She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 27

Ang naka sambot ay walang iba kundi si Kate unnie ang bridesmaid ni Andrea unnie. Hindi sya maka paniwala na sya ang naka sambot tapos nagtataka sya kung bakit napasa kanya ehh ang layo nya at hindi sya sumali.

Josh: Noona! ikaw ang naka sambot!

Kate: h-hindi naman ako kasali!

Josh: kahit na! ibig sambihin ikaw ang sunod

Kate: hahh? anong pinag sasabi mo dyan? ohh sayo na!...Hello! Oo andito pa ako!

Josh: noona! wala kang magagawa ikaw naka sambot!

Kate:Oo na ako na!

Josh: maghanap ka na noona ng mapapa ngasawa para naman hindi ako palagi mong ina asikaso!

*pak*

Josh: aray naman noona!

Kate: kahit mag asawa ako ikaw pa rin ang pinaka importante sa akin, gusto mo ba magtrabaho at hindi mag aral?

Josh: sabi ko nga!

Caitlin: ba't sya naka sambot? eehh wala naman syang boyfriend! tapos puro trabaho ang ina asikaso nya!

Tracy: Oo nga! paano yun?

Maine: wala naman yan sa may boyfriend sya o wala, malay nyo bukas meron na yan

Julia: ang bilis naman nun unnie

Maine: ganun talaga! halika na! kailangan na natin pumunta sa reception ng kasal

Sumabay na kami kay Maine unnie papunta sa reception ng kasal. Pagdating namin ay agad kaming pumunta sa may backstage syempre kami ang organizer, pero hindi kami ang host, si Angel at si Edward.

Naghiwalay kami ni Tracy, ina asikaso ang mga bisita ako naman sa mga staff. Nag start na ang party ang mag salita na sina Angel, hindi naman ako nakikinig dahil mas kailangan ako ng mga staff.

(ifafast forward ko na po dahil hindi ko alam ang ginagawa sa reception)

~>3 days <~

Andito ako sa PR namin tapos na kami mag lunch, tatlong araw na ang nakalipas ng ikasal sina Andrea unnie atsaka nasa France na sila.

*kringg kringg*

Tapos na ang lunch time at pumunta na kami sa room. Dumating na kami sa room. Dumating na din ang teacher namin.

Students: Good Morning Mam Romero!

Mrs. Romero: Good Morning! please sit down!

Umupo na kaming lahat.

Mrs. Romero: Before we proceed to our lesson, I have an anouncement to make...This upcoming November 29 we have a halloween party, you have to wear a halloween costume,

Bigla naman may nag taas ng kamay.

Katty: mam! lahat po ba dapat dumalo?

Mrs. Romero: malamang dahil para sa inyo ito!

Ryle: kailangan po ba ng ka date?

Mrs. Romero: Oo, pero kung wala pwede pa rin pumunta!....Any other question?

Students: none

Mrs. Romero: shall we start?

Students: yes!

Nagsimula na si mam mag turo. November 29, dalawang araw nalang pala. Pagkatapos ni mam ay umuwi na kami.

Nandito na ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit ko at bumaba na. Pababa na ako ng biglang mag ring ang phone ko. Tiningnan ko si Sofie lang pala.

"Hello"

[Hi Red!]

"may laban kami?"

[Oo may laban kayo!]

"kailan?"

[sa linggo na!]

"aahhh"

[alam mo na kung sino, di ba?]

"Oo, ang Black Fox"

[yup!]

"sa Death Empire sino?"

Umupo naman ako sa sofa sa sala.

[Ang Rank 96 ang Death Killer]

"Wow! pinag sama yung pangalan namin!"

[Oo nga ehh!]

"ok salamat sa inpormasyon, good bye"

[bye!]

Binaba ko na ang phone at bigla naman bumukas ang pinto.

Chris: hi! noona!

Caitlin: hi!

Chris: ang ganda ng pinapanood mo noona!

Caitlin: baliw! anong pinapanood ka dyan ehh naka off yung TV

Chris: hehe niloloko lang kita noona!

Caitlin: ang aga mo pala ngayon!

Chris: wala naman kasi kaming laban!

Caitlin: aahhh

Chris: eehh kayo?

Caitlin: meron pero sa linggo pa!

Chris: talaga? ba't hindi ka pumunta sa HQ nyo!

