She Stole My Heart Chapter 22

Gusto kong matawa sa hitsura niya ngayon habang nakatingin sa akin ng masama. Tinaasan ko naman siya ng kilay, ang layo kasi naming dalawa. We're here in the dining table at nasa magkabilang dulo kami pareho. Pansin ko pa ang tinginan ng mga katulong sa amin.

"Pagbabayara mo," he mouthed pero hindi ko masyadong marinig.

"Ano?!" I shouted, huminga naman siya nang malalim at tumayo. Taka ko siyang tiningnan nang maglakad ito malapit sa akin at umupo sa malapit na upuan ko.

"What are you doing here?" I asked.

"How stupid are you na rito umupo, sa malayo talaga sa akin? For fuck sake, Klai. Sinong tangang kakausap sa malayo?"

Bakit ba 'to galit? Sino ba umupo roon? Tanga nan nito. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Are you mad because I didn't let you moan my name, honey?" I smirked, mas lalo pang umigting ang panga nito.

"You make me insane, Klai." I smiled at him, nahinto lang nang naglagay ng pagkain ang isang katulong.

Inalala ko ang mukha nito, tama. Siya pala ang kasama ko noong nasa mall. What's her name again? Gosh, I forgot. But nevermind.

Bumalik ang tingin ko kay Tucker na nakasimangot na habang kumakain. Nakakatawa ang mukha nito, parang batang inagawan ng candy. May naisip naman akong kakaiba, umayos ako ng upo at saka ginalaw ang paa ko sa paa niya, gamit ang paghaplos. Natigil naman siya sa pagkain at tumingin sa akin na gulat. Ngumisi ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Damn, can you please eat your dinner, Amora. Don't be naughty kung ayaw mong gawin ko rin sa 'yo." Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko at hinawi ang paa ko sa baba. Tsk, panira.

I rolled my eyes at nagpatuloy na lang sa pagkain. If I were know, nagtitimpi lang ito. Hindi pa rin mapinta ang hitsura niya.

Nang natapos kaming kumain, dumiretos naman siya sa study roon nito at ako naman sa salas, wala manlang akong kasama. Ang aga magsitulog ng mga tao. Maybe I just let them watch with me. Tumayo ako at pumunta sa mga pintuan nila, I was about to knock sa isang pinto nang may mapansin ako sa isang kwarto, ang kwarto ko rati. Bukas ito at nakita ko ang bagong katulong na kasama ko noon sa mall. She's doing something, I mean she has a weapon in her hand. Baril? Sumilip pa ako sa kanya at narinig ang mga sinasabi nito sa kausap sa cell phone.

"Bakit daw ba ipapatay si Tucker at ang babaeng iyon? Hindi ko maintindihan," saad nito na ikinagulat ko. Is she one of us? Magkatulad ba kami.

"Sige, I'll do my mission here. Mag-ingat kayong tatlo d'yan, we can't trust anyone there kahit na tinulungan nila tayong makaalis sa dating tirahan natin...sige bye."

Hindi ba ako namali ng rinig? Mission?

Kaagad akong umayos ng tayo at kunyari dumaan lang nang lumabas ito at isasarado sana ang pinto kaya pinigilan ko, gulat naman siyang tumingin sa akin. I smiled.

"K-kanina pa po kayo?" Halatang kabado. Umiling ako.

"Dumaan lang, ang boring kasi sa salas at masyado pang maaga. Aayain ko sana kayo manuod ng movie?" Kibit balikat kong tanong. Mas lalo naman itong nagtaka kaya ngumiti na lamang ako at hinila siya palabas. "Gising mo na lang muna 'yong mga batang katulong para samahan ako manuod. Nasa study room na kasi si Tucker," saad ko pa.

Tumango naman siya na hindi nawawala ang pagtataka sa mukha at sinunod ang sinabi ko. Pinalabas niya ang mga batang katulong na kaedad niya lang at kaedad ko, pinahanda ko sila ng snacks at ang para sa movie. Habang pinagmasan silang nag-aasikaso at dumapo ang tingin ko sa babaeng nakalimutan ko ang pangalan, hindi mawala sa isip ko ang narinig kanina. Who is she? Dapat na ba akong matakot dahil may kasama akong traydor dito sa bahay? I should be careful this time with this girl. I mean, not just with this girl. Sa lahat ng kasama ko rito, gosh. Am I being concious? Iniisip ko na ang lahat ng tao sa paligid ko ay delikado.

