Sexy Tales Chapter 10

“WHAT are you wearing?”

Jace was frustratedly horny. Nasira ang plano niya. Pinaalis niya ang mga kasambahay para sila lang dalawa ni Belle sa isla. Dahil roon, magagawa niya ang gusto niyang gawin rito, anywhere, anytime.

May pustahan sila ni Belle. Kaya kahit nakokonsensya rin naman siya sa “pang-aabuso” kung titignan ng iba na ginagawa niya, ay nawawala rin naman iyon. Bagaman dumadating ang punto na natatakot siya dahil pakiramdam niya ay sisirain niya ito, malaking bahagi pa rin niya ang mahirap pigilan. The lust he had for her was incredibly powerful. Kinain niya ang pride niya para roon. Talagang nagpagaling pa siya sa Maynila, na siyang iniiwasan niya.

Pero binago ng nadiskubre ni Jace ang nararamdaman niya kay Belle. Hindi niya matanggap na ang babaeng ilang beses niyang pinigilan ang sarili ay hindi isang babae na inakala niya. Hindi pala ito inosente. Pakiramdam tuloy niya ay wala itong pinagkaiba kay Britney at Maricar. Nagkamali na naman siya ng judgment.

May kasalanan si Jace doon. He assumed that she was innocent. Nag-base siya sa looks. Naiinis siya sa sarili. Iniwasan niya si Belle dahil hindi niya matanggap ang lahat. Pero ang pinaka-nakakainis sa lahat ay natitira pa rin ang pagnanasa niya sa babae. It was just his pride that made him stay away from her. At para makalimutan ito at pagbigyan ang kanyang pagnanasa, he turn to his own phone sex operator.

Na siyang nakadagdag rin ng frustration niya. Beauty is not functioning well.

“D-dress. I-I am wearing a dress…” matagal-tagal rin na sumagot si Beauty. Kagaya ng mga nakaraang tawag niya rito ay may pag-aalinlangan at niyerbos rin ito.

Hindi ito ang Beauty na kilala niya. Hindi ito ang Beauty na gusto niya. Sa pag-aalinlangan at niyerbos nito ay may isa itong ipinapaalala sa kanya. Belle…

Nagtagis ang bagang ni Jace. Bagaman nag-iinit siya sa isipin na parang si Belle ang kausap niya sa kabilang linya ay naasar rin siya. Oo, nagugustuhan niya ang service ni Beauty. Pero hindi ibig sabihin noon ay gusto niyang makita ito. Hindi na niya gusto ngayon ang mga babaeng pakawala, ang madaling bumigay. He had learn his lessons well. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ikinatuwa ang nadiskubre kay Belle.

Impokrito na siguro si Jace. Nagagalit siya kay Belle dahil nalaman niyang kagaya ito ni Beauty samantalang halos ganoon rin naman siya. Well, mas malala pa nga siguro. He had fuck a lot of girls and play with them. He also interact with Belle’s kind. Pero na-disappoint rin kasi siya. Umasa siya na iba si Belle. Ginusto rin niya na seryosohin na sana ito.

Pero hindi pala si Belle ang babaeng inakala niya. Sa nalaman niyang isa pa pala nitong trabaho ay puwede na niya itong ihalintulad sa kagaya ni Britney at Maricar. They talk and act like sluts. At hindi na niya gusto pang makasalamuha pa ng mga babaeng kagaya nito. Ayaw na niyang mapalapit pa.

Ganoon pa man, ipinagpatuloy ni Jace ang tawag. Hawak-hawak ang cell phone, nagpunta na lang siya sa balcony ng kuwarto niya. Umaasa siya na mawawala ang frustration niya. Mag-aalas singko na ng hapon kaya mas maganda ang view roon. Malapit ng lumubog ang araw. It was a breath-taking moment in the island. Isa sa pinakamagandang lugar sa isla para pagmasdan ang sunset ay sa balcony niya.

