SHE KNOWS LOVE Chapter 11

Naramdaman ni Margaux ang mga palad ni Jaiden sa kanyang mukha. Iniangat nito ang kanyang mukha. Umiiyak pa rin siya. Her pain was like an avalanche. Tila bagyong bumulusok ang lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay. Muling nanumbalik ang sakit. Isang taon na niyang dinadala iyon kanyang dibdib. Pilit niyang kinakayang mag-isa.

“Tapos na ang lahat. Wala na si Paul. He doesn’t deserve your tears.” Sabi ni Jaiden. Pinahid nito ang luha niya. “Tama na. ‘Wag mo nang pagurin ang sarili mo. Maging masaya ka naman.”

She said nothing. Tinitigan lamang niya ang malamlam na mga mata ni Jaiden. Hinawakan niya ang kamay nitong hawak siya. Saka dahan-dahan iyon inilayo sa mukha niya. Huminga siya ng malalim. It was as if her breathing went short.

“Ano ba ‘yan? Birthday mo ‘tapos nagdrama ako. Sorry.” Sabi niya na pilit ngumiti. Pinahid niya ang kanyang luha.

“Gamitin mo ‘to.” Ani Jaiden at iniabot ang sarili nitog panyo. Tahimik niyang tinanggap iyon.

“Sorry talaga.” Aniya habang pinapahid ang luha. Nilingon niya si Jaiden. Tiim itong nakatingin din sa kanya. Napabuntong-hininga siya saka isinandal ang ulo sa sofa.

Naramdaman ni Margaux ang pagdikit ni Jaiden. Pareho silang kibo. Naroon lamang siya at tahimik nang umiiyak habang tila pinakikinggan lamang nito kung huhupa ang sakit sa kanya.

Hanggang sa tila may sariling isip ang kanyang katawan at kumilos. Ipinilig niya ang ulo sa balikat ni Jaiden. Saka nagiginhawang pumikit.

“Bata pa lang kami ni Kuya nang iwan kami nina Mommy. Iyon ang pinakamasakit na araw sa buhay namin.” Sabi ni Jaiden matapos ang ilang sandaling tahimik sila. “Mula noon, si Kuya na ang nag-alaga sa’kin. Alam ko na hindi madali para kay Kuya ang ginagawa n’ya. Tumigil s’ya ng pag-aaral para magtrabaho. Para masuportahan ako. Tinupad niya ang pangako niya kina Mommy na hindi n’ya ako pababayaan. Kahit na nasa ibang bansa s’ya hindi s’ya nagkukulang sa’kin. He always checks on me. Sinisiguro ang lahat ng kailangan ko. That’s why I love him so much.”

“Masuwerte ka.” Sabi niya.

Kumilos si Jaiden at iniangat siya. Umangat ang kamay nito at dumapo iyon sa batok niya. He held her firmly. Titig na titig ito sa kanya.

“Ang daming dahilan para maging masaya, Margaux. Lahat naman tayo dumadaan sa masasakit na pagkakataon eh. Basta wag ka lang susuko. Dahil meron at merong magpapahalaga at magmamahal sa’yo. ‘Wag mong iisipin laging mag-isa ka.” He said softly.

Tumango siya. Nagbaba siya ng tingin ngunit muli nitong iniangat ang mukha niya at pilit siyang pinatingin dito.

“Kahit hindi mo sabihin. Alam kong apektado ka ng mga masasamang sinasabi nila tungkol sa’yo. Nagtatapang-tapangan ka lang. Minamaliit mo ang sarili mo. Feeling mo wala kang kwenta dahil sa ginawa sa’yo ni Paul. Tama ba?”

Hindi na naman nakatugon si Margaux dahil muling namuo ang luha niya. Kung alam lang ni Jaiden ang totoong pinag-ugatan ang lungkot niya. Kung paano niya sinubukang patunayan ang sarili dahil sa illegitimate siyang anak. Kung paano niya tinaggap na ibinigay ng sarili niyang ina dahil sa hindi siya nito kayang buhayin. At kung paano niya sinisi ang sarili na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya.

“Pinipilit ko namang maging okay, Jaiden. Sinusukan kong ayusin lahat. Kaso lang-”

“Stop it. Di’ba sabi ko ‘wag mo nang pagurin ang sarili mo.” Agap ni Jaiden. Nagbaba siya ng tingin.

