She Stole My Heart Chapter 29

"Makakaalis ka na, nahatid mo na ang asawa ko." Napalunok ako ng dalawang beses sa sinabi niya. I pushed him at umatras nang bahagyan, tiningnan naman ako nito nang nakataas ang isang kilay. Bakit naman ako nakaramdaman ng kaba nang nandito siya? As if na may ginagawa talaga ako? Gosh!

"Ang bilis mo naman makauwi," saad ni Tristan at lumapit sa amin. Taka naman akong nakatingin sa kanya nang lumingon siya sa akin, he smiled as nothing happened. "I'll go now, see you at my office,"

Damn!

"Go." Tinulak ni Tucker si Tristan, natawa lang naman ang pinsan sa ginawa ni Tucker at bumalik na sa kotse niya.

Lumingon ulit ako kay Tucker at tinaasan siya ng kilay, he did the same way. "I didn't know, you're getting alone with my cousin." Hinawakan niya ako sa braso na agad ko namang inalis.

"You didn't tell me na bumalik ka na pala? I thought, six months ka pa kung saang planeta ka man galing."

"Why? Iyan ba ang sinabi ng bago mong boyfriend?" What? Boyfriend?

"Pinagsasabi mo?" I asked.

"Bumalik ako dahil iyon ang nabalitaan ko, you always at his office. Tell me, ganoon ba kabilis palitan ako, in fact na hindi pa nga tayo kasal you're with someone else? Worst is, sa pinsan ko pa?"

Anong pinagsasabi niya? Nababaliw na yata 'to, nabagok ba ang ulo nito sa ibang bansa?

"You're talking nonsense, Tucker." I was about to walk away nang bigla niya akong hinila at nagulat sa ginawa niya. He fucking kissed me!

Pilit ko siyang tinulak ngunit hindi ako makagalaw, nanghihina ako na hindi ko alam kung bakit. Siya ang nagputol ng halik kahit na hindi naman talaga ako tumugon. He cupped my face using both hands, looking at me like I really did something wrong.

"Stay away from him nor anyone," he said. Napatulala na lamang ako nang iwanan niya ako at pumasok sa loob ng bahay.

I almost lost my balance when I heaved a sigh. The fuck? What the hell is that?

Dahan-dahan akong napahawak sa labi ko. Damn it Klai! Hindi naman first nangyari na hinalikan ka niya, bakit ganito ka kung umasta? Pabebe lang?

I fixed myself before entering our house, wala siya sa salas kaya dumiretso ako sa kwarto but I stopped. Kapag papasok ako sa loob may mangyayari na naman sa amin. Gosh! Stop this Klai, stop thinking something you pervert!

Tama, hindi ko na siya dapat kausapin. Ano naman kung bumalik siya ng maaga? Edi goods, hindi na ako babalik sa kompanya kapag ganoon kasi nandito na siya, I can focus with girls. 

Bumalik ako sa baba at dumiretso sa kusina, I requested na magluto sila ng paborito ni Tucker, tumulong na rin ako. Kailangan ko rin magpa-good shot sa kanya para payagan niya akong lumabas ng bahay na ako lang mag-isa. 

"Tapos na po lahat, Ma'am" Lumingon ako kay Sofi na nakangiti, dalawa silang kasama kong nag-ayos sa lamesa. I nodded to her. 

"Okay, magpahinga na muna ako. I'll call him." Umalis na ako sa kusina at dumiretso sa kwarto pero bumungad lang sa akin ang tahimik na paligid. 

Saan naman siya nagpunta? Sa study room? Yeah, right! 

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko siyang nakatalikod habang may kausap sa cell phone nito. I was about to call his name when he mentioned the name of my organzation. Napatigil ako, kinakabahan. Why?

"Kung kailangan ninyong patayin lahat ng makikita ninyong miyembro ng Lady A. gawin ninyo. Ako na ang bahala sa alam ko kung sinong kasapi roon." 

Napalunok ako ng dalawang beses, dahan-dahan akong umatras at papalabas na sana when he called my name. "Alora."

"Kanina ka pa?" he asked, I can't move nor turned my head to him. Nanginginig ako, natatakot ako sa kanya na hindi ko naman dapat maramdaman. Lumunok ako ng dalawang beses at inayos ang sarili, inalis ang kaba at bumuntonghinga. 

Lumingon ako sa kanya na may ngiti sa labi. "Naghanda ako ng pagkain para sa'yo, tara na?" I remained myself okay kahit na sa oras na ito gusto ko siyang saksakin. 

"Okay, let's go." He walked towards me at humawak sa bewang ko. 

Naglakad na kami pababa at hindi ko maiwasan tumingin sa kanya. He looks like nothing happened, hindi niya naman siguro alam na narinig ko ang usapan nila ng katawag niya. I need to tell them as much as possible, hindi sila pwede madamay sa kung ano man ang balak ni Tucker sa amin. 

Pero kung ipapatay niya ang organisasyon namin, why am I here? Bakit hindi niya ako unahin, bakit gusto niya pa rin akong pakasalanan? Ano bang balak niya. 

"Is there a problem?" Umiling ako sa kanya nang magtanong siya. Nakarating na kami sa kusina at naupo na rin.

"Nothing, uhm. Hindi ka na ba babalik sa ibang bansa?" I asked.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot, "Yes, makakasama mo na ako rito at hindi na makakalapit ang kahit na sino sa'yo." I nodded. 

"Okay, sabi mo eh. Ako nagluto niyan, tinuruan ako nina Manang," I said. Ako naman talaga nagluto. Lumiwanag naman ang mukha nito na parang gulat sa nalaman. 

"Really?" Tumango ako at ngumiti. "Wow, mas masarap pa ang luto mo kay Manang. You learned, mukhang handa ka nang pakasalanan ako?" I stopped.

"Magpapakasal na tayo?" I asked. Aalam kong sinabi niyang magpapakasal na kami sa pagbalik niya pero nagdadalawang isip pa rin ako.

"Yes, may inaasikaso pa lang ako pagkatapos no'n, aasikasuhin na natin ang kasal natin. You must invite your friends and your familiy."

"I don't have a family, Tucker. Alam mo iyan." Umiwas ako ng tingin sa kanya. 

Natahimik na lamang siya and we started eating silently at minsan nama'y nag-uusap din, nakakamustahan. 

I looked at him nang hindi siya nakatingin sa akin. Who are you, Tucker? Ano pa ang tinatago mo?

Kailangan kong makuha ang loob ni Tucker lalo. Hindi ako puwedeng mamatay sa puder niya kung may plano man siya. Sa lahat ng taong puwedeng magpapahamak sa akin, ikaw ang hindi mapagkakatiwalaan, Tucker. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.