Wala sa palabas ang attention ko kundi sa babaeng katabi ko ngayon habang nakangiting nanunuod ng palabas at ang iba. Kailangan kong ipaalam kina Almina ang nalaman ko ngayon, hindi pwedeng wala silang alam lalo na ang kasamahan nito ay nasa orgnisasyon lang.

"Gusto mo Ma'am?" Lumingon ito sa akin at inabot ang popcorn, tumango ako at kumuha.

I will let you suffer sa oras na gagalawin mo ako, hindi ka magtatagumpay kung ano man ang plano mo.

Hinayaan ko lang ang tawanan nilang lahat sa palabas, wala na akong naintindihan dahil nasa babaeng katabi ko ang attention ko hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.

***

Kinabukasan, nagising na lamang ako na nasa kwarto na, taka naman akong bumangon at inalala ang kagabi. Ang alam ko sa salas ako natulog kasama ang mga katulong. Paano ako nakapunta rito?

Bumangon ako at dumiretso sa banyo para mag-ayos. Hindi ba natulog dito si Tucker? Ang tahikik kasi ng buong kwarto, wala ring gusot ang side ng katama na kung saan ang pwesto niya dapat. Inalis ko na lang sa isipan iyon at lumabas na. Pati ang buong mansyon tahimik pero may mga naglilinis naman. Hindi ko talaga alam kung ano pa ang nililinis nila rito kung araw-araw naman silang naglilinis pabalik-balik. Gumagawa lang yata sila para masabi na may silbi ang sweldo na ibinigay sa kanila.

"Good morning, Ma'am!" bati nila sa akin.

"Si Tucker?" I asked at umupo na sa hapag para mag-umagahan.

"Nauna na po sa kompanya, ang bilin niya po ay sumunod daw po kayo sa kanya roon." Kumunot ang noo ko, bakit? Anong gagawin ko na naman doon?

"Bakit daw?" walang gana kong tanong.

"Hindi rin po namin alam Ma'am," she answered. Tumango na lamang ako at saka pinagpatuloy ang umagahan.

Tiningnan ko ang katulong na pinagduduhan ko nang salinan niya ako ng juice. Ngumiti naman siya at yumuko. Psh, grabeng acting. Noong una ko rito hindi ako mahinhin.

"Ah, ano nga ang iyong pangalan?" tanong ko.

"Sofia po Ma'am," she said and smile.

Okay then, ipapaimbistigahan ko ang mga kasama mo sa organisasyon, dapat hindi kayo magtagumpay sa plano ninyo.

Ngumit rin ako sa kanya.

"Samahan mo ulit ako sa kompanya, then after that gumala tayo. Nababagot ako rito sa bahay," saad ko pa.

Mas lalo naman siyang ngumiti at mukhang nagagalak pa nga. "Sige po Ma'am, magbibihis lang po ako." Tumalikod kaagad siya at nagmamadaling umalis, I smirked.

Kilalanin ko muna siya at kakabisaduhin ang galawan, she's young than me. Kaunti pa lang ang kaalaman sa industriya, she can't beat me kung iyon ang tingin niya. Wala pa yatang nakakatalo sa grupo namin, if she really one of us at kami ang kinakalaban, nagkakamali siya ng kinakalaban. She and her group should reject the mission na kami ang kakalabanin, I won't hesistate to kill them lalo na kung malaman man ni Fresha ito. If Jersey at Munique ay play time lang ang pagpatay and Almina ay minsan ina-advisan pa kami, ibahin si Fresha, tahimik lang iyon pero kapag alam niyang nadidihado kami, siya na mismo ang papatay at hindi siya makikinig kay Almina, same as me. Boss Allesandra teached us how to be bolder and be a demon but look, siya na mismo ang dahilan kung bakit namin gagawin ang pagiging demonyo sa kanya. If she really wants to kill us, then we should know why. May karapatan kaming malaman kung bakit.

But at somehow, nang marinig ang sinabi ni Sofia kagabi sa katawag nito na papatayin si Tucker na dapat ay mission ko rin, may parte sa akin na poprotektahan siya. And I don't know why.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.