Caitlin: katatawag lang kasi sa akin ni Sofie

Chris: aahh, edi pumunta ka na ngayon na!

Caitlin: bakit mo ba ako pina pa alis?

Chris: heheh wala lang!

Caitlin: pupunta dito ang gang mo?

Chris: yup!

Caitlin: sabi na nga ba! sige aalis na ako!

Chris: sige lang!

Tumayo na ako at umakyat sa taas para mag bihis. Pagkatapos ko ay nag drive na ako papuntang HQ. Tinawagan ko din sila na pumunta sa HQ.

Andito na ako sa HQ at hinintay na sila. Dumating na sila isa isa. Una ay si Thea sunod si Tracy, Julia, Maye ann at Daisy, Rachel at Beatriz, Jessica at ang pang huli ay si Bianca.

Tracy: so? may laban tayo? kailan?

Caitlin: Oo sa linggo

Thea: ang Black Fox ang makakalaban natin!

Tracy: malamang kayo nag request nun!

Rachel: sa lingo pa naman yan!

Bianca: Oo nga! unahin natin yung sa halloween party!

Caitlin: ano naman ang pag uusapan natin doon?

Rachel: kung anong susutin!

Julia: ako may na isip na! nag patahi na nga ako ehh!

Rachel: talaga? ano?

Julia: Yung damit ni Belle sa Beuty and the Beast

Maye ann: wow!

Daisy: ako devil!

(alam nyo po yung damit nya sa TT na music video, yun po yun)

Thea: ako naman ay cowboy!

(yun pong sout nya sa MV ng Cheer up)

Beatriz: ako witch

Rachel: ako wizard

Tracy: so? Dalawa tayong witch?

Rachel: pati ikaw?

Tracy: Oo

Bianca: ako naman ay Snow white

Rachel: mag papaikli ka ng buhok?

Bainca: Oo!

Daisy: ako rin mag papagupit!

Thea: ako mag papakulay!

Beatruz: ako rin magpapakulay

Tracy: ako magpapastraight at magpapabangs!

Maye ann: new hairstyle!

Rachel: eehh ikaw?

Maye ann: ang sa akin naman ay akin yung kay Ivie sa Descandant

Jessica: sa akin ay yung kay mal na kulay yellow na gown sa descandant 2

Caitlin: sa tingin ko ang akin yung kay Mal din sa Descandamt 2 yung gown nya sa pinaka last na yung violet

Beatriz: wow! kung kami ay puro witch kayo puro decendants

Maye ann: ganun talaga!

Rachel: so? lahat pala tayo meron! pero ka date meron ba?

Thea: syempre kami meron!

Rachel: edi kayo na!

Maye ann: malay mo yayain ka ni Kurt ayyieee

Rachel: sana nga!

Beatriz: maganda kong lahat tayo walang date!

Jessica: edi wow!

Maye ann: maganda lahat!

Jessica: Oo tapos ang ang kadate ko si Blake, si Thea si CJ, si Maye ann si Vince, si Daisy si Vincent, si Julia si Aiden ,si Rachel si Kurt,si Bianca si Kent,si Beatriz si Andrew,si Tracy si Lance ,si Caitlin si....

Caitlin: ano! nahirapan ka?

Jessica: ang rami kasi sayo, pwedeng si James?

Caitlin: yaacckkk

Jessica: o kaya si Flin?

Caitlin: pwede

Jessica: o si Aaron?

Caitlin: no way!

Thea: so? kay Caitlin lang pala mahihirapan!

Tracy: teka lang! magsasalamin ka ba? o hindi?

Jessica: Oo nga nohh!

Caitlin: hindi nalang!

Daisy: Maganda yun! tapos ikaw ang huling pupunta, parang sa teleserye

Maye ann: Oo nga! tapos lahat ng tao naka nganga except sa akin

Tracy: galing!

Rachel: mag papakulay na ako o magpapagupit?

Caitlin: ako magpapakay ng violet

Thea: wow! violet yung gown pati yung buhok violet din!

Caitlin: eehh sa gusto ko!

Daisy: sama sama nalang tayong pumunta sa party?

Tracy: maganda yun

Thea: susunduin ako ni CJ

Jessica: me too ni Blake

Maye ann: me three ni Vince

Rachel: oh sige na kayo na may boyfriend!

Jessica: talaga!

Julia: so? tayo lang na pito ang sabay sabay!

Bianca: tapos dito na rin tayo mag ayus para masaya!

