Dear S_K_A_R
I’m twenty-one years old, fourth year college na ‘ko. May nakilala akong guy last sem at eventually nagkaroon kami ng mutual understanding. Exchange student s’ya from Hawaii. He’s cute and sweet. Hindi s’ya mahirap magustuhan. Thoughtful pa s’ya. I don’t know what went to me pero I move in a boarding house with him. Alam kong magagalit ang parents ko if they find out. But I said, bahala na.
It went well naman. Pero nag-away kami. Medyo seryoso. Dalawang araw s’yang hindi umuwi. I waited for him. Gusto ko kasi magkabati na kami. I miss him so much. Pero hindi kami nagkita nang umuwi s’ya at tinext na lang n’ya ako na kailangan n’yang bumalik ng Hawaii dahil sa family emergency. Nalungkot ako.
Weeks had past. Wala pa rin s’ya. And during the time he was away, may nakilala akong guy. Pinsan s’ya ng barkada ko. He told me he liked me. We started spending time together. At tulad ng ‘hanging’ kong relasyon, naging mabilis ang lahat. Ang dami naming napagkekwentuhan. Mas nag-click kami. Madaling gumaan ang loob ko sa kanya. Kaya naging kami rin.
Bumalik ang boyfriend ko from Hawaii. Nag-usap kami at nag-ayos na rin kami. Just like that we are a couple again. Hindi ko masabi ang tungkol sa nangyari noong time na wala s’ya dahil ayokong mag-away na naman kami. At ngayon, ginugulo ako ng naging kasalanan ko sa kanya. Sinubukan ko namang iwasan s’ya pero ayaw n’ya akong tigilan. Sabi n’ya, mahal n’ya ako. Sinabi ko ang tungkol sa relasyon ko pero ayaw pa rin n’yang tumigil. He was so persistent.
Now, I’m still with my boyfriend from Hawaii. Hindi ko magawang makipag-break sa kanya kasi ang bait-bait n’ya. Hindi man kami magkasundo sa maraming bagay pero palagi din naman n’ya akong pinagbibigyan. He is fine being a boyfriend. Pero naiisip ko pa rin si other guy. Namimiss ko s’ya at kung paano kami mag-usap at maraming bagay.
It is so weird. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung mas gusto ko ba ang other guy, bakit hindi ko magawang iwan ang current boyfriend ko. Please help…
So lost,
HaveIbeenfool
Napabuntong-hininga si Margaux at napasandal sa upuan matapos basahin ang sulat. Napa-angat ang kilay niya saka napaisip. Nai-imagine na niya ang laki ng eyes bugs ng sumulat niyon. Napailing siya. Sabay angat ng likod at nagsimulang tumipa.
Dear HaveIbeenfool,
Sa tingin ko ay hindi ka naman confused. Pareho mo naman silang ginusto. Pero kasama ang responsibilidad sa pakikipagrelasyon. At iyon ang sa tingin kong nakalimutan mo. In fact, pareho mo silang niloloko at pinapaasa. Apektado na ang mga buhay-buhay n’yo. Tsk, tsk, tsk. So weak of your heart. Hindi lahat ng laro ay masaya. May mga larong nakakatakot. Katulad na lang ng sa’yo. And you are deceived yourself. Dahil akala mo ay seryoso ka sa relasyon mo sa From Hawaii boyfriend mo. But you’re not, honey. Hind ka pa handa sa isang seryosong relasyon na may commitment. That leads to your decision of living with your boyfriend. Pinag-isipan mo muna sanang mabuti bago ka nag-decide na sumama sa kanya. What you need to do, I think, is to be honest to yourself. Alamin mo muna ang gusto ng sarili mo bago mo isipin kung sinong gusto mo sa kanila. Next, be honest to both of them. Pareho nilang deserve ‘yan. And take the consequences of your actions. At ihanda mo rin ang sarili mo sa possibility na pareho silang mawala sa’yo. It’s a good thing na rin. Commit to yourself first before to others.
XoXo,
She_Knows_And_Right
Nakarinig ng matinis na tunog si Margaux. Napaangat ang ulo niya sabay tingin sa katabi. Relo pala iyon ng katabi niya. Nag-alarm. Napatingin naman siya sa wristwatch niya. Saka nag-log out at isinara ang lahat ng tab sa computer. Nagbuga ng hangin saka tumayo habang isinasara ang spiral notebook niya. Isinukbit niya ang bag niya sa balikat niya at lumapit sa librarian upang patatakan ang hiniram niyang libro. Saka siya lumabas ng school library.
