Scrutinizing Myself (Engineer Series 3) Chapter 17

"Huh?" naguguluhan kong asad dahil sa sinabi ng kapatid ni Sir Octav sa akin.

I mean Octav because we're not inside the classroom nor inside the campus.

Ngunit imbes na sagutin ako ng nakababatang kapatid ni Octav ay tumawa lang siya. Kaya naman ang praning niyang kapatid ay sumigaw mula sa second floor ng bahay. Their house wasn't big but enough for me to say that they have a middle class family.

"Ano na naman bang kalokohan ang sinasabi mo, Melgie?!" Octav shouted from his room.

I shook my head because of that.

"I told her that you like Ate Sav, is that okay?" panloloko nito kay Octav.

Hindi na lang ako nagsalita dahil baka ganito naman talaga ang ugali nitong si Melgie. I was silently watching the telivision when a middle aged lady came out. Probably from the kitchen?

I'm not sure.

Kaagad akong tumayo dahil ramdam ko ang mabigat na presensya ng hindi katandaang babae. I think she was Octav's mother.

"Good afternoon po," I politely said and tried to aim for her hand, but she took it away from my reach.

"Ayos lang ija, marumi ang kamay ko dahil nagluluto ako sa kusina." sambit nito sa akin kaya napangiti na lang ako nang pilit.

Lubos pa naman ang kaba ko nang makita ko siya kaninang lumabas mula sa kusina tapos mukhang mabait naman pala siya.

Damn!

"Ikaw ba ang girlfriend na sinasabi Octav?" tanong niya sa akin kaya halos mabilaukan ako kahit wala naman akong kinakain.

I shyly smiled at her and shook my head, "Hindi po ako, baka po ibang babae ang girlfriend na sinasabi ni Si-- I mean Octav." I told her and faked a smile.

Napamura tuloy ako sa aking isipan dahil ang sabi sa akin ni Octav ay wala siyang girlfriend?!

Tapos ngayon ay mayroon pala siya!

"Ma!" Octav butt in irritatedly as if his mother said something bad. "Anong girlfriend ang naririnig ko rito?" iiling-iling na sabi nito kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

I don't want to curse at him just because he lied to me! Ang sabi niya sa akin ay wala naman siyang girlfriend eh!

Baka mamaya ay mayroon pala talaga!

"Jino-joke ko lang siya, anak." natatawag sambit ng Mama ni Octav at tumingin sa akin.

Our eyes met, so I was obliged to fake a smile at them.

"She's not my girlfriend, Ma. At saka estudyante ko lang siya," tugon nito sa kaniyang ina.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya ngunit binalewala ko ba lang iyon. I shouldn't feel that way, especially that I'm one his student in a prestigious university.

Mapapahiya siya at mawawalan siya ng lisensya kapag ginawa niya iyon.

And damn! Why should I think of this!?

Hindi naman ito dapat!

"Ito naman hindi mabiro! Kailan ka na kasi ulit maggi-girlfriend?" pabirong tanong ng Mama ni Octav kaya naman umiwas na lang ako ng tingin.

"I'm still searching for the right girl for me, Ma. And in the right time, I'll meet the right person for me." seryosong dasd ni Octav at napabaling pa ng tingin sa akin.

Ramdam ko kasi iyon mula sa peripheral vision ko. Napahinga rin ako nang maluwag sa sinabi nilang wala pa naman pala siyang girlfriend. At least ay safe ako kapag na-issue kaming dalawa ni Octav.

"Ipapakilala ko naman sa 'yo kaagad!" dagdag pa ni Octav.

"Naku! Napa-english pa!" natatawang sabi ng Mama ni Octav kaya napangiti na lang din ako.

Doon ko tuloy biglang na-miss si Mama. Minsan na lang kasi kami kung mag-usap dahil nagta-trabaho na rin siya sa isang supermarket sa Visayas. And I know that she was better there even though I'm not with her.

"Pero ba't ka napapatingin kay Ate Sav?" nanunuyang tanong ni Melgie kay Octav.

Damn! I can't stop myself from blushing!

Napakama-issue naman nitong kapatid ni Octav!

