Scrutinizing Myself (Engineer Series 3) Chapter 2

They say that the saddest thing is to be away from your parents and I believe in that saying. I never imagined myself getting separated from my parents, especially from Mama, but I needed to.

Si Mama na ang nagdesisyon kaya wala na akong nagagawa kaya kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong gawin. Ayaw niya naman akong samahan kaya mag-isa akong babyahe.

This would be my first time traveling to Bicol. Alone and all by myself.

My new journey will start there and I'm really hoping that I will be in good hands.

"Sabihin mo sa Tita Suzzete mo na hindi na kita nasamahan kasi wala naman akong pamasahe para sa 'kin." tugon niya sa akin kaya tumango ako.

"Kailangan ba talaga 'to, Ma? Ayos lang naman sa akin na rito lang ako eh. I don't need to go to Bicol in order for me to be safe." I persuaded her, but she shook her head.

"Kailangan mo 'to, Savannah. Mas mabibigyan ka ng magandang buhay ng Tita Suzzete mo. At isa pa, para hindi ka na masaktan ng Papa mo." tugon niya pa sa akin pero umiling ako.

"M-Ma, hindi ko kayang mawalay sa'yo. Dito na lang ako, please?" I begged and started to cry, but she still shook her head.

"Savannah, ilang beses ko ba sa'yo sinabi na mas kailangan mo 'to?!" inis niyang sabi sa akin at tinulak na papasok ng bus.

Hindi na ako nakapalag o balikan man lang siya ulit dahil tinalikuran na ako ni Mama. Hindi ko pa kaya at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa byahe na ito.

And I'm praying that I will be safe there.

I know Mama's decision was all for my sake, pero ba't gano'n? Bakit ang dali niya akong talikuran?

As long as possible, I wanted to stay by her side because I knew Papa would hurt us, but she still stayed there.

 Ganoon ba ang pagmamahal na kahit sinasaktan ka na ay titiisin mo kasi mahal mo ang isang tao? 

Kasi kung ganoon ay hindi ko na gugustuhing magmahal kung masasaktan lang naman ako. 

Mas gugustuhin kong mahalin ang sarili ko kaysa maghanap ng pagmamahal galing sa ibang tao. 

Ilang oras ang byahe papuntang Bicol kaya naman ay bagot na bagot ako sa aking kinauupuan. When the bus arrived at the right destination, I roamed around the place. 

The wind immediately brushed through my skin and the fresh air soothed my nose. 

My phone rang, so I immediately answered it. It was Mama who was calling me. 

"Nandiyan ka na ba? Kasama mo na ba ang Tita Suzzete mo? Kumusta naman ang byahe? Hello? S-Savannah?" sunod-sunod na tanong ni Mama kaya naman napahinga ako ng malalim. 

"Nandito na po ako, Ma. I haven't seen Tita Suzzete," I said and roamed my eyes around the place. 

Tita Suzzete is the younger sister of Mama. What I know is that Tita Suzzete has a better life compared to us because she was able to finish college. While my mother got pregnant at a very young age. 

Ang alam ko ay may kapatid pa ako na mas matanda sa akin ang kaso ay hindi ko na nakilala. Hindi ko naman alam kung nasaan sila kaya hindi ko na lang inabala ang sarili ko na tanungin si Mama. 

Ang mas importante naman ay ang mga taong nandiyan sa tabi ko noong inaabuso ako ng ibang tao. 

But why am I feeling so lonely?

I should be happy now because I'm now far away from him. 

"Nakita mo na ba, Savannah?" tanong ulit sa akin ni Mama sa kabilang linya kaya naman ay naglakad-lakad na ako pero wala pa rin naman. 

"Savannah?!" hinarap ko ang tumawag sa akin at doon ko nakita si Tita Suzzete. 

Batang-bata pa si Tita at sa tingin ko ay nasa 40 years old pa lang siya. I smiled upon seeing her. It's been a while since the last time we met each other. Sa Visayas pa 'yon kaya napalitan ng saya ang lungkot na nararamdaman ko nang bumyahe ako papunta rito. 

