"Mabuti na lang pala at natyempuhan naming dalawa ni Haisely."
"Oo nga, eh. Mabuti na lang at hindi naman masyadong malalim ang sugat na natamo niya."
I slowly opened my eyes the moment I heard two girls talking. Sumalubong sa akin ang puting kisame at kaagad na naamoy ang alcohol. Napalingon ako sa aking gilid at nakita roon si Tita Suzzete na kausap pa ang dalawang magkaibigan.
They didn't recognized that I was already awake. Tahimik ko na lang silang pinakinggan dahil wala na rin naman akong magagawa.
Tears immediately escaped from my eyes upon hearing from them on how they did carry me here to the hospital.
"Maraming salamat sa inyong dalawa." pasasalamat ni Tita sa kanila.
Tumingin ako sa likod nila Kennedy at Haisely at naroon si Ralph kasama si Matthew at ang isa pa nitong kaibigan.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa pamangkin ko'ng ito," Tita said and the two girls nodded at her. "Marami nang pinagdaanan si Savannah Caroline kaya siguro nagawa niya ang ganoong bagay. Pero alam kong hindi niya iyon magagawa. I know that she just needs to end the pain she's feeling right now that I know somehow, when times come, it will heal." she added.
"Kita nga po namin kung gaano siya kabait, eh. Sa totoo nga lang ay ayaw niya naman po talagang ipatawag kayo dahil paniguradong mapapagalitan mo raw siya," Ralph butt in on their conversation and looked at me.
The moment he looked at me, I closed again my eyes and pretended that I'm still sleeping. Mabuti at hindi naman siya nakahalata kaya nagtuloy-tuloy si Tita sa pagkukwento.
"Actually, the reason why Savannah sent here in Bicol is because she needs to go to a psychologist. May trauma kasi siya at dahil wala namang sapat na pera si Ate, kailangan niyang dalhin dito. I really love that child from her birth until today," she softly told Haisely and Ken.
Nakita ko pa ang pagngiti ng dalawa kaya napailing na lang ako. Paniguradong awang-awa na sila sa akin dahil sa sinasabi ni Tita.
"Ano po ba talaga ang nangyari kay Savannah doon? " Being Kennedy, syempre ay walang preno na nasabi niya iyon.
Hindi ko na minulat pa ang aking mga mata simula nang tumingin si Ralph sa gawi ko. I was silently listening to them. Pinipigilan ko rin ang umiyak nang dahil sa mga sinasabi ni Tita.
Yes, I badly needed to go to a psychology. Pero natatakot ako dahil baka kung ano lang ang sabihin sa akin ng doctor. Na baka mamaya ay hindi na normal kung ano man ang mayroon ako.
Na baka mamaya ay literal na baliw na pala ako.
"I'm sorry po," malambing na wika ni Haisely kaya napahinga ako nang malalim.
Narinig kong bumukas ang pintuan at alam kong sila Matthew 'yon at ang kaniyang kaibigan dahil sa narinig ko silang nagpaalam. Then the door closed again as of what I heard.
"It's okay," sambit ni Tita.
Ang akala ko ay hindi naman sasabihin nu Tita kung ano ba talaga ang nangyari sa akin noon. But I was surprised when she told my secret to Haisely and Kennedy.
Pinilit kong pigilan si Tita sa kaloob-looban ko ngunit hindi ko 'yon nagawa. Maybe, because I was just afraid the moment they knew about what happened to me in Visayas. Pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakapikit ang mga mata.
May tumulo pa sa aking mga mata na luha at kaagad ko naman 'yong pinunasan para hindi makahalata sila Tita.
I begged for him to stop what he was doing to me, but he never stop. Ilang beses akong nagmakaawa sa kaniya na huwag na niya iyong gagawin pero ginawa niya pa rin.
Napahinga na lang ako nang malalim saka pinunasan ang aking luha nang marinig na tumayo sila. When I opened my eyes, I immediately saw their worried eyes, especially Haisely.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Ken sa akin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Okay nga ba ako?
O pinipilit ko na lang na maging maayos ako?
Either of the two, nothing will change if I lied to myself. Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Kennedy sa akin kaya napahinga siya nang malalim. Tiningnan pa siya nang masama ni Haisely at napailing naman si Ralph.
"Obviously, Kennedy, she's not okay."
Si Haisely na ang sumagot para sa akin kaya umiwas ako kaagad ng tingin.
