Tiningnan ko kung sino ang may gawa walang iba kundi si....Erica, nalaman ko lang ang pangalan nya nung nasa PR kami na umabsent kaming dalawa. Tumayo ako at papa alis na ng harangan ulit nila ako ano bang problema nila atsaka parang may bago syang kaibigan ngayon.
Erica: sa'n ka pupunta?
Ano ba talaga ang problema nito? ganun ba sya kapatay na patay kay James para awayin ako? hay naku! kapag sinaktan nya ba ako maiinlove sa kanya si James, ano ako gayuma na ako lang ang paraan para mag kagusto sa kanya si James.
Erica: hindi ka sasagot?
Crystal: alam mo kung ako sayo tantanan mo na ako dahil wala ka sa akin mapapala
Erica: wala nga! pero masaya ako kapag nakikita kang nasasaktan at napapahiya
Crystal: ano ba talagang gusto mo?
Erica: gusto ko? isa lang naman ang masaktan ka
Crystal: masaktan? alam mo sa tingin ko gusto mo lang mag papansin kay James, am I right?
Erica: hindi
Crystal: ahh so, nag seselos ka kaya gusto mong ilabas ang galit mo ganun ba?
Erica: Oo tumpak! talagang matalino ka kaya ito ang para sayo!
Sinuntok nya ako sa sikmura arrgghh ang sakit.
Erica: para yan sa pang lalandi sa kanya
"ako naman hahh"
Erica: cge ba!
Sinuntok naman ako nung isa arrghh ARAY!!.
"Yan para sa pang lalandi din kay CJ ko"
CJ nya! wow hahh ang galing itong si Erica kay James tapos ito naman kay CJ wow ang galing hahh partner sino naman kaya sunod hahaha joke lang ayaw ko ng nasasaktan.
"Hoy! itigil nyo yan"
Alam ko yung boses na yun.
Thea: kayo nanaman!
Tama ang hula ko si Thea ang sumigaw tama kayo si Thea nga yun, buti naman at dumating sya. Ang hirap kaya mag panggap na mabait I mean mabait naman ako mahirap yung hindi lumalaban at umaasa sa iba.
Erica: alam mo paki alamera ka talaga nohh
Thea: so? ito ang trip ko ehh problem?
Erica: Oo, ikaw ang problema ko
Thea: talaga? bakit naman ako
Erica: alam mo umalis ka dito at hayaan mo kami kung hindi kakalimutan ko na isa ka sa Campus Princess
Thea: wala akong pake!
Thea's POV
Kumakain ako ng marinig ko ang tawanan ng mga tao kaya na curious ako. Tiningnan ko kung sino ang pinag tatawanan si....Crystal? at si Erica nanaman hay naku patay na patay talaga sya kay James. Tatayo na sana ako ng-
Jessica: saan ka pupunta?
Thea: kay Crystal
Jessica: ahhh
Rachel: alam mo ba kung sino ang pinagtatawanan?
Thea: Oo at si Crystal yun kaya kailangan ko syang tulungan
Rachel: sama ako
Tracy: ako rin
Julia: me too
Maye ann: me three
Daisy: me Four
Thea: wag na! si Rachel nalang
Tracy: ok
Thea: halika na!
Pumunta na kami ni Rachel sa pwesto ni Crystal at doon ko nakita na sinuntok sya ni Erica at ni Kyla, tig isang suntok ang natanggap ni Caitlin sa kanila. Lumapit ako at sinigawan sila.
Thea: hoy! itigil nyo yan......Kayo nanaman!
Erica: alam mo paki alamera ka talaga nohh
Thea: so? ito ang trip ko ehh, problem?
Erica: Oo, ikaw ang problema ko
Thea: talaga? bakit naman ako
Erica: alam mo umalis ka dito at hayaan mo kami kung hindi kakalimutan ko na isa ka sa Campus Princess
Thea: wala akong pake!
Erica: aahh ganun ha!
