She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 10

Papunta kami ngayon sa Garden. Ewan ko ba kung bakit dito pa? Pwede naman sa Rooftop.

Crystal: aahhmm Thea, mauna ka na, pwede? kasi gusto kong mag CR ehh

Thea: Ano! samahan na kita

Crystal: hindi na! kaya ko na mauna ka na susunod ako promise! cge bye una ka na hahh!

Thea: pero-

Ayun umalis na sya, ka badtrip iniwan ako! mag yayaya tapos iiwan lang ako. Maka punta na nga dun. Pumunta na ako at may nakita ako na tao parang familiar sa akin atsaka naka talikod sya kaya hindi ko makita kaya lumapit ako. Sa tingin ko si CJ tohh pero baka hindi.

Thea: ahmm excuse me!

CJ: hi! Thea?

Sabi na si CJ pero anong ginagawa nya dito?

Thea: ahhmm hi! anong ginagawa mo dito?

CJ: hinihintay ka

Thea: hah? Ako hinihintay mo?

CJ: Oo

Thea: teka lang! pinapunta mo ko dito?

CJ: Oo

Thea: at si Crystal ang ginamit mo?

CJ: Oo kasi gusto kitang maka usap

Thea: yun lang pala pwede mo namang sabihin sa akin kung gusto mong mag kita ehh

CJ: Oo nga pero gusto ko kasing hindi mo alam

*ang sweet naman*

Thea: aahh ganun ba!....Ano bang sasabihin mo?

CJ: aahhhmmm...Panu ba tohh?

Thea: so? ano yun?

CJ: aahh-aaahhmm hindi ko alam kung pano simulan ehh

Thea: ok lang yan! sabihin mo na!

CJ: ok, *sigh* ahhmm noong bata pa tayo hindi mo man alam pero may gusto na ako sayo, tama ang narinig mo may gusto ako sayo! simula pa noon at gustong gusto ko na palagi kang kasama at nakikitang naka ngiti... hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin pero kapag kasama kita napapangiti mo ako at pina bibilis mo ang tibok ng puso ko pero nung mag kahiwalay tayo labis akong nalungkot nung umalis ka at pumuntang Korea, hindi naman kita masundan dahil hindi ako pinayagan ng parents ko kaya nalungkot ako pero nung bumalik ka at nakita kita dito sa N.E.U. grabe ang saya ko lalo ng nung naging kaklase kita kaso lang hindi ko alam kung paano ka ulit kausapin kaya hindi ko magawang lapitan ka kaya hanggang tinggin lang ako hanggang sa makilala ko si Crystal nalaman nya na may gusto ako sayo actually pina amin nya ako at tinulungan pa, kaya ngayon ko gustong sabihin sayo na gusto kita ayy! hindi mahal na mahal kita, kaya pwede ba akong man ligaw? ....ok lang naman kung hindi?

Grabe speechless ako as in wala akong masabi hindi ko alam na may gusto pala sya sa akin at pareho pa kami ng nararamdaman.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at tulala pa rin ako dahil sa sinabi nya grabe tuloy tuloy pa ang pag sabi nya walang preno.

CJ: aahhhmmm wala ka bang sasabihin ang haba kaya ng sinabi ko tapos wala man lang akong narinig sayo

Anong sasabihin ko Oo o hindi pero sa tingin ko Oo pero manliligaw mo na daw di ba? pero pwede namang boyfriend agad.

CJ: so? ano?

Thea: Ok

CJ: jjinja?

Thea: Ne!

CJ: YES! UMOO SYA !YES!

Thea: hoy! tumigil ka nga! manliligaw ka pa lang hindi pa kita sinasagot

CJ: pero umoo ka parin at ibig sabihin dun din yun papunta!

Thea: edi wow!

CJ: I LOVE YOU THEA!!

Thea: hoy!! bakit ka sumigaw? baliw ka ba?

CJ: Oo, sayo!

Kinilig ako dun hahh parang namula ang muka ko sa sinabi nya.

CJ: oyy! kinikilig sya!

Thea: hu-huh? h-hindi ahh!

CJ: pakipot ka pa!

Thea: tumigil ka dyan!

CJ: I love you

Thea: ang bilis mo hahh! love you agad

CJ: bakit hindi pwede?

Thea: pwede

CJ: pwede naman pala ehh

Thea: halika na nga! baka ano pang gawin ko sayo!

CJ: bakit ano bang gagawin mo?

*halikan ka charr!*

Thea: wala

CJ: wala naman pala ehh dito nalang tayo

Thea: dun nalang tayo sa PR

CJ:ayaw ko mas maganda dito solo kita

Thea: sige na nga

Umupo kami sa bench na malapit sa mga bulaklak at inilagay nya ang kamay nya sa balikat ko at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya at nag kwentuhan kami, mamaya pa naman ang pasok ehh.

Crystal's POV

Ano kaya ang ginagawa ni CJ at Thea ngayon? Pinayagan na kaya ni Thea si CJ na man ligaw? na gawa kaya ni CJ na umamin?

Tracy: hoy!!

Crystal: ayy! Thea!