The first time I burst into tears, they were the one who made me feel better and that was the first day of school where my trauma hit me again. At kanina naman ay sila na naman ang nakakita sa akin. Kung kanina nga ba talaga iyon dahil hindi ko na sigurado kung ilang oras na ba akong nakatulog.
"Do you want something to eat?" Ralph asked me and I saw his sincerity within his eyes.
Sana lahat ng lalaki ay kagaya niya.
Sana lahat ng lalaki ay may awa at pagmamalasakit sa lahat ng babae.
Sana lahat ng lalaki ay hindi bastos.
But then, we are living in the cruel world where there are good and bad. Either way, you are the one who will hold your destiny. Kung kanino ka ba sasama, kung doon ba sa mga mababait o sa mga masama at walang konsensya.
"Hey?" tawag niya ulit sa akin kaya pinilig ko ang aking ulo.
Damn, Savannah!
Hindi ko kasi namalayan na nakatitig na pala ako sa gwapo niyang mukha!
"Huwag mong sabihin na may crush ka na niyan kay Ralph?" mapaglarong tanong sa akin ni Haisely kaya naman ay kaagad namula ang aking pisngi.
"Hala! Namula ang pisngi ni gaga!" natatawang sambit ni Ken sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapailing na lang.
Ngunit ramdam ko pa rin ang init ng aking nukha dahil sa sinabi ni Haisely. Do I am starting to have a crush on Ralph?
Pero imposible naman 'yon hindi ba? Nag-uumpisa pa lang naman kasi na makilala ko siya at pangalan pa lang naman ang alam ko sa kaniya. I don't even know his surname!
"I don't like him, okay?" pinilit kong magsalita kahit na may nagsasabi sa loob ko na manatiling tahimik dahil baka nas lalo lang nila akong asarin.
"Tsk, I don't like her either," sambit naman ni Ralph kaya napatingin kami sa kaniya.
"Don't tell us na baka ako ang gusto mo, Ralph, ah." panunukso sa kaniya ni Ken.
She really has that audacity to tell that to Ralph?
Napailing na lang ako sa kaniya at napangiti. Napatingin naman si Ralph kay Haisely nang sabihin 'yon ni Ken kaya nagtama ang mga mata nila. Ngunit kaagad ding umiwas ng tingin si Ralph at saka kinuha ang lalagyan na may mga prutas sa gilid ng kama ko.
"What do you want?" tanong niya sa akin pero umiling ako.
"Wala pa akong ganang kumain. Sorry," malumanay kong sabi kaya napailing na naman siya.
"You need to eat, Sav. Tingnan mo nga ang katawan mo at kaunti na lang ay magmumukha ka nang kalansay," puna sa akin ni Haisely na akala mo ay isa niya akong nakababatang kapatid.
She get the tray with full of fruits from Ralph and didn't say anything, instead she peel off the orange fruit and gave it to me.
"Kailangan mo na 'yang kainin dahil kanina ka pang umagang walang kain. Ni hindi mo na nga naubos at nakalahati man lang ang pagkain mo kaninang breaktime eh." inis niyang sabi sa akin at saka sinubuan ako nang pwersahan.
Do I have any choice here?
Eh sinubo na niya sa akin 'yong isang slice ng orange!
I opened my mouth for me to eat the orange. Natawa naman si Ken sa ginawa sa akin ni Haisely habang si Ralph naman ay napangiti rin. Ralph is indeed a handsome boy, no doubt why Trisha, Rhea and Ate Glez are so obsessed with them.
Na kung tawagin ay Best of Three.
"Nagiging Nanay ka na naman, Haisely." sambit ni Ken pero binalewala lang 'yon ni Haisely saka tumayo para naman hugasan ang grapes.
She then, come back again with grapes. Susubuan niya pa sana ako pero kumuha na ako roon sa maliit na platito at sinubuan ang sarili.
"Ito ang sinabi sa akin ni Nanay bago siya mawala, na pangalagaan ang sarili para mas mahaba ang buhay. Swerte na nga si Savannah dahil binigyan siya ng buhay samantalang iyong ibang tao ay sanggol pa lang ay namatay na," she softly said and that me hit so hard.
Tiningnan niya ako nang mariin kaya umiwas ako kaagad ng tingin. "Ngayong alam na namin ang rason kung bakit ka ganiyan ay babantayan ka na namin palagi. If there's no one in your section to befriend with you, then let Ken and I be your bestfriend. You don't deserve the hate you're getting from other people. Especially from your two cousins." mahaba niyang litanya kaya napaamang na lang ako.
