SHE KNOWS LOVE Chapter 3

Nasa library si Margaux noong araw na iyon upang ibalik ang nariham niyang libro. Balak din niyang tumambay muna dahil mahaba pa ang bakanteng oras niya. Broken schedule kasi siya sa kasalukuyan. May advanced subject siya pero may mga binabalikan din.

Nang maibalik ang libro ay saka siya nagpasyang humanap ng bagong libro. Sa history section siya nagpasyang maghanap. Kailangan niya ng masusing research dahil period ang setting ng kasalukuyan niyang project.

Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang bawat librong nakahanay. Spanish colonial period ang napupusuan niyang panahon. Maraming mahahalagang pangyayari ang naganap sa panahong nasakop ang bansang Pilipinas. Maraming tao ang nakilala at maraming lugar ang naging makasaysayan.

Nang makapili ay kinuha niya mula sa shelf ang may kakapalang libro saka binuklat iyon. Hanggang sa mauwi siya sa pagbabasa.

“Hi.”

“Whoa!” Muntik na niyang nabitawan ang hawak na libro dahil sa pagsigaw niya. Talagang nagulat siya. Kasunod noon ay ang palitaw ng librarian at sinaway siya.

“Sorry po.” Aniya sa librarian. Saka isang nagbabantang tingin ang ipinukol ng librarian sa kanya bago umalis.

Nilingon si Jaiden. Naulit na naman. Hindi na naman niya maintindihan ang biglang pag-iiba ang tibok ng puso niya. Naroon na naman ito sa harap niya at nakangiti. Mabilis niyang pinalis ang kakaibang pakiramdam.

“I’m sorry. Hindi ko akalain na magugulat ka.” Sabi ng binata. Hindi siya sumagot. Walang salita niyang ibinalik ang libro sa shelf at tinalikuran si Jaiden. Wala siyang panahong makipag-usap dito.

“Wait.” Narinig niyang pagpigil sa kanya ni Jaiden at sinabayan pa iyon ng paghawak nito sa braso niya. Mabilis naman gumana ang reflexes niya at binawi ang sariling braso. Hindi nasisiyahan niyang nilingon ito.

“Ano bang kailangan mo?” mahina ngunit puno ng diin at inis niyang tanong. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Dahil sa paghawak ni Jaiden sa kanya ay may kakaibang init na gumapang sa kanya. At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Mula sa bulsa ng binata ay nakita niyang umangat ang kamay nito sa harap niya. Muli siyang nagulat.

“Ibabalik ko lang ‘to.” Sabi nito habang hawak ang gum eraser niya. Kumunot ang noo niya ngunit kinuha pa rin ang pambura. Muli niyang tinalikuran ang binata.

“Sandali lang.”

“Ano ba-” pigil na pigil na mapasigaw siyang muling humarap dito. Naiirita na siya talaga. Ano bang nasa isip nito ay panay ang kulit sa kanya?

“Shhh.” Hindi naman apektadong saway pa nito sa kanya. Nasa may labi pa ang hintuturo nito. Marahas siyang nagbuntong-hininga. Saka ito tiningnan nang hindi maganda.

“I just want to say hi. Masyado ka namang masungit.” Sabi nito.

“Nag-hi ka na kanina.” Walang ngiti niyang sagot.

“Yeah.” Anito. “Itatanong ko lang din sana kung may nagawa ka na do’n sa take home plate natin kay Mr. Perello. Magpapatulong sana ako eh.”

“Hindi ako helper.” Agap niya at muling tumalikod. Nang maramdaman niya ang pagsunod ni Jaiden ay kaagad siyang humarap pabalik.

“Wag ka nang sumunod, pwede? ‘Wag mo na rin ako tatawagin.” Sabi niya at dinuro pa ito. Hindi naman ito tumugon at tila hindi nagustuhan ang sinabi niya.

Tumalikod na naman siya. Humakbang siya palayo kay Jaiden ngunit naramdaman niya ang pagsunod nito.

Pumikit si Margaux. Saka nag-inhale exhale. Talagang sinasagad ni Jaiden ang pasensya niya. Pilit naman niyang iniiwasan ang mga ganoong tagpo na may lalaking lalapit sa kanya para lamang makipag-flirt sa kanya. Dahil ganoon ang tingin ng lahat sa kanya. Na parang nabuhay lang siya upang tratuhing mababang uri. That she was like every man’s girl.

‘Maybe this model wants some flirt.’ Anang isip niya. Isang ideya ang naisip niya. Ibibigay niya ang hinihingi ni Jaiden.