Pero mali na kilos iyon. Mas lalong na-frustrate si Jace nang bukod sa magandang tanawin ay may isa pa siyang maganda na nakita: si Belle. Nasa harap ito ng beach. Nakatalikod ito at kagaya niya ay may kausap rin sa cell phone. Pero ang pinaka-napansin niya talaga rito ay ang kasuotan nito: naka-bestida ito.

Nanuyo ang lalamunan ni Jace. Kapareho ni Beauty. Shit, shit, shit!

“And you, Beast? W-what are you wearing?” pagpapatuloy ni Beauty sa pagsasalita.

Natukso si Jace. Lalo siyang pinag-init sa kaalaman na halos nasa parehong sitwasyon ang babaeng pinagnanasaan niya at ang pinagbubuntunan ng frustration. His hands went to his fly while looking at Belle. Naramdaman kaagad niya ang paninigas ng pagkalalaki niya while looking at that sexy back.

“`Wag nating pag-usapan ang suot ko. Let’s just focus on you. I want us to have a game now.”

“S-sige.” Bumuntong-hininga sa kabilang linya si Beauty. “Anong laro?”

May isang bahagi ni Jace ang gustong magtanong kung bakit ganoon si Beauty. Mukhang wala ito sa mood. Mukhang napipilitan lang rin ito. Ganoon pa man, ipinagsawalang-bahala niya iyon. He was not in the mood to have mercy right now, lalo na at wala rin na awa ang karamihan sa parte ng katawan niya. Hindi tumitigil sa pag-iinit ang kanyang dugo. Napaka-active naman ng kanyang pagkalalaki. Kailangan niya ng release.

“I’m the boss and you are my slave…”

Hindi tumugon si Beauty sa kabilang linya.

“Pumayag ka na maging alipin ko dahil natalo ka sa pustahan natin.”

“Ha? What? No!” tila gulat na gulat si Beauty sa kabilang linya.

Tumawa si Jace. “Hey, nakalimutan mo na ba? You are the slave here. Hindi ka puwedeng mag-“no” sa mga gusto kong ipaggawa sa `yo.”

“N-no, we can’t do this.”

“Yes. We have to do this. Gusto ko itong gawin,” giit pa rin ni Jace.

“Beast, sa totoo lang ay masama ang pakiramdam ko.”

“Masama rin ang pakiramdam ko. I want you now, Beauty. I need you now. Binabayaran kita kaya kailangan mo na gawin ito.” Naasar na wika ni Jace. Nahahawa ang ulo niya sa pag-iinit ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay sasabog na rin siya sa pagnanasa kaya ang pagtanggi na ito ni Beauty ay hindi nakabuti. Parang sasabog rin siya sa inis.

Sa halip na salita, hikbi ang narinig ni Jace sa kabilang linya. Doon siya natigilan. Lumambot ang lahat sa kanya.

“Beauty…”

“I can’t do this anymore, Beast.” Umiiyak na wika nito.

“Anong ibig mong sabihin?”

“I-I’m not enjoying it anymore..”

“Medyo matagal na nating ginagawa ito. Hindi mo pa rin ba gusto ang ginagawa mo, Beauty? Hindi ka pa ba nasasanay? I thought you enjoyed it…”

Hindi siya sinagot ng ayos ni Beauty ang tanong ni Jace. “I’m really sorry, Beast. Maghanap ka na lang ng panibago. Sigurado naman na may makukuha ka na mas magaling pa sa akin. I-I just want to quit.”

“Beauty…”

“Please?”

Gulong-gulo si Jace. Ito ba ang parusa niya sa panghuhusga kay Belle sa nadiskubre niya rito?

Iiwan na siya ng phone sex operator niya. Maghanap na lang daw siya ng iba. Pero paano na? Komportable siya kay Beauty. Hindi niya gustong mapalitan ito bilang phone sex operator niya. Wala siyang maisip---

Natigilan si Jace sa pag-iisip. Kung aayaw na si Beauty bilang phone sex operator niya ay mayroon pa naman siyang kilala na isa pa `di ba? Isang bagong kakilala…pero pakiramdam niya ay matagal na niyang pinagnanasaan.

