SHE KNOWS LOVE Chapter 12

Magkasamang pumasok sa university cafeteria sina Margaux at Bogie. Alas-tres na ng hapon ngunit magtatanghalian pa lang siya. Sumama pa kasi siya sa practice ng sayaw para sa PE subject niya.

Pinuntahan naman siya ni Bogie sa school dahil sa wakas ay nagpasyan na itong ituloy ang pag-aaral. Nagpasa si Bogie ng mga requirement at balak mag-enroll sa kursong Business Management. Malaki daw ang pangarap nito para sa sports club nito.

“Masarap ba ang mga pagkain dito?” tanong ni Bogie habang nasa counter sila. “Ang mahal naman.”

Mahina niyang sinitsitan ito bilang pagsaway. Nasa harap lamang nila ang staff ng cafeteria. Pasimple nilang tiningnan ang babae sa counter. Umismid naman si Bogie.

“Ano ba kasi sa’yo?” tanong habang nakatingin sa mga naroong pagkain.

“Adobo na lang. Extra rice ha.” Sagot ni Bogie at nauna nang maupo. Pagka-order naman ay sumunod na siya kay Bogie. Napansin pa niya ang ilang estudyante na nakatingin sa kanila. But she just sighed. Malamang na ang buhok na naman niya ang napansin ng mga ito. Bago kasi ang dye ng buhok niya.

“Sigurado ka sa pinapasok mo, Mr. Dionisio?” Aniya kay Bogie. Mabilis namang naihatid ang order nila kaya bago pa makasagot ang kaibigan niya sa kanya ay nakasubo na ito.

“Malamang. Nagpasa na nga ako ng requirements eh.” Sabi ni Bogie.

“Pa’no bilyaran mo?” muli niyang tanong.

“Magha-hire ako ng manager.”

Namilog ang bibig niya sa pagkagulat. Hindi tuloy niya naisubo ang pagkain niya. “Ang yaman ah. Oh, eh ‘di, ikaw na.”

Tumawa si Bogie. “Oo nga. Seryoso ako. Nag-usap na kami ni Mommy at pumayag na s’ya. Kaya mag-aaral na ‘ko ulit.”

Nagkibit siya ng balikat. “Hanep ka talaga, Bogs. Iba ka.”

Natatawa itong umismid. “Pa’nong iba? Sabi ko naman sa’yo para sa future natin ‘tong ginagawa ko. S’yempre ayoko namang alanganin pa rin ako ‘pag humarap na ‘ko sa parents mo di’ba?”

Napatawa siya. “Timang ka talaga.”

Masaya nilang itinuloy ang pagkain habang nagkekwentuhan nang may nakita si Bogie.

“Jaiden!” Saad ni Bogie habang umangat ang kamay upang kunwa’y kawayan ang nakitang kakilala.

Pasimple siyang ngumiwi nang marinig ang pangalang tinawag ng kaibigan niya. Kasabay niyon ay ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Jaiden. Pilit niyang idinistansya ang sarili dahil sa nangyari noong kaarawan ng binata. Iniwasan niya ito dahil ayaw niya ng komplikasyon.

Naramdaman niya ang paglapit ni Jaiden sa kanila. Kaagad namang ngumiti si Bogie.

“Kumusta?” Ani Bogie at nakipagkamay pa kay Jaiden. Siya na nanatiling tahimik at kunwa’y abala sa pagkain.

“Okay lang. Ikaw? Naligaw ka?” Sabi ni Jaiden. “Kasama ko si Ivan. May binili lang.”

“Ah.” Patangu-tango si Bogie. “Mag-aaral na ulit ako eh. Baka makahabol pa.”

“Gano’n ba?” Sabi ni Jaiden at alam niyang lumingon ito sa kanya. Pilit niyang itinago ang tila paninigas. “Hi, Margaux.”

Isang mabilis na sulyap lang ginawa niya saka tumango. Tiningnan niya si Bogie na tila kakaiba ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung napansin siya ng kaibigan.

“Sabay ka na sa’min.” Pagyaya naman ni Bogie. Gulat siya tumingin sa kaibigan kasabay ng pasimpleng panlalaki ng kanyang mga mata. Ayaw niyang makasama o mapalapit man lang kay Jaiden. Dahil nararamdaman lang niya kung gaano niya ito ka-miss.

“Aw, sayang.” Tila nanghinayang na sagot ni Jaiden.

Nakahinga siya nang maluwag kahit paano. Ngunit may sakit din kung tutuusin dahil tila ayaw siyang makasama ni Jaiden.

“Gusto ko sana kaso may ka-meeting ako dito kaya ako nagpunta.” Sabi pa ni Jaiden.

