Scrutinizing Myself (Engineer Series 3) Chapter 3

As I walked with my cousins, I got anxious because of the stares I got from the other students. Hindi ko alam kung may problema ba sa akin o naninibago lang ba sila sa mukha ko.

My cousins came to a halt, which is why I collided with Rhea's back.Napahawak tuloy ako sa mukha ko at napasimangot.

Hindi man lang kasi nagsabi na hihinto sila sa paglalakad!

"Ano ba?!" inis na sambit sa akin ni Rhea kaya naman ay napa-peace sign na lang ako sa kaniya.

"I didn't mean to do it. I'm sorry," I said, but she only raised her eyebrows at me.

Ang taray niya talaga! Napapaisip tuloy ako kung kanino ba siya nagmana.

Mabait naman si Tita Suzzete pero ang ugali nitong dalawa ay ibang-iba!

Siguro ay kay Tito Glenn pero mabait din sa akin si Tito! 

"Whatever, Savannah. By the way, let me remind you that you don't have to go near us when you have questions." tugon niya sa akin kaya tumango na lang ako.

"Lend me your phone," Ate Gleizel said and handed her hand.

Napatingin ako sa mukha niya at sunod naman ay sa kamay niyang nakalahad. Because of what I did, she gritted her teeth.

Problema niya?

"I told you to lend me your phone so I could add my number to your contacts. Are you fucking dumb?!" inis na sabi niya sa akin kaya napaamang ako.

Agaran kong kinuha ang cellphone na nasa aking bulsa at saka binigay 'yon sa kaniya. Iba talaga ang ugali nila kay Tita Suzzete!

Hindi ako sanay!

"Is that necessary?" I asked them as Ate Glez gave me back my phone.

"Yes," sambit niya sa akin. "I-text mo na lang kaming dalawa ni Rhea kung may itatanong ka. Don't need to go near us," tugon niya pa bago naglakad muli.

Napapaisip tuloy ako kung may problema ba sa akin kasi ganoon na lang ang ugali nila pagdating sa akin. Do I deserve their hate? 

Despite the fact that I haven't done anything to them, they are still upset with me. They had this attitude that I really didn't want. 

Kung sa bagay ay hindi naman kasi natin mapipilit ang isang tao na magustuhan tayo. O kaya naman ang maging mabait sila sa atin. 

That was their own choice to be cruel at us. 

Siya nga eh, nagawa niya 'yon sa akin. Sila pa kaya ni Ate Glez at Rhea na kamuhian akong isa lang naman akong pinsan nila?

Nauna na silang dalawa sa akin kaya hinayaan ko na lang ulit. I just followed them with my bare eyes so that I wouldn't get lost. The school is huge and the environment of the school is quite refreshing. 

Ganito ata ang pakiramdam na alam mong wala nang mananakit sa 'yo. Iyong alam mong malayo ka na sa taong kinamumuhian mo. 

"Good morning class!" bungad sa amin ng adviser namin na isang math teacher. "I am Shane Tan, your adviser and also your math teacher for this year." 

First subject pa lang pero math na kaagad. 

Kinabahan ako bigla nang magtama ang tingin namin ni Mrs. Tan. She flashed a sweet smile at me, so I smiled back at her. 

Napatingin din ako sa kanila Ate Glez at Rhea pero umiwas din sila kaagad ng tingin nang balingan ko sila. What's wrong with these two? 

"Since it's your first day as a Grade 10 student, I want to welcome you all. Isang taon na lang at graduate na kayo, akalain niyo 'yon?" masayang sambit ni Mrs. Tan kaya napangiti ang lahat. 

Last year of being a high school student and I'm hoping that I'll make good memories here. I don't know when I will go back to the Visayas, but I'm sure that it will not be next year. 

Siguro ay pakatapos ng college? 

"Also, I want to welcome your new classmate. She is a transferee from Visayas," tugon ni Mrs. Tan sa amin at saka napatingin ulit sa akin. 