Hinalikan ni Jaiden ang noo niya. Kaagad niyang naramdaman ang kakaibang haplos dahil sa halik na iyon. At tila nadagdagan pa nang bumaba ang labi nito sa kanyang pisngi. Wiping away her scattered tears. At bumaba pa iyon hanggang sa gilid ng kanyang labi. Noon na siya napapikit. His lips were hot but soft. At hindi na niya napigilan nang tuluyan nang angkinin ni Jaiden ang nakaumang niya labi. She was stoned though she expected that blissful kiss.

Hindi siya tumugon. Ayaw na isip niya dahil hindi tama. Ngunit nahihirapan ang kanyang katawan na labanan ang darang na unti-unting kumakalat sa kanyang katinuan. She had to stop the insanity.

But Jaiden was really persuading her. Mapang-akit ang labi nitong bumulusok sa loob niya. Tila ayaw sumuko hanggang sa tugunin niya. Jaiden was a good caressing kisser. Kaya paano niya lalabanan iyon gayon unti-unti nang bumibigay ang puso niya.

Niyakap siya ng binata. His hands was on her back rubbing it seductively. Kusa namang gumanti ng yakap ang kanyang mga kamay. Pumulupot iyon sa batok nito saka bahagya niyang ibinuka ang kanyang labi dahil tinugon na rin niya ang halik nito.

Narinig niya ang mahinang pag-ungol ni Jaiden kasunod ng tila paghinga nito sa loob ng kanyan bibig. His moved went faster. Umangat ang kamay nitong nasa baywang niya patungo sa batok niya. Massaging her nape and shoulder hotly. Naging marahas na ang kanyang paghinga at nanginig siya dahil bumangon na rin ang matinding kaba sa kanya. Nagtatalo ang kanyang isip at puso. Kailangan niyang paglabanan ang init na nararamdaman ngunit ayaw pumayag na kaibuturan ng kanyang puso. It was as if she wanted to. Really wanted to.

Napasinghap siya nang bigla siyang iangat ni Jaiden at pinaupo sa sofa. Nakasandal siya samantalang ito ay lumuhod sa pagitan niya. Muli siya nitong hinalikan ngunit umangat ang mga kamay niya sa dibdib nito at mahinang itinulak ang binata.

“J-Jaiden.” Halos hanging laman niyang anas sa pangalan nito. Natigilan ito at tumingin sa kanya.

Umiling siya. At tumitig ito sa kanya. Kailangan niyang pangibabawin ang tama. Hindi dapat matuloy ang kung anumang nakatakdang mangyari.

Mariing pumikit si Jaiden at bumaba ang ulo patungo sa kanya. Naglapat ang kanilang mga noo. She knew Jaiden was trying to fight her fight. Alam niyang nais nitong pigilan ang mangyagari. Sadya lamang malakas ang hatak ng pagnanasa sa pagitan nila.

“Damn…” Hirap na sabi ni Jaiden siya muling tiningnan. His eyes were a sincerity of stare. Wala siyang nakikitang kahit na anong panghuhusga sa mga mata nito. Naroong nasilip niya ang pagnanasa at tila inis at pagtitimpi.

“Kailangan na kitang ihatid.” Saad nito na hindi pa rin lumalayo sa kanya. At sa bawat dantay ng hininga nito sa kanyang mukha ay para siyang hinihila upang halikan ito. Abot hanggang langit ang pagpipigil niya.

Pilit siyang tumango at bago pa siya muling makakilos ay bumaba na naman ang labi nito sa kanya. She inhaled on his kissed. Hinawakan pa niya ang pisngi nito. Ngunit mabilis na tinapos ni Jaiden ang halik na iyon.

“Jaiden!”

Parang may bombang sumabog sa harap nila ni Jaiden dahil parehong silang nagulat nang marinig ang nakakabinging tinig. Tila nabuhusan bigla ng malamig na tubig silang kumilos at sabay na lumingon sa pintuan dahil doon nanggaling ang galit na tinig.

“K-Kuya.” Hindi niya alam kung paano iyon lumabas sa bibig ni Jaiden. Ang alam lang niya ay gulat na gulat din ang binata.

“Ano ‘to?” galit na galit na tanong lalaking nasa pinto. Kunot na kunot ang noo nito at hindi maikakaila na ito nga ang kapatid ni Jaiden dahil mabilis niyang napuna ang pagkakahawig ng dalawa.