“Talaga? Sino?” Ani Bogie at lumingun-lingon. “Yon mga chicks do’n sa dulo?”

Sinundan niya ng tingin itinuro ni Bogie. Naroon ang apat na babaing estudyante na napansin niyang kakaiba ang tingin sa kanya.

“Oo eh.” Tugon ni Jaiden. Hind niya napigilan ang tingnan ang binata. “Classmate ko kasi sila. May group activity kasi.”

“Walang nanghihingi ng paliwanag mo.” Pasaring niyang sabi sabay kamot sa pisngi at nag-iwas ng mukha.

“Ano?” Hindi siya naintindihan ni Bogie.

“Wala.” Aniya.

“Sinasabi ko lang.” Sabi naman ni Jaiden saka tumingin sa kanya. Umangat ang mga mata patungo dito. At hindi niya maipaliwanag ang emosyon sa mukha ng binata.

“Sige.” Si Jaiden na ang umiwas. Tinapik nito sa balikat si Bogie saka sila iniwan upang lapitan ang mga babae.

Pinanood nila ni Bogie si Jaiden hanggang sa makalapit at nakita nila kung paano nagsiluwang ang mga ngiti ng mga babae nang makaupo si Jaiden. Napaismid siya saka padabog na itinuloy ang pagkain.

“Selos ba ang tawag d’yan?” Tanong bigla ni Bogie. Salubong ang kilay niyang tiningnan ito.

“Ano?”

“Yang ginagawa mo.” Sagot ni Bogie sabay nguso sa pagkain niya. “Ginegyera mo kasi ang pagkain eh.”

“Matigas ang karne.” Nakasimangot niyang tugon.

Umangat ang kilay ni Bogie. “Hindi naman eh.”

Tiningnan niya nang masama ang kaibigan. “Matigas nga.”

Pinagmasdan siya ni Bogie. At matagal na silang magkaibigan kaya alam niyang kahit wala siyang sabihin ay mapapansin siya nito. Lalo na ang ikinilos niya sa harap ni Jaiden.

Kumamot si Bogie sa ulo. “Mukhang may dapat akong malaman.”

Itinigil niya ang pagsubo saka nagpapabuntong-hiningang sumandal sa upuan. “Kumain ka na lang.”

Ngunit hindi tuminag si Bogie sa pagtitig sa kanya. “Madam, lalaki rin ako. Ramdam ko eh. Iba kayong magtinginan. Kayo na o break na kayo?”

Kunwa’y tumawa siya. “Wala akong dapat sabihin.”

Nagkibit ito ng balikat. “Okay.”

Hindi na sumagot si Margaux. Nagbuntong-hininga na lang siya. Gusto niyang magsabi kay Bogie. Ngunit nauunahan siya ng hiya. Hindi rin siya kumportableng pag-uusapan ang tungkol sa nararamdaman niya dahil parang lalong magiging komplikado. Bukod pa sa hindi naman talaga siya sigurado kung seryoso nga si Jaiden sa mga sinabi nito.

Narinig ni Margaux ang text tone ng cellphone niya kaya mula sa bag ay inilabas niya iyon. May mensahe at kumunot man ang noo niya ay para namang lumudag ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Hindi niya marawi kung bubuksan ba o hindi ang mensahe.

Umangat ang mga mata niya at lumampas ang tingin niyon sa likod ni Bogie. Tinumbok ang binata sa kabilang mesa. Nakatungo ito at hawak ang cellphone nito.

“Basahin na ‘yan.” Narinig niyang sabi ni Bogie.

Hindi alam ni Margaux kung tatawa o maiinis kay Bogie. Bakit ba parang alam na alam nito na si Jaiden ang nag-text sa kanya?

Sa huli ay binasa din niya mensahe.

‘Talaga bng mg-i2wasn n lng tau?’

She sighed heavily. Pinagmasdan niya ang cellphone at binasa muli ang tanong ni Jaiden. Paano ba niya sasagutin iyon?

Pumindot sa touch screen. ‘Wla nmn kelngn umiwas. Wg mo lng gwing komplikdo.’

Nakita niyang nagbasa ng message si Jaiden. At kitang-kita niya ang pag-ismid nito. Walang kamalay-malay ang mga katabi nito kung gaano kaabala si Jaiden sa ibang bagay.

‘Let’s talk.’ Reply ni Jaiden.

Nagtype ulit siya. ‘Nag-uusap na tau.’

‘S restaurant after skul. Mgkita tau dun.’

‘Hindi aq pede.’

‘Pls?’

‘D talaga. Sorry.’