Tracy: si Thea at si CJ ang iniisip mo nohh

Crystal: Oo

Tracy: sabihin mo nga kung bakit mo sya iniwan dun!

Crystal: ganito kasi yan

~Flashback~

Pauwi na ako nun ng biglang mag ring ang phone ko, ng tingnan ko si CJ pala ang tumawag.

"Hello"

[Hi, Crystal! pwede ba tayong mag usap?]

"Cge ba! saan"

[Pumunta ka sa HQ namin!]

"Mg uusap lang! dun agad"

[Please! kailangan ko lang talaga ng tulong mo]

"Ok, sige anong oras?"

[Ngayon]

"Agad agad"

[Oo ehh kailangan]

"Ok pupunta na ako"

[Yes! thank you Crystal]

"WC "

[Bye]

"see u later"

[same]

Binaba ko na ang phone ko at pinaandar ang sasakyan. Papunta na ako da HQ nila, nakakapag taka kung bakit gusto nyang mag usap doon.

Andito na ako at pumasok.

CJ: Hi!

Crystal: hi! bakit mo ba akong gustong makita?

CJ: dahil gusto kung mag patulong

Crystal: saan?

Blake: sa pag confess

Crystal: ayy! kalabaw!...Wag ka ngang nang gugulat aatakihin ko sayo ehh

CJ: so? payag ka na?

Crystal: O naman si Thea yan nohh

CJ: tama ka!

Crystal: syempre tutulongan kita, ano bang gagawin ko?

CJ: kailangan mo lang naman na dalhin si Thea sa Garden

Crystal: yun lang ba! syempre ang dali lang pala atsaka ako nang bahala kay Thea

CJ: Thank you so much

Crystal: wala yun!

CJ: sa tingin mo may pag asa ako kay Thea

Crystal: sigurado ako na may pag asa ka dun malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman

CJ: may crush ba si Thea?

Crystal: wala ehh actually hindi ko alam, hindi naman kasi sya pala kwento

CJ: aah dati parin sya kailangan mo muna sya tanungin o pilitin para mag salita

Crystal: alam mo bagay kayong dalawa sana katulad mo ang maging boyfriend ko mabait na gwapo pa, ang swerte swerte sayo ni Thea

CJ: salamat hahh! makakahanap ka rin

Crystal: sana nga!

James: alam mo Crystal! mag hahanap ka pa andito naman ako

Crystal: alam mo James!...Hindi kita type atsaka ikaw ang makakahanap ng iba malay mo nasa tabi lang pero hindi ako yun, Ok atsaka mas gugustuhin ko pang mag pakamatay kisa ikaw ang maka tuluyan ko

James: aray! ang sakit nun! ang sakit sakit! tagus sa puso ko!

Crystal:edi wow! cge! alis na ako CJ! Bye Guyss!!

~End of Flashback~

Crystal: at yun ang nangyari

Tracy: aaahh kaya pa! so? ngayon aamin si CJ kay Thea?

Crystal: Oo, sa tingin mo Oo ang sagot ni Thea

Tracy: sa tingin ko Oo

Crystal: yun din ang tingin ko pero baka unahin nya ang studies

Tracy: think positive ka lang....Atsaka hintayin natin sya

I heard the bell rang.

Tracy: sa room mo nalang sya kausapin

Crystal: Ok, sige halika na.. LET'S GO GUYS!!

Umalis na kami ng PR at pumunta sa room. Nakita ko si Thea at si CJ na magkasama at mag ka holding hands para na silang mag on pero alam kung nanliligaw palang si CJ.

Crystal: THEA!! CJ!!

Thea: hi! Crystal

CJ: hi!

Crystal: kayo na ba?

Thea: hindi pa

Crystal: wehh

CJ: totoo ang sinasabi nya hindi pa kami atsaka sabi ko sayo man liligaw palang ako

Crystal: aahh talaga! ba't mag ka holding hands kayo kung nanliligaw ka palang hahh

Binitiwan ni CJ ang kamay ni Thea at sabay pag kamut sa ulo nya.

CJ: ayy! Oo nga!

Crystal: halika na nga!

CJ/ Thea: cge!

Sinundan ako ng dalawa at pumunta na kami sa room. Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa HQ kasama ko si Thea.

Andito na kami sa HQ at pumasok na kami.

Thea: Annyeong!

Tracy: wow! may nag korean dito! anong meron?

Thea: CJ just confess to me!

All: We Know!

Thea: Alam nyo?

Jessica: Oo

Thea: paano?

Julia: sinabi sa amin ni Crystal nung nawala ka

Thea: ahhh kaya pa!

Daisy: sinagot mo na ba?

Thea: hindi! manliligaw pa na man sya ehh

Crystal: manliligaw tapos kanina kung makapag holding hands wagas ehh hindi pa naman sila tapos kung hindi ko pa sabihin baka hanggang dun sa room magka holding hands sila

Thea: alam mo epal ka rin noh! dapat hindi mo na sinabi, ang lambot pa naman ng kamay nya

Crystal: so? edi sagutin mo na para walang problema

Thea: pwede! pero aral muna!