“D-Duma-”

“Explain this mess to me!” Hindi napigilan ni Margaux na mapaigtad sa lakas ng tinig ng kapatid ni Jaiden.

Marahas na nagbuntong-hininga si Jaiden. Siya naman ay kahit nangangatog ay pilit na tumayo at inayos ang sarili. Hiyang-hiya siya at puno ng kaba. Hindi niya magawang salubungin ni ng tingin ang dumating na kapatid ng binata.

“Hindi ito kagaya ng nadatnan mo. We are just having…” Tumingala si Jaiden. Halatang pilit itong nagfo-fucos sa nais sabihin.

“Ahm…b-birhtday n’ya po kasi kaya…nag-celebrate lang po kami.” Siya na ang sumagot dahil nakikita niyang naguguluhan na si Jaiden.

Tiningnan siya ng lalaki. At parang talim iyon sa nanakit sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.

“Alam ko birthday ng kapatid ko-”

“Kuya.” Mabilis namang saway ni Jaiden saka lumingon sa kanya at muli ring bumalik sa kapatid nito. “S’ya si Margaux. Totoo ang sinabi n’ya. Niyaya ko s’ya dito para sa birthday ko.”

Muli siyang tiningnan ni Jaiden. “Si Kuya Geoff.”

Pasimpleng lumunok si Margaux bago tumugon. “Hello po.”

Hindi siya sinagot nito. Nagbuga ng hangin ang kuya ni Jaiden at hinilot ang sentido saka tiningnan si Jaiden.

“Nagmadali akong umuwi kasi gusto kong i-surprise ka birthday mo pero ako pala ang maso-sorpresa. Kailan mo pa ginagawa ‘tong nagdadala ka ng kung sinu-sinong babae dito?”

Pagkasabi niyon ay lumipad ng tingin ni Geoff sa kanya. Kakaibang tingin ang ipinukol nito sa kanya. Hindi niya naiwasang masaktan. Base sa tingin nito ay masama din ang kaagad na impresyon nito sa kanya.

“Kuya, please. Bisita ko si Margaux. At hindi ako nagdadala...” nagbuntong-hininga si Jaiden. “Girlfriend ko si Margaux kaya natural na narito s’ya.”

Maang na napatingin si Margaux kay Jaiden. Lalong bumundol ang malakas na tibok sa dibdib niya dahil bigla namang tumingin sa kanya ang kuya ni Jaiden. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kapatid nito.

“Let’s talk.” Seryosong sabi ni Geoff at binuhat ang malaking bag na nasa gilid nito. Nilampasan sila nito at malalaki ang hakbang na umakyat ng hagdan.

Sinundan nila ng tingin ang kuya ni Jaiden. Ngunit nauwi sa isa’t-isa ang tingin nila nang tuluyang mawala sa paningin nila si kuya Geoff.

“I’m sorry.” Sinsertong sabi ni Jaiden.

“Okay lang.” Sagot niya. “Yon pala ang kuya mo. Parang kanina lang pinag-uusapan lang natin s’ya.”

Panay ang iling ni Jaiden. “Hindi ko alam na uuwi na s’ya ngayon.”

“Surprise nga daw di’ba?” Sabi niya. Kumilos siya at nilapitan ang bag niya. Siya ang dapat magkusang umalis. Kailangang magkasarilinan ng magkapatid.

“Ihahatid muna kita.” Sabi nito at akmang sasama sa kanyang palabas ngunit pinigilan niya.

“Hindi na. Kailangan n’yong mag-usap ng kuya mo. Baka hanapin ka n’ya.” Saad niya ngunit umismid si Jaiden.

“Alam n’ya kung bakit ako umalis. Ihahatid muna kita bago kami mag-usap. I’m sure naman na nasa kwarto ‘yon at tulog. May jetlag ‘yon.” Himig nagpo-protesta ni Jaiden.

“Jaiden, kaya ko nang umuwing mag-isa. Hindi n’ya nagustuhan ang nakita n’ya kanina. Kailangan mo s’yang kausapin. At saka…itama mo rin ‘yong sinabi mo kanina.”

Nagtaka itong tumingin sa kanya. “Anong sinabi?”

“Na girlfriend mo ‘ko.” Aniya sa naiilang na tinig.