Dumuko ako nang maramdaman ko ang pagbaling ng mga tingin ng iilang kaklase ko sa akin. Sana ay mababait silang lahat. 

"Good morning, Ms. Teodoro." bati sa akin ni Mrs. Tan. 

I stood up and faced her, "Good morning, Ma'am and c-classmates." I said while cracking my voice. 

Shit! Hindi ako sanay magpakilala sa mga kaklase ko dahil kadalasang sa mga subject teachers lang naman kami noon nagpapakilala. 

"Kindly introduce yourself to us," she said and smiled at me. 

I took a deep breath and looked around at the people in front of me. Hindi ko pa kayang makipag- eye to eye sa mga kaklase ko. Halos lahat ng atenyon kasi nila ay nasa akin. 

"Good morning, po! My name is Savannah Caroline T. Teodoro, 16 years of age. It's nice to meet you all." I quickly smiled at them and st again. 

Pakatapos kong magpakilala ay nag-umpisa nang magturo si Mrs. Tan. Hanggang sa susunod na subject bago ang break time ay tinawag pa ako dahil transferee nga. 

Nang snack time ay nilabas ko na lang ang bisuit na nasa bulsa ng aking bag. I silently ate my snack when, suddenly, a boy approached me. Isa siyang morenong lalaki at may itsura naman kahit papa'no. 

"Hi," bungad niya sa akin kaya tipid akong ngumiti sa kaniya. 

Kung tama ang nasa alaala ko, ang pangalan niya ay Matthew? O Matteo? Hindi ako sigurado. 

"Hello?" sagot ko sa kaniya at saka binuksan ang biscuit na hawak-hawak ko na. 

He shook his head and pulled the chair beside me and put it in front of me. Nailang tuloy ako sa ginawa niya dahil umupo siya roon at nakapangalumbaba habang titig na titig sa akin. 

Tumingin ako sa paligid at doon ko lang napagtanto na halos lahat ng kaklase namin ay nasa amin ang tingin. 

Bakit ba kasi nandito 'tong lalaking 'to? 

Ayaw ko pa naman sa lahat ay ang napupunta sa akin ang atensyon ng ibang tao na hindi naman dapat. When my gaze landed on Rhea, she secretly rolled her eyes at me and faced her friends including Ate Glez. 

"You're so beautiful. Ano nga ulit ang pangalan mo? Sabrina ba 'yon?" sunod-sunod niyang sabi kaya napahinga ako nang malalim. 

"Savannah. My name is Savannah Caroline," I said and heaved a sigh once again. 

Hindi tuloy ako makakain nang maayos dahil nasa mismong harapan ko siya. 

"Iba ka talaga, Matthew! Pati transferee ay pinatulan mo na," natatawang sambit ng isa pa naming lalaking kaklase kaya napatingin ako sa kaniya pero umiwas din kaagad. 

"Well, she's beautiful. Sino ba ang hindi magkakagusto sa isang dalaga na kagaya niya?" sambit nito at napangisi pa sa sinabi ng kaklase namin. 

He then looked at me and smiled sweetly, I immediately looked awat from his gaze. Really? Bakit ba talaga siya nandito? 

Kaka-transfer ko pa lang dito sa eskwelahan nila tapos ganito na kaagad siya sa akin. 

Inilapit niya ang kaniyang upuan kaya naman ay napaatras ako. Pero ang lalaki ay lumapit pa siya sa akin at sinubukuang hawakan ang kamay kong nakapatong sa arm chair. Kaagad ko 'yong inilayo mula sa kaniya. 

"You know what? The moment you entered the classroom, I was stiffened by your beauty." he said sweetly. 

Hahawakan niya pa sana ang mukha ko nang marahan pero napasigaw ako. "Ano ba?!" inis na sabi ko at saka nag-umpisang maiyak. 

Napatingin ako sa paligid at napailing na lang dahil lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa ni Matthew. "I'm sorry. I'm sorry, I didn't mean to do that." malambing niyang wika at hinawakan pa ang kamay ko. 