Oh, Belle…

Sa isipin na si Belle ang uupahan ni Jace bilang pamalit kay Beauty ay naninigas na siya. Pero paano niya mako-contact ang babae? At gugustuhin ba talaga niya? He has his principle…

Damn it!

Nang mapakalma ni Jace ang nagugulong sarili ay saka lang siya nagsalita.

“All right. I accept. But can you do me a favour, Beauty?”

“Ano iyon?”

“Please take care of yourself. Ayaw ko ng babaeng umiiyak. Pagkatapos ng tawag na ito, puwede bang magpahinga ka muna?”

“Sige.”

“Well then, its good bye now, Beauty.”

“Bye, Beast…”

Nakaramdam nang lungkot si Jace sa pagpapaalam. Ganoon pa man, ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Hindi dapat malalim ang nararamdaman niya kay Beauty. Sa telepono lang naman ang relasyon nila.

Ibinaba ni Jace ang cell phone at muling tumingin kay Belle. Saktong ibinaba rin nito ang cell phone na nakita niyang hawak rin nito kanina. Napakunot ang noo niya. Talaga bang dapat ay magkasabay na ibinaba nila ang cell phone? Coincidence lang ba na sabay na natapos ang tawag nilang dalawa?

At coincidence lang ba na mukhang gagawin ni Belle ang utos niya kay Beauty?

Nanatiling pinanood ni Jace si Belle. Humarap ito papunta sa Villa. Pabalik na ito. Iisa lang ang nakikita niyang dahilan: magpapahinga ito.

Naging napakalakas ng tibok ng puso ni Jace. Minsan na naisip na naman niya ang posibilidad `di ba? Magkaboses ang mga ito `di ba? Kaya nga siya naiirita kay Belle noong una. At ngayon ay nakakita siya ng pagkakapareho. Ang damit nito. Ang ikinilos nito. At ang malungkot na mukha nito na mukhang kakagaling lang sa pag-iyak kagaya ni Beauty…

There’s one way to find out…

Muli ay kinuha ni Jace ang cell phone. Tinawagan muli niya si Beauty. Itinaas muli ni Belle ang cell phone. May sinagot itong tawag…na malamang ay ang tawag niya.

“Beast?”

Malayo man ay malinaw ang mata ni Jace. Kita niya ang mukha ni Belle. Kaya niyang mabasa ang buka ng bibig nito. Magaling siya roon. Hindi siya puwedeng magkamali.

“Beast? Are you there?” sa pagbuka ng bibig ni Belle ay naririnig niya sa iyon sa cell phone.

Ang pagbagsak ng cell phone ni Jace ang naging sagot niya sa tanong na iyon ni Beauty o ngayon ay nakumpirma na niyang si Belle.

Belle, you are so full of fucking surprises.

SEVEN pm, Formal Dining Room

Sandaling natulala si Belle nang may mag-iwan ng note sa labas ng kuwarto niya. Dahil alam niyang hindi pa rin bumabalik ang mga kasambahay, sigurado siyang galing sa nag-iisang lalaking kasama niya ang sulat.

Jace…

Luminga-linga si Belle sa paligid. Umasa siya na naroon lang si Jace. Pero kagaya kahapon, wala pa rin na mukha ni Jace siyang nakita. Napabuntong-hininga siya. Pumasok na lang siya sa kuwarto at sinimulan na ang araw niya.

Kumain muna si Belle. Alas Diyes pa naman ang simula nang theraphy session nila ni Jace. Hindi dahil sila na lang ni Jace ang nasa isla at nakakatayo na rin ito ay dahilan na iyon para hindi siya magtrabaho. Hindi pa ganoon kalakas ang paa nito kaya hindi pa talaga masasabing naka-recover na. Hindi man sila magkasundo ni Jace, hindi rin ibig sabihin noon ay hindi na niya gagawin ang trabaho.

