I am wearing fitted red dress and a black boots, gamit ko na rin ang kotse ko papunta sa office, nagsuot lang din ng simple shirt at maong pants si Sofia.
"Ayos lang po ang suot ko? Baka po kasi bawal ito sa kompanya?" tanong nito, pinagmasdan ko ang kabuoan niya. Yeah, she's pretty enough. Makinis ang balat, maputi at mahaba ang buhok. Inosente rin kung ngumiti, hindi mo aakalain na may tinatago ring kasamaan. "Ma'am?" Tumango ako at saka ngumiti.
"Okay na 'yan, saglit lang naman tayo at saka wala namang pake ang mga tao roon," sagot ko.
Habang tumatagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Sofia, naisipan kong magtanong. "Ilan kayong magkakapatid?"
Mukhang nagulat naman siya dahil napaigtad ito. " A-apat po," saad niya.
"Babae ba lahat?" tanong ko ulit.
"O-opo Ma'am..." Tumango ako. Buti ay traffic pa, mahaba pa para tanungin ko siya ng kung anu-ano.
"Saan sila ngayon? Nag-aaral pa ba?"
"H-hindi na po, nagtatrabaho rin po sila." Napangisi ako.
"Talaga? Saan naman o ano naman ang trabaho nila?" tanong ko ulit.
"’Yong dalawa po ay sa restaurant at ang isa naman po katulong din kagaya ko," she lied. I see, sino ba namang tanga magpapabuko sa totoong pagkatao nila 'di ba? Even me, I usually do that.
Natigil lang ang usapan namin nang makarating kami sa building, kaagad naman kaming bumaba at tumabi sa akin si Sofia. Nang magsimula na kaming maglakad, binabati ako ng mga empleyado. Tanging pagtango at ngiti lang ang naitugon ko sa kanila.
"Grabe Ma'am, sikat ka na rin po pala rito." bulong sa akin ni Sofia. Sino ba namang hindi? Soon to be wife ba naman ng isang billionaire.
Hindi ko na siya sinagot dahil nakarating na kami sa mismong floor kung nasaan si Tucker, pinag-antay ko na lang si Sofia sa labas ng office nito, may waiting area naman doon kaya hindi siya mapapagod kakatayo at saka puwede siyang makipag-usap sa mga tao.
Kakatok na sana ako nang may marinig akong boses ng babae sa loob, pamilyar sa akin ang boses na iyon at hindi nga ako nagkamali kung sino nang pumasok akong walang pahintulot.
Pareho silang nagulat at kaagad namang napalitan ng masamang tingin sa akin ni Allison, grabe pati ba naman dito makikita ko ang isang 'to.
"Good morning, honey." Lumapit ako kay Tucker at saka siya hinalikan sa pisngi habang nakatingin ako kay Allison na may pang-aasar, mukhang nagtagumpay naman ako dahil pumait ang timpla ng mukha niya.
Mainis ka hanggang mamatay ka.
"Hindi mo naman ako inantay na sumabay na lang sa'yo, kaya naman pala mas nauna kang umalis dahil may babae ka rito ulit." Nakasimangot ako kay Tucker, I saw how he smirked.
Tch, alam niya ba na palabas ko lang 'to?
"Aalis na rin si Allison...Alli, let's talk later about the proposal, I'll just have to be with my wife right now." I rolled my eyes of what he said. Sumabay pa nga.
Ngumisi ako lalo nang padabog na umalis si Allison, tch. Hindi bagay sa kanya. Nang tuluyan na siyang mawala, lumayo kaagad ako kay Tucker at seryosong nakatingin sa kanya.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" I asked.
"Gusto ko lang sabihin na hindi na tuloy na ipapahawak ko sa'yo ang kompanya kapag wala ako, you'll just help me out to check sa bagong hahawak." E'di pareho lang 'yon, magkaka-connect pa rin ako sa kompanya niya. Pinagkaiba lang ay babantayan ko kung sino man ang taong iyon.
"Kailan ka ba aalis?" tanong ko ulit.
"Bukas na kaagad," he said. Ang bilis naman.
"Saan ka ba pupunta? Ilang araw, buwan o taon ka babalik?" Ngumisi naman siya dahil sa sunod-sunod kong tanong, bakit? Anong meron?
"Don't missed me like that, honey." Ngumiwi ako. Nagtatanong lang ako, hindi ko siya ma-mi-miss.
"Tinatanong ko lang para alam kong gaano ako katagal maghanap ng iba," asar ko.
Nagulat naman ako nang hampasin niya ang lamesa, kawawa 'yong lamesa. Gago!
"Who told you to find another guy? Hindi na ako aalis!"
The hell? Gusto kong tumawa sa sinabi niya, baliw yata 'to. "Bakit ayaw mong umalis? Mas mahalaga ang business trip," saad ko pa na mas lalo siyang inasar. He clenched his jaw, handa na yatang sapakin ako.