Finally, I'm free of him.

"Dalagang-dalaga ka na nga! Nasaan si Ate?" she asked me as she went near me. 

I smiled shyly and pointed at the phone I'm holding. "Kausap ko po siya sa telepono, gusto niyo po bang makausap si Mama?" I asked Tita, she nodded. 

"Hello? Bakit ba hindi ka pa sumama kay Savannah? I already told you Ate, iwan mo na 'yang si Kuya." kunot-noong sambit ni Tita sa kabilang linya. 

Hinila ko na ulit ang dalawang maleta na dala-dala ko at saka huminto sa tapat ni Tita na kausap pa rin si Mama. While Tita and Mama was talking to each other, Tita seems annoyed because Mama didn't joined me going here in Bicol. 

Gustong-gusto na kasi ni Tita na umuwi kami rito ni Mama para raw makalayo na kami sa kaniya. Pero si Mama naman itong ayaw na ayaw siyang iwan. 

Yes, he played an important role in my life, but I despised him.

"Ang tigas talaga ng ulo ng Mama mo, Savannah. Mabuti na lang at hindi ka naman nagmana sa kaniya, 'no?" tugon sa akin ni Tita kaya napangiti ako ng pilit. 

Yes, I admire Mama for being such a strong woman for me, but I don't aspire to be like her.I don't want to be like her, who gives everything to the person she loves. 

"Ayaw niya po talaga Tita na umalis doon eh." sambit ko sa kaniya. 

"Oh, nandiyan na ang mga pinsan mo." sambit niya sa akin bigla kaya naman ay napatingin ako sa dalawang babae na papalapit sa akin. 

They were dressed in modern dresses, just like today's girls.They look stunning in their dress, which I used to covet, but due to financial constraints, I couldn't afford to wear one.

"This is Gleizel and Rhea," Tita Suzzete introduced me to my cousins. 

I shyly smiled at them and offered my hand, but they just looked at it. Binawi ko na lang tuloy ang kamay ko. 

Wala namang dumi 'yon pero ayaw nila. Bahala sila riyan, hindi naman sila kawalan. 

Besides, I don't want to waste my efforts on anyone. 

"Let's go?" anyaya sa amin ni Tita kaya sumabay na ako sa kanila. 

Hatak-hatak ni Tita ang isang maleta na dala ko habang nasa akin naman ang isa pa. Hindi man lang 'yon kinuha ni-isa sa magkapatid pero hindi ko na lang pinakealaman. 

If they don't want to help me, so be it. Makikitira lang naman ako sa bahay nila eh. 

I also feel that they a raddled person. 

"Nasaan na ba ang Daddy niyo?" tanong ni Tita sa dalawa kaya nginuso naman nila ang parking lot ng isang mall. 

The large buildings that surrounded us astounded me.My mouth also formed a 'O' shape upon seeing those buildings. 

Grabe! Akala ko ay nasa Manila na ako, ah! 

"Are there no big buildings like these in your province?" maarteng tanong sa akin ni Gleizel ata 'yon at sapat lang para marinig ko. 

She looked at me as if I was the most dirty person or thing she had ever seen. 

Wow, huh? 

"There are buildings in the Visayas as well, but I rarely visit the city."I answered her. 

Nahalata ko pa ang pagbago ng mukha niya nang sagutin ko siya. Siguro ay nagulat siya dahil sa wikang ingles ang ginamit ko. 

What's wrong with answering her in the English language? Isn't it as if it defined us as people?

"Mahirap lang naman sila kaya bihira lang siya makapunta sa syudad, Ate Glez." maarteng sambit naman ni Rhea kaya napatingin ako sa kaniya. 

"Rhea, be kind to your cousin." Tita Suzzete told her that made her rolled her eyes on me. 

Hindi na lang ako ngumiti o kung ano man dahil baka mas lalo lang nila ako malditahan na magkapatid. Mahirap na at baka pabalikin pa nila ako sa Visayas. 