May isa pang klase si Margaux. At sa kabilang building pa iyon. Malayu-layo din ang kailangan niyang lakarin. Maaari siyang sumakay ng jeep na umiiikot sa unibersidad ngunit pinili niyang maglakad. Tatlumpung minuto pa naman ang free time niya bago ang sunod na klase.
Shifter sa kursong Multimedia Arts si Margaux. Dati siyang kumukuha ng kursong BS Education. Ngunit napahinto siya ng pag-aaral ng isang semester. Kaya siya naging irregular student. At may ilang minor subject pa siyang kailangang kuhanin dahil sa course prerequisites.
Nagpasya muna si Margaux na dumaan ng restroom bago makarating sa building ng Arts and Sciences. May ilang estudyateng nakatambay sa may labasan dahil may ilang bleachers doon.
Kaagad niyang napansin ang isang babaing estudyante na may ibinulong sa katabi nito. Kasunod naman niyon ay tumingin sa kanya ang binulungang estudyante. Saka umismid. Nagbuntong-hininga siya. Hindi na bago sa kanyang ang ganoong attitude. Sanay na siyang pagbulungan ng halos kalahati ng pupulasyon ng unibersidad.
She was popular. Hindi dahil siya ang university sweetheart o siya ang pinakasikat na cheerleader. Hindi rin siya ang pinakamaganda sa unibersidad. Hindi rin siya mayaman. May maliit lamang na talyer ang tatay Rod niya at isa namang factory worker ang kanyang ina. May dalawa siyang kapatid. Sina Aina at Justin. Parehong nasa highschool ang mga ito.
“Margaux.” Napalingon siya nang marinig ang pagtawag na iyon. Nakita niya si Wendel na naging kaklase niya sa isa minor subjects niya. Nasa gilid si Wendel ng restroom kasama ng dalawang estudyanteng lalaki. Hindi niya kilala ang mga kasama ni Wendel.
Lumapit siya sa mga ito.
“Anong balita?” Bungad niyang bati kay Wendel. Tiningnan naman niya ang mga kasama nito.
“Lights naman d’yan.” Sabi ni Wendel sabay labas ng sigarilyo. Napailing siya. Saka may kinuha sa kanyang bag. Lighter iyon.
“Mahuli kayo n’yan.” Aniya habang nakaumang sa may bibig ni Wendel ang kamay niyang may hawak ng lighter.
Hinithit muna ni Wendel ang nagsinding sigarilyo. “Hindi ‘yan. Wala namang guard dito. At saka CR naman ‘to eh. Si Jugs at saka si Lloyd nga pala.”
Iniabot ni Wendel ang may sinding sigarilyo sa kasama nito na nagsindi rin. Ibinalik naman niya ang lighter sa bag niya.
“Anong klase mo?” tanong ni Wendel sa kanya.
“English.” Sagot niya.
“Ganda ng buhok natin ah. Di’ba no’ng nakaraan lang blonde ka?” sabi nito habang nakangisi.
Hinawakan niya ang kanyang kulay chestnut na pixie hair. Noong isang linggo lang niya pinaputulan ang kanyang buhok. Wala naman siyang balak na pakulayan iyon. Kinulit lang siya ng stylist ng salon dahil mas bagay daw sa kanya ang may kulay.
“Maiba lang.” Sagot niya.
“Pag-uusapan ka na naman n’yan.” Sabi ni Wendel. Kumibot lang ang labi niya.
Negatibong reputasyon ang naalagaan ni Margaux sa eskwelahan. Sikat siya hindi dahil maganda ang tingin sa kanya ng karamihan. Daig pa niya ang kontrobesyal na starlet dahil sa kung anu-anong isyu ang nakakabit sa kanya. Kung sinu-sino ring kapwa estudyante ang nababalitang naging karelasyon niya.
Nagsimula lang naman ang lahat nang mapatigil siya ng pag-aaral dahil sa personal na dahilan. Hindi na niya nagawang mag-enroll dahil kailangan niyang magpagaling. Isang linggo siya sa ospital pagkatapos ay hindi naman siya pinaghintulutan ng doktor na bumalik sa eskwelahan dahil kailangan nga niyang pahinga.