“Tara.” Sabi niya kay Jaiden nang muli itong lingunin.

Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ng binata. “Huh? Saan?”

But she never answered. Naglakad lang siya sa gilid ng library. Alam niyang nakasunod ito sa kanya. Tiyak na curious si Jaiden sa sinabi niyang ‘tara’ kaya susunod at susunod ito sa kanya.

Narating nila ang pinakadulong shelf ng library kung saan naroon ang mga dissertation at thesis. Madalang ang mga estudyante doon dahil may kadiliman na sa parteng iyon ng library.

At bago pa man makapagtanong si Jaiden ay hinagip na niya ang kwelyo ng polo nito nang humarap siya. Mabilis niyang naisandal si Jaiden sa pader at walang abisong lumapat ang labi niya sa labi nito.

She felt Jaiden was stoned. Kitang-kita niyang ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa kapangahasan niya. Alam niyang hindi nito inasahan ang ginawa niya. Kahit naman siya. Hindi niya napagplanuhan ang aksyon niya. Sadya lang nabwisit na siya kay Jaiden dahil sa pangungulit nito.

Hindi inasahan ni Margaux na maaapektuhan siya ng halik na iyon. It was supposed to be a punishment. Na hindi niya isasara ang mga mata para lamang namnamin ang nalasap na tamis ng halik na iyon. Ngunit kaagad na umahon ang ibang klaseng init sa kanya. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang paghapit ni Jaiden sa kanya. Bigla siyang kinabahan.

Naramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Jaiden. She tasted his breath as he invaded inside her mouth. Kusa na lang kasing bumuka ang labi niya upang hayaan ang pagtugon na iyon.

She felt his hand rubbed her back. Niyakap na siya ng binata. Hindi niya mapaglabanan ang sensasyong biglang bumalot sa kanya. Dapat ay sandaling halik lamang iyon. Ngunit tila tumakbo na ng ilang segundong magkahinang ang kanilang mga labi.

Ramdam na ramdam ni Margaux ang lambot ng labi ni Jaiden. It was as if she was nibbling a softness. At tila lalo pang dinagdagan ng hiningang umalapas mula sa binata. Bumilis ang tibok ng puso niya.

Tila may sariling pag-iisip ang mga labi nila dahil kusang naglayo ang mga iyon. Nanatili siyang nakapikit at ramdam niya ang tila pamamanhid ang labi niya. She was barely inhaling his breath. Alam niyang hindi pa ito lubusang lumalayo sa kanya.

Saka niya naramdaman ang paghaplos sa kanyang pisngi. Noon siya napamulat. At sa pagbukas ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakatitig na pala si Jaiden sa kanya. His strangely pretty eyes were like licking her stare. Na lalong nagpailang sa kanya ngunit hindi naman magawang kumilos ng katawan niya. But she has to. Pinagana niya ang isang nerve ng utak niya at ginising siya. Saka marahas na itinulak ang binata.

She forced herself to went blank. Wala dapat mahalata si Jaiden sa kanya. Ito ang dapat na naapektuhan at hindi siya.

“S-Siguro naman titigilan mo na ‘ko.” Pilit itinitago ang panginginig ng tinig niyang saad. She was breathing harshly.

Sinamantal niya ang pagkatulala ni Jaiden at tumalikod pagkabuga niya ng hangin. Hindi niya kayang tagalan ang pagtitig sa binata. Kailangan niyang makalayo. Hindi niya gusto ang biglang naramdaman. Kaya lakad-takbo siyang lumabas ng library. Dahil tila biglang nataranta ang puso niya.

Ang pagtawag ni Ivan ang nagpabalik kay Jaiden mula sa tila pagkatulala. Nilingon niya ang kaibigan na nasa tabi na pala niya. Kumilos siya at nagbuntong-hininga.

“Anong nangyari?” Tanong ni Ivan. Muli siyang napasandal sa pader.

“Wala.” Simple niyang tugon. Ayaw na niyang sabihin dito ang ginawa ni Margaux sa kanya. Baka asarin lang siya nito.

“Lumabas na si Margaux. Ano? Nakausap mo ba? Bigla ka kasing nawala kanina. Daldal ako ng daldal kasi akala ko nasa likod kita. ‘Yon pala kausap na si Margaux. Ano na? At saka bakit ba kayo napadpad dito?” panay ang salita ni Ivan.

Tila naubusan ng pasensya niyang nahilamos ang sariling mukha. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon.