"Melgie!" kalmadong saad ni Octav sa kaniyang kapatid pero halata mo ang awtoridad.

"Kayo talagang dalawang magkapatid palagi na lang nag-aaway!" saway sa kanila ng Mama ni Octav.

Napailing na lang din ako sa kanilang pamilya. Maybe they are used to be like this. Nakaka-miss nga bigla si Mama na nasa Visayas. I really missed her, but I couldn't go home because I lack time. Hindi rin naman siya p'wedeng umalis na lang doon dahil may maiiwan siya roon.

You know my mom. She can't leave my step father that easily.

At hindi ko rin alam kung bakit.

"Oh sige na. Kumain na tayo," anyaya ng Mama ni Octav at napatingin sa akin. "Tara na, Savannah. Huwag ka nang mahiya," sambit nito sa akin nang siguro ay mahalatang nag-aalangan pa ako.

Is this right?

Ang makisabay sa hapag nilang pamilya gayong isa lang naman akong estudyante ni  Octav. I don't feel this is right anymore.

Ngunit dahil nandito na rin naman ako ay sumabay na lang ulit ako sa kanila.

"Nga pala, Ma, ito si Savannah Caroline." pagpapakilala sa akin ni Octav nang naging tahimik kaming kumakain.

He even stopped from eating just to formally introduced me to his mother. I smiled at her Mom and looked at Octav.

"She's one of my student from Mechanical Engineering," dagdag niya pa at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Damn!

What I have done?! Ano ba ang susunod na dapat na mangyari kapag ganitong pinakilala ako?!

"Oh really? So, bakit siya nandito at sinama mo rito?" tanong ng Mama ni Octav at napatingin pa sa akin.

Nataranta tuloy ako dahil sa tanong niya!

"Uhm.. It's not what you think po-" Octav cute me off and answered his mother instead.

Nakakahiya talaga!

Bwesit kasi itong si Octav! Hindi na lang kasi sa akin ibigay ang libro ko eh!

"Her books are with me. Naiwan niya kasi noong minsan ko siyang ipag-drive pauwi sa kanila." kalmadong tugon ni Octav sa kaniyang ina.

But oppisite from Octav's reaction, I might say that I'm fucking nervous here!

Ni-hindi ko na alam kung ano ang sasabihin dahil inaalala ko kung ano na ngayon ang nasa isipan ng Mama ni Octav.

"Uhh..."

I was out of words!

Damn it!

Nilunok ko ang aking nasa bibig saka nagpakawala ng malalim na hininga at saka tiningnan sa mga mata si Octav. But I immediately looked away and looked at his Mom instead.

"We accidentally met inside a mall po, kaya ayon at naiwan ko sa likod ng kotse niya ang mga libro ko po. Pasensya na, Ma'am." I nervously uttered while I'm tapping nervously the fork that my left hand was holding.

Octav laughed that made me looked at him. Nasa tabi ko lang naman siya pero tila ay hindi ko siya maabot. Shocks! Why am I thinking this way!

Really, Savannah Caroline Teodoro?!

"What?" I madly whispered at him beside me.

"You don't have to call her Ma'am, Sav." tugon niya sa akin pero inirapan ko siya.

Eh ano namang itatawag ko sa Mama niya?!

Tita?! We're not even family related and most especially, I'm not his girlfriend. It isn't right that I'm calling my Prof's mother as Tita!

"Tawagin mo na lang akong Tita, ija." tugon sa akin ng Mama niya kaya napatango na lang ako saka ngumiti. "Oh, kahit saan basta kung saan ka komportable." nakangiting sabi ng Mama ni Octav kaya napangiti na lang din ako.

"Ma'am na lang po, nakakahiya naman po kung tatawagin kong Tita ang ina ng Professor ko," nahihiya kong sabi.

"Where not even inside the class, Sav. Okay lang 'yon dahil wala naman yata kayong dalawa na balak umalis na magkasama hindi ba?" tanong sa akin ni Octav.

At kahit na gusto ko siyang sungitan ay hindi ko magawa dahil nasa harap namin ang Mama niya.