“Lagi naman eh.” Sagot. “Alis na ‘ko. May klase pa ‘ko.”
Tumango lang si Wendel bilang tugon at ganoon din ang mga kasama nito. Tumalikod na siya at itinuloy ang pagpasok sa restroom.
Sandali lang naman siya sa loob at sa paglabas niya at naroon pa rin ang mga estudyante at tulad ng madalas mangyari ay nakatingin na naman ang mga ito sa kanya. Tinapunan lang niya ng sulyap ang mga ito at itinuloy na niya ang paglalakad palayo. Ayaw na niyang patulan ang mga tulad ng estudyanteng iyon. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon.
Mabilis niyang narating ang Arts and Sciences building. Inakyat niya kaagad ang hagdan patungo sa third floor. Alam niyang mahaba pa ang oras bago ang klase. Ngunit bakante naman ang classroom bago ang klase nila kaya maaari siyang pumasok habang hinihintay ang professor. Sigurado naman siyang magdadatingan na rin ang mga kaklase niya.
Mabilis ang pag-akyat niya at marami siyang nakakasalubong na estudyante. Nang makaakyat sa third floor ay bigla na lang may bumangga sa kanya.
“Aray!” Daing niya nang tumama sa balikat niya ang bag na nakasalubong niyang pababa pala ng hagdan. Palibhasa’y katutungtong pa lang niya sa dulong baitang kaya napahakbang siya pababa muli.
Napasigaw siya nang magsala ang hakbang niya dahilan upang mapasadsad siya sa hamba ng hagdan. Tumama ang tigiliran niya. Mabuti na lang at napakapit siya kaagad.
“Sorry.” Anang bumangga sa kanya.
“Ingat naman, pwede?” sita niya nang makabawi at tiningnan ang nakabangga.
“Sorry na nga di’ba?” Iritado ang tinig lalaking sumagi sa kanya. Akma niyang sisikmatin ito nang nakitang niyang hawakan ang lalaki ng kasama nito.
“Let’s go, Ivan. Baka hindi natin maabutan si Ma’am Alegre.” Narinig niyang sabi ng isa pang lalaki.
Sandali siyang sinulyapan ng lalaki kaya nagtama ang kanilang paningin. At tulad ng madalas niyang natatanggap, isang mapangkutyang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Subalit isang hindi apektadong tingin ang itinugon niya sa lalaki. A stare that went on blank. Alam na niya ang ganoong tingin. Alam niyang inisip ng lalaki na sinadya niyang banggain ang kasama nito. Bakit? Dahil tulad ng iniisip ng marami, masama siyang uri ng babae? That sucks. But it was the truth about her reputation.
Hindi man niya iyon inalaagan, kusa namang tumubo sa mapanghusgang isip ng mga nag-aaral sa unibersidad na iyon. But the hell Margaux cares. Kung kinakailangan niyang tiisin ang kanyang reputasyon ay gagawin niya. Mairaos lamang ang pag-aaral bilang pagtupad sa usapan nila ng kanyang ama.
Hindi na pinatagal ni Margaux ang titigan nila at siya na ang umiwas. Tinalikuran niya ang mga ito at kahit masakit ang tagiliran ay itinuloy na lang niya ang paglalakad. Ayaw na niyang sayangin ang oras niya sa walang kwentang bagay. She only hope a better atmosphere ahead.
“Kasalanan mo rin naman, Mr. Vilandre, kung bakit ganyan ang grade mo. I seldom see you in my class. Oo nga’t pasado ang lahat ng exams mo. Pero iyon din lang ang mga araw na nakita kitang umatend sa klase ko. Are you insulting me, Mr. Vilandre?” pasitang sabi ni Dra. Alegre, guro ni Lyle Jaiden Vilandre sa Psychology One.
Kasalukuyang silang nasa faculty office ng College of Arts and Sciences upang kausapin ang nasabing guro. Nakakuha kasi siya ng grading na incomplete sa naturang subject. Minor subject lamang iyong kung tutuusin dahil Bachelor of Science in Industrial Engineering ang kurso niya. Dapat ay graduating na siya sa nasabing kurso. Kaso nga lamang ay naiwan niya ang ilang subject kaya kailangan niyang ayusin iyon. Natagalan ang pag-asikaso niya dahil naging conflict ang schedule niya. Bukod kasi sa pag-aaral ay isa rin siyang print ad model.