"Sa susunod na ako aalis, final decision." Umupo siya ulit sa upuan niya.
Lumapit naman ako at tiningnan siya na may pagtataka. "Ang bilis naman magbago ng isip mo," I said habang umiiling.
"Ang plano ko sana, pagbalik ko ay aasikasuhin na natin ang kasal natin pero sa ngayon kasal muna bago ako aalis." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Seryoso ka ba?" tanong ko, naninigurado na baka kinabag lang siya.
He nodded and smile, " Yes. And beside, mapapalitan naman ako for business trip." I heaved a sighed because of frustration.
Anong trip ng lalaking 'to?
"I'm just kidding a while ago, Tucker. Of course, hindi ako maghahanap ng iba. Sa sobrang dami mo pa namang alagad na nagbabantay sa akin, makakahanap pa ako? Sa tingin mo?" Umiling-iling ako.
"Paano ako makakasigurado na hindi ka tatakas sa usapan natin? Knowing who you are, Klailea Lyndsy Gatdula. The best runner and thief in your organization."
Natuop ako sa kinatayuan ko, umawang ang labing nakatingin sa kanya. He knew? Smirked plastered in his face, napaatras naman ako nang lumapit ito sa akin, kinakabahan ako na ewan. Why the fuck he knew? Akala ko ba pangalan ko lang ang alam niya.
"Don't worry honey, ako lang ang nakakaalam na isa kang magaling na magnanakaw." Umatras pa ako lalo nang patuloy siyang lumapit sa akin.
"W-what do you mean? H-hindi ko alam ang sinasabi mo," nauutal kong sambit.
"Yeah of course, isa ka rin na manlilinlang at sinungaling. Paano ako makakasiguro na hindi ka aalis habang wala ako, Klailea?" Tinulak ko siya palayo sa akin.
Hindi ibig sabihin na ganoon na akong tao ay hindi niya na ako pagkakatiwalaan pa.
"Yeah, you knew me. But I am goods in my words, Tucker. Umalis ka kung gusto mo. Gagawin ko ang ipinag-utos mo rito at pagbalik mo, sige magpapakasal tayo kung iyon ang gusto mo." Bumalik ako sa sofa at saka umupo. Naiinis ako sa kanya, pinagdududahan niya na agad ako.
"Okay then," he said. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya d'yan.
"Ito ang dapat mong gawin, bantayan mo lang ang papalit sa akin pansamantala." Inirapan ko siya. Ang dali-dali lang ng pinapagawa niya eh.
"Sino ba siya?" tanong ko na nakasimangot pa rin.
"My cousin," he replied.
"Bakit ko pa siya babantayan? Kadugo mo naman pala."
"Dahil wala akong tiwala sa kanya,"
"Paano mo siya tinanggap kung wala ka pa lang tiwala? Bonak lang?" saad ko pa, nakakunot naman ang noo nito na parang nagtataka.
"Bonak? What is bonak?" Bobong anak.
"Bonak means, bilisan mo na lang bumalik dahil bubuo pa tayo ng anak." Ngumiti ako sa kanya nang tumango-tango ito, bobong anak nga.
"Okay honey," he said.
"I will just report to you, right?" tanong ko.
"Yes, exactly. I will call you anytime kapag free ako. Don't worry, babalik din ako kaagad. I just finish this bullshit."
Nagpaliwanag pa nga, hindi ko naman siya tinatanong. "Okay," I stated.
"What are you doing?" Gulat akong tumingin sa kanya nang maghubad ito ng polo.
"Mainit," simpleng sagot niya.
Gago ba siya? Ang lamig na ng aircon dito sa loob.
"Okay then, aalis na ako. Kasama ko si Sofia, pupunta pa kami ng mall." Tumayo ako at akmang lalabas na nang may kamay na humawak sa braso ko. "B-bakit?"
"Hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito, Alora." he called my fake name again.
"A-ano?"
"Can you do me a favor? Bayad mo lang sa ginawa mo sa akin sa bahay," sabi nito na tuluyan nang nahubad ang polo niya.
"H-hindi pwede, Tucker." Pumikit ako nang idiin niya ang katawan nito sa akin.
"Ipapahatid ko na lang ulit si Sofia sa bahay at magsama na lang siya ng isang katulong para sila na lang." Pilit ko siyang tinulak para ilayo sa akin pero hindi siya nagpatinag.
Kinuha niya ang cellphone nito at may tinawagan, "Ihatid mo na si Sofia sa bahay, I'll text you..." Binaba niya ang tawag at tumingin sa akin. Bumalik lang ito nang nagtipa siya sa cellhone.
"Let me go, Tucker." Umiling ito.
"Not yet baby, I will make you pay of what you did."