"Mas naniniwala pa ako kung tayo ang magkakasama sa mall at hindi si Mama ang kasama mo," dagdag niya pa kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Napailing na lang din si Tita dahil sa sinabi niya. And just because of what he said, Tita agreed with it that I'll call her Tita instead of Ma'am. Masyado raw kasi iyong pormal.

"Bolero ka, Reggie." iiling-iling na sabi ni Tita kay Octav kaya napatingin ako sa kaniya. "Bulok naman masyado ng pick up lines mo, wala na bang mas bago roon?" nakangising tugon ni Tita sa kaniya.

"Mama! Estudyante ko lang nga kasi si Sav!" iritadong sambit ni Octav sa kaniyang ina.

Ngunit halata mo namang nasisiyahan pa rin naman siya. Nakipag-asaran pa nga si Melgie sa kanilang dalawang mag-ina. For  a moment, I felt that I was out of place because they were having a funny moment while eating.

Hindi ako sanay sa ganitong set up. Because usually, we are having a serious meal wiyh Tita Suezette and Tito Glenn. Nang matapos kaming kumain ay umalis na rin naman kami roon ni Octav at saka naglakad-lakad kung saang lugar na kakaunti lang ang makakakilala sa aming dalawa.

"By the way, I noticed that your father wasn't on your house earlier." sambit ko habang nakatanaw kami pareho sa dagat na nasa unahan naming dalawa.

Nandito kasi kami sa Embarcadero de Legazpi. There were just few people and good thing that there was no student from East Campus. Sana nga ay makisama sa aming dalawa ang tadhana na walang pumunta rito na blockmate ko dahil paniguradong magiging issue ito.

It's not that we're doing something that could be punished by the law. But ofcourse, knowing the mindset of other people, most especially other students, they will always think that Sir Octav and  I have something.

"He was at work earlier. Nasa hospital siya kaya wala siya. Bakit?" tanong sa akin pabalik ni Octav kaya umiling ako.

"Wala naman," I said and looked at him, but I immediately looked away.

And after 6PM has passed, we already fetched Haisely and Ken at their houses. Inuna naming sunduin si Ken dahil ang sabi niya ay ready naman na raw siya. Samantalang si Haisely ay kailangan naming ipagpaalam ilit kay Tito.

And when we got there, Ralph was already there inside. Dala-dala niya pa nga ang kotse niya.

"So, shall we go now?" Ralph asked me when we got inside Haisely's house.

I gave him a furious stare because we just got here tapos aalis kaagad! Hindi ba p'wedeng magmano muna kay Tito?!

"What?" natatawa niyang tanong sa akin kaya inirapan ko na lang siya.

Pumasok ako  sa kusina dahil naroon daw si Haisely na kausap si Tito. I slowly walked towards their direction, but Tito still noticed my presence.

"Hi, Tito!" masaya kong sabi saka nagmabo sa kaniya. "Payagan mo na siya, Tito! Haisely is safe with us," I convinced him and made a puppy eyes.

Kahit hindi naman ako sanay sa ganitong pagpa-awa ay ginawa ko pa rin. Syempre dahil para na rin naman ito kay Haisely para makasama siya. She needs also to unwind and relax her mind by joining us.

Nagkakasama naman kaming dalawa ni Haisely eh ngunit tuwing lunch time lang 'yon madalas. Iba pa rin sa ganitong set up!

Lalo na at sa isang bar pa!

"May magagawa pa ba ako niyan?" sambit ni Tito habang kamot-kamot pa ang kaniyang ulo. "Sige na, sumama ka na sa kanila." tugon pa nito saka tiningnan si Haisely.

I smiled widely when Tito said that line.

Nang paalis na kami ay may tinanong pa si Tito kay Haisely na siyang ikinagulo namin nila Ralph at Ken.

"Hindi mo ba isasama si Azi, anak?"

"Pa!" inis na sabi Haisely sa kaniyang ama.

Kaagad tuloy na binigyan iyon ng malisya ni Ken dahil halata namang lalaki iyon. And as far as I can know. Azi was their new neighborhood. Hindi ko pa naman siya at nakikita eh.