“No, Ma’am. Willing po akong gawin ang kailangan ko para maayos ang grades ko.” Sagot ni Jaiden.
Hindi dapat makarating sa kanyang kuya Geoff ang nangyari sa grades niya. Isang malaking parusa ang naghihintay sa kanya. He could lose his car. Baka ma-cancel pa ang credit card niya kung sakali.
“Alright. I want you to make a case study.” Sabi ng Dra. Alegre.
“Case study?” Gulat niyang sabi. “Ma’am, isang sem po ang timeline ng case study. Pwede po bang iba na lang?”
“You have to face the consequences, Mr. Vilandre. Hindi ko na problema kung paano mo gagawin ang project mo. At wala kang karapatang mamili. I’m the teacher here. Now. Gumawa ka ng isang case study o tutuluyan ko ng singko ang grade mo?”
“Gagawa na po.” Napapabuga ng hangin niyang sagot sabay sulyap kay Ivan na tahimik lang nakatayo malapit sa kanila.
“Good. I want you to make a study about gossip.”
“Gossip?” Hindi na naman makapaniwalang bulas niya.
“Yes.” Naka-angat ang kilay na tugon ni Dra. Algre. “Gossip. Tsismis. Issues. Controversies.”
Hindi niya napigilang mapatawa. “Eh di’ba, ma’am, mga celebrities ‘yong gano’n.”
Umiling ang guro. “Bakit? Hindi ba’t model ka? Celebrity ka na rin kung tutuusin. Anyway, idea lang naman ang sinabi ko. Ikaw na lang ang bahala kung anong topic ang idi-discuss mo sa study mo. As long as it has something to do with behavior and emotions.”
Napabuntong-hininga na lang si Jaiden. Mukhang mahihirapan siya sa ipinapagawa ni Ms. Alegre. Napakamot tuloy siya sa ulo.
“Fine.” Ani Dra. Alegre na tila nakita ang pamomoroblema niya. “Ganito na lang. May ipapagawa na lang ako sa’yo.”
Nakita niyang kumuha ito ng isang piraso ng memo sheet sa gilid ng mesa. Kulay pink pa iyon.
“I want you to make an interview then make a report. Tulungan mo na lang ako na tapusin ang analysis ko sa kanya.” Sabi ni Dra. Alegre habang nagsusulat. “Here.”
Kunot ang noo niyang kinuha iyon at kaagad na binasa ang nakasulat.
“Alex Margaux Ilustre?” Ilang beses pa ba siyang magugulat noong araw na iyon? Muli niyang tiningnan si Dra. Alegre. “Ma’am, hindi kami close ng babaing ‘to.” Sabi niya at muling napatingin kay Ivan. Umiling naman si Ivan ngunit wala namang sinabi.
Kilala niya si Alex Margaux Ilustre. In fact, her name was a household at the school. Sa katunayang ay nakabangga pa ito ni Ivan sa may hallway bago sila pumasok ng faculty. Kitang-kita niya kung paano umikot ang mga mata ni Margaux sa pag-irap sa kanya. Pulang-pula ang labi nito at may kulay ang maiksi nitong buhok. Very Miley Cyrus-ish. He just wished she would not ride a wrecking ball. Lihim siyang napangiwi sa naisip.
He could say that Margaux got the fashion sense. Maganda pa rin tingnan ang revealing nitong hitsura. Ngunit masyadong mature ang dating ni Margaux para sa isang college student. Kaya marami ang ilag kay Margaux. Idagdag pa ang history ng past relationship nito.
“Ito na ang chance mo para maging close sa kanya.” Narinig niyang sabi ni Dra. Alegre. Napapaisip niyang tiningnan ang guro.
Muli niyang tiningnan kapirasong papel. Nakasulat doon ang sulusyon sa problema niya. He sighed heavily. Kailangan na niyang ayusin ang grades niya. Malapit nang umuwi ang kapatid niya. At umaasa itong makakatapos na siya ng kolehiyo.
“Sige po, Ma’am. Gagawin ko na po.” He was left with only a choice. At tatanggapin niya ang choice na iyon.
“Good.” Nasisiyahang sabi ni Dra. Alegre. “Start your job, right away. Maiwan ko na kayo. May klase pa ako.”
Binigyan nila ni Ivan ng daan ang guro at nagkatingin na lang sila ni Ivan nang makalabas si Dra. Alegre.