Crystal's POV
Susuntokin na sana ni Erica si Thea pero naka ilag ito kaya hindi sya na tamaan. Tapos ito namang isa ay tutulong sana ng hilahin ni Rachel ang buhok nya pero umikot ito at hinawakan ang kamay ni Rachel at pinilipit at inilagay sa likod ni Rachel pero tumayo si Rachel at pumunta sa likod nung babae at sya naman ang naka luhod.
Si Thea naman ay ilag lang ng ilag at hindi sya natatamaan kaya sinipa nya si Erica sa tiyan kaya natumaba si Erica. Pinalilibutan na kami ng mga studyante at dumating sina Tracy at wala man lang ginawa kundi manood pati sina CJ nanonood rin. Wala bang tao na balak awatin tohh, kung hindi lang masakit ang katawan ko kanina ko pa sila inawat.
Aaron's POV
Papunta sana kami ng PR para mag snack pero may narinig kaming ingay kaya pumunta kami sa......Cafeteria? anong nayayari dito? pumunta kami doon at tiningnan kung anong nangyayari, buti nalang at pina raan agad kami ng mga studyante.
Nakita ko na si Erica laban kay Thea at Kyla laban kay Rachel sila ay nag susuntukan para kaming nasa underground battle kaso lang by pair hindi grupo.
Nakita ko na nasa gilid si Crystal at may dugo sa labi at parang gusto nyang awatin sila, sa tingin ko alam ko na ang nangyari dito, inaway nanaman ni Erica si Crystal at kasama nya si Kyla pero nakita tohh ni Thea at Rachel pero bakit silang dalawa lang nasan yung iba.
Ayun sila nanonood lang, walang balak tulungan, sa tingin ko gangster talaga sila halata na sanay na sanay sila sa laban lalo na si Thea at napaka galing nya si Rachel din pero pati rin tong dalawa magaling. Gangster din kaya tohh?
Nakita ko na dumating naman sina Casey at kasama nya ang lahat ng kabarkada nya. Bigla naman hinawakan ni Raye ann at Joyce si Kyla at si Jane at Lorie naman kay Erica kaya tumigil na ang laban sayang ang ganda pa naman ng laban. Tinulungan at inalalayan naman ni Jessica at Daisy si Crystal at si Julia kay Rachel at si Maye ann naman kay Thea.
Casey: anong nangyari?
Erica: Casey kumakain lang naman kami ng biglang sumugod yang dalawa
Tracy: wow! ang galing talaga ng mga alalay mo, magaling sa story telling
Casey: hindi ko sila alalay kaibigan ko sila
Tracy: talaga!bakit ganyan! maka sumbong parang bata na inagaw ang barbie doll nya hahaha
Casey: hindi naman katulad sayo walang kwenta
Tracy: sa akin? walang kwenta? hahaha tinutukoy mo ata yang mga alipores mo hahaha tingnan mo ang mga muka nila, may dugo sa labi at may sugat pa hindi katulad ng sa amin ay tingnan mo maganda pa rin
*ayy! napa hiya!*
*yan kasi lalaban pa wala namang binatbat*
*umalis na kayo walang kayong laban sa mga Campus Princess*
* Oo nga puro lang kayo dada tingnan nyo yang si Erica at Kyla puro bugbug na ang muka*
Casey: SHUT UP!! wala akong paki alam kung kayo pa ang Campus Princess
Tracy: talaga! gusto mong ma kick out
Casey: bakit ikaw ba ang may ari nito?
Tracy: bakit hindi mo alam?
Casey: ang alin?
Tracy: kung ka ano ano ko ang may ari nito?
Casey: alam ako! ikaw ang pamangkin
Tracy: alam mo naman pala edi pwede yun
Casey: hindi mo ata alam na kaibigan ng mommy ko ang mommy ni Aaron kaya hindi mo ako maki kick out
Tracy: aaahh alam ko na kung bakit gustong gusto ni tita na ipakasal ka kay Aaron dahil sinabi mo yun sa kanya hahaha grabe kaya pala ngayon ko lang nalaman yun
Casey: Oo tama ka!
