Kanina pang nasa corridor ng second floor ng Arts and Sciences building sina Jaiden at Ivan dahil inaabangan nila ang pagdaan ni Margaux Ilustre. Hindi pa talaga niya alam kung paano sisimulan ang ipinagagawa sa kanya ni Dra. Alegre. Subalit gahol na siya sa oras. Wala na siyang maaaring gawin kundi ang kausapin si Margaux.
Mabuti na lang at magkaklase sila ni Margaux sa isang subject dahil pagkakapareho ng ilang prerequisite ng kurso nila. Magkakaroon siya ng pagkakataong makalapit kay Margaux. Madali nang diskartehan ang paglapit sa dalaga. He could use his charm. Wala naman sigurong masama. Kailangan lang naman niyang makausap si Margaux.
“Anong plano mong gawin?” tanong sa kanya ni Ivan. Nakatuon ang siko nito sa balcony at nakatabi sa kanya.
“Eh ‘di i-interview-hin ko s’ya.” Sagot niya.
Umismid si Ivan. “Para ngang gano’n kadali ‘yon. Ano ‘yon? Basta ka lang lalapit sa kanya tapos sasabihin mong gusto mo s’yang interview-hin.”
Kumamot siya sa ulo. “Ewan ko. Bahala na. ‘Yong ano pala, ‘yong questionaire. Dala mo ba?”
Tiningnan siya ni Ivan na animo’y nakakaloko pa sabay buklat ng binder nito. “Mabuti na lang mabilis kausap si Ma’am Alegre. Kaso lang questionaire lang talaga ang ibinigay.”
Pumalatak si Jaiden. “Badtrip naman kasi si Ma’am. Ni hindi in-explain sa’kin kung anong gusto niya malaman tungkol kay Margaux na ‘to.”
“Oo nga ‘no. Pero, P’re, sa tingin mo bakit interesado si Ma’am kay Margaux Ilustre? At saka sabi n’ya, tulungan mo daw s’ya sa analysis n’ya kay Margaux.” Napapaisip na sabi ni Ivan. Kunot ang noo niyang tiningnan ang kaibigan. “Para ano? Para sa’n?”
“Doktor din si Ma’am Alegre.” Kumibot ang labi niya. “Baka may ginagawa lang s’yang research.”
Ngunit nanatiling tila nag-iisip si Ivan. “Wala lang-Wait. Hindi kaya may kinalaman ‘to do’n sa naging issue ni Margaux kay Paul?”
Kumunot ang noo niya. “Anong tungkol do’n?”
Ivan sighed. Halatang apektado ito sa ipinapagawa sa kanya ni Dra. Alegre. “Di’ba pinsan ni Ma’am Alegre si Paul.”
Ang tinutukoy ni Ivan ay si Mart Paul De Asis na dating estudtante sa kanilang universidad. Matanda ng isang taon si Paul sa kanila ni Ivan at nakasama nila ang naturang binata sa football team. Sikat si Paul. Dahil ito ang star player ng team nila at captain ball pa. Anak din ito ng bise-presidente ng Pilipinas kaya tila isang open book ang buhay nito. Marami naging girlfriend si Paul. At kabilang na doon si Margaux Ilustre.
Marami ang nag-react nang hindi maganda nang kumalat ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa. Lahat yata ay hindi makapaniwala at hindi matanggap, lalo na ang mga kababaihan, na girlfriend na ni Paul si Margaux. Dahil mahirap lang daw si Margaux. Kaya hindi raw bagay ang mga ito.
Ngunit naging malaking palaisipan sa lahat ang biglaang pag-alis ni Paul sa eskwelahan kasabay din ng pagkawala ni Margaux. Nabalitaan na lang nila na nag-migrate na si Paul sa Amerika at si Margaux naman ay bumalik matapos ang isang semeter na pagtigil. Second year sila noon ni Ivan samantalang third noon si Paul.
Walang nakakaalam ng totoong nangyari kina Paul at Margaux. Ang tangi lamang nilang alam ay ang bali-balitang nagtangkang magpakamatay si Margaux dahil sa iniwan ito ni Paul at tumira na nga ang binata ibang bansa. Hindi raw matanggap ni Margaux ang desisyon ni Paul kaya na-drepress ito. Nabalita pa na nalulong pa si Margaux sa ipinagbawal ng gamot. Lahat ng iyon ay walang patunay kung totoo nga. Lahat ay tsismis lang na nakakarating lamang din sa kanila dahil nga napag-uusapan sa loob eskwelahan.