I don't want to be there again as long as he's still there. 

"By the way, Sav, I have already bought you some school supplies, since the first day of school will be next week. Naka-enroll ka naman na at magkaklase kayo nila Gleizel at Rhea." tugon sa akin ni Tita nang makapasok na kami sa van na dala ni Tito. 

"Thank you po, Tita." magalang kong sambit at saka umupo na sa tabi ng bintana ng van. 

This is my favorite spot whenever I ride a bus, car or even a van. When I'm by the window, I feel like I'm filming a music video.Wala lang ang ganda lang sa pakiramdam lalo na kapag nakikinig ka pa sa music. 

The drive was smooth going to Tita's house. Dalawang palapag lang naman 'yon at ang ganda ng interior design ng kanilang bahay.

But why do I compliment the interior design of their house when I shouldn't? Alangan namang magreklamo pa ako lalo na kung makikitira lang naman ako sa kanila!

"Your bedroom is beside Rhea's bedroom. Rhea, pakisamahan mo na lang si Savannah." tugon sa amin ni Tito kaya tumango na ako.

Naglakad na papuntang taas si Rhea at Gleizel habang ako naman ay nahihirapan sa pagbitbit ng mga maleta ko. Ganiyan ba sila kamaldita?

I want to complain about their attitude, huh!

"Rhea and Gleizel, tulungan niyo naman ang pinsan niyong buhatin ang maleta niya!" sigaw ni Tito na naka upo sa sofa.

Napatingin tuloy ako sa direksyon niya at matalim ang titig niya sa dalawa kong pinsan. I sighed because I still had four steps to go before reaching the second floor.

Ang timing naman ni Tito sitahin ang anak niya!

"Kailangan mo naman pala ng tulong pero hindi ka nagsasabi," mabait na tugon sa akin ni Rhea kaya napatungo ako.

Really? Do I have to tell them that I need help?

If they are willing to help, I don't need to tell them such a thing!

"Pasensya na po," pilosopo kong sambit kaya naman ay tinarayan ako ni Rhea.

Sumunod rin si Gleizel sa pagtulong sa akin pero tiningnan niya pa muna ako pedo blangko ang kaniyang mukha. I fake a smile for her and then carried one of my bags upstairs.

I wiped away the sweat when I finally reached the second floor.

 Grabe talaga! Tumulong sila pero malapit na ako sa tuktok.

"Excuse me?" biglang saad ni Gleizel sa akin nang malampasan ko siya at bubuksan na sana ang kwarto. 

Nakita ko kasing katabi lang naman 'yon ng kay Rhea. Pintabi niya ako kaya kaagad naman akong sumunod. 

"This is not your room, girl. Naroon ang kwarto mo," tugon niya sa akin. 

Nginuso niya pa ang direksyon sa likod ko kaya naman napatingin ako roon. Napatango ako at saka nahihiyang ngumiti sa kaniya. 

"This is not my room and next to mine is Rhea's. Then, the next one is yours." dagdag niya pa kaya tumango na lang ako sa kaniya. 

I walked towards the bedroom she told me. Bitbit ang dalawa kong maleta ay pinasok ko 'yon sa loob ng kwarto. 

Malinis naman na ang kwarto at napangiti ako dahil sa lambot ng kama. The room was more appealing because it was painted in dark blue and black.

I never imagined myself living like this at a very young age. Nakakapanibago kasi hindi naman ganito ang kwarto ko sa Visayas. I have a bedroom but I'm sharing it with Mama. 

Maliit lang 'yon at hindi naman kutson ang higaan. 

May mga nakita rin akong tatlong katulong kanina at sa tingin ko ay mababait naman sila. I reached into my pocket for my phone and dialed my mother's number.

"Ma!" masaya kong bungad nang sagutin niya ang tawag. "Kumusta ka riyan, Ma? Sabi ko naman kasi sa'yo na sumama ka na kaso ayaw mo. Ang ganda pala ng bahay ni Tita Suzzete!" nakangiti kong sabi habang nagpapagulong-gulong sa kama. 