Tracy: sabagay hindi talaga kita ma ki-kick out pero yang dalawa pwede
Casey: hindi mo yun magagawa
Tracy: kaya ko!
Casey: aahhh talaga! paano mo yan nasabi?
Tracy: dahil labag sa school rules ang pananakit ng kapwa
Casey: Oo! kaya yang dalawa ang maki-kick out
Tracy: anong sila? yang dalawa dahil sa ginawa nila kay Crystal, tingnan mo sya! walang kalaban laban na babae bigla nalang tinalisod ng alalay mo, kaya sino ang ma ki-kick out?
Casey: Tingnan mo rin ang ginawa ng kaibigan mo sa kaibigan ko
Tracy: alam mo pinag tanggol lang naman ni Thea at Rachel si Crystal
Casey: so?
Tracy: kayo I mean sila ang ma ki-kick out
Casey: grrrr LET'S GO GIRLS
Tracy: leaving so soon! Casey!
Casey: LET'S GO!!
Tracy: pikon!
Umalis na sila at umalis na rin ang mga studyante.
Crystal's POV
Umalis na ang lahat pagkatapos ng palabas para kaming nanood ng teleserye hahaha tapos napikon pa si....Ano nga yung pangalan nya Katty....Kate...Aaahh alam ko na Casey, sya ata yung leader kasi alalay daw ehh.
James: Ayus ka lang Crystal?
CJ: Are you okay?
Crystal: yes
James: dadalhin na-
CJ: sa tingin ko dapat dalhin ka na sa clinic
Crystal: thanks but I'm okay
James: dapat-
CJ: hindi pwede tingnan mo nga yang muka mo may sugat kailangan gamutin yan
Crystal: ok lang, sa PR nalang may first aid naman kami
Thea: Oo nga! kaya ako na ang gagamot sa kanya
CJ: sige samahan na kita
Crystal: kaya ko na ang sarili ko, sugat lang tohh
Thea: pero kailangan ng tao na pwedeng gumamot nyan at ako yun
CJ: samahan ko na kayo
Crystal: alam nyo bagay kayo?
CJ/Thea: hindi kaya
Crystal: Oo bagay kayong i-untog sa pader para matauhan, na kaya ko na pero pareho kayong makulit
CJ: baka kasi kung anong mangyari sayo! concerned lang kami
Thea: Oo nga concerned lang kami atsaka paano kung biglang dumating sina Erica, anong gagawin mo?
Crystal: sige na nga eomma at app ang kulit nyo ehh hahaha
Thea/CJ: anong sabi mo?
Crystal: hahaha akala ko ba sasama kayo?
Thea: Oo nga pero anong tinawag mo sa amin?
Crystal: secret kaya halika na eomma at appa hahaha
Thea: anong nginingiti mo jan hahh?
CJ: wala! halika na daw
Thea: wala ka jan
Sinamahan nila ako sa PR sa totoo lang okay lang naman ako masakit nga lang ang tiyan ko. Nakakatawa yung tinawag ko sa kanila,eomma at appa kasi naman ehh para kasi silang magulang ko sabi na kaya ko na pero masyado silang makulit yan tuloy natawag ko atsaka sa tingin ko si CJ lang ang naka rinig at si Thea ay hindi maintindihan ang sinabi ko hahaha atsaka lalong gumagwapo si CJ kapag ngumingiti at dahil yun kay Thea.
Bagay talaga sila sa isa't isa. Hindi man lang sila nag iimikan tapos itong si CJ hanggang tingin lang, hindi ko alam na torpe pala toh haha.
Andito na kami at binuksan na ni Thea ang pinto at pumasok na kami alangan lumabas. Pumunta na si Thea sa kwarto nya para kumuha ng first aid tapos kami naka upo.
Silence.
Crystal: torpe ka ba?