Kaagad na nanindig lahat ng balahibo sa aking katawan dahil sa pagdampi ng kaniyang palad sa balat ko. "Sabi nang h'wag mo 'kong hahawakan!" sigaw ko sa kaniya. 

Sa sobrang pagkabigla ko sa sarili kong naging reaksyon ay kaagad kong kinuha ang mga gamit ko at saka pumuntang cr. Narinig ko pang tinanong nang mga kaklase namin si Matthew kung ano ba ang ginawa niya. And he told them that he only touched me and I over reacted on it. 

I shut myself away in a comfortable room and tried to relax my entire body's system.Nanginginig ang buo kong katawan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I hate all men when they touch my skin especialy the people that I merely know. 

"Damn, calm down, Savannah." I said to myself and hugged myself but it no effect. 

Nabigla pa ako nang may kumatok sa pinto ng cr kung nasaan ako pero hindi ako sumagot. Umupo ako at kanto ng cr at doon umiyak. 

Paano na ngayon? Wala na si Mama para pakalmahin ako. Wala si Mama sa tabi ko para puntahan ako at pakalmahin sa tuwing nangyayari 'to sa akin. 

"Savannah, you can do it. Please... Please calm down yourself." I whispered to myself. 

Nakayakap pa rin ako sa aking sarili at saka dinuko ang aking ulo para kahit papaano ay huminto ang nanginginig kong buong katawan. Muling sumagi sa isipan ko ang nangyari sa akin kaya mas lalo akong nanginginig sa takot. 

"Miss, are you okay?" umiling ako dahil sa narinig kong boses ng taong hindi ko kilala. 

It was a gentle voice, but I didn't bother to look at her. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan at hindi ko alam ang gagawin. Hinaplos ng babae ang braso kong nakayakap sa aking sarili kaya naman ay unti-unting kumalma ang katawan kong nanginginig. 

"Nanginginig ka. May lagnat ka ba?" tanong niya sa akin muli. 

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at saka napayuko nang makita siya. I don't even know her, but I know I'm safe with her. 

Sadyang kapag lalaki ang humawak sa akin ay ganito ang nagiging reaksyon ng katawan ko. I know that myself because it already happened many times.

Sinipat niya ang noo ko at tiningnan kung may lagnat ba ako pero umiling ako. "Wala ka namang lagnat, ah. May masakit ba sa'yo?" tanong niya ulit pero hindi ako sumagot. 

Tila naging isa akong pipi at hindi makapagsalita dahil sa trauma na mayroon ako. 

I had this trauma on the day he did it to me. 

Hinawakan niya aking balikat nang marahan na para bang isa akong mamahaling mwebles na p'wedeng mabasag anumang oras. I looked away when our eyes met. 

"Haisely, anong mayroon diyan?"

Narinig kong boses ng isang babae at saka nakiisyuso naman sa cr kung nasaan kaming dalawa ng babae na hindi ko alam ang pangalan. 

"Okay ka lang ba?" tanong ulit sa akin ng babae at tipid na lang akong tumango. 

"Bakit? Anong nangyari?" tanong no'ng isang babae naman ngayon. "Umiyak ka ba?" tanong niya pa sa akin pero umiling ako. 

I know there's no point in denying that I cried, but I don't know who they are. Ngayon ko pa lang sila nakita at sa tingin ko ay hindi ko naman sila kaklase. 

"Ikaw ba 'yong transferee sa kabilang section?" tanong ng babaeng una kong nakita kanina na may maamong mukha. 

Actually, they have the same innocent faces, but this girl has a more innocent look, unlike the other girl. If I'm not mistaken, her name is Haisely? 

"O-oo," kabado kong sagot sa kaniya kaya naman ay tumango siya.

"Gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic para matingnan ka? Grabe 'yong panginginig mo kanina eh." saad niya pero umiling ako. 

"H'wag na. I can manage myself," I told them and faked a smile. 

Ganoon naman 'di ba? Na kahit anong sakit na nararamdaman mo ay kailangan mong maging maayos. 