“Unli ka ba?” biglang tanong ni Bogie sa kanya habang nagta-type siya. Napalingon siya sa kaibigan niya. Tapos na silang kumain at nagtu-toothpick na si Bogie.

“Oo. Bakit?” sagot niya.

“Ah…kaya pala. May load.” Saad nito at umikot ang kanyang mga mata. Muli siyang nakatanggap ng message mula kay Jaiden.

‘Mrmi aqng gus2ng sbihin. We realy nid 2 tlk.’

Napangiwi si Marguax. Sana ay tingilan na muna siya ni Jaiden. Lalo siyang nahihirapang alamin ang totoo sa kanya dahil pinangingibabawan ng kagustuhan niyang pagbigyan ang hiling ni Jaiden.

‘Sabihin mo na now.’

Tiningnan niya si Jaiden. At hindi niya inasahan na magtatama ang tingin nila. Napatitig tuloy siya sa binata. His eyes were like misty. Alam niyang malungkot iyon. Ramdam niya dahil iyon din naman ang nararamdaman niya. Pilit man niyang itago. Itanggi man ng isip niya, mahalaga na si Jaiden sa kanya. Ngunit pakiramdam din niya ay gulo lamang ang hatid na nararamdaman niya para kay Jaiden.

Napatingin siya kay Bogie. Umangat lang naman ang kilay nito. “Sundin mo kung ano sa tingin mo ang tama.”

Muling tumunog ang cellphone niya. ‘I miss you, Margaux. Sana bgyan mo q ng chance pra map2nayan n 22o feelngs q pra sau. Gus2 q rin mgsorry abt Kuya. Hayaan mo sna aqng mkbawi.’

Napahigpit ang hawak ni Margaux sa cellphone niya. She was looking at it but her stare was at Jaiden. Ayaw lamang niyang totoong tumingin sa binata dahil baka masalamin nito ang totoong gustong isigaw ng puso niya.

Again, she replied. ‘Ok na un. Pero sorry I dnt miss you. At pa’no aq maniniwala sau kung prng masaya ka nmn s mga kasama mo nw.’

Lumipad bigla ang mga mata ni Jaiden sa kanya nang tila mabasa na nito ang tinext niya. Matagal na naghinang ang kanilang paningin. Walang gustong bumitaw. Pilit mang isigaw sa kanya ng isip niya na huwag ay mas malakas naman ang hatak ng puso niya.

She wanted to run to him. Alam niyang iyon ang nais niyang gawin. Ang pagbigyan si Jaiden upang makasama niya ang binata. Dahil ang totoo ay gusto rin naman niya si Jaiden. She again felt welcome. Nakinig ito sa kanya. Sinamahan siya sa kanyang pag-iyak at pag-alala ng masasakit niyang alala. She never wasted any of her words telling what happened to her past. Dahil sa tuwing alalahanin niya iyon ay parang unti-unting nadudurog ang pagkatao niya. Ngunit nagawa niya iyong ikwento muli kay Jaiden. Dahil nagtiwala ang puso niya.

But Jaiden only knew half of her. Si Paul pa lang ang nakilala nito sa buhay niya. Wala pa itong alam kung bakit si Paul ang naging boyfriend niya at kung bakit ginusto ni Dra. Alegre na interview-hin siya ni Jaiden. Hindi alam ni Jaiden kung bakit galit siya sa mundo. Yes, he may know about her real father. But the story behind the novelty of his father was a big closed code. Kung alam lang ni Jaiden na siya ang malaking sikretong pilit na itinago ng pamilya Montelibano. Ang bahong tinatakpan upang hindi umalingasaw. Her life was a mess. At kung malalaman ni Jaiden iyon ay marahil ito na mismo ang lalayo sa kanya.

Napatuwid siya pagkakaupo nang biglang tumayo si Jaiden at tila lalapit sa kanila. He was aiming at her direction. Nalito siya. Gusto niyang tumakbo palayo ngunit ayaw kumilos ng mga paa niya. Napatingin siya kay Bogie.

Walang kaabug-abog na lumapit si Jaiden sa kanya at bago pa siya makaiwas ay tumuon na ang mga kamay nito sa mesa at sa likod ng upuan niya. It was like he trapped her in his arm. Yumuko ito at inilapit ang mukha sa kanya. Wala itong pakialam kung naroon man si Bogie pati na sa mga nagtatakang babae na kasama nito sa kabilang mesa.

“Hindi madali ang hinihingi mo.” Mahina ngunit sapat nang malakas ang tinig nito upang marinig ni Bogie ang sinabi ni Jaiden.