Beatriz: maganda yun!

Pagkatapos namin ay umuwi na kami.

~next day~

Naglalakad ako ng biglang may tumawag sa akin. Huminto ako at tiningnan kung sino, si James lang pala.

James: Hi!

Crystal: anong kailangan mo?

James: grabe sya ohh!

Crystal: ano nga?

James: ok! pwede ba kitang maging date?

Crystal: sorry! its a no!

James: why?

Crsytal: aahh I dont know!

James: jebal!

Crystal: N.O no!

James: jeebaaal

Crystal: maghanap la nalang ng iba!

James: may ka date ka na?

Crystal: Oo na!

James: sino?

Sino bang sasabihin ko? Si Flin! baka meron na sya! sino kaya? basta bahala na!

Crystal: secret! alamin mo nalang sa party! ba bye

Iniwan ko na sya doon, salamat naman hindi nya ako sinundan, pero sino waahh bwesit kasing lalaking yun, ba't kasi hindi na sya tumigil?.

Pumasok na ako sa room at umupo alangan naka tayo lang.

Thea: problema mo?

Crystal: eehh kasi nakaka inis!

Thea: sino?

Crystal: si James!

Thea: anong problema sa kanya?

Flin: hulaan ko! pinilit kanyang maging date!

Crystal: yup! tapos sabi ko meron na para tantanan nya na ako, pero tinanong nya ako kung sino! hindi naman ako maka sagot kaya sinabi ko secret

Thea: galing~

Flin: paano yan? kapag wala kang ka date, sigurado sasabihin nun sinungaling ka! o kaya sabihin nya na sya na ang partner mo since wala ka naman

Crystal: Bka yun ang mangyari,ayaw ko pa naman sa kanya

Thea: alam ko na! may ka date ka na ba, Flin?

Flin:wala pa!

Thea: may gusto ka bang ka date?

Flin: *si Crystal!* wala!

Thea: since wala kang gustong ka date kayo nalang dalawa, mag bestfriend naman kayo, kaya okay lang yan!

Crystal: sigurado ka?

Thea: para tantanan ka na ni James

Aaron: ako na ang kadate ni Crystal!

Thea: oh hi Aaron!

Crystal: anong sabi mo?

Aaron: ikaw ang kadate ko!

Crystal: ayaw ko!

Aaron: sino bang nag sabi na tinatanong kita, sa ayaw at sa gusto mo ako ang ka date mo!

Crystal: sino ka naman para pumili ng kadate ko?

Aaron: ako may ari ng school at dahil ikaw ang gusto kong maka date, ikaw na walang iba, bawal kang tumanggi!

Crystal: bakit bawal?

Thea: Crystal! wala kanang magagawa!

Flin: *kainis naman ohh* sige na Crystal! wala ka ng magagawa, si Krysha nalang ang tatanungin ko!

Crystal: pero-

Flin: wala ka nang magagawa, sya may ari atsaka ikaw ang gusto nya

Aaron: Sabi ko sayo ehh wala kanang magagawa!

Blake: yup! wala kanang magagawa! atsaka gusto kalang naman nyang maging kapartner para walang sunod ng sunod sa kanya na babae

Andrew: at para tumigil na yung mga babae

CJ: kaya wag kanang magalit!

Crystal: *kainis! bwesit! wala talaga akong magagwa!* sige na nga! mas nakaka inis ka kay James!

Aaron: gusto kong maganda ka hindi panget!

Thea: talagang maganda yan! di ba?

Crystal: tsk!

Dumating na ang teacher at nag sibalikan nasa upuan. Recess na at pumunta na kami sa cafeteria, habang nag lalakad ako ay nakikita ko na parang gusto akong kainin ng mga babae, kung maka tingin grabe.

Andito na kami sa Cafeteria at kaming dalawa ni Bianca ang mag oorder, papunta na sana kami ng harangan kami ng mga babae at biglang may sumulpot na babae, parang familiar sya, ayy! Oo nga pala sya yung naka away ni Tracy, ano nga bang pangalan nya?.

Bianca: anong kailangan nyo, Casey?

aahhh Casey pala ang pangalan.

Casey: yang malanding nerd lang naman ang kailangan namin

Malandi?wow!! Nahiya naman ako sakanya!! grabe tohh sino naman ang nilandi ko?.

Bianca: anong pinag sasabi mo dyan?