“Wala na tayong pakialam kung anong plano ni Ma’am. Ang mahalaga, ma-interview ko si Margaux at nang matapos na ang problema ko. Ilang buwan na lang uuwi na si Kuya. Ayokong malaman n’ya na palpak ako dito. Baka isama n’ya ako sa New York.” Sabi niya habang ini-scan ang questionaire ni Ivan.
“Ikaw talaga. Ayaw mo ba no’n? New York ‘yon, P’re. Baka maging supermodel ka na rin gaya ng kuya mo.” sabi naman ni Ivan.
Umismid siya. “Ayoko. Mas gusto ko dito.”
“Bahala ka. Sabihin mo na lang sa kuya mo ako na lang isama n’ya.” Pagbibiro naman ni Ivan.
He laughed lightly. “Bakit? Gusto mo na ring mag-model?”
“Malay mo. Swertehin ako do’n.” sagot naman ni Ivan. “Uy! Si Margaux.”
Mabilis na ipinihit ni Jaiden ang sarili upang tingnan ang biglang pagturo ni Ivan. Gumala ang tingin niya at nakita si Margaux sa harap ng building at may kausap na mga lalaki. Masayang nagtatawanan ang mga ito.
She was the usual Margaux. Nakasuot ito ng high waist skinny jeans at hanging blouse. Naka-hidden wedge shoes na sa palagay niya ay Sketchers. Nakikita kasi niya iyon madalas suot ng mga katrabaho niyang female models.
“Hindi pa ba aakyat ‘yan? Malapit nang mag-start ang klase ah.” Saad ni Ivan.
Hindi siya tumugon. Pinagmamasdan lamang niya si Margaux na masayang nakikipagkwentuhan. Hanggang sa mapatuwid siya ng tayo nang makitang naglabas ng lighter si Margaux at sindihan ang sigarilyong nasa bibig ng kausap nito.
“Nakita mo ‘yon? Bawal ‘yan ah.” Narinig niyang sabi ni Ivan tukoy ang paninigarilyo. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang pagsisindi ni Margaux ng sigarilyo. Ibig sabihin ba noon ay naninigarilyo din si Margaux? Napailing na lang si Jaiden.
“May pagka-emo daw ‘yan si Margaux. Hindi daw basta nakikipag-usap ‘yan. Lalo na sa mga babae. Pansinin mo. Puro male students ang laging kasama.” Sabi ni Ivan.
He smiled. “Eh ‘di maganda. Mas madali para sa’ting lapitan s’ya.”
Narinig niya ang nakakalokong tawa ni Ivan. Napalingon siya dito. “Kulang pala ang sinabi ko. Male wrong brought up students pala. Madalas kasama n’ya ‘yong mga walang balak mag-graduate. ‘Yong baon lang ang habol kaya pumapasok. Nakita mo naman. May lights pa sa bag. Ibig sabihin nagyoyosi ‘yan.”
“Ang dami mong alam tungkol kay Margaux ah. Are you stalking her?” namamangha niyang sabi.
“Hindi ‘no. Kalat na talaga ‘yan. Hindi mo ba alam? Nakita ‘yan sa girls’ CR na natutulog. ‘Yon pala lasing. Bagay nga sa kanya ang histura n’ya eh. Parang mga hollywod actress lang na nagpapansin. Alam mo na. ‘Yong rebellious acts na ganyan.” Paliwanag ni Ivan.
“Talaga?” sabi niya sabay titig kay Ivan. “I think I figured it out. Sa tingin ko tinutulungan ni Dra. Alegre si Margux.”
“Mukha namang ayaw mapatulong eh.” Ani Ivan.
Hindi na siya nagsalita pagkasabi ni Ivan niyon. Hindi naman nila sigurado kung totoo nga ang balitang kumakalat tungkol kay Margaux. Wala rin naman siyang pakialam. Kilangan lang niya ang dalaga para sa project niya. Para maayos niya ang grade niya. Ano naman ngayon sa kanya kung tila sinisira man ni Margaux ang sariling buhay? Hindi naman siguro siya maaapektuhn.
“Goodluck na lang sa’yo, P’re. Mukhang mahihirapan ka sa isang ‘yan.” Ani Ivan sabay tapik sa balikat niya. “Tara. And’yan na si sir Perello.”
Napalingon siya upang siguruhing tama si Ivan at nakita niyang papalapit na ang professor nila. Kumilos na sila papasok ngunit bago siya tuluyang pumasok ay sinilip pa niya si Margaux at nakita niyang tumakbo ito marahil nakita na rin ang professor.