Wala maisip na salita ang isip niya upang ipaliwanag ang nangyari kani-kanina lang. Nag-umpisa lang naman nang subukan niyang lapitan si Margaux. Nakita niyang pumasok ito ng library. Mabuti na lang napag-utusan sila ng grupo nila sa isang subject nila na magbalik ng libro.

Ang library na marahil ang huling lugar na maiisip niya na pupuntahan ni Margaux. Wala naman kasi sa hitsura ng dalaga na gagawin nitong tambayan ang silid-aklatan. Pakiramdam niya ay mabo-bore lang si Margaux. Kaya natuwa siya kahit paano nang makita ito dahil hindi na niya kailangang hanapin ang dalaga.

Kaya naisip niyang lapitan ito. Mabuti na lang at nadala niya ang gum eraser nito. May dahilan siya upang kausapin ang dalaga. But the eraser was a failure. Akala niya ay magiging madali na makakwentuhan si Margaux kung magiging nice siya. Kung ipaparamdam niya dito na hindi siya rude. Ngunit tila bato ito kung tumugon sa kanya. At tila nandidiri pa ito sa kanya. Sadyang ipinaparating ng dalaga na ayaw nito ng kausap. O ayaw nito sa kanya.

Naging desperado na siya nang bandang huli. Kaya pinilit na lang niya sundan ito. But he never thought that she would pull him in a corner for a kiss. Totoong hindi niya inasahan. And he felt that what she did was to punish. Or to insult him? Hindi niya alam. Isa lang ang naging malinaw sa kanya matapos ang ginawa nito. Margaux wanted him to stop. Ngunit sa ginawa nito ay lalo lamang siyang nagkaroon ng interes na lalo pa itong kilalanin. Lalong yumabong ang misteryo ni Margaux sa kanya. It was because of that mind blowing punishment. That exciting kiss.

“Huy! Hindi ka na sumagot d’yan.” Ani Ivan at tinapik pa ang balikta niya. Tiningnan niya ito. “Natulala ka na. Na-engkanto ka ba? Halika na. Nag-text sina Kevin. Hinihintay daw tayo sa labas. Tara na.”

Hindi na lang siya umimik at sumunod na lang dito. Hindi niya alam kung nasaan na si Margaux. Umikot ang mga mata niya upang hanapin ito ngunit bigo siya. Kung iniisip ni Margaux na susundin niya ito ay nagkakamali ang dalaga. Dinagdagan lamang nito ang dahilan niya upang lumapit dito.

Palabas na sila ng library nang mapansin niya ang isang berdeng card sa sahig. Hindi iyon napansin ni Ivan kaya siya na ang pumulot. Library card pala iyon.

Kunot ang noo niyang binuklat ang cover at ganoon na lang ang pagsikdo ng dibdib niya nang makita ang larawang nakadikit doon pati na ang pangalang naka-imprenta. Napalingon siya sa lost and found area ng library. Doon dinadala ang mga nawawalang gamit upang doon din i-claim.

Ngunit sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi niya dadalhin ang card sa lost and found. Siya ang nakakita at siya mismo ang magbabalik sa nagmamay-ari niyon. Napapangiti siyang sumunod kay Ivan. Habang ibinulsa ang library card ni Margaux Ilustre.

Dear S_K_A_R

Nagtataka ako. Natataka talaga ako kung bakit ang iba eh madaling makakuha ang boyfriend. Samantalang ako ay twenty-four na ay hindi pa rin nagkaka-boyfriend. Maganda naman ako sa paniniwala ko. Even my friends tell me that. Hindi rin ako loner. I love going out actually. Hindi rin naman ako nagsusuplada. Kahit sa mga co-workers ko ay friendly naman ako. Can you give me an advice on how to get a their attention? Feeling ko kasi lahat ng guys na kakilala ko nakikilala ko ay kaibigan lang ang tingin sa’kin. At ayokong ma-friendzoned. Masakit ‘yon. I can also be a lover not just a friend. Please help naman po. Thanks!

Needing a friend,

Sweet_Khim90

Paghilot sa sariling sentido ang unang ginawa ni Margaux matapos mabasa ang unang letter na nabuksan niya sa inbox ng kanyang e-mail. Isa lamang iyon sa may isangdaan at animnapu na sulat na nanghihingi ng payo kay Skar. Kailangan niyang matugunan kahit kalahati man lang ng iyon at maipasa sa editor niya kinabukasan. At parang matutuyuan siya ng nutrients sa utak kanyang nabasa. Hindi naman ganoon kabigat ang problema ng letter sender. But since it was a love problem. Her job was to help as her friend.

