SHE KNOWS LOVE Chapter 8

Sa isang cozy restaurant sila nauwi ni Jaiden. Malapit lamang din iyon sa unibersidad. At habang kumakain sila ng inorder nito para sa kanya ay hindi naman mapalagay ang utak niya. Pinag-isipan pa rin kung sumama siya kay Jaiden. They even eat together. Masarap ang pagkain ngunit hindi naman niya manamnam iyon dahil mas abala siya sa kung anu-anong isipin.

Hanggang sa mapalakas ang pagbaba niya sa hawak na kutsara. Natigil ang akmang pagsubo ni Jaiden saka tumingin sa kanya.

“Ayaw mo?” Tanong nito at nakaangat pa ang mga kilay.

She sighed. “Ang sabi mo coffee.”

Bahagya itong ngumiti. “Okay. Order tayo ng coffee.”

“Sandali.” Mabilis niyang pigil sa binata nang biglang umangat ang kamay nito at tila tatawagin ang waiter.

“Ang sabi mo coffee. Matuto kang gu-mets nang mabilis.” Sinadya niyang haluan ng inis ang tinig.

“Nagutom ako eh. Bakit hindi ka na lang kumain? Masarap naman ang food dito.” Sagot ni Jaiden at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Pinagmasdan niya ito.

Ngunit napansin nito ang hindi niya pagkilos. “Come on, Margaux. You’re overthinking and overreacting.”

“Bakit mo ‘ko niyayang kumain?” tanong niya.

“I just want to. Kailangan ba maipasa ko muna sa’yo ang dahilan ko para pumayag ka? I did ask you. Sumama ka naman. So, ibig no’n walang masama sa ginagawa natin.” Kunot na kunot ang noo na sagot ni Jaiden.

“Bakit nga?” pangungulit niya.

Ibinaba nito ang hawak na kubyertos saka muli siyang tiningnan. “Dahil gusto kong gumaan ang pakiramdam mo. Hindi maganda ang ginawa ni Kevin sa’yo. I was there when he humiliated you. I don’t know pero…ayoko lang nakikita kitang ginagano’n ng ibang tao. Kahit no’ng nagkasuntukan sina Bogie at si Kevin sa club-”

“Ano?”

Natigilan si Jaiden sa naging reaksyon niya. Tila hindi nito inakalang ganoon ang magiging reaksyon niya.

“A-Ahm, kalimutan mo na lang-”

“Nadulas ka na. Sabihin mo na.” Agap niya.

Muli itong nagbuntong-hininga. “Natatandaan mo noong nagkita tayo sa bilyaran? Hindi rin kasi maganda ang...ang mga sinabi ni Kevin eh. Nagalit si Bogie kaya nasuntok n’ya si Kevin. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan mo. Siraulo talaga ‘yang si Kevin.”

“Pero kaibigan mo s’ya.” Aniya sabay sandal sa upuan.

Walang sinasabi si Bogie tungkol sa nangyari. At hindi na niya kailangang malaman ang buong kwento dahil kilala niya si Bogie at si Kevin. Malamang na pulos pambabastos ang sinabi ni Kevin kaya nagalit nang ganoon ang kaibigan niya. Alam na alam ni Bogie ang halos lahat ng pangyayari sa buhay niya.

“Pero hindi ko kinukunsinti ang mga actions ni Kevin. Hindi rin naman talaga kami gano’ng magkaibigan. Magkasama lang kasi kami sa team.” Tugon ni Jaiden.

Muli niyang tiningnan ang binata. “Hindi tayo dapat naglalapit nang ganito. Ni hindi tayo dapat nag-uusap.”

Kumunot ang noo ni Jaiden. “Bakit?”

“Walang dahilan.”

Mula sa kunot ay umangat naman ang kilay nito. “Meron. Ayaw mo lang.”

“Wala ka nang pakialam do’n.” Hindi niya nilakipan ng emosyon ang sagot niya. Gusto niyang makaramdam ni Jaiden na hindi ito welcome sa buhay niya.

Isang hindi nasisiyahang tawa ang ginawa nito. “Look. Hindi ko alam ang storya ng buhay mo. Wala akong alam tungkol sa’yo kahit na-interview na kita. Hindi ko rin maintindihan kung bakit iniiwasan mo ang lahat ng tao. Ewan ko kung may nangyaring hindi maganda sa’yo dati. Nasaktan ka ba o ano. But one thing I’m sure is…hindi ka masaya. Nagpapaka-emo ka kasi galit ka.”