“Kailangan kong gawin ‘yon. Ayokong mag-isip s’ya ng hindi maganda tungkol sa’yo. Nadatnan na nga n’ya tayong…sa gano’n tapos…malalaman n’ya na...basta. Ayokong mag-isip s’ya nang hindi tama tungkol sa’yo.”

“Hindi naman totoo ‘yon eh. Nagsisinungaling ka sa kanya.” Paghihimutok niya.

“Pwede nating gawing totoo kung gusto mo.” Mabilis nitong sagot.

Nagbababala niya itong tiningnan. “Jaiden.”

“Bakit? Ayaw mo?”

She sighed. Hindi siya sumagot bagkut nag-iwas lang ng tingin. Ayaw niyang paasahin ang sarili.

“Uuwi na ‘ko. ‘Wag mo na ‘ko ihatid.” Aniya at lumakad na siya palabas ng bahay. Ngunit sinundan siya ni Jaiden.

“Akala mo ba madali na para sa’king umaktong parang walang nangyayari?” Saad nito habang umaagpay sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Binilisan niya ang paglalakad hanggang makarating sa gate.

“Margaux-”

“Jaiden.” Saway niya nang tangkain nito hawakan ang braso niya. Hinarap niya ito. Pinilit niyang itago dito ang totoong nararamdaman. “Wag kang padalus-dalos. Nakainom lang tayo pareho kaya nangyari ‘yon.”

“You think?” Hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Tinalikuran niya ang binata ang binuksan ang gate.

“Don’t play games with me, Margaux.”

“Sino bang naglalaro-”

“Gusto kita.” Halos na nitong agap sa kanya. Akma niyang sasagutin iyon ngunit natigilan siya nang mapagtanto sinabi ni Jaiden.

Hindi niya alam kung nasaktan o kinilig ba siya sa biglang pagkirot ng puso niya dahilan upang magkaroon ng kibig ang kanyang lalamunan.

“Ngayon sagutin mo ‘ko.”

Umiling siya sabay ngumiwi. “Hindi ko kailangang sumagot sa’yo. Alam kong malinaw sa’yo kung ano ako.”

Pagkasabi noon ay lumakd na siya. Sumunod pa rin si Jaiden sa kanya. Walang dapat mag-umpisa dahil alam niyang walang patutunguhan ang sinabi ni Jaiden. Maaaring naguguluhan lamang ito ngunit walang gusto si Jaiden sa kanya.

“Alam ko ang ginagawa ko lalong alam ko kung anong nararamdaman ko.” Panay ang salita nito habang naglalakad. Pilit siyang sinasabayan. “Seryoso ako sa sinabi ko sa library. Niyaya kita dahil gusto kita. At gusto kitang ligawan. Gusto kong makilala pa kita. Nag-eenjoy akong kasama at kausap ka. Margaux-”

“Hindi kita gusto!” Agap niya nang tumigil siya at harapin ito. Tigagal si Jaiden nang tumingin sa kanya. “Nag-assume ka naman masyado.”

Hanggang umismid ito. “Hindi ka magaling magsinungaling. Alam kong mayroon nang attraction sa’tin no’ng hinalikan mo pa lang ako sa library. Kasalanan mo rin.”

“Gusto ko lang na tigilan mo ‘ko dahil ang kulit-kulit mo.” pagmamatigas niya.

“Alam mong hindi totoo ‘yan.”

“Wow.” Hindi siya susuko kay Jaiden. Hindi niya aaminin dito ang totoong nararamdaman. Pareho lang silang masasaktan. “Ang babaw mo pala. Nagkagusto ka dahil lang sa hinalikan ka?”

“Wag mong ring pababain ang tingin mo sarili mo. Hindi ako gano’ng klaseng tao, Margaux.”

Hindi nakatugon si Margaux. Wala na siyang pakialam kung ano pa mang isipin nito tungkol sa kanya. Magugulo lang muli ang buhay niya muli siyang magtitiwala. Hindi na dapat niya sinabi ang maraming bagay tungkol sa kanya.

“Kalimutan mo na ‘yang kalokohan sa isip mo. Bumalik ka na sa bahay n’yo at hinihintay ka ng kuya mo.” Pinagtitibay ang pag-iwas niyang sabi saka mabilis na lumakad palayo dito. Sinubukan pa siyang pigilan ni Jaiden ngunit tumakbo na siya.

Ayaw na niyang marinig ang iba pang sasabihin ni Jaiden. Mabubuksan lamang niyon ang maling pag-asang maaari pa siyang itangi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.