Habang nag-iisip ay napalingon siya kay Bogie na abalang-abala sa pagsasayaw dahil naglalaro ito ng Dance, Dance Revolution Nintendo Wii sa Xbox nito. Puno na ito ng pawis at halatang hindi makakapayag na hindi mataas ang score.

Nasa isang billiard club na may kanugnog na computer center si Margaux. Pag-aari iyon ng pamilya ni Bogie na kabarkada niya since highschool. Gamit niya ang personal desktop computer ni Bogie dahil wala siyang sariling gadget. May lumang PC sa bahay nila ngunit ang mga kapatid naman niya ang gumagamit niyon. Isa pa, wala silang internet connection kaya hindi rin niya mabubuksan ang email account niya. Nag-text na sa kanya ang editor niya. Kailangan na daw ang sagot niya sa mga sulat kay Skar.

May isang taon nang contributor si Margaux sa Mass Chronicle. Isa iyong on-line mazagine na layong palawakin ang kalinangan ng netizen sa maraming bagay. Isa siya sa contributor at sa kanya napunta ang She Knows And Right na isang section sa magazine kung saan nagbibigay siya ng payo sa mga may problema pagdating sa pag-ibig.

Sa kanyang personal blog siya nadiskubre ng Mass Chronicle. Nag-post kasi siya ng isang article ng MC sa kanyang sariling blog. Nagbigay siya ng kanyang opinion dahil tungkol iyon sa pagkakaroon ng third party sa isang relasyon. Nabasa ng magazine ang saloobin niya at kasunod na nga niyon ay kinontak na siya ng editor ng magazine. At doon na nga nagsimula ang pagiging love expert niya.

She found being Skar as a therapy. Mas kumportable siyang magsalita kapag tumitipa. She was not a good conversationalist. Aminado siyang countable ang kanyang mga kaibigan. Mahilig siyang maglagalag ngunit madalas ay mag-isa lang. O kung mayroon man ay ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan lang ang kasama niya. Ngunit kapag siya si Skar ay mas malawak ang abot ng pakikipag-usap niya. Kahit naman noong blogger pa lang siya. Hindi siya nagpapanggap kapag nagkikwento sa kanyang blog. Kapag nagbibigay ng pahayag. She can be harsh, nice and mean if she wanted. She can be her real self. Hindi tulad kapag sa totoong mundo na. Nagsusuot na siya ng maskara kapag humaharap sa ibang tao dahil pakiramdam niya ay pulos huwad ang mga tumitingin sa kanya. Nahuhusgahan pa siya. Lahat, masama ang tingin sa kanya.

Matapos makapag-isip ng ipapayo ay muli niyang hinarap ang monitor. P-in-aste niya ang sulat sa MS word at nagsimulang tumipa.

Dear Sweet_Khim90

Mag-focus ka kaya, Teh. One guy at a time lang po, pwede? Kung ang hanap mo ay atensyon ng lahat ng lalaki sa mundo, eh, nag-declaire ka na lang sana ng ‘Search for my Mr. Right Guy.’ You put many man in your circle in an uncomfortable competition. Ano ka? Sikat? Anne Curtis, Teh?

I’m sorry if I’m rude pero unstable kasi ang utak mo. Sabi mo, maganda ka naman. That alone is one ticket para makahanap ka ng love life. Pero hindi assurance ‘yon. Nice ka naman sabi mo pa. That’s added point. Pero sa personality mo ‘yon. Pa’no kung iba ang dating sa mga guys na natitipuhan mo? Madami ba sila? Kasi parang isang buong species ng male genes ang binabanggit mo. Isa lang ay sapat na.

Pwedeng may attracted na sa’yo. Pero baka may sablay sa attitude mo or sa aura mo. Pwedeng ang dating mo ay intimidating. Kasi sabi mo, uulitin ko, maganda ka.

That may made it harder for a guy who is shy to let you know he is interested. Makikiramdam din ‘pag may time. Find the spotlight. If the guy seemed interested, spend some more time with him. Go for a walk and just be yourself. Huwag ding mainggit. Maging kontento pero mag-explore.

But take note. Hindi porke nakipag-date ka na sa isa ay sure ka na. Maaaring hindi pa rin ‘yon. Do’n mo kakailanganin ng patience. It’s a virtue naman ika nga.

I hope nakatulong ako.

XoXo,

She_Knows_And_Right

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.