Casey: nilandi nya ang Aaron ko!

Bianca: Aaron mo? hahahaha sinong tinutukoy mong Aaron mo hahahhaa

Casey: wag mo kong tatawanan, kung hindi makaka tikim ka sa akin

Bainca: ng ano?

Casey: ng sakit ng katawan

Bianca: nakakain ba yun?

Casey: arrrghh parehong pareho ka kay Tracy! pilosopo

Bianca: alam ko yun! hindi mo na kailangan ipag sigawan sa boung school

Casey: magkaibigan talaga kayo!

Bianca: alam ko rin yun!

Casey: aarrgghhh kunin sya!

Bigla nalang ako hinila ng mga alipures nya.

Bianca: bitiwan mo sya!

Casey: itong malanding tohh ay dapat masaktan

Crystal: anong malandi ka dyan?

Casey: malandi ka! pinagbigyan na kita nung sa field trip na niyakap mo sya at naging partner ka nya, tapos ngayon naman kadate ka naman nya, anong pinakain mo sa kanya? ginayuma mo nohh?

Crystal: FYI wala akong gusto sa Un- I mean kay Aaron

Casey: talaga lang! una inagawan mo si Erica sunod si Kyla ngayon naman ako, grabe ang landi mo talga, dahil dyan ito para sayo!

Sinuntok nya ako sa tiyan.

Bianca: wag-

Hinarangan naman ng mga alipores nitong Casey si Bianca, pero nakipaglaban sya, bigla naman may dumating at yun ang kalaban ni Bianca.

Casey: yan ang bagay sayo! Ito pa!

Sinampal nya ako ng dalawang beses. Dumating naman sina Tracy, pero hinangaran sila at nakikipag suntukan na sila, habang ako andito hawak hawak ng dalawang babaeng tohh. Tinuhod nya pa ako sa tiyan kaya napa dapa ako sa sahig. Aray! puta! ang sakit! nakaka inis na, ayaw ko nang maging mabait, naiinis na ako pangatlo na tohh.

Tumayo ako at pinunasan ang labi ko. Inayos ko ang salamin ko at pinag pagan ang damit ko.

Casey: wow! nakuha mo pang mag ayus!

Crystal: Nakaka inis na kayo! nanahimik ako at hindi lumalaban tapos ano, palagi nyo nalang akong sinasabihan ng malanadi

Casey: totoo naman ehh

Crystal: pangatlo na tohh at ayaw ko na! tumingin ka nga sa salamin dahil baka ang sarili mo ang tinutukoy mo!

Casey: aba't lumalaban ka na!

Crystal: Oo, ewan ko nga kong may sira ka sa utak o sadyang papansin ka lang

Casey: anong sabi mo?

Crystal: may gusto ka kay Aaron pero hindi ka nya gusto tapos ibabalin mo sa akin ang galit mo dahil hindi kanya mapansin kaya nagpapapansin ka at ginagamit mo ako! kababaeng tao mo ganyan ka! sabagay marami ng babaeng papansin ngayon! At isa ka na dun!! Di mo naman ikakaganda yang paghahabol mo, nag mumuka ka lang aso!!

Casey: talagang!

Crystal: ano! sasaktan mo ako! sige, gawin mo! dyan ka naman magaling di ba? manakit dahil hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo! na ako yung napapansin at ikaw hindi! sinasaktan mo ako para lang sabihin na iwasan ko! kahit anong gawin mo, hindi ka mamahalin ni Aaron!

Sasampalin nya na ako pero nahawakan ko ito.

Crystal: ano! totoo di ba? hindi mo matanggap na ako yung napapansin nya at hindi ukaw!

Sisipain nya na ako pero nahawakan ko ito at itinulak sya. Tumayo sya at susuntukin nya sana ako pero naka ilag ako.

Aaron's POV

Naglalakad kami papunta sa PR namin ng may marinig kaming sigawan ng tao.

Jasper: ano kaya yun?

Nathan: puntahan natin!

Pinuntahan namin ang sigawan at sa cafeteria ulit. Binigyan naman kami ng daanan ng mga tao. Nakita namin na nag aaway sina Tracy laban kina Casey, nakita ko na kalaban ni Casey si...Crystal? ang galing nya! hindi maipapagkaila na gangster talaga sya! kailangan ko nalang makita sila na naka maskara, I mean is makita sila ng personal na isinuot ito at pumunta sa Underground.