Margaux was stoned. Hindi dahil natakot siya. Kundi dahil sa kakaibang sensasyong bigla niyang naramdaman nang humaplos sa mukha niya ang hininga ni Jaiden. But she kept her composure. Tumingin siya kay Bogie na tila nagulat din.

“A-Ahm, P’re.” si Bogie. “May problema ba?”

“Wala.” Sagot ni Jaiden na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Gusto ko lang kausapin ang kaibigan mo. Pwede ba?”

She made a face to warn Bogie. Sana ay hindi ito pumayag.

“Importante ba?” Si Bogie. Marahil napansin ang pagkabigla niya.

“Oo.”Ani Jaiden. “Baka kidnap-in ko na naman s’ya kung iiwasan pa n’ya ako. At kapag ginawa ko ‘yon hindi ko na s’ya ibalik.”

Naikuyom ni Margaux ang palad dahil parang nanikip ang dibdib niya sa tumitinding kaba. Determinado ang tinig ni Jaiden. At naroon hindi ito magpapatalo sa kanya.

“Kidnap?” Nagtakang tanong ni Bogie.

“Bog-” Hindi niya naituloy ang ibang sasabihin dahil biglang nagsalita si Jaiden.

“Tama. Gano’n ako kadesperado pagdating sa kaibigan mo. Kasi gano’n s’ya kailap.” Hindi pa rin kumikilos si Jaiden palayo sa kanya. Tila nakadikit ang mga mata nito sa kanya kaya hindi rin niya magawang lingunin ito.

“Maiwan ko muna kayo.” Sabi niya Bogie sabay tayo.

“Teka!” Bigla siyang naalarma kaya napatayo siya ngunit bigla naman niyang nasagi ang baba ni Jaiden.

“Ouch.” Ani Jaiden.

“Oh, sorry.” Gulat naman niyang saad at napaharap na siya kay Jaiden. At tila may sariling isip ang kamay niya dahil umangat iyon upang hawakan ang mukha ng binata.

“Babalik muna ako sa admin.” Si Bogie. Nilingon niya ito sabay alis ng kamay niya kay Jaiden.

“Sama ako-” Aniya ngunit mabilis ang mga hakbang ni Bogie at bigla naman siyang pinigilan ni Jaiden. Hinagip nito ang kamay niya sabay hila sa kanya.

Dahil sa gulat at lito ay walang nagawa si Margaux nang hapitin siya ni Jaiden at yakapin. Namimilog ang mga mata niyang tiningnan ito. Saka niya naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa kanyang baywang.

“Jai-”

“Mabuti pa si Bogie naiintindihan ako.” Agap ni Jaiden. His face was only an inch away from hers.

Ang isang kamay niya ay napunta sa dibdib ni Jaiden samantalang hawak pa rin ng binata ang isa pa. Her heart was beating so fast and hard. At tila nararamdaman iyon ni Jaiden sa sobrang lakas.

Sinubukan niyan at magpumiglas mula kay Jaiden ngunit mas mahigpit ang paghawak ng binata.

“Bibitawan mo ‘ko o kakagatin ko ang tainga mo?” Galit-galitan niyang sabi ngunit hindi niya naitago ang panginginig ng tinig.

Nakipagsukatan ng tingin si Margaux kay Jaiden. May bahid ng galit ang ekpresyon ni Jaiden. Ngunit ramdam pa rin niyang hindi siya sasaktan nito.

“Jaiden.” Anang tinig ng isang babae. Alam niyang isa iyon sa babaing sa kabilang mesa. “Let’s go back there. Ituloy na lang natin ang meeting. You’re wasting your time to that cheap girl.”

Kahit na okupado ni Jaiden ang ulirat ni Margaux ay nagpanting pa rin ang tainga niya sa narinig. Nilakasan niya ang pagtulak kay Jaiden at nabitawan siya nito. Walang ngiti at nagbabanta ang tinig niyang hinarap ang babae.

“Ingat ka sa pagsasalita, Miss. Nakakabawas ng ganda ang kabastusan.” Aniya.

“Margaux.” Ani Jaiden ngunit hindi siya nagpapigil. Naabot ni Jaiden ang kamay niya. “Sasha, kakausapin ko lang ang girlfriend ko.”

Halos silang napatingin ng babae kay Jaiden. Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap ng babae. Inulit na naman ni Jaiden. Naging pangahas na naman ito sa pagsasabing girlfriend siya nito.

Padabog na umalis ang babae. Tumingin naman muli si Jaiden sa kanya na bahagyang nakangiti.

“You’re not cheap. You’re mine.” Sabi nito sabay halik sa kanyang pisngi. Saka siya mahigpit na niyakap. At wala na siyang nagawa kundi magulat na lang.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.