She Stole My Heart Chapter 28

Bigla akong natigil nang magsalita ito at diretsong nakatingin kay Almina, while Almina nanatili pa ring seryoso at dahan-dahang ngumiti.

"Ang ayaw ko sa lahat, iyong natutulog sa klase ko." Bumalik ang tingin niya sa papel na hawak nito pagkatapos sabihin iyon. Tinaasan ko naman ng kilay ang katabi kong si Jordan nang bumaling siya sa akin, he smirked. As if, nakakatakot siya. 

Natapos ang klase ni Almina ng tatlong oras, hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawa iyon. Ang magturo, akala mo'y tunay na guro. 

"Mr.Lopez, see me at the faculty room." Napatingin ako kay Almina nang sabihin niya iyon, gano'n din ang dalawa, sina Jersey at Munique. Nagsilabasan na ang ibang studyante, wari'y natatakot kay Almina. 

Kunyari'y nagliligpit ako ng mga gamit ko at lumapit kina Munique na inaantay ako. Lalabas na sana kaming tatlo nang magsalita si Jordan.

"Cut the act, bitches." Dahan-dahan kaming tumingin sa kanilang dalawa na nag-aagawan ng tingin sa isa't isa. "Hindi ninyo ako maloloko. Sinong mga tangang, papasok na malapit na magtatapos ang klase?" Bumaling siya sa aming tatlo, I remained my face be serious. 

"What are you talking about?" Munique asked. Nanatili ang tingin namin kay Jordan na ngayo'y todo ang ngisi sa amin. Habang si Almina, patuloy pa rin ang seryosong mukha.

"Ako ang kailangan ninyo 'di ba? P'wes, you can't get me," he said and by that bigla siyang tumakbo at tinulak kaming tatlo na s'yang dahilan nang pagkatumba namin. 

"Damn it!" I hissed.

"Move, hindi dapat siya makatakas!" Mabilis kaming tumayo nang sumigaw si Almina. 

"Lintek, paano niya nalaman iyon?" Jersey asked while running. Takbo kami nang takbo para habulin si Jordan, pinagtitinginan na kami ng mga tao. 

Ang talino ng lalaking iyon, pero sabagay. Sino ba naman kasing taong papasok sa skwelahan sa kalagitnaan ng pagtatapos ng semester. How stupid. Sino ring gagong nagtanggap sa amin dito? But I remembered, Almina being Almina. Baka tinakot niya ang admins para makapasok kami, but look. Nalaman din ni Jordan ang pakay namin.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa canteen kakatakbo para lang mahuli siya. We saw Fresha na nagtataka kaya sumenyas ako na umalis na rin siya at sumunod sa amin. Nakakabangga na kami ng mga estudyante but we didn't care, nawawala na sa paningin namin ang target.

"Pota, nawala!" sigaw ni Munique, hinubad niya ang heels nito at tinapon kung saan. Ganoon na rin ang ginawa ko dahil ang sakit sa paa kakatakbo habang naka heels.

Nang makarating kami sa likod ng school dahil dito pumunta si Jordan, nakita rin namin siyang napatigil at wala nang malulusutan. We cornered him. Sakto rin ay dumating sina Almina at Fresha.

"Wow, limang binibini pala kayo." Ngumisi siya sa amin na parang demonyo.

"Mabubuhay ka naman kung sasama ka na lang sa amin. Tutal, alam mo na kung ano ang pakay namin," Almina said at lumakad palapit kay Jordan.

Dahan-dahan na rin kaming gumalaw nang napatigil kaming lima dahil sa biglaang pagtawa niya.

"May nakakatawa ba?" pagtataray ko.

"Yes, kayo ang nakakatawa. Alam ko ang pakay n'yo pero kayo? Alam niyo ba talaga ang pakay ninyo sa akin o sumunod lang kayo sa mission na hindi alam kung bakit?" makahulugan nitong sambit. We looked at each other, totoo naman na hindi namin alam kung bakit namin siya hinahabol. We just want him para iharap kay Boss.

"Nagsasayang lang kayo ng panahon. Bumalik na kayo, mga mahihina."

Aba! Walang ni sinong tumatawag pa sa amin na mahina. Tumakbo ako kaagad patungo sa kanya at sinuntok siya sa t'yan. Kaagad din naman itong nakabawi nang sipain din ako sa t'yan. Doon na rin nagsimulang umatake ang nga kasama ko. Pinagtutulungan na namin siya pero hindi pa rin namin siya mahawakan. He's totally good at fighting.

"I told you girls, hindi n'yo ako makukuha. Alamin niyo muna kung bakit ako kailangan ng boss ninyo." Pinunasan nito ang dugo sa labi kaya roon ako nakaisip ng tiyempo para sipain siya sa likod.

Lumapit na rin ang apat para pigilan pa siyang makagalaw at tuluyan na namin siyang nakuha.

"Damn, sabing hindi n'yo ako kaya eh!" he shouted.

"Malas ka, nakaya ka namin. One vs. five, malabong mananalo ka," Fresha mocked.