Pero dumating ang alas diyes ay hindi pa rin nakita ni Belle si Jace. Hinanap na niya ito sa buong bahay. Kahit sa labas ay naghanap rin siya. Ang tanging hindi lang niya napuntahan ay ang formal dining room. Naka-lock kasi iyon.Nagkulong siguro roon si Jace.

Naisip ni Belle ang nakuha niyang note. Mukhang sa mga nangyari, may pinaghahandaan talaga ang loko.

Napabuntong-hininga na lang si Belle. Kung ayaw magpakita ni Jace sa kanya sa ngayon, hindi na lang niya pipilitin. Paniguradong mamaya naman ay magpapakita na ito. Mamaya na lang niya ito kakausapin. Nag-aalala man siya dahil hindi pa ganoon kalakas si Jace para kumilos at maka-survive ng walang tumutulong, gusto niyang maniwala na okay pa rin naman ito. Malakas si Jace, ayaw lang nitong i-recognize iyon dahil naawa ito sa sarili nito.

Nagpahinga na lang si Belle pagkatapos niyang makakain ng tanghalian. Natulog siya. Nang maggising ay lagpas alas singko na ng hapon. Naisip niyang maghanap ng damit na isusuot niya para sa dinner na gusto ni Jace ngayong gabi.

Walang masyadong fancy na damit na dala si Belle sa isla. In fact, iisa lang ang magandang dress na dala niya na puwede sa isang formal na okasyon. It was color yellow. Sinubukan muna niyang ilapat iyon sa kanyang sarili bago mag-ayos.

Ilang beses na napakurap si Belle nang makita ang reflection niya sa salamin. She felt a bit nostalgic. Hindi niya maiwasan na maisip na may hawig siya sa suot na gown ni Belle sa fairy tale na pelikulang Beauty and the Beast.

Pero sa halip na masiyahan dahil naging kamukha niya ang gustong character, lungkot ang pumasok sa loob niya. Her relationship with Beast always reminds her of the fairy tale. Kahit malinaw sa kanya na trabaho lang si Beast ay naging malapit na rin ang loob niya sa hindi nakikitang lalaki. Masakit rin para sa kanya na putulin ang connection rito.

Wala na si Beast. She lost him. Kasalanan niya iyon. Pero sa tingin niya, iyon lang naman ang nararapat. Hindi na niya kaya. Nahihirapan na siya. Alam naman niya na mali iyon sa simula pa lang. She was suffering the consequences now. Nanlamig sa kanya si Jace nang malaman ang sikreto niya. Hindi nito tanggap ang kanyang pagkatao.

Pero hindi na masyadong inisip rin ni Belle si Beast. After all, na-lift up na rin ang consequences `di ba? Ginusto ni Jace na makipag-dinner sa kanya kaya siguro naman ay okay na sila.

Inisip na lang ni Belle ang kasalukuyang sitwasyon at si Jace. Sa huli, inayos rin ni Belle ang sarili. Nagdesisyon siyang isuot ang damit na sinusubukang isukat. She felt like she would look good on it.

Matagal-tagal rin na inayos ni Belle ang sarili. Hindi kasi siya mapakali. Palagi niyang iniisip ang magiging reaksyon ni Jace sa itsura niya. Saktong alas siyete ng gabi nang makarating siya sa dining room.

Tama nga ng hinala si Belle. Mukhang pinaghandaan ni Jace ang gabi. Buhay na buhay ang dining room. Napakaliwanag roon. She also felt nostalgious. Parang nasa fairy tale na nga siya. Pinaalala sa kanya nang maliwanag na dining room ang nasa fairy tale movie.

Pero sandali lang na nagkaroon ng pagkakataon para mamangha si Belle sa lugar. The next thing she admired was Jace. Napakaguwapo nito sa suot na blue long sleeves shirt at slacks. Nakaupo ito sa dulong bahagi ng mahabang table sa dining room.

“Good evening,” bati nito nang magtagpo ang mga mata nila. Malayo ito pero ramdam na ramdam niya ang presensiya nito. Tumatagos ang init na nakikita niya sa mga mata nito sa buong katawan niya.

