She Stole My Heart Chapter 27

Tatlong Linggo na ang lumipas nang magkasama kami ni Tristan sa kompanya, wala naman siyang kakaibang ginagawa bukod sa pangungulit sa akin araw-araw. Sa totoo nga, nagiging close kaming dalawa. Siya minsan ang kasama ko kapag may bibilhin ako sa mall kasama ang mga kaibigan ko. Silang apat naman ay patuloy pa rin sa pag-iimbistigan. Ngayon, day off ko sa kompanya and I let Tucker's secretary handle some works, tutal trabaho niya naman talaga iyon.

Magkikita ulit kami ng mga kasamahan ko ngayong araw para pag-usapan ang nagaganap sa organisasyon. Sa loob ng dalawang linggo hindi tumawag si Tucker at bahala siya riyan. Ayaw ko man na tawagan siya ng sa 'no. Baka busy lang talaga siya ng sobra at hindi na ako natawagan pa. 

Nang makarating ako sa hideout, kaagad ko ring nakita ang mga motor bike nila sa labas. I went inside only to find out na sobrang tahimik ng salas. Nagtungo ako sa kwarto ni Almina at doon ko nga sila nakita, sumenyas naman si Fresha na sa tabi niya ako tatabi.

"Kumusta?" agad kong tanong sa kanila. 

Lumingon ako kay Munique na panay kain at si Jersey naman ay nagbabasa ng libro. Kailan pa niya nahiligan ang magbasa. 

"We have news for you," saad ni Almina kaya sa kanya ang attention ko. 

"What is it? A new mission?" excited kong tanong na sana oo ang sagot niya.

"Yes," she said. Hindi nga ako nabigo. Binaba na rin naman ni Jersey ang libro at bumaling kay Almina.

"Kailan ka pa nagbabasa ng libro?" taka kong tanong sa kanya.

"It's part of the mission, kaloka. Hindi ko naman alam na magpapanggap akong bookworm sa bago kong mission." Sumimangot siya na ikinataka ko dahil sa sinabi nito.

"Bagong mission na binigay ni Boss?" tanong ko. Tumango naman silang sabay. "Pinabalik na ulit tayo gumawa ng mission?" tanong ko ulit.

"Yes, pero ang pinagtataka ko ay wala pa rin sa listahan ang pangalan natin. The reason why I called you here para sabihin na we can take risk. If this is part of her plan, dapat alam natin ang gagawin. Tanggapin natin ang mission kahit alam nating tinanggal na niya tayo na walang sinasabi. Baka kapag nagawa natin ang mission doon natin malalaman ang balak niya sa atin," mahabang lintana niya. 

Taking risks for our lives again? Interesting. 

"What's my mission?" I asked. Feeling ko naman, meron na silang apat.

"You want to do a mission?" Bumaling ako kay Munique nang magtanong ito, kakatapos lang kumain.

"Am I not allowed?" I asked again. 

"Paano ang pagiging asawa mo kay Tucker?" tanong ulit nito sa akin. May problema ba roon? It's just an act actually, dapat nga kung gugustuhin kong tumakas ay nagawa ko na kasi organisasyon ang iniisip ko.

"He's away for six months. Magagawa naman siguro natin habang wala pa siya? So, yes. I want to do a mission," saad ko na may buong tapang. 

Almina sighed, "Ang mission natin ay pumasok tayo sa isang skwelahan at hanapin ang nangangalang Jordan Lopez, ang sabi ni boss ay madala lang natin siyang buhay sa kanya. Jersey will pretend to be a bookworm student, Munique will pretend a classy student, Fresha will pretend as staff at the canteen and you will pretend a flirt student. And me, I'll pretend as a teacher."

Ang haba ng sinabi niya pero naintindihan ko naman. I nodded as I agreed. "Kailan tayo magsisimula?" tanong ko.