“Nag-lecture ka ba kay Dra. Alegre? Baka gusto mong i-jot down ang ginagawa mong analysis sa’kin.” Agap niya kay Jaiden.

“Sinasabi ko lang ang napapansin ko-”

“Kung makapagsalita kayo parang kaya n’yong pasukin ang pagkatao ko. Hindi ako palaka na pwede n’yo i-dissect. Hindi ako test paper na kailangang sagutan. At lalong hindi ako blakong papel na kailangang sulatan para lang magkalaman. Wala akong hinihingi sa’yo. Kung nakikita mo mang malungkot wala ka na do’n. Maraming paraan para magpakabayani. ‘Wag ako ang gamitin mo. At kung sinabihan ka man ni Dra. Alegre na kaibiganin ako, hindi mo dapat sinusunod ‘yon. Wala ka namang mapapala kung gagawin mo eh.”

“Okay.” Walang kangiti-ngiting sagot ni Jaiden sa mahaba niyang sinabi. “Actually, sinabihan talaga ako ni Dra. Alegre na kaibiganin ka. Hindi ako alam kung bakit. Pero walang kinalaman ‘yon kung magkasama man tayo ngayon. Hindi ko naman sineryoso sa sinabi n’ya. What I did for you today was sincere. Gusto ko lang talagang gumaan ang pakiramdam mo. Dahil parang gagaan din ang pakiramdam ko sa ginawa ko. I’m sorry. Hindi ko pala dapat sinunod ang instinct ko.”

Pagkasabi niyon pinahid nito ng table napkin ang bibig saka muling tumingin sa kanya. Hindi pa rin siya kumilos hanggang sa makatayo ito.

“Thank you for the rudeness. Maiwan na kita.” Saad nito at naglakad na palayo. Ngunit saglit din lamang muli itong bumalik sa harap niya. “Huwag mo nang bayaran ang mga ‘yan. Part-owner ang kuya ko dito.”

Nanatiling nakaupo si Margaux hanggang sa tuluyan siyang iwan ni Jaiden. Hindi niyang magawang kumilos dahil parang may kung anong mabigat na bagay na bumagsak sa kanya. She saw how Jaiden’s eyes darkened. Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi niya. Kaya hindi na niya ikinagulat ang reaskyon nito. Ngunit bakit parang siya ang nasaktan? Parang gusto niyang pagsisihan ang ginawa niya. Pakiramdam niya ay mali ang nagawa niya kay Jaiden. Na siya pa ang nagmataas gayon naging mabait naman sa kanya ang binata.

Nagbaba ng tingin si Margaux. Parang nanghina siya. Naisip niya na sana ay natuluyan na lang siya nang sakalin siya ni Kevin. Hindi na lang sana dumating si Jaiden. Hindi na sana niya nasaktan ang binata nang ganoon.

“Ma’am.” Napaangat ang ulo ni Margaux nang marinig ang tinig ng waiter. Nakangiti ito sa kanya. “Para po sa inyo.”

Hindi kaagad nakahuma si Marguax nang iabot sa kanya ng waiter ang isang talulot ng red rose. Mahaba ang tangkay niyon at malaki ang mismong bulaklak. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang dibdib. Tiningnan niya ang waiter.

“Ibinibigay po namin talaga ito sa female customer namin. Iyon pong mga first time na magpunta dito sa restaurant. Welcome gift na rin po ito sa mga kagaya n’yo.” Nakangiting sabi ng waiter.

Tinanggap niya ang rose. Ngunit may iniabot muli ang waiter.

“P-Para saan naman ‘yan?” naitanong niya habang nakatingin sa isang putting card na hawak ng waiter.

“Dedication card po. Isusulat n’yo po dito kung anong masasabi ninyo sa restaurant at service namin. Pagkatapos po ay ididikit po sa malaking cork board na nasa tabi ng counter.” Sagot ng waiter.

Kinuha niya ang card. Binitawan niya ang rose saka tumayo. Lumapit siya sa counter at nanghiram ng ballpen. Saka nagsulat sa card.

Jaiden,

I’m really sorry. Na-gets na kita. Hindi ko lang maamin sa’yo pero nag-enjoy ako today. Thank you. Maswerte ang kuya mo for having a brother like you. I promise, hindi ito ang huling pagpunta ko sa restaurant n’yo.

Alex Margaux

Matapos magsulat ay binigyan naman siya ng pin ng waiter at siya mismo ang nagdikit sa board. Marami nang card ang nakadikit sa board. May mga pictures para ng mga happy customer na minsan nang pumunta sa restaurant.