CJ: hahh?
Crystal: sabi ko torpe ka ba?
CJ: hindi
Crystal: wehh bakit hindi mo man lang kinausap si Thea atsaka kung tatahimik ka lang dapat hindi ka na sumama alam ko naman na si Thea ang dahilan ng pag sama mo
CJ: hindi hahh! talagang concerned lang ako atsaka kahit hindi sya ang sumama, sasama parin ako
Crystal: ayy! ang sweet naman alam mo ang swerte sayo ni Thea, alam mo dapat umamin ka na atsaka manligaw ka na rin malay mo ma unahan ka pa ng iba
CJ: ewan ko lang atsaka hindi ko alam kung may pag asa ba ako sa kanya
Crystal: malay mo meron atsaka worth it naman ang pag amin mo atsaka para malaman mo kung may pag asa ka di ba?
CJ: Oo nga! tama ka! pero kailangan ko muna na ng oras atsaka right timing para hindi masyadong epic yung gagawin ko
Crystal: tama yan!
Thea: Crystal! nahanap ko na ito ohh!
Crystal: cge ako na kaya ko atsaka bumalik na kayo
Thea: hindi! ako ang gagamot atsaka nag sabi na ako kina Blake at Jessica na sila nalang ang mag excuse sa atin
Crystal: ahhh ok
Ginamut na ni Thea ang labi ko at napa ka sakit. Habang ginagamut ako ay grabe ang titig ni CJ kay Thea parang gustong tunawin hahaha.
Pagkatapos nyang gamutin ang sugat ko ay nanood kami ng pelikula dito atsaka nag luto si Thea at CJ ng pagkain namin. Para silang mag asawa na nagtutulungan na mag luto atsaka ako yung anak hahaha pinapanood ko lang sila dahil ayaw nila akong patulungin edi wow.
Palagi silang nag haharangan ng daan atsaka kapag may kukunin si CJ sa likod ni Thea biglang gigilid si Thea, grabe nakaka kilig! minsan nag kakalapit yung muka nila dahil sa pag kuha ni CJ ng gamit sa likod ni Thea ng hindi inaasahan. Ayy! kinikilig ako sa kanila! grabe nilalangam na ako.
Pagkatapos nila ay kumain na kami at nag dala naman ng pagkain si CJ, para daw sa mga kaibigan nya, ang bait nya talaga.
CJ: cge alis na ako, I had a really great time
Crystal: us too!
CJ: cge! bye
Crystal: bye
Thea: bye din
Umalis na sya at sinara na ni Thea ang pinto at nakita ko sya na naka ngiti hahaha kinikilig ang babaita.
Crystal: may lumalove life dito
Thea: hu-huhh?
Crystal: pakipot pa, aminin mo kinilig ka dun nohh?
Thea: Oo kyaaahh ang gwapo nya sa malapitan atsaka ang bango bango, ano kaya ang pabango at i-i-ispray ko sa boung kwarto ko para palagi ko syang maaalala atsaka ang bait bait nya atsaka ang swerte ng magiging girfriend nya at sana ako yun kyaaah grabe hindi ko talaga ine expect yun kung hindi pa pala ako sumama dito hindi ko yun mararanasan kyaaaahhh kinikilig pa rin ako ngayon
*once in a blue moon lang yan ganyan*
Crystal: hay naku! inlove ka na talaga
Thea: Oo at sana gusto nya rin ako, sa tingin mo?
Crystal: sa tingin ko Oo atsaka sabi ko sayo na ikaw ang gusto nya di ba? naka limutan mo ba yun?