"Sabi ko naman sa'yo na magugustuhan mo riyan, eh. Atleast malayo ka na sa kaniya, hindi ba?" masaya niyang sabi kaya napatango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. 

"Oo nga, Ma. Hayaan mo na dahil kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay babalikan kita riyan sa Visayas." I told her and smiled. 

I want the best for my mother. I want the best for us and hope to achieve it all.

"Mag-aral ka na lang diyan para sa'yo at hindi pa sa akin. Kaya nga kita riyan pinatira para sa kapakanan mo at hindi para sa sarili ko," nakangiti niyang sabi kaya sinimangutan ko siya. 

"I told you that I'm going to do everything for us, Ma. At saka huwag ka nga! Babalikan kita riya sa ayaw at sa gusto mo." tugon ko sa kaniya kaya napailing na lang siya sa akin. 

"Sino ba 'y---" 

Kaagad kong in-end call nang marinig ang boses niya. Boses niya pa lang ay kinabahan na kaagad ako kahit na nasa malayo na ako. 

Pinababa na rin ako ng isa sa mga katulong nila Tita para kumain ng pananghalian. I kissed Tita' s cheeks and also Tito before I went to seat. 

Katabi ko si Tita at kaharap ko naman si Rhea na napakatahimik kung kumain. Hindi tuloy ako makahinga masyado dahul napaka-tahimik nila kung kumain. Ganito ba rito? Ang tatahimi kung kumain na sadyang mga kurbyertos lang ang naririnig kung kumain. 

"Bukas ng umaga, p'wede kang magpasama sa kanila para mamasyal man lang kahit dito lang sa subdivision." tugon sa akin ni Tita. 

May laman pa naman ang bibig ko kaya tumango na lang ako. Napasimangot ang dalawa kong pinsan dahil sa sinabi ni Tita. 

"I have to go somewhere tomorrow, Mommy. Si Ate Glez na lang," nakasimangot na sabi ni Rhea kaya napatingin naman ako kay Ate Glez. 

"No, I have something to do tomorrow. At saka p'wede naman ata siyang maglakad-lakad dito kahit wala ng kasama. She's already big, so she can manage herself, Mom." reklamo naman ngayon ni Glez. 

I looked at Tita and smiled shyly, "Ayos lang po, Tita. Ako na lang po mag-eexplore sa lugar na 'to." sambit ko pero umiling si Tita at huminga ng malalim. 

"No, baka mawala ka pa riyan." napapailing na sabi ni Tita at saka tiningnan sila Ate Glez. "Besides, you are busy tomorrow, then you'll tour her on the next day. Oh? Wala naman kayong gagawin sa araw na 'yan," tugon ni Tita sa dalawa. 

Ako lang tuloy ang nahiya dahil sa sinabi ni Tita. Kaunti lang naman ata ang pasikot-sikot sa lugar na 'to kaya ayos lang naman sa akin. At saka hindi naman ako lakwatsera kaya ayos lang sa akin kahit araw-araw ako sa bahay. 

"No, Tita. It's really okay with me. I can manage myself and I can also use my phone in case I forget the place on the way here." I said and smiled at Tita and Tito. 

Pakatapos naming kumain ay nanood na muna ako ng movie kasama si Tito at Tita, dahil bumalik na sa kaniya-kaniyang kwarto ang dalawa. I went to bed early in the evening because I was exhausted from the trip from the Visayas to Bicol.

Madali ring lumipas ang araw hanggang sa first day na para sa balik-eskwela. Tito drove us and my two cousins to school.

"Thank you po, Tito." I said and went out of the car. 

Sinundan ko na lang sila papunta sa classroom dahil iisa lang naman ang section na kinabibilangan namin. We are almost late for class because my two cousins woke up late, but I couldn't blame them. 

Baka mamaya ay sisihin pa nila ako. 

As I approached the campus gate, some of the students' gazes were drawn to me.I took my breath deeply as I walked and followed my cousins. 

Today, my journey begins on this campus. 

And all I want is a good start for myself.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.