May tumulo sa aking mata nang dahil sa sinabi niya. May kung ano sa puso ko na kaya kaagad akong nag-react. I know this is a tears of joy because no one tends to say those words to me.
"Include me in your circle," seryosong sambit ni Ralph at saka ngumiti sa akin. "You deserve the man who will protect you, Savannah. And if he doesn't care about you and put trauma on you, I can be one of the person who will protect from those bastards." dagdag niya pa kaya hindu ko maiwasang mapangiti.
I am crying. I am crying because finally, there are people who cared for me even though we just met weeks ago.
"And don't worry that much, Sav. Alam naming may kaunting trust issues ka pa sa amin pero magtiwala ka sa amin, hindi ka namin sasaktan." nakangiti ring saad ni Ken kaya napatingin din ako sa kaniya nang may ngiti.
"S-Salamat," ang tanging salita na lumabas sa aking bibig.
And starting that day, they really fulfill their promises to me. Naging magkakaibigan kami kahit na may parte pa sa puso ko na huwag maniwala sa kanilang tatlo. I thought, they were just concerned for me because of what they knew about me, I thought it has an expiry date.
Ngunit nagkamali ako dahil nanatili sila sa tabi ko. They stayed by my side and they even share their secrets with me. Pinilit nga rin nila akong magpa-konsulta sa psychologist kaya naman ay pumayag na ako.
Unti-unti ay nagiging maayos na ako.
Little by little, I am scrutinuzing myself and I owe them a lot.
Kahit na alam kong marami pang proseso bago ko masabi na ayos na nga talaga ako.
They were like guardian angels who sent for me.
"Impakta naman kasi talaga ang mga pinsan mo, Sav eh!" inis na sambit sa akin ni Ken.
I also covered my ears because she said it as if I'm away from her! Akala mo ay ilang bundok ang layo namin sa isa't isa!
"Mabuti nga ngayon at hindi na nila ako inaaway. Though, they are still rolling their eyes whenever our eyes met. Hinahayaan ko na lang," sumbong ko sa kanila.
"Ganoon na talaga ang ugali nila at wala na tayong mababago roon. All we need is to distance ourselves from them," Haisely said and smiled at me.
"Iyang si Glez? Repeater lang naman siya kaya nga naging magkaklase sila ng kapatid niya eh," ani Ken kaya napatingin ako sa kaniya. "Ang alam ko kasi ay nagkaroon siya ng bagsak na subject noong elementary sila kaya ayon, naging magka-batch sila ng kapatid niya," she added.
"Actually, they really wanted to be on the first section but their grades are not qualified. Na kahit ano pang koneksyon ang meron ang mga magulang nila ay wala naman silang magagawa," Haisely stated and drunk from her Chuckie Chocolate drink.
"Is that reason why they hated you?" I asked them and they didn't even hesitated to shook their heads. "They're jealous of you, I guess." sambit ko at napatango naman kaagad si Kennedy.
"Oo, tama ka nga. Inggit na inggit kasi sila sa aming dalawa ni Haisely, lalo na noong nanalo pa kami sa Grade 10 curriculum officers." ani Ken kaya napatango ako.
Our conversation was interrupted when Ralph sat on the chair in front of me. Kaya naging katabi siya ni Haisely at kaagad naman na umiwas sa kaniya si Haisely. Hindi ko alam kung tama ba ang interpretasyon ko sa mga galaw ni Haisely pero pakiramdam ko ay may gusto siya kay Ralph.
"Ba't nandito ka na naman? Magagalit na naman ang fan girls mo," asik sa kaniya ni Haisely pero nginitian lang siya ni Ralph.
"Is that the right attitude of a vice president of the grade 10 curriculum?" Ralph fired back and raised a brow at Haisely, ignoring what Haisely said.
Napailing na lang ako samantalang si Kennedy naman ay tinukso silang dalawa. I know, even Kennedy had her feeling towards these two.
"Masyado kayong halata. Ba't hindi na lang kayo mag-aminan na gusto n'yo ang isa't isa?" Kennedy said and playfully smiled at the two.
Inirapan naman siya ni Haisely pero halata mong kinilig naman siya kaagad at halata mong pulang-pula ang kaniyang mukha.
Well, they suits each other.