Lalo na ako ngayon dahil wala si Mama sa tabi ko para sabihing kaya ko pa naman. Na kaya ko pang tiisin lahat ng sakit na kahit ang totoo ay mas gugustuhin ko na lang na tapusin ang sarili ko. 

But I don't want to end my life that easily, because I believe that I can surpass everything with the help of God. 

"Ay Englishera si Ate! Anong pangalan mo?" tanong nang isang babae kaya napatingin ako sa kaniya. 

Sasagutin ko na sana siya nang biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang breaktime. I looked at them and shyly smiled. 

"Pasensya na. May klase pa kasi ako," sambit ko at saka umalis na ro'n. 

Malapit lang naman ang classroon namin mula sa cr at malalagpasan lang ang tatlong classroom. Halos mangatog muli ang buo kong katawan dahil hindi ko alam kung may ihaharap pa ba akong mukha sa kanila. 

But I was shocked when I saw our adviser inside our classroom. Nahihiya akong pumasok sa classroom at dumiretso sa pinakalikod at pinakagilid kung nasaan nakatapat sa may bintana. 

I looked at Mrs. Tan in front of me and then our eyes met. Akala ko ba ay math teacher lang namin siya? 

"Savannah, can we talk?" tanong niya sa akin bigla kaya tahimik na lang akong tumango. "Please be quiet, everyone. Parating na ang next subject teacher ninyo. Kakausapin ko lang si Savannah," tugon niya sa mga kaklase ko bago siya lumabas. 

Kinuha ko na lang muli ang gamit ko at saka lumabas ng classroom. I followed our adviser silently. 

Akala ko ay sa math department kami didiretso dahil 'yon ang pagkakaalam ko kung saan nagse-stay ang mga guro kapag walang klase. Instead, we stopped in place where there are no students around. 

"Are you okay?" tanong niya sa akin kaya naguluhan ako. 

She took a deep breath and caressed my shoulder as if something had happened to me. Mayroon naman talaga pero hindi niya naman 'yon alam. 

"Your Tita Suzzete told me about your past, and I apologize for interfering with your private life."Don't worry because I already warned Matthew for what he did a while ago." tugon niya sa akin kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. 

Sinabi niya ba sa mga kaklase ko ang tungkol sa akin? Ayaw na ayaw kong may makakaalam no'n dahil pakiramdam ko ay napakarumi ko ng dalaga. 

And she didn't need to punish Matthew because I was just caught off guard. 

"Nabigla lang po ako kanina, Mrs. Tan. Maraming salamat po sa concern mo," I told her and fake a smile. 

"Iyon pa lang mga estudyante na nakausap mo kanina ay taga ibang section. Si Haisely at Kennedy 'yon, isa sila sa mga officer sa grade 10 curriculum." I nodded as she told me.

Wala naman akong kailangan sa kanila at 'yon na ata ang pinakahuli naming pagkikita o pag-uusap? Isa pa ay hindi kami magkaklase. There's no need and I don't think there is a reason why we're going to talk to each other again. 

"I know you need a lot of adjustments here at your new school, but I'm praying for your success. Mababait naman ang mga kaklase mo. Hindi mo ba nasubukang magpakita sa isang psychologist?" mahaba niyang litanya. 

Kaagad akong umiling sa tanong niya. Hindi naman ata ako baliw hindi ba? 

Sadyang nagiging ganoon lang ako kapag nabibigla at nahahawakan ako ng isang lalaki. 

"I don't need a psychologist to look for me, Mrs. Tan. Wala rin po akong pera para magpagamot pa. Salamat na lang po," I gently told her. 

After we talked, I went back to our classroom. Iilan lang naman ang taong nakakaalam sa nakaraan na mayroon ako. Si Tita, Mama at sa tingin ko ay pati na ang mga pinsan ko. 

Isa pa, ayaw kong magpagamot. 

I'm okay with what I am today.

 I know I'm going to heal. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.