Margaux knew she was being watched. Pagpasok pa lang niya sa classroom ay alam na niyang may mga matang nakasunod sa kanya. Pinagmamasdan ang mga kilos niya. And those eyes have mind. Alam niyang negatibo ang nakalahad sa bawat isip ng mga nakatingin sa kanya.
Tahimik siyang umupo sa pwesto niya. Nasa gitnang upuan siya. Nais sana niyang bandang unahan dahil hindi niya masyadong naaninag kapag gumagamit ng projector sa klase. May kalabuan na kasi ang kanyang mga mata. Ayaw lamang niyang magpa-check-up. Siguradong pagsasalaminin siya. Wala naman silang pera para bumili ng eyeglasses. She could have the financial source. Subalit mas pipiliin pa niyang mabulag siya kaysa lumapit sa taong iyon.
“Good afternoon, class.” Bati ni Mr. Perello. “Bring out your materials. Ipapakita ko sa inyo ang bagong plate for today.”
Biglang naalala ni Margaux na hindi pala niya naitapon ang kanyang chewing gum bago pumasok sa klase. Tumayo siya at akmang lalabas nang tingnin siya ng professor.
“Where’s the rush, Miss Ilustre?” tanong ni Mr. Perello.
Bahagya silang natigilan. Nakalimutan niyang mag-paalam. Iisipin na namang ng mga naroon na pasaway na naman siya.
“Itatapon ko lang po-”
“Go back to your seat. Ipagpaliban mo na lang kung anuman ‘yan.” Agap ng guro at tumingin sa kanya. “Dapat ay kanina mo pa itinapon ‘yan di’ba?”
Hindi nakatugon si Margaux. Tahimik na lang siyang bumalik sa kanyang upuan. Hindi na lang siya ngunguya nang madalas upang hindi mapansin ni Mister Perello.
“Idikit mo na lang sa ilalim ng table mo.” Napalingon si Margaux nang magsalita ang nasa katapat niya.
“Kung sa mukha mo na lang kaya. Mas cool ‘yon di’ba?” Nang-aasar niyang sagot.
Umismid lang ito at nag-iwas na ng tingin. Siya naman ay hinarap lang ang mga gamit. Kinuha niya ang kanyang mga gamit sa pagguhit. Inilabas niya kanyang T-square at adjustable triangle. Nailabas na niya ang kanyang lead pencil nang bigla mahulog ang kanyang gum eraser. Sinundan niya ang tingin iyon. Mabilis siyang kumilos upang pulutin iyon. Ngunit may nauna sa kanya na kumuha sa eraser. Umangat ang tingin niya.
“Here.” Sabi ni Lyle Jaiden Vilandre nang iabot ang pambura sa kanya. Hindi alam niya Margaux kung tama bang mailang siya. Hindi niya masyadong kilala si Jaiden. Kilala lang naman niya si Jaiden ay dahil sikat ito. He was print ad model. A very good looking guy. Ngunit tulad ng lahat, iba rin ang tingin nito sa kanya.
“Salamat.” Sabi niya sabay bawi ng eraser. Saka siya bumalik sa kanyang upuan.
Ngunit tila may kung anong nagpihit sa kanya at muling nilingon si Jaiden. Then a pump of her heart had stopped. Nakatingin din si Jaiden sa kanya. She was not a mind reader. Kaya hindi niya alam kung bakit nakatingin pa rin ito sa kanya at kung anong dahilan na tila matagal na siyang tinitingnan nito bago pa man mahulog ang eraser niya. Biglang nagulo ang isip niya kasabay ng pagkailang.
Nagbuga siya ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi naman niya kailangang magkaganoon. Sino ba si Lyle Jaiden Vilandre sa buhay niya? Tulad lang naman din si Jaiden ng iba na lumilibak sa pagkatao niya. Dahil sa maling impresyon na naituring sa kanya.
Narinig niya ang pagbibigay ng instruction ang guro tungkol sa activity nila. Inabala na lang niya ang sarili kaysa magpaapekto kay Jaiden.
Nang maibigay ang instruction ay naging abala na ang buong klase. Mahinang usapan na lang ang naririnig ng ilang estudyante. Siya naman ay tahimik lang sa kanyang corner. Hindi niya kailangang makihalubilo sa mga kaklase niya. Pang-iinsulto lang naman ang maririnig niya.
“Hi.” Pang-aabala sa kanya ng isang tinig niya. Bahagyang gumalaw ang ulo niya bilang acknowledgement. Ni hindi niyang tinapunan ng tingin ang umistorbo sa kanya.