"Bukas kaagad, at saka pala. This Jordan ay parte rin ng kabilang organisasyon. I've searched about him. Isa siya sa delikado kung pumatay ng tao. So, mag-ingat tayo sa kanya kapag nakita na natin siya. Hindi ko pa alam ang mukha niya, ibang impormasyon lang. And, hindi siya magdadalawang isip na pumatay kahit babae ang kaharap niya."

Well, gano'n naman talaga ang labanan sa buhay ng kahit sinong papasok sa illegal na gawain. Kung ano man ang rason kung bakita siya ang mission namin ay hindi ko pa alam, baka kapag nakuha na namin siya ay roon namin malalaman ang lahat. We're gonna finish the mission first.

Tumango na lamang kami at naghanda, dito na rin ako matutulog at tatawagan ko na lang si Manang na hindi ako uuwi. Ang boring doon. 

Kinabukasam, maaga kaming umalis para pumunta ng mall. Bibili kami ng mga gagamitin namin sa pagpapanggap. Pagkatpos, didiretso na kami sa skwelahan na sinasabi ni Almina. Hindi ko talaga alam kung paano namin maipakita na estudyante kami eh ang tagkad namin at malalaki na ang mga balakang. Nang matapos kaming namili, bumalik muna kami sa hideout at saka nagbihis, pagkatapos dumiretso na kami sa skwelahan.

"Ang laki pala ng tatakbuhin natin dito, paano naman kaya natin mahahanap iyon? Wala bang ibang impormasyon tungkol sa kanya?" tanong ni Fresha.

"Third-year college of Engineering," sagot ni Almina.

Naunang lumabas si Fresha  at didiretso na iyon kung paano makapasok sa canteen. Sumunod naman kaming tatlo na ginagawa na kung anong role namin at ang huling papasok ay si Almina bilang guro. 

Si Jersey na ang nagtanong sa mga studyante kung nasaan ang Engineering sa mahinhin na kilos nito, dalang-dala niya talaga. Samantalang si Munique at feel na feel din ang pagiging classy mayaman girl habang ako, sanay na rin sa bitchy face. 

"Engineering department daw, third floor." Bumalik sa amin si Jersey nang sabihin niya iyon. Kaagad naman kaming pumunta roon habang hindi pinapansin ang mga nakatingin sa amin na mga studyante.

"Hindi na ba natin need magpaalam sa guidance?" tanong ko nang maalalang dumiretso lang kami sa pagpasok.

"Naihanda na ni Almina noong nakaraan kaya huwag na tayong magproblema," Munique said. Wow, as Almina being a leader. Nagagawa niya kaagad. 

Nang marating namin ang lugar kung saan kami dapat, tumingin na naman ang mga tao sa amin. Pero isa lang ang hinahanap ko, si Jordan na kahit hindi ko alam ang mukha. Sakto namang nagsitahimik ang lahat nang biglang pumasok si Almina at umupo na kaming tatlo sa mga bakanteng upuan, hindi rin kami nagkakalapit. Katabi ko ang isang lalaking tulog yata. 

"Good day everyone, I Am Almina, just call me Miss A. I will be your teacher in research and your adviser." Ngumti siya sa amin na parang guro talaga. 

Palihim akong umiling, mukhang natutuwa rin siya sa role niya rito. "I will be calling your names, one by one," dagdag nito. 

Palihim naman kaming nagtinginang apat at alam na ang dapat gagawin, aalamin kung sino si Jordan. Nagtatawag na si Almina hanggang sa nabanggit niya na ang pangalan ng taong pakay namin. 

"Jordan Lopez?" Lumingon-lingon pa siya sa paligid kung saan hanggang sa may nagsalita sa likod ko at tinuro ang lalaking katabi ko. Gulat akong napatingin sa kanya nang agad din namang nawala nang dahan-dahan niyang inangat ang ulo nito just to faced Almina. 

"Why? Hinahanap n'yo ba ako?" 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.