Thea: ayy! Oo nga kyaaahh may gusto sya sa akin, kailan kaya sya mag co-confess dahil sasagutin ko sya agad
Crystal: seryoso walang man lang pa hard to get
Thea: Oo
Crystal: teka nga lang sabi mo wala kang gusto kay CJ
Thea: joke lang yun atsaka bata pa kami may gusto na ako sa kanya, kung hindi lang kami nag ka hiwalay edi close pa rin kami hanggang ngayon
Crystal: sabagay tama ka dun
CJ's POV
Grabe hanggang ngayon kinikilig ako buti nalang matalino ako hahaha tama ang hinala nyo gumawa lang ako ng paraan para magkalapit kami yung pag kuha ng gamit sa likod nya wala yun hindi ko naman talaga gagamitin yun ehh. Ang ganda ganda nya talaga lalo na kapag sa malapitan lalong gumaganda yung maganda nyang mata at mapupula nyang labi grabe ang sarap nya atang halikan. Sa tingin ko tama si Crystal na umamin na ako sa kanya may pag asa man o wala.
Andito na ako sa PR at binuksan ko na ang pinto.
CJ: guys! may dala akong pagkain
Blake: talaga! nasaan?
CJ: ito ohh!
Blake: hay salamat! iba nanaman ang makakain ko hindi puro nalang junk food
Aaron: puro ka reklamo! edi mag luto ka
Blake: sabi ko nga masarap ang junk food
Kyle: ayus lang ba si Crystal?
Nathan: Oo nga ayus lang ba sya?
Jasper: napuruhan ba sya?
Aaron: grabe kayo! akala nyo naman nabanggaan yung tao ehh nasikmura lang naman tsk
Andrew: Oo nga atsaka ayus lang yun, di ba?
CJ: ahh Oo ayus lang sya madaldal nga ehh
James: hoyy ikaw! CJ umamin ka nga may gusto ka ba kay Crystal hahh?
CJ: hahh? wala
James: nagsisinungaling ka
Kwenelyuhan nya ako.
Jasper: hoy! James chill lang!
CJ: wala akong gusto sa kanya atsaka kaibigan nya ako concerned lang ako
James: concerned o mahal mo?
CJ: ano bang pinag sasabi mo jan hahh?
Tinulak ko sya.
James: umamin ka nalang kasi kung ayaw mong masaktan
CJ: ok, wala akong gusto kay Crystal at totoo yung sinabi ko na concerned lang ako atsaka gusto ko lang naman makasama ang childhood friend ko na si Thea matagal na kasing hindi ko nagawa na makita at makasama sya ng mahabang oras hindi katulad noon na bago kami mag kahiwalay ang palagi kaming mag kasama at wala akong gusto kay Crystal dahil si Thea ang gusto ko at hindi si Crystal arraseo? kaya wag kang magalit hindi ko aagawin sayo si Crystal ang totoo nga nyan may balak akong umamin sa kaniya kaso lang hindi ko alam kung anong gagawin? so, naiintindihan mo na?
James: ahhh buti naman at wala kang gusto atsaka aamin lang pala ehh
CJ: bakit? tutulungan nyo ba ako?
Jasper: Oo naman kaibigan ka namin atsaka ngayon ka lang namin narinig na ganyan kahaba ang sinabi
Kyla: tama sya!
CJ: so, tutulungan nyo ako?
Nathan: Oo naman, kailan ba?
CJ: bukas pagkatapos nilang mag lunch mag papatulung ako kay Crystal
Jasper: akala ko sa amin ka mag papatulong
CJ: Oo nga pero kailangan natin sya dahil sya ang magdadala kay Thea
Jasper: ayy! oo nga nohh
Kyle: so? what's the plan?
~next day~
Thea's POV
Andito kami ngayon sa PR dahil lunch break at mamaya pang 1 ang pasok namin kaya andito kami naka tambay.
Crystal: Thea!
Thea: hmmm
Crystal: punta tayong garden
Thea: Bakit?
Crystal: wala naman gusto ko lang mag pahangin
Thea: edi sa rooftop na lang
Crystal: eeh sa gusto ko dun pls.
Thea: cge na nga
Crystal: yey! halika na!
Bigla na lang akong hinila ni Crystal palabas at masyado syang excited, ano bang meron sa garden?.