Madaling natapos ni Jaiden ang report niya at kaagad na nagpasyang ipasa kay Dra. Alegre. Maaga siyang nagtungo sa faculty office noon araw na iyon ngunit naka-leave daw ang guro. Kaya nagpasya siyang bumaba. Ngunit nang nasa lobby na siya ay nakita niya si Dra. Alegre. Kaagad niya itong nilapitan.
“Good morning, Ma’am.”
“Good morning, Mr. Vilandre.” Tugon ng guro.
“Heto na po ‘yong report ko.” Iniabot niya ang sliding folder na kulay blue.
Kaagad na binuklat ni Dra. Alegre ang ibinigay niya at mabilis na binasa. Naroong umangat at kumunot ang kilay nito habang tila pinag-aaralan ang ginawa niya.
“Akala ko po naka-leave kayo. ‘Yon po kasi ang sinabi sa taas.” Aniya upang kahit paano’y aliwin ang guro. Kinakabahan kasi siya dahil tila hindi nito nagugustuhan ng nababasa.
“May inasikaso ako. Aalis din ako agad.” Sagot nito na nasa binabasa pa din ang mga mata.
“Ahm, may ilang question po na hindi sinagutan ni Margaux.” Sinabayan na niya ng paliwanag ang pagbabasa ni Dra. Alegre.
“Kumusta na s’ya?” Seryosong tanong ni Dra. Alegre sabay tiklop ng folder. Kinipkip nito iyon sa may kilikili nito.
Nagtaka si Jaiden bigla. Nahimigan niya ng tila concern ang ang tinig ng guro. Minsan na rin silang nagtaka ni Ivan sa totoong mobito ni Dra. Alegre pati na ang reaksyon mismo ni Margaux nang malaman ng dalaga na para sa guro ang interview na kailangan niya.
“A-ah...eh...medyo mahirap kausapin. Medyo aloof po sa tao.” May pag-amin niyang sagot.
Nakita niya ang tila kay bigat nitong pagbuntong-hininga. “Yeah, she’s stubborn too. Akala n’ya lagi walang nakakaintindi sa kanya. Nagtatapang-tapangan pero duwag naman.”
“Ano po?” He got really lost. Wala siyang makuha sa mga sinabi ni Dra. Alegre.
Tumingin ang guro sa kanya. “She was once my patient. Hindi pa ako nagtuturo dito at may clinic pa ako. Hindi ko matapos-tapos ang analysis ko sa kanya kasi ayaw n’yang makipag-cooperate. She always says that she’s fine. Pero hindi ako naniniwala.”
“Patient? Meaning…may-”
“No.” Agap ng guro. “Hindi s’ya nababaliw. But she needs help. Ayaw lang n’yang aminin.”
Napangiwi si Jaiden dahil sa kalituhan. “Hindi ko po kayo maintindihan, Ma’am.”
“It’s a long story, Jaiden.” Sabi nito sabay hawak sa folder. “Anyway, okay na ‘to. I will have your grade fix. Pwede ka nang pumunta sa klase mo.”
Napatango na lang si Jaiden. “Sige po. Thank you, Ma’am.”
Ngumiti ang guro. “Okay.”
Tumalikod na si Jaiden at naglakad palabas ng building. Ngunit muli siyang tinawag ni Dra. Alegre.
“Yes, Ma’am?” Aniya.
“Salamat.” May kaseryusohan nitong sabi. “And…if it is not too much at kung may oras ka, spent some time with Margaux. Be a friend to her. She really needs one.”
Hindi alam ni Jaiden kung paano sasagutin ang sinabi ni Dra. Alegre. Wala namang masama sa sinabi nito at hindi naman imposible iyon. Ngunit naroon na namang naramdaman niya ang concern ng guro para kay Margaux. Na tila mas may malalim pa itong dahilan kung bakit ganoon na lang ang tila kagustuhan ng gurong tulungan si Margaux. But he was clueless. Kaya paano siya magiging kaibigan kay Margaux kung ni lapitan ito ay hirap na siya?
“S-Sige po.”
Ngumiti lang si Dra. Alegre at tumalikod na. Siya naman ay napapaisip nang malalim habang itinuloy ang paglabas ng building.
Pakiramdam ni Margaux ay lumilipad ang kanyang isip at dinadala siya ng kanyang imahinasyon sa isang lugar na masaya. Sa ganoon paraan ay gumagaan ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung paano niya nakasanayan ang pagiging mag-isa. Ngunit sa ganoon lamang niya naiwawaglit ang sakit na nakakabit sa kanyang dibdib. Iyong nagpapabigat ng kanyang puso. Ang dahilan ng kanyang lungkot.
