ulit." pagpapaalala ni Tita bigla at saka tiningnan nang mariin si Ate Glez.

Biglang tumayo si Ate Glez mula sa kaniyang kinauupuan kaya nabigla ako. Ang lakas na naman tuloy ng tibok ng puso ko dahil pabarang niyang inilagay ang kaniyang kobyertos sa ibabaw ng kaniyang plato.

"We're just reminding you, Glez. Don't be rude!" Tita Suzette furiously told Ate Glez, but she's still calm.

"Nawalan na akong ganang kumain. I have to go to my bedroom," Ate Glez said and without looling at her Mom.

"Hindi mo pa tapos ang kinakain mo, Gleziel!" kalmadong tugon sa kaniya ni Tito, pero ramdam mo ang bigat ng bawat salita niya.

Napayuko na lang tuloy ako dahil parang kasalanan ko na naman kung bakit ganito sila.

"I'm full, Dad." sambit nito. "I'm so full of this fucking life," she whispered.

Narinig ko iyon dahil sinabi niya 'yon nang saktong nasa likod ko na siya. And I'm not sure if Tito and Tita heard it.

Tumingin si Tito kay Rhea at tiningnan ito ng kaniyang nandidilim na mga mata, "Aalis ka rin ba sa hapag?" tanong nito sa aking pinsan.

Napayuko si Rhea at kita ko kung gaano kumuyom ang kaniyang kamao habang hawak-hawak ang kutsara at tinidor.

"I'm not, Dad." she politely said as if she wasn't going to explode inside.

Alam ko 'yon. Alam ko kung ano ang pakiramdam na ganito ang usapan sa hapag at ayaw ko na iyong isipin pang muli. Hindi pa nga ito ang naranasan ko noon eh. Mas higit pa rito.

Napapaisip na nga lang ako minsan eh. Ano kaya ang estado ng pamilya nila Tita ngayon kung hindi ako dumating dito? Okay lang ba sila sa isa't isa? Masaya ba sila?

Nang sumapit ang Lunes ay inasikaso na nga bamin nila Haisely ang enrollment namin para sa BU. On the other hand, Ralph and Kennedy went to other school. Kaya ang mangyayari ngayong nasa college na kami ay kaming dalawa na lang ni Haisely ang nasa BU. Ralph is in DWCL while Kennedy pursue herself to study in UST-Legazpi.

"Hoy!" tawag sa akin bigla ni Ken kaya napatingin ako sa kaniya. "Nangingiti ka riyan sa cellphone mo?" tanong niya sa akin pero umiling ako.

It was just Octavius who's sending me random funny messages. Natatawa na lang ako sa kakornihan niya. Well, yeah, I still texted him when I got bored last, last day. Wala kasi akong makausap noong isang araw kaya napag-isipan ko siyang i-text.

"Iyong vocalist na naman ba 'yan noong nag-beer plaza tayo?" tanong niya pa sa akin kaya tumango ako. "Naku! Diyan iyan nag-uumpisa, Sav! Mapapangiti ka sa una pero sakit pa rin ang mararamdaman mo sa huli," she warned me but I ignored it.

"Why? Have you been experienced being hurt because of loving someone?" I asked her.

"Baka experienced being cheated, Sav." Haisely stated.

Nakatanggap tuloy siya ng batok galing kay Kennedy. "Wow ha? Parang hindi ka niloko," panunuya naman tuloy ngayon ni Ken kya Haisely.

Napailing na lang ako sa kanila.

"Ilang taon na ba 'yang si Octavius?" tanong sa akin ni Ralph kaya napatingin naman ako sa kaniya ngayon.

"I don't know," I answered.

"Baka mamaya ay niloloko ka lang niyan, Sav ah. Mag-ingat ka," sambit ni Haisely sa akin.

"Don't worry, we're just texting each other, guys." I uttered for them not to worry too much.

"No attached feelings. Kalma lang," sambit ko at napangiti.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.