“Thank you po, Ma’am.” Anang waiter sa tabi niya. Nilingon niya ito. “By the way, Ma’am. Kailangan din po pala ng picture para po sa board. Okay lang po ba?”

“Huh? Kailangan pa ba ‘yon?” Tanong niya. Tumango siya waiter.

“Opo, ma’am eh.”

Napapabuntong-hininga na lang siyang tamango. Mabilis na kumilos ang isang staff may dalang DSLR at mabilis siya kinuhanan ng picture. Tiningnan ng staff ang picture niya.

“Okay na?” Aniya.

Tumango ang staff. “Mas maganda sana kayo ma’am kung nakangiti kayo. At saka…sayang umalis na si Sir Jaiden. Bagay sana kayong magkasama sa picture.”

Pilit na ngumiti si Margaux ngunit hindi na siya tumugon. Hahayaan na lang niya sa kung anong iisipin ng mga ito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang nagpapaliwanag.

Binalikan niya ang rose at nagpasya nang umalis. Inihatid siya ng waiter hanggang sa makalabas siya ng restaurant. Pinasalamatan niya ito.

‘You’re welcome, Ma’am.” Saad nito. “Huwag na kayong mag-away ni Sir Jaiden. Bagay po kasi kayo eh. At saka, ito ‘yong first time na nagsama s’ya ng babae dito. Sige po, Ma’am. Come again po.”

Hindi na nagawang tumugon ni Margaux dahil nakapasok na sa loob ang waiter. Lihim siyang napangiti nang maisip ang sinabi ng waiter. Natuwa ang puso niya sa nalamang siya ang unang babaeng dinala ni Jaiden sa restaurant ng kapatid nito.

“Margaux?” Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. Kung paano siya nagtaka kung sino man iyon ay ganoon naman ang inis na naramdama niya nang makilala ito.

“Never thought to see you’re here.” Sabi ng kanyang tita Lucile. Nakasuot ito ng itim na business dress. Kipkip nito sa may kilikili ang silver pouch. Marahil galing ito sa Ad agency.

Hindi siya sumagot. Lumapit naman ito sa kanya.

“Kasama ko si Althea. Mag-e-early dinner kami. Nagpa-park lang siya.” Sabi nito. Si Althea ay ang half-sister niya. Matanda siya ng isang taon kay Althea. At mabuti na lang at wala ito nang makita siya ni tita Lucile. Makakaalis siya nang matiwasay.

Muli, hindi siya tumugon sa sinabi nito.

“Nagti-text ako sa’yo pero hindi ka nagrereply.” Saad ni tita Lucile.

“Wala ako load.” Maiksi niyang sagot.

Nagkibit-balikat lang ito. “Papasok na ‘ko.”

Nilampasan siya ni tita Lucile at lumapit sa revolving door ng restaurant. Tiningnan niya ito. Ngunit bago pa ito tuluyang pumasok ay muli itong nagsalita.

“Make yourself decent, Margaux. Don’t make yourself look like trash. Hindi na maibabalik ang buhay ng anak ko kung itapon mo man ang buhay mo.”

Isang may bahid galit ang tinging ipinukol nito sa kanya. Pinilit na lamang niya na huwag sagutin ang sinabi ni tita Lucile. Hanggang sa makita niya si Althea na papalapit sa kanya. Madilim ang mukha hanggang sa makalapit sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. Puno ng pag-uusig ang mga mata ni Althea. At pagod na siyang paulit-ulit na masalamin iyon.

Nanatili lang ng ilang saglit si Althea sa harap niya. Ngunit wala naman na itong sinabi hanggang sa hilahin na lang ito ni tita Lucile papasok ng restaurant. Naiwan siyang mabigat na naman ang kalooban. Hanggang sa maglakad siya patungo sa terminal ng jeep ay pilit niyang pinipigil ang pamumuo ng luha dahil muli niyang naramdaman ang sakit nang makita muli ang pamilyang minsang nagkalinga sa kanya.

Nakailang ulit nang basa si Margaux sa sulat na kailangan niyang sagutin ngunit wala pa rin siyang maisip na maaaring ipayo sa sender. Matapos i-open ang personal blog niya at mag-update ay nagpasya siyang magbasa ng letter. May special edition ang section niya sa magazine kung saan pipili siya ng tatlong sender at ipopost iyon sa page ng magazine at mananalo ng ilang prizes. Bahagi iyon ng ikawalong taong anibersaryo ng magazine.