Kalaban naman ni Tracy si Dianne, si Jessica kay Raye ann,si Bianca kay Joyce, si Maye ann kay Krisha, si Julia kay Lorie, si Beayriz kay Angelica, si Rachel kay Erica, si Thea kay Kyla,si Daisy kay Jane.

Blake: aawatin ko sila!

Nathan: halika na!

Pumunta naman sila doon at ina wat pati ang Blood Wolves ay tumulong din.

Crystal's POV

Bigla nalang may pumunta sa gitna at si Flin, inawat nya kami. Tumigil na ako pero si Casey ayaw pa rin mag pa awat.

Casey: bitawan mo ako Flin! kailangan ko bigyan ng leksyon ang babaeng yan! inagaw nya na nga si Aaron, sinugatan nya pa ang muka ko!

Crystal: sabihin mo wala ka talagang laban sa akin, ang hina mo! akala ko magaling ka pero puro ka lang pala yabang at dada

Casey: anong sina- bitawan mo ako Flin!

Aaron: tumigil ka na nga!

Bigla naman tumigil si Casey.

Casey: Aaron! tingnan mo ang ginawa ng babae na iyon! sinaktan nya ako! wala naman akong ginagawa!

Crystal: tsk! papansin!

Casey: anong sabi mo?

Naglakad na ako papunta kina Tracy.

Casey: hoy nerd! kinakausap pakita!

Humarap ako sa kanya.

Crystal: so? I dont care!

Casey: talagang!

Aaron: tumigil ka na nga! tama sya!papansin ka! sinungaling pa! ayaw ko ng makikita o maririnig na sinaktan o sinasabihan sya ng malandi dahil sa noon palang wala ng tayo! kaya tumugil ka na!

Casey: Aaron!

Aaron: si Crystal ang gusto ko hindi ikaw!

O_O ano daw?. Bigla naman syang lumapit sa akin at inakbayan ako.

Aaron: itong babae na ito ang taong mahal ko! hindi importante sa akin kung maganda sya o hindi dahil para sa akin maganda na sya sa labas at sa loob, kaya sya palagi ang pinipili ko, at ayaw ko na sinasaktan mo sya at kahit sino pa man sa paaralan na ito, kapag sinaktan nyo sya may matatangap kayong parusa galing sa Black Ace maiintindihan nyo at itong babae na ito ay akin lang!

Ano daw? sa kanya lang! at mahal nya ako?.

Casey: magmamahal ka nga lang panget pa! anong meron sya na wala ako?

Aaron: marami!

Casey: pero engage na tayo!

Aaron: engage mo muka mo! simula palang ay hindi na ako pumayag at alam mo na hindi na yun tuloy kaya kung ako sayo, tigilan mo na ako!

Casey: hindi ako naniniwala na sya ang mahal mo! at hindi pwede! AKO LANG! AARON AKO LANG!

Aaron: mahal ko sya! MAHAL NA MAHAL KO SI CRYSTAL!!

Casey: Anong sinabi mo?

Aaron: I love her!

Casey: hindi ako naniniwala!

Aaron: hindi ka naniniwala?

Casey: Oo

Aaron: sino pang hindi naniniwala! itaas ang kamay!

Halos lahat nag taas pwera lang kina Tracy at CJ.

Aaron: so? marami pala! hindi kayo naniniwala!

Nakita ko naman syang ngumiti. Humarap sya sa akin at hinawakan ako sa balikat, teka familiar ang galaw natohh, wag mong sabihin--- hinalikan nya ako. Pang apat na tohh waahh hinalikan nanaman nya ako, hindi ko magalaw ang katawan ko, anong nangyayari sa akin?. Gumalaw naman ang labi nya at kusa namang gumalaw ang labi ko at hinalikan sya pabalik.

Jessica's POV

Hindi ako makapaniwala, mahal ni Aaron si Crystal, kaya pala si Crystal ang pinili nya na maging partner. Grabe hinalikan nya si Crystal sa harap ng mga studyante, at hinahalikan din sya ni Crystal.

Julia: nagmamalikmata lang ba ako o talagang naghahalikan yung dalawa!

Jessica: hindi! naghahalikan...Talaga sila!