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Margaux. Sinalubong ng asul na kalangitan ang kanyang paningin. She felt her madness had flown away. Tila sumama sa dumadaang mga ulap sa kanyang harapan. Nagbuga siya ng hangin. Saka muling pumikit.
Kasalukuyan siyang nasa malawak na university oval. Nakahiga siya sa batong upuan sa open arena. Walang tao nang oras na iyon dahil oras ng klase ng halos buong eskwelahan. Wala na siyang klase dahil naka-leave ang dapat ay professor niya. Dapat ay tatambay siya sa library ngunit maraming estudyante nang magtungo siya doon. Kaya nagpasya na lamang siyang manahimik sa oval.
Muli siyang nagmulat. Nakita niyang bumilis ang pagdaan ng mga ulap. Bahagya siyang napangiti. Naisip niya na sana’y ulap na lamang siya. Madali nang magpatangay sa hangin. Wala na siyang pakialam kung saan man siya dalhin ng ihip niyon. Hindi tulad niya sa kasalukuyan. Mag-isa.
Nakarinig siya nang mahihinang tinig na tila nag-uusap kaya lumingon siya. Sabay napabangon nang makita ang ilang lalaking estudyante na naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. Umayos siya ng pwesto. Nag-iisip siya kung aalis na o kung hahayaan na lang niyang makadaan ang mga ito. Ngunit hindi pa niya alam ang gagawin ay nakalapit na ang mga ito sa kanya. She sighed. Kaagad na kasi siyang napansin ng isa sa mga ito. Kapansin-pansin agad ang kakaibang ngisi nito.
“Hi, Margaux.” Bati pa nito.
She went blank. “Kevin.”
Kilala niya si Kevin Espiritu dahil malapit itong kaibigan ng kanyang dating kasintahan na si Paul. Ilang beses niya itong nakasama sa mga lakad nila noon ni Paul dahil sa mabarkada ang kanyang dating nobyo. Unfortunately, she annoyed Kevin’s guts. May pagkakatulad kasi ito ng ugali kay Paul. Kevin and Paul both born with rudeness. Mga walang paggalang sa mga babae.
“Alone, sexy?”
Kaagad niyang ikinainis ang sinabi ni Kevin. Nasundan pa iyon ng malutong na tawa nito sabay lingon sa mga kasama nito.
Walang ngiti niya itong tiningnan. Wala rin siyang itinugon sa tanong nito. Kailangang malaman ni Kevin na ayaw niya itong kausap.
Ngunit naalarma siya nang bigla itong kumilos papalapit sa kanya. Ganoon din ang mga kasama nito. Hindi na siya nakatayo nang makaupo ito sa tabi niya. Sa kabilang tabi naman niya ang isa nitong kasama.
“Ikaw naman. Para namang wala tayong pinagsamahan.” Sabi ni Kevin sabay abot sa dulo ng kanyang maiksing buhok. Mabilis niyang ipinalig ang ulo upang patigilin ito sa ginagawa.
“Wala naman talaga tayong pinagsamahan. Si Paul ang kaibigan mo hindi ako.” Sabi niya.
Again, Kevin laughed that she always hated.
“Don’t play hard to get, Margaux. Wala na si Paul. Alam ko namang ginusto mo rin ako.” Ani Kevin matapos tumawa.
Napasinghal siya nang malakas. “Hindi lahat nauuto mo. Alis na ‘ko.”
“Sandali lang.” Nakatayo na siya nang mabigilan ni Kevin at hinawakan siya sa braso ngunit mabilis niyang binawi ang braso niya. Tiningnan niya ito nang masama.
“Hindi ako interesado kahit noon. At wala namang nagbago hanggang ngayon. Ayoko sa’yo.” Walang gatol niyang saad habang titig na titig kay Kevin. Maaaring gwapo nga si Kevin ngunit walang silbi iyon sa kanya dahil pag-uugali nito.
Kevin smirked. “Choosy?
Lumapit ito sa kanya at napaatras naman siya.
“Wala kang maipagmamalaki sa’kin, Margaux Ilustre. Alam na alam ko ang kwento n’yo ni Paul. At kahit ‘yang walang kwenta mong buhay, alam ko. Kilala na kita. You’re a player. Kaya ‘wag ka nang magpakipot-”
“Gago ka.” Mariin niyang sabi matapos na lumapat nang malakas ang kanyang palad sa pisngi nito. Gigil na gigil sag alit.