Natensyon si Belle. Malamig naman ang panahon pero parang nagkaroon ng apoy ang buong katawan niya sa titig ni Jace. Ano pa kaya kung lumapit siya rito? Ang hawakan siya nito? Yakapin, halikan at…

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. Sa loob ng maraming araw ay masyadong pinalawak na ni Jace ang imahinasyon niya. Pero hindi naman iyon masama. She love everything about him. If he wants, she felt like she would willingly surrender to him. Matindi na nga yata ang nararamdaman niya sa lalaki. But then, she felt like he awakened the beast on her tamed body. Hindi niya makontrol ang katawan niya kapag si Jace ang involved.

Pero ang tanong: ito na ba ang tamang panahon? Palagi na lang may aberya na ng nangyayari. Pero hindi rin naman ganoon kasama iyon. Habang mas pinapatagal nila ang lahat ay lalo siyang na-e-excite at naku-curious.

Lumunok si Belle. “Good evening…”

“Sit down,”

“Here?” itinuro at tinignan ni Belle ang upuan sa harap niya.

Ngumisi si Jace. “As much as I want you to sit on top of me, I’m also starving for food. At minsan ay gusto ko rin na gumawa ng tama. Kailangan natin ng pagkain kaya umupo ka na diyan…”

Napangiwi si Belle. So iyon lang ang lahat ng iyon? Kakain lang sila sa formal dining room? Nakaka-disappoint ang isipin.

Pero ano pa bang bago? Isa pa, tama ba na mag-isip siya ng something special sa kanilang dalawa samantalang magkagalit nga sila? Masyado na yata talaga siyang malungkot kaya ganoon na lang siyang nag-iilusyon.

“For now…” dugtong naman ni Jacenang makaupo siya. Nakakaloko ang ngiting ibinigay nito sa kanya na nakapagpanigas sa kanya, lalo na sa mga maseselang bahagi ng katawan niya. Even without his touch, her skin heated.

Masasaktan lang si Belle kung paiiralin niyang pairalin ang malandi niyang pag-iisip. Pero hindi rin naman niya maiwasan. Nasa formal dining room sila. Yeah, may iba man na tawag at mukhang seryoso iyon. Pero kainan pa rin iyon. At sa pag-iisip kay Jace: iisa lang naman ang naiisip niya---pagkain.

Gusto niyang kainin si Jace.

Hindi ako ito, kastigo ng mabait na bahagi ni Belle. Pero hindi na niya makontrol ang pagkakaroon ng sexual thoughts kapag involved si Jace. “You mean...?”

Tumikhim si Jace. Nawala na ang nakakalokong reaksyon ng mukha nito. “Just focus on your food first…”

Sinunod na lang ni Belle ang utos ni Jace. Pero nang makita ang pagkain na inihanda nito, napakahirap rin naman na sundin ng katinuan ng kanyang isip.

“I’m sorry. But that’s just the best that I can do…” Hindi pa man nagrereklamo, nagkakamot ang ulong sumagot na kaagad si Jace.

Walang kaso kay Belle kung mas tamang pang-almusal ang niluto ni Jace: hotdog at itlog. Hindi naman kasi siya maselan sa pagkain. Bukod pa roon, nasa maselan pa rin na lagay si Jace. Nakakatayo na nga ito pero hindi pa ito ganoon kalakas. Sa lagay nito, kaya na naman nitong magluto pero hindi nito puwedeng puwersahin ang sarili na gumalaw palagi kaya naiintindihan niyang simpleng pagkain lang ang naggawa nito. Ang kinababahala lang niya ay ang pag-arangkada na naman ng madumi niyang isipin.

Masyadong malaki ang hotdog na niluto ni Jace. Mahaba rin iyon. At bakit sa lahat naman, ang dadalawahin pa nito ay ang itlog? Naka-puwesto rin ang hotdog sa pagitan noon.