Ngunit walang matinong pumapasok sa isip niya. Pakiramdam niya ay napakalat ng utak niya kaya walang espasyo para sa bagong ideya. O dahil may isang tao na nagpapagulo ng isip niya. Si Jaiden.

Isang linggo ang mabilis na lumipas. Hindi pa rin niya nakakausap ang binata. Tinangka niya itong lapitan sa klase nila kay Mr. Perello ngunit umiwas ito. At tulad ng ibang tao, tila nandiri ito bigla sa kanya. Parang hindi siya kilala ni Jaiden. Ni hindi man lang siya nitong tinapunan ng tingin. At nasaktan siya sa inakto ng binata. Na hindi naman niya masisi.

“Ate.” Ani Aina nang makalapit sa kanya. Nasa kusina siya noon. Gamit niya ang laptop ni Bogie na ipinahiram nito. Nakabili kasi siya ng pocket wifi kaya maari na siyang magtrabaho sa bahay.

“Bakit?” tanong niya habang umaayos ng upo. Umupo sa tapat niya si Margaux.

“May pinakakautangan ka ba?” tanong ng kapatid niya.

Kumunot ang noo niya. “Wala. Bakit ganyan ang tanong mo?”

Nagbuga ng hangin si Aina. “Kasi may itim na kotse na tatlong beses na naming napapansin. Nakatambay sa harap natin. Akala namin no’ng una customer ni Tatay. Eh sabi naman ni tatay hindi naman daw. Baka gangster ‘yon. Inaabangan ka.”

Manghang tiningnan ni Margaux ang kapatid niya. “Grabe, Aina, ha. Kapag mga gangster ako agad? Hindi ba pwedeng kapitbahay natin ang paghinalaan mo?”

Umismid ito. “Hindi sa kapitbahay ‘yon. Gwapo daw kasi ‘yong driver sabi ni Mama. Kasi isang beses ibinaba daw ‘yong salamin tapos nakita ni Mama na nakatingin sa bahay natin. So, nilapitan n’ya tapos tinanong. Ngumiti lang daw ‘yong gwapong guy at itinanong kung dito nakatira si Alex Margaux. Eh ikaw lang naman ang Alex Margaux dito sa barangay natin.”

Muling kumunot ang noo niya Margaux habang malalim na nag-isip. Sino ang maghahanap sa kanya? Wala naman na siyang atraso kahit kanino. Nagpapakatino naman siya at wala na siyang natandaang nakaaway niya. Maliban kay Jaiden.

“Anong daw hitsura?” tanong niya kay Aina habang may namumuong kaba sa kanya.

“Gwapo nga kahit naka-shades sabi ni Mama. Kaso umalis din agad eh.” Sagot ng kapatid niya.

“Hayaan mo na ‘yon.” Sabi na lang niya. Nagkibit lang ng balikat si Aina at iniwan na siya sa kusina.

Siya ay pilit iwinaglit ang isip kay Jaiden at pilit pinatay ang pag-asa ito ang nagtungo sa kanilang bahay. Hindi gagawin ni Jaiden na sayangin ang oras sa isang tulad niya. Kaya nagsimula na lang siyang tumipa.

Dear S_K_A_R

I’m offended by someone. A girl. Sinubukan kong maging nice sa kanya but she was rude to me. Kaya tinigilan ko nang lumapit sa kanya. Pero nahihirapan naman ako. Kasi may mga time na naiinis ako kasi nakikita kong okay naman s’ya sa ibang guys. Alam ko, kaibigan lang n’ya ang mga ‘yon. Pero parang gusto ko kausapin n’ya rin ako. I know. She needs a friend. A REAL one. Pero ipinagtabuyan n’ya ako. At maraming nagsasabing she’s not worth it of any man’s time. She’s a trash. Should I just ignore her because I think I’m just wasting my time to her?

Need advice,

Ledom A

Dear Ledom A,

‘Wag ka sanang maniwala sa sinasabi ng iba. There could be many possible reasons for someone to be closed. If you are willing and strong enough, try harder. At malay mo, baka pinagsisihan naman n’ya ang nagawa n’ya sa’yo kaya ka na-offend. At sinusubukan din niyang lumapit sa’yo. Baka kasi talagang kailangan n’ya ng kaibigan. Hindi lang niya alam kung paano maging nice dahil ayaw niyang malinlang. Don’t give up that easy. Definitely, she knows love.

XoXo,

She_Knows_And_Right

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.