“Pwede bang mahiram ang eraser mo?” Pagkarinig sa tanong ay saka siya tuluyang lumingon. Again, her heart skipped a beat. Gusto na niyang mainis sa sarili.
“Hindi.” Maiksi niyang tugon saka itinuloy ang pagguguhit.
“Please?” sabi pa ni Jaiden saka niya mabilis na iniabot ang eraser. Ayaw niya sa mahabang usapan.
Tinanggap ni Jaiden ang eraser at umasa siyang lalayo na muli ito. May isa pa naman siyang pambura. Hindi niya kailangang kunin pa kay Jaiden ang nahiram nito.
“Thanks.” Ani Jaiden.
Naramdaman niya ang paglayo ni Jaiden. Muli naman niyang inabala ang sarili. Ngunit mukhang distracted na siya. Napabuntong-hininga siya. Ano bang meron kay Jaiden at nagkaganoon siya bigla? Hindi naman iyon ang unang pagkakataong nakita ang kaklase.
“Hi ulit.” Muli ay narinig niya ang pamilyar na tinig. Nakaramdam na siya ng inis.
“Wala na ‘kong extra eraser.” May pagsusungit niyang sagot.
Ngunit ngumiti si Jaiden. “No. Hindi naman ako manghihiram ulit. Can I ask you a favor?”
Umangat ang kilay niya. “Hindi ako namimigay ng pabor.”
Lumuwang ang ngiti nito. Jaiden surely used his charm to her. Napasimangot siya. Hindi niya alam kung anong kailangan sa kanya ni Jaiden. Marami na sila sa loob ng kwarto kaya pwede naman itong sa iba mang-abala. Ngunit bakit sa kanya pa?
“Sorry ha. Kaso lang nakita ko kasi na perfect ang angle mo. Baka pwedeng magpatulong.” Naramdaman niya sa tinig nito na hindi siya titigilan ni Jaiden.
“Ano bang kailangan mo?” Para na rin niyang sinabing pumapayag na siya na istorbohin sa tanong niya.
“Pwede doon tayo sa area ko?”
Sadya niyang ipinadinig kay Jaiden ang malakas niyang pagbuga ng hangin. She wanted to show unfriendliness. Saka napipilitang tumayo. Sumunod siya kay Jaiden na pumunta sa table nito.
“Here. Tama ba?” He said nicely.
“Dapat kay Sir ka nagtatanong.” Sabi niya imbes sagutin ito. “At saka ikaw ‘tong engineering ang course eh.”
“Come on. Andito ka na rin lang. At saka busy si Sir.” Tugon nito sabay turo sa guro. Kausap ang guro ng isa nilang kaklase. Ibinalik niya ang tingin sa plate ni Jaiden.
Para tigilan na lang siya ng binata ay kinuha na lang niya ang lapis nito pati ng ruler. Saka mabilis na ginuhitan ang matapos magsukat. She loves lines. Aminado rin siyang magaling siya sa pagsusukat. She was a self-confessed articulate and analytic. Kaya nga lang ay multimidea arts ang kailangan niyang kuhaning kurso dahil iyon ang kasunduan ang nagpapa-aral sa kanya. May naghihintay na rin kasing trabaho sa kanya.
“Wow. Okay ah.” Ani Jaiden habang pinagmamasdan ang ginawa niya.
“Galing.” Sabad naman ng kaklase nilang si Ivan na nakalapit sa kanila.
Umismid siya sabay mabilis na nginuya ang chewing gum. Saka dahan-dahang pinalobo ang gum palabas ng bibig niya.
Nakatingin lang sa kanya sina Jaiden at Ivan hanggang sa pumutok ang palobong chewing gum at kumalat iyon sa paligid ng bibig niya. Saka hinawakan at inipon muli sa kanyang bibig. Muli siyang ngumuya.
Natigilan ang dalawa. Tinitigan naman niya si Jaiden. He was smiling. But she did not.
“Thanks.” Sabi ni Jaiden. Ngunit hindi niya iyon tinugon bagkus walang salitang bumalik sa pwesto niya. At umasa siyang hindi na siya muling guguluhin nito.
Narinig niya ang pagbubulungan ang dalawa ngunit hindi naman niya naintindihan ang sinasabi ng mga ito. She just snorted. Malamang na pulos hindi maganda ang sinasabi nina Jaiden at Ivan tungkol sa kanya. She only sighed. Kung kaya lang niyang hilahin ang bawat oras na naroon siya sa eskwelahang iyon ay ginawa na niya. But she can’t. She cannot pull it. She can only take it.