Tumakbo nang mabilis si Almina para kunin ang kotse nito at nang makarating ulit siya, mabilis naming pinapasok si Jordan sa likod.

Nang mapagtantong hindi kami kasyang anim, ako na ang umatras. "I need to go home, makikibalita na lang ako mamaya." They all just nodded at nagsimula nang umalis.

Habang inaayos ang sarili dito sa labas ng campus, naisip ko ang nangyari kanina. Isang araw lang namin nagawa ang mission, baka naman pwede na kaming ibalik sa listahan? Nakuha namin si Jordan nang hindi nalalaman kung bakit namins siya kailangan kunin dahil wala namang impormasyon na binibigay sa imin. Paano kapag ito na ang huling trabaho namin? Nakahanap na kaya ang mga kasamahan ko na pwedeng magliligtas sa kanila? At sa tingin ko ba talaga, maliligtas ako ni Tucker kapag dumating ang araw na mapapahamak ako sa kamay ni Allesandra? Siya ba ang makakatulong sa akin?

Umiling-iling ako para iwakli iyon sa isipan. Agad akong nagpara ng taxi pauwi. Sasabihin ko na sana sa driver ang address ng bahay nang maalala kong nasa hideout pa pala ang kotse ko kaya roon ako didiretso. Alam ko naman wala silang apat doon dahil sa organization sila pupunta para dahil si Jordan.

Nang makarating ako sa hideout at nang nakalapit na ako sa kotse ko, halos manlaki ang mga mata ko nang makitang flat ang dalawang gulong.

"Shit! What the hell?"

Wala pa naman akong extra'ng gulong. Wala ring extra na gulong dito sa hideout. Damn it!

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya ko naman mag-taxi ulit para makauwi pero ang pinagtataka ko lang talaga bakit sobrang flat ng dalawang gulong? Did someone did this on purpose? But who?

"Alora?" I stopped when I heard a familiar voice at tinawag pa ang peke kong pangalan.

Dahan-dahan akong lumingon sa taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

"T-tristan?"

Ngumiti siya sa akin at lumapit, napaatras naman ako nang makaramdam ng kaba. Anong ginagawa niya rito?

"Sabi na ikaw 'yan eh kahit nakatalikod. Bakit ka pala nandito?" Lumingon-lingon siya sa paligid. Dapat nga ako ang magtanong sa kanya no'n, hindi masyadong kilala ang lugar na ito.

"A-ah, binisita ko lang sina Almina. Ikaw? A-anong ginagawa mo rito?" Damn, bakit ako nauutal?

"May dinaanan lang akong kaibigan din malapit dito," he answered. Kaibigan? Sino naman?

"Ahh, okay." I smiled at bumaling sa gulong ng kotse ko.

"What happened? Na-flattan ka ba?" he asked kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Oo eh," I answered.

"I brought my car. Ipapakuha na lang natin ito. Uuwi ka na ba?" he asked at tinuro ang kotse sa gilid nito.

Bakit sa pagkakataon na ito, ayaw kong magtiwala sa kanya? In the first place, bakit siya nandito? Wala namang masyadong bahay talaga dito eh, sinong kaibigan ang binibisita niya?

"Hey? Are you okay?" he asked. Tumingin ako sa kanya na may ngiti.

"Sigurado ka ba na pwedeng sumabay?" kunyaring tanong ko.

"Of course, so let's go?" Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan na ingat na ingat.

"May I ask who's your friend here?" tanong ko nang makasakay na kami pareho. He stopped at bumaling sa akin.

"I bet, hindi mo siya kilala. Please fasten your seatbelt." Sinunod ko ang sinabi niya at nagsimula na siyang magmaneho.

Sa isang kalahating oras na byahe, umiikot lang sa isip ko kung bakit nandoon si Tristan. I am pretty sure na hindi kilala ang lugar na iyon. Beside, kakarating lang ni Tristan galing sa ibang bansa at sino naman ang pinuntahan niya rito? At ang higit pa, sinong gagong gagawa sa kotse ko no'n?

Nakarating na kami sa bahay kaya lumabas na ako, "Thank you, Tristan." Ngumiti ako sa kanya nang malapad.

"You're welcome, papa-ayos ko na lang ang kotse mo at ako na rin ang magdadala. Hmm, can I have your key?" Umiling ako ng dalawang beses sa kanya.

"No need, ako na ang babalik doon para kunin. Ipapaayos ko na lang kina Almina, hindi mo na kailangan mag-abala pa," I said and smiled at him.

Taka naman akong tumingin at kanya at umatras nang lumapit siya sa akin. "Why?" I asked.

He just smiled at akmang ilalapit ang kamay niya sa pisngi ko nang may narinig kaming boses.

"Don't touch her." We stopped.

Hindi ko alam kung paano akong mabilis nakalayo kay Tristan nang may isang malaking kamay ang humila sa akin. I looked at the person who did that at laking gulat ko nang masilayan ang mukha niyang galit na galit na nakatingin kay Tristan.

"Tucker,"

"Insan,"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.