Tracy: tama yan! Thea aral muna kasi pag nag graduate na tayo saka mo sya sagutin

Maye ann: Oo nga! para walang distraction

Thea: hindi naman sya distraction kasi pwede nya akong tulungan sa mga assignment o project tapos pwede rin kami mag aral ng sabay

Julia: tama ka jan! kaya sagutin mo na! Bukas!

Bianca: paligawan mo sya ng mga 1 week lang

Beatriz: o kaya 3 week

Daisy: 3 days

Maye ann: grabe ka Daisy hahh! dapat 2 months

Rachel: 5 months

Jessica: 3 months 2 weeks

Tracy: o kaya sa graduation!

Thea: wow hahh! may choices talaga!

Caitlin: mamili ka na A, B, C, D, E, F, G or H your choice

Thea: sa tingin ko..........Sa ewan ko bahala na"

Tracy: wala naman yun sa pinag pipilian

Julia: Oo nga! ang daya

Caitlin: alam nyo na kay Thea yung decision! wala sa inyo!

Jessica: tama sya!

Daisy: CHANGE TOPIC!!

Tracy: ok! Thea nakapag search ka na ba sa Gangster Profile tungkol sa Death Empire

Thea: aahhh yun ba! Oo nakapag search na ako

Jessica: so? anong nalaman mo?

Thea: ang nalaman ko lang naman ay ang Death Empire ay ang isa sa pinaka magaling na grupo at kasunod lang natin sila sa Ranking

Beatriz: Jinjja! ibig sabihin magaling talaga sila

Thea: Oo at ito ang listahan

Rank Gang Name Win Lose

1 Red Killer 6890 0

2 Death Empire 6873 0

3 Black Swan 6885 1

4 Red Blood 6643 2

5 Pretty Killer 6323 2

6 Red Beast 5988 3

7 Death Once 5768 5

8 Black Reaper 5463 5

9 Extreme G 5369 6

10 Black Gene 5265 6

Daisy: talagang magaling sila at kapag natalo tayo pwede tayong maging rank 2

Julia: sinabi mo pa! at pareho pa na walang talo! ung rank 3 may talo na

Thea: ang Black Swan ay dating rank 2 pero natalo sila ng Death Empire kaya sila ang naging rank 2 tingnan nyo yung napalanun ng Black Swan sa Death Empire! malayo ang pagkaka iba atsaka ang Death Empire palang ang nakakatalo sa kanila

Maye ann: Oo nga! sa tingin nyo matatalo natin sila

Caitlin: Ano ba kayo! think positive hindi negative, talagang matatalo tayo kung hahayaan natin silang manalo dapat isipin natin na tayo ang mananalo, Kaya FIGHTING!!!

Jessica: Tama sya!! Fighting!!

All: FIGHTING!! hahahaha

Tracy: may iba pa bang impormasyon?

Thea: Oo at ang myembro nila ay sina Black, Silver, Orange, Brown, Light Blue, Rose, Rose Quartz, Green White, Silver Gray at Slow Blue

Bianca: Ang cool naman ng pangalan nila!

Daisy: sinabi mo pa!

Caitlin: sinong leader nila?

Thea: ang leader nila ay si Black

Tracy: parang masama ang ugali

Julia: grabe ka naman!

Tracy: bakit? sinasabi ko lang naman kung anong iniisip ko!

Rachel: Agree ako jan atsaka tama sya parang masama ang ugali

Julia: kinampihan mo pa talaga!

Beatriz: ano bang problema mo?

Julia: wala!

Rachel: wala naman pala ehh

Tracy: may iba pa ba

Thea: ahhhmm....Wait lang mag iisip muna ako.....teka lang ano bang gusto nyong malaman?

Jessica: saan sila nag aaral?

Thea: Private

Julia: ilang taon?

Thea: they are 22 years old but only the 2! the rest is 21

Daisy: so! katulad lang pala natin sila na fourth year college

Thea: yes!

Maye ann: sinong pinaka magaling?

Thea: ang lider malamang

Maye ann: ayy! Oo nga!

Rachel: relationship?

Thea: Private

Bianca: ano bang gusto kung malaman?..... hmmm sa tingin ko wala akong gustong itanung

Tracy: nado(me too)

Beatriz: me too

Daisy: me three

Maye ann: me four

Julia: me five

All: hahahaha

Thea: sa tingin ko wala ng mag tatanung so? uwian na!!

All: ARRASEO!!

Bago kami umuwi ay nag bihis muna kami atsaka umuwi. Pumunta na ako sa sasakyan at pinaandar ito. Andito na ako sa bahay at pumasok na ako alangan lumabas.

Maid: Good Evening Mam!!

Caitlin: Good Evening din po!!

Maid: Kumain na po kayo!!

Caitlin: kumain na ba sina eomma at appa

Maid: Opo at kayo nalang ang hindi

Caitlin: O sige po!! magpapalit muna ako pagkatapos kakain na ako!!

Maid: cge po mam!!

Pumunta na ako sa taas at saka nag palit ng damit ko. Pumunta na ako ng kusina at kumain na.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa taas, papasok na sana ako ng-

"CAITLIN"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.