Flin: *hindi ako makapaniwala, may gusto sya kay Crystal, kaya pala sinabihan nya si Crystal na sya na ang kadate sa party, at yung sinabi ng mga kasama nya ay way lang para mapapayag si Crystal na totoo ay may gusto sya, sa tingin ko may kalaban na ako kay Caitlin, kailangan ko ng umamin bago pa ako maunhan*

James: *kainis may gusto rin sya kay Crystal, ba't hindi ko pa yun nahalata? nakakainis ang kalaban ko kaibigan, at sya ang pinili ni Crystal na maging kadate instead of me, wala na akong pag asa, sa tingin ko tama si Crystal, kailangan ko na syang tigilan at maghanap ng iba, madali lang naman yun*

Casey:*aarrgghh naghalikan talaga sila sa harapan ko at sa mga tao, anlandi talaga ng babaeng tohh, dapat dito pinapatay, kaso lang palagi nyang kasama ang mga kaibigan nya, nakakainis! titigilan ko na tohh, masyado na silang nasasarapan*

Bigla nalang lumapit si Casey at pinaghiwalay si Aaron at Crystal. Humarap sya kay Crystal at sasampalin nya sana pero nahawakan ito ni Crystal.

Crystal: too slow!

Binitiwan ni Crystal ang kamay nya ng patulak.

Casey: how dare you? akala mo kung sino ka! ehh isa kalang naman mahinang nerd!

Crystal: ang mahina ba kayang gawin tohh!

Sinampal ni Crystal si Casey ng dalawang beses.

Crystal: Ito pa!

Sinuntok ni Crystal si Casey sa tyan. Napaluhod sa sakit si Casey, lumapit naman sa kanya ang mga alipores nya. Tinulungan syang tumayo.

Casey: humanda ka! hindi pa tayo tapos!

Crystal: talagamg hindi! dahil ako ang tatapos sayo!

Casey: aarrrggghh!

Umalis na sila, at nilapitan namin si Crystal.

Jessica: ayus ka lang?

Crystal: Oo naman!

Thea: galing mo kanina!

Crystal: kayo rin naman magaling!

Tracy: alam mo deserve lang ng babaeng yun, yung ginawa mo! atsaka totoo naman ehh na papansin sya!

Beatriz: ang galing mo talaga!

Rachel: atsaka lalo na sa pang babara!

Crystal: Oo na! ako na!

Julia: aahhhmm yung salamin mo!

Crystal: ayy! sira na! paano tohh!

Bianca: nakaka kita ka naman ehh itapon mo na yan, bibili nalang tayo ng bago!

Julia: o kaya wag na! wag ka nang mag salamin!

Crystal: ayaw ko nga!

Jessica: bakit naman? mas maganda ka nga pag ganun!

Crystal: basta! mas gusto ko tohh!

Thea: halika na! mala-late na tayo sa klase!

Blake: late na talaga tayo!

Jessica: anong oras na?

Maye ann: haha late na nga tayo! 10:26 na!

Beatriz: kainis naman kasi ang babaeng yun!

Crystal: halika na! para hindi tayo malate sa susunod

Thea: kaya mo ba?

Crystal: Oo naman! kayang kaya ko! kailan pa ako naging mahina!

Thea: hahaha hindi pa yun nangyayari!

Jessica: tama na ang daldalan! halika na!

Naglakad na kami sa room.

Crystal's POV

Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin.

"itong babae na ito ang taong mahal ko! hindi importante sa akin kung maganda sya o hindi dahil para sa akin maganda na sya sa labas at sa loob, kaya sya palagi ang pinipili ko, at ayaw ko na sinaktan mo sya at kahit sino pa man sa paaralan na ito, kapag sinaktan nyo sya may matatangap kayong parusa galing sa Black Ace maiintindihan nyo at itong babae na ito ay akin lang!"

"mahal ko sya! MAHAL NA MAHAL KO SI CRYSTAL!!"

" I love her"

*DUG DUG DUG*

Seryoso ba sya? ako mahal nya! pero sabi nya sa akin noong nasa field trip pa kami, hindi nya ako gusto tapos ngayon mahal nya ako! baka nag bibiro lang sya! baka nga ganun! pero pwede rin na totoo yun. Arrrrgghh nakakainis, totoo ba yun o hindi? kailangan ko syang tanungin! pero paano! hay naku! wag na nga lang, kakalimutan ko nalang na nangyari yun.

Thea: hoyy! halika na!

Crystal: s-sige!

Andito na pala kami sa room. Pumasok na ako at umupo sa upuan ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.