“Kevin.” Anang kasama ni Kevin at tumayo na tila naalarma sa ginawa niya. Ngunit hindi iyon pinansin ni Kevin. Bagkus nanlilisik ang mga matang tinitigan siya nito. At nagulat siya nang bigla nitong hagipin ang upper arm niya.
Niyugyog siya nito.
“You slut! Anong karapatan mong gawin sa’kin ‘yon?” galit na galit nitong sigaw sa kanya.
“Bagay lang sa’yo ‘yan. Kulang pa nga eh. Bastos!” pagganti niyang sigaw at pilit na kumakawala sa nakakasakit nitong paghawak.
“Ito ang tatandaan mo, Margaux.” Nanlalaki ang mga matang sabi pa ni Kevin at namumula pa. At hindi siya ignorante sa ganoong bagay upang hindi niya mapansing tila lango ito sa ipinagbabawal na gamot.
“Wala akong dapat tanda─”
“Makinig ka!” Mariin nitong agap. Lalo pang humigpit ang paghawak nito sa braso niya dahilan upang mapaungol siya. Talagang nasaktan siya. Wala namang magawa ang mga kasama ni Kevin dahil tila takot naman ang mga ito kay Kevin.
“Ako ang unang nakakita sa’yo at hindi si Paul. Pinagbigyan ko lang ‘yon dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya, eh. Pero ngayong wala na s’ya at tapos na kayo kaya pwede ko nang gawin ang matagal ko nang gustong gawin sa’yo. At ‘wag ka nang magpakipot, Margaux.” Muli siyang niyugyog ni Kevin at napaungol siyang muli.
“Hindi ako papatol sa katulad mo.” Nagngingitngit niyang sagot.
Ayaw lamang niyang ipahalata sa binata ngunit binalot na siya ng kaba dahil ginagawa ni Kevin sa kanya. Hindi niya matagalan ang titig ni Kevin. Pamilyar sa kanya ang ganoong uri ng pagtingin. It reminded her of Paul. At sa ikinikilos ni Kevin ay tila naulit ang isang eksena sa buhay niya nang una siyang saktan ni Paul.
“At ano naman tingin mo sa sarili mo, Margaux? Nagmamalinis ka? Eh, patapon din ang buhay mo. Si Paul nga lang ang nagsalba sa’yo di’ba?” agap nito.
Umahon ang galit kay Margaux. Walang naiintindihan si Kevin sa kahit na anong nangyari sa kanila ni Paul lalo na ang tungkol sa buhay niya.
“Wala kang alam!” Aniya at buong lakas na itinulak si Kevin kaya nabitiwan siya nito. Muli siya aabutin nito ngunit mabilis siyang umatras. Napahawak siya sa kanyang braso. Talagang nasaktan siya. Taas-baba ang dibdbi niya dahil sa galit kay Kevin.
Umismid si Kevin. “Marami akong alam, Margaux. Alam kong itinakwil ka ng sariling mong ama kasi ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay─”
“Tama na!” Pasigaw niyang pigil kay Kevin. Ikinagulat niya ang isinawalat nito at hindi na kailangang tapusin pa ang anumang sasabihin nito.
“Guilty? Bakit? Masakit marinig ang katotohanan di’ba? At hindi mo rin matanggap na hindi ka naman talaga minahal ni Paul. Kaya nga dapat tayo na lang, Margaux. We will be good for each other. Dahil naiintindihan kita.” Nakangisi pa nitong sabi sa kanya.
Margaux gritted her teeth. Naikuyom niya ang mga palad niya at nagsisimula na siyang manginig. Sinira ni Kevin ang pananahimik niya at nagawa pa nitong ipaalala sa kanya ang dapat ay nabaon na lang sa limot.
“Wala kang alam. Lalo na sa’kin.” Buong diin niyang sagot. “Mas wala ka namang kwenta kaysa sa’kin, Kevin. Adik ka.”
Nanlaki ang mga mata nito dahil marahil sa pagkagulat. Kitang-kita ang namuong galit sa mukha ni Kevin.
“Ano sinabi mo? Hindi ako adik!” Sigaw nito at bigla na lang ay naabot siya nito. He reached her neck. At mariin na hinawakan ni Kevin iyon. Mahirapan siyang huminga.