"Pinagsasabi mo, Ken?! Kainis ka!" inis na sabi ni Haisely kay Ken ngunit mas lalo pa siyang namula.
"Hayan! Kaya ka single kasi hindi mo magawang umamin." sambit ni Ken at saka tumingin kay Ralph. "Matagal ka na niyang crush, Ralph eh. Kaya nga madalas 'yang pumunta ng comfort room malapit sa room n'yo para makita ka rati!" sumbong ni Ken kaya napailing na lang ako.
Kung wala ka talagang boses, p'wede mi na siyang maging spokesperson. I think, that's one of the reason why she got the presidency position in G10 curriculum officers.
"H'wag mo kong igaya sa 'yo palibhasa naka lima ka nang boyfriend." sambit naman ngayon ni Haisely kaya napangiti ako.
Nangtuloy-tuloy lang sila sa pag-aasaran hanggang sa mag-time na para sa susunod na subject. Sumabay na ako kay Ralph sa paglalakad.
And little by little, I got used to have the attention from the other students, especially from the girls who used to be the fan of Ralph. Ang hirap pala talaga kapag mayroon kang kaibigan na famous.
Pati ako ay nakakakuha ng atensyon!
Nang sumapit ang hapon at natapos ang klase namin sa lahat ng subject ay inaya kaming dalawa ni Ralph nila Ken na sumabay sa kanila. They even waited for us to finish our last subject because they were dismissed earlier from us.
"Kain tayo sa labas ng school," masayang bungad sa amin ni Ken. "Nakakain ka naman ng fishball at kikiam, Sav hindi ba?" tanong sa akin ni Ken kaya tumango ako.
Honestly, it was one of my favorite street foods. Lalo na ang kwek-kwek at isaw.
"Oo," nakangiti kong sabi ko sa kaniya at saka sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng campus.
Nang makarating kami sa bilihan ng fishball at kikiam at ng iba pang street foods ay takam na takam si Ken na nakisingit sa mga bumibili. May nakita pa nga akong mga kalalakihan na hindi pamilyar ang uniform sa amin.
"Mga college students na 'yan," sambit ni Haisely sa gilid ko at nakatingin din sa mga lalaki na unang bumili sa amin.
"Octavius Reggie, kailan kayo magbi-break ni Lianne?" Narinig kong tanong ng isang lalaki na kausap ang isang lalaki na naka-semi kalbo ang buhok.
Aakalain mong isa siyang criminology nang dahil sa gupit ng kaniyang buhok.
"Damn you, bro! Breaking up with her isn't in my vocabulary. Back off," pikon naman nitong sabi sa kasama nila at napaatras kami ni Haisely nang matapos na silang bumili.
"Talaga lang, huh? Baka pagkatapos ng Masteral natin ay mag-break kayong dalawa?" malokong tanong ng isa pa nitong kasama. Tatlo kasi silang magkakasama.
"Gago! Mabubuntis muna siya bago niya ako mahiwalayan," sambit naman ng lalaking tinutukso ng dalawa. "Tsk! Tumabi na kayo at may bibili na," tugon nito sa dalawa niyang kaibigan kaya naman sinunod iyon ng dalawa.
Nang kami na ay kumuha lang ako ng tig-sampung kikiam at tig-limang piso ng palamig. Ang sarap ng lasa ng palamig nila kaya nakaulit pa ako. We didn't pay first what we ate, instead we paid it after we finished our food.
But when I was about to pay for what I ate, tinabig ni Ralph ang kamay ko. "What?!" inis kong sabi sa kaniya dahil ako ang unang magbabayad!
"My treat," tipid niyang sabi pero umiling ako.
"You're always paying for our food, Ralph. We are not your responsibility, okay?" asik ko sa kaniya pero mapilit siya.
"Ayos na 'yan, Sav. Ayaw mo no'n? Nabusog ka nang hindi gumagastos," natatawang sambit ni Ken pero umiling ako.
"My treat, Sav. Huwag ka nang makulit," sambit nito at akmang magbabayad na ako pero may nauna na namang lalaki.
"Bayad ko po, Manong." sambit ng lalaking tinutukso kanina ng dalawa.
He even looked at us, but I looked at Ralph and raised a brow at him. "Ako na ang magbabayad ng kinain ko," tugon ko sa kaniya ngunit nagulat na lang ako nang magsalita ang lalaki kanina.
"Don't argue on the little things, kids. Ako na lang magbabayad ng kinain n'yo."