“N-niloloko mo ako…”

Something aroused in Belle looking at the food Jace prepared. The aching heat is covering all over her just imagining if the hotdog is the same length as Jace’s. At teka, ganoon rin ba kataba iyon?

Pero higit sa lahat: magkakaroon na ba talaga siya ng pagkakataon para kainin iyon?

Na-e-excite si Belle. Pero mas nanaig ang hiya niya sa sarili kaya nanatiling nakayuko siya sa pagkain. Hindi siya makatingala kay Jace dahil nakakahiya ang pagkapula ng mukha niya. Pero mas lalo naman ang isip niya!

Umungol si Jace na lalo lang nakadagdag ng tensyon sa katawan ni Belle. Tumingin na siya rito at nakitang nakapikit ito. Mukhang may dinaramdam ang lalaki. Nakagat naman niya ang ibabang labi dahil sa halip na mag-alala rito ay naitan pa siya sa reaksyon ng lalaki. Bumagal ang paghinga niya. Her chest hitched.

Ganoon pa man, ginawa ni Belle ang tama. Tumayo siya at pinuntahan si Jace.

“No. Stay on your seat----“

Hindi pa rin napigilan si Belle sa pag-awat ni Jace. Nilapitan niya pa rin ito para lang pagsisihan ang ginawa…

Or not…

Napasinghap si Belle sa nakita. Pero parang wala rin siyang napala sa ginawa. Parang nawalan ng hangin sa paligid ni Belle nang makita ang “dinadamdam” ni Jace.

There was really something aching with Jace. Hindi nga lang akalain ni Belle na magiging ganoon ka-bold ang lahat.

Jace cock is throbbing and fully-erected! Iyon ang totoong sumasakit sa lalaki. Kahit naka-slacks pa ito ay kitang-kita pa rin ang umbok roon.

“Don’t say I didn’t warn you…” Napaungol pa si Jace at sa tingin ni Belle ay parang mas tumaas pa ang buhay na buhay na pagkalalaki nito. And what’s bad with the situation? It was her…because she can’t take her eyes off it.

Help me God…

Pero kahit yata tawagin ni Belle ang lahat ng Santo na kilala ay walang tutulong sa kanya. Malaswa ang pag-iisip niya kaya bakit naman siya tutulungan ng mga banal? Sa sitwasyong ito, tanging sarili lang niya ang makakatulong sa kanya. But she couldn’t even help herself this time.

Umungol si Jace nang makita ang reaksyon niya. And this time, mas lalong nawalan ng kontrol si Belle sa kanyang katawan. Bumigat ang dibdib niya at parang nag-umpisa na ring lumabas ang mainit na likido mula sa kanyang pagkababae. Kahit ang mukha niya ay bumigay na rin. Nagaya na rin siya kay Jace: napapikit at napaungol.

Nang magmulat si Belle, nakita niyang tumutulo na ang pawis sa mukha ni Jace.

“You are torturing me with that look…”

“You are torturing me more with your ways…”

Matamang tinitigan ni Jace si Belle. Their gaze locked to each other and she could swear that she was close to dying because of this intense heat. Hindi pa man siya nahahawakan nito ay naalerto ang bawat nerve ng katawan niya.

“Do you really want this, ma belle?” He even speak in a fucking sexy French accent. Hindi niya alam kung paanong nakaya ni Jace ang ganoong accent. But who cares kung paano nalaman iyon ni Jace? All she can and wanted to think about is Jace and his body. At kung ano ang ginagawa ng katawan nito sa katawan niya.

“Yes…”

Belle’s response was just a hiss. Pero talagang pinatunayan sa kanya ni Jace na nasa maayos na kondisyon na ang katawan nito.

“All right. Then be my guest…” paungol ulit na sabi ni Jace while unzipping his slacks and removing his briefs. When he succededly did, Belle felt like melting.

Nakabuo na ng best description si Belle para kay Jace. Jace is a fever. He was taking her to the highest temperature that heats on all the fine layer of her skin…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.