Nilapitan na sila ng mga kasama ni Kevin at pinilit na ilayo sa kanya ito. Baka malagutan siya ng hininga kung hindi pa siya lulubayan nito.
“Kevin, ‘wag.” Anang kasama nito habang pilit tinatanggal ang kamay ni Kevin sa leeg niya.
She was barely breathing. She needed help.
“K-Kevin!” Sa hirap na ulirat ay narinig niya ang isang tinig. Napakipit siya.
“Kevin, stop it! Bitiwan mo si Margaux!”
Biglang may tumulak kay Kevin palayo sa kanya. Noon siya napaluhod habang habol-habol ang hininga. Parang nanlalaki ang ulo niya sa hirap sa paghinga.
“Wag kang makialam dito, Jaiden!” Narinig niya sigaw ni Kevin. But she was shaking too hard that she cannot move.
“Ito na ang huli, Kevin, na babastusin mo si Margaux. I’m telling you. Pwede kitang ipa-suspend.” Anang tinig ni Jaiden.
“Fine.” Ani Kevin. “Ito ang tandaan mo, Jaiden. Kaibigan ako. Pero masama akong kaaway.”
“Wala akong pakialam. Umalis na kayo.” Masungit ang tinig ni Jaiden. Noon niya pinilit tumayo habang inuubo-ubo. Hirap pa rin siyang huminga.
“Okay ka lang?” May pag-aalalang tanong ni Jaiden nang makalapit sa kanya. Nakaalis na rin noon sina Kevin.
Isang malakas ng buga ng hangin ang ginawa niya saka tiningnan si Jaiden. “O-okay na ‘ko. Hindi ka na sana nakialam.”
Umismid ito na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. “Ako na ang tumulong ako pa ngayon ang aawayin mo. Ganyan ka ba talaga? Galit na galit sa mundo.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus tinalikuran niya si Jaiden at muling nilapitan ang bag. Kinuha niya iyon habang pinipilit na ayusin ang paghinga.
“Eh ‘di salamat.” Sabi niya saka naglakad papalampas sa binata. Ngunit mabilis na hinarangan ni Jaiden ang dadaanan niya.
“Sa tingin ko wala ka nang klase. Wala na rin ako. Coffee muna tayo.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Jaiden. “At saka...parang namumula ‘yan leeg mo. Gamutin natin.”
She sighed. “Huwag mong mamasamain, ano? Pero…sinusundan mo ba ‘ko? Ang alam ko, wala ka nang kailangan sa’kin. ‘Tapos para namang mahirap paniwalaan na aksidente lang na nagpunta ka rin dito sa oval.”
Ngumiti si Jaiden na nauwi sa mahinang pagtawa. And she will admit, a warmth touched her heart. Ngunit pilit din niyang iniwaglit ang pakiramdam na iyon.
“Talagang pupunta ako dito. Nagtext kasi sa’kin si Kevin. Dapat may ibibigay s’ya sa’kin. Pero ito nga ang nadatnan ko. Kaya...ganito ang nangyari.” Umangat ang mga kamay nito na sinasabing dapat ay maniwala siya. “Siguro naman ay hindi mo na iisiping sinusundan kita.”
Muli siyang nagbuntong-hininga. Masakit pa rin ang leeg niya ngunit nawawala naman na. Parang naman siyang timang na nakaramdam siya ng panghihinayan nang sabihin ni Jaiden na hindi siya sinundan ng binata.
“Okay. Sabi mo eh.” Aniya at nagpasya nang maglakad ngunit pinigilan siya ni Jaiden. He reached for her arm.
Natigilan siya. Sabay pagbaba ng tingin sa kanyang braso. She never allowed anyone to touch for a year. At kabilang si Jaiden sa hindi dapat humawak sa kanya. Ngunit bakit tila ayaw kumilos ng katawan niya? It was as if she wanted that touch.
“I insist. Coffee muna tayo, please? Tutal nagpasalamat ka na rin lang. I-kape na natin. Mas ma-a-appreciate ko ‘yon. ” Jaiden was really insisting in a tender manner. At paano niya paglalabanan iyon kung kusang bumibigay ang sarili niya?
‘Margaux, tama na ang katangahan mo. Paasahin ka lang din n’yan.’
Ngunit,
“Sige.” Iyon ang salitang namutawi sa labi niya kaya ganoon na lang ngiti ni Jaiden at pinagtakhan ang sariling sumama siya dito.