"Malay ko ba? Palaging tumatambay 'yon dito para makipaglaro sa mga kapatid mo, Haisely." panunuya pa ni Tito kaya napangiti na lang din ako.

Haisely's face immediately turned to color red. Kinikilig ang kaibigan namin!

"Bahala ka na riyan, Pa." pikon na sabi ni Haisely kay Tito kaya natawa kami.

And when I looked at Octav, he also smiled at the two. Napapailing pa siya dahil sa kulitan ng mag-ama.

"Matutunaw si Sir."

My soul almost separated from my body when Kennedy suddenly whispered directly on my ears. Sinamaan ko siya ng tingin saka pinalo nang bahagya ang kaniyang braso.

"Lumalagkit ang tingin mo kay Sir. Bawal 'yan," natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya.

Nang makarating kami sa bar ay muntik na nga talaga kaming hindi papasukin ng guard dahil mga minor de edad pa raw kami. At syempre, sino pa ba ang makikipag-kulitan kay guard?

Walang iba kung 'di ay si Ken.

"Kuya, baby face lang kami kaya mukha lang kaming bata pero sa totoo lang ay matatanda na kami!" pangungulit nito sa guard.

Kuya guard scratched his head because of frustration from Ken. Hindi na lang din ako umiimik dahil kaming tatlo lang naman na babae ang hindi pa p'wede sa bar na ito.

Ralph was already 18 years old and surely Octav can get inside the bar because he was a vocalist.

"Kuya payagan mo na silang makapasok. They were already 18 years old and they are under my custody," sambit ni Octav kay guard ngunit umiling lang ito.

I know that Octav will surely convinced the guard because he was a vocalist. Pero mukha naman kaming masama dahil sa sinabi niyang nasa kustodiya niya kaming tatlong babae!

"We're not going to make a chaos inside the bar, Kuya. So, please let us in. Hindi rin naman kami makikipag-inuman." sambit ko para makumbinsi na rin siya.

Ilang minuto ay hindi na napigilan ni Octav na i-contact ang may-ari ng bar na siyang kaibigan niya rin. Pumunta pa sa labas ng bar ang may ari para lang mapag-sabihan si guard at nang makapasok na nga kami.

"Let them in, Kuya." sambit ng magandang babae kaya ngiting-ngiti na kaming tatlo nila Ken.

Well, this is our first time entering a bar eh. Nakakahilo pa ang umiikot na dancing lights sa lugar at dim lang din ang paligid. Kaunti pa nga lang ang tao dahil maaga pa. If I'm not mistaken, people go to bar to unwind from the things that making them sick.

"Maya-maya ay kakanta na kami sa unahan." tugon sa amin ni Octav kaya tumango kami.

"Sir, I mean Kuya Octav, ano ba ang p'wedeng mainom na light drinks lang?" tanojg ni Ken at napangiti pa ako sa tinawag niya kay Octav.

Hindi nga ako nag-iisa dahil pati ang mga kaibigan ko ay naiilang na tawagin siya sa pangalan lang.

Well, he's an engineer and a respective professor in a prestigious university!

Octav smiled and shook his head, "You don't have to call me Kuya or Sir, guys. Just call me Octav," sambit niya saka tumingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Except from you."

Naguluhan pa ako sa sinabi niya saka siya tumingin kay Haisely.

"And you Haisely. You're only allowed to call me Sir if we are inside the university. I don't care if some of my students call me Sir outside the campus. We're friends starting today," mahaba niyang litanya.

Hindi pa nga niya nasasagot ang tanong ni Ken ay umalis na siya at pumunta sa bar counter. Ken tried to call him, but he just raised his hand to us without looking and walked straight.

"Sav, friends lang daw ah." paalala sa akin ni Ken na animo'y may masama akong balak.

"As if we're going to be more than friends, Ken?" taas noo ko sa kaniyang sabi.

Hindi ko  rin talaga malaman kung ano ang nasa isip nitong babaeng 'to! Kung anu-ano ang nasa isip kaya pati ako ay nadadamay!

"Duh, it will never happen, Ken!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.