She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 28

Calvin's POV

Andito ako sa France kasama ang asawa ko. Bigla kong narinig na nagring ang phone ko, kaya kinuha ko ito.

"hello"

[Hello! Calvin my friend!]

"Sino tohh?"

[Nakalimutan mo na ako agad! grabe makakalimutin kana!]

"Hindi ako nakikipag lokohan! sino tohh?"

[Hahahaha Calvin, Calvin, Calvin]

"Ano bang kailangan mo?"

[wala! gusto ko lang naman balaan ka na inggatan mo sana ang kapatid mong si Caitlin dahil baka isang araw wala na sya, hahaha]

"Hayop ka! sino ka ba talaga?"

[hahaha chill lang Calvin Levine masyado kang excited, maghintay ka dahil kapag napasa-akin na ang mahal mong kapatid, sisiguraduhin kong hindi na sya sisikatan ng araw hahahah]

"Hayop ka! hindi mo yan magagawa!"

[Bakit hindi? kayang kaya ko!]

"hindi ko hahayaan na mangyari yan"

[Kaya nga kita binabalaan dahil malapit na hahaha]

"Hayop k-"

*tot tot tot*

Calvin: aaarrrghh hayop na lalaking yun!

Kapag nalaman ko lang kung sino ka hindi na kita bubuhayin. Tinawagan ko si Dillon.

"Dillon"

[wala man lang hello!]

"Ok, hello Dillon"

[Hi! anong kailangan mo?]

"Kailangan ko ng tulong mo!"

[Anong klaseng tulong?]

"gusto ko na pumunta ka muna dito at dito natin pag usapan"

[Arraseo, I will be there in...20 mins.]

"Ok, bye"

[Bye]

Bigla naman bumukas ang pintuan, si Andrea lang pala.

Andrea: anong problema, hon?

Calvin: kainis kasi! may tumawag sa akin at sinabi nyang papatayin nya si Caitlin!

Andrea: ano? sino?

Calvin: hindi ko alam! pero pinapunta ko dito si Dillon, para itrack ang number!

Andrea: dapat sabihan natin ang kapatid mo!

Calvin: Oo gagawin ko yan! kapag nalaman ko na kung sino!

Andrea: may hinala ka na ba kung sino?

Calvin: iisa lang kundi si Taylor

Andrea: di ba yun ang leader ng Death Strike?

Calvin: Oo at sya ang palaging gusto na palitan kami at marami na silang plano para pabagsakin kami pero hindi sila nagtatagumpay! akala ko titigil na sya dahil disgang na kami at sila, pero mali ang akala ko, hindi pa rin sya tumitigil

Andrea: so? sa tingin mo sya yun?

Calvin: Oo

Pagkalipas ng ilang minuto na paghihintay kay Dillon ay dumating na sya.

Dillon: what's up bro! bakit mo ko tinawagan?

Calvin: sabi ko! kailangan ko ng tulong mo

Dillon: Oo nga pala! ano yun?

Calvin: dala mo ba ang laptop mo?

Dillon: aling laptop? yung normal? o yung not ordinary?

Calvin: yung not ordinary mong laptop

Dillon: Oo dala ko, bakit?

Calvin: gusto kong itrack mo ang number na tohh

Dillon: yun lang ba! sige ang dali dali lang nyan,Ayy hi! Andrea!

Andrea: hi! gusto mo ba ng maiinom?

Dillon: wag na!

Kinuha nya yung laptop nya at binuksan nya ito. May pinindot sya na hindi ko alam basta nagpindot tapos may mga lumabas na mga letra,numero at mapa. Pagka lipas ng ilang minuto ay natapos na sya.

Calvin: ano?

Dillon: Sorry bro! sa tingin ko sinira na nila yung sim card

Calvin: paano mo yan nasabi?

Dillon: hindi ko ma-track atsaka halatang sinira nila ito para walang makuhang lead

Calvin: aahhh

Dillon: bakit mo pala pinapa-track?

Calvin: kasi tinawagan ako nyan at sinabi na ingatan ko daw ang kapatid kong si Caitlin

Dillon: bakit daw?

Calvin: kasi baka isang araw wala na sya!

Dillon: sa tingin ko bro! gusto nyang mag higanti

Calvin: sa tingin mo?

Dillon: Oo naman! kaya sabihan mo yang kapatid mo na mag iingat

Calvin: sa tingin ko kaya nya na ang sarili nya

Dillon: hindi pa rin tayo nakaka sigurado dahil babae sya bro!

Calvin: hindi sya basta babae dahil isa syang gangster

Dillon: ano? ibig sabihin pati sya gangster?

Calvin: Oo

Dillon: diba, pati si Christian gangster?

Calvin: Oo

Dillon: wow! anong grupo sya?

Calvin: Red Killer

Dillon: Aaahhh kaya nya nga ang sarili nya! pero sino sya doon?

Calvin: si Red

Dillon: wow! bro sya si Red, galing hahh pamilya ng mga gangster at mga lider

Calvin: Oo nga ehh

Dillon: sa tingin ko balaan mo pa rin sya!

Calvin: sige ba! mamaya nalang!

Dillon: may kailangan ka pa ba?

Calvin: wala na!

Dillon: ok

Calvin: hindi ka ba aalis?

Dillon: pinapa alis mo agad ako, kararating ko lang!

Calvin: hindi naman! nagtatanong lang

Dillon: hindi ehh pinapa alis mo na ako! kaya aalis na ako

Calvin: hindi naman sa ganun! dito ka muna

Dillon: akala ko pinapa alis mo na ako ehh

Calvin: hindi pa! dito ka na muna

Dillon: ok sabi mo ehh

Someone's POV

Katatapos ko lang tawagan si Calvin at halata sa kanyang boses ang pag aalala at galit hahaha gustong gusto ko talaga na pinipikon sya. Kapag nakuha ko na si Caitlin sisiguraduhin kung ibibigay nya lahat ng gusto ko hahaha at kahit hindi kami naging rank 1 noon, masaya ako dahil mapapabagsak ko na sya hahaha.

"sajang!(boss)"

"Mwo?(what?)"

" may pinapa man man na po ako sa kapatid at nalaman ko rin po na nagpapangap syang isa nerd sa N.E.U at ang pangalan nya ay Crystal Levine"

"aaahh ganun ba? gusto ko na kunin nyo sya"

" mahihirapan po kami nyan"

"bakit?"

"palagi po syang kasama ng mga kaibigan nya"

"babae o lalaki"

"puro babae po"

" edi kunin nyo! babae lang naman yun"

"sige po sajang!"

"anong hinihintay nyo? alis!"

"sige po"

Mga tanga! babae lang naman yun grabe ang takot nila.

Calvin's POV

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Caitlin.

"Hello! Caitlin"

[Hello! oppa! anong kailangan mo?]

"ahhh gusto lang sabihin sayo na"

[ na?]

" mag- iingat ka hahh"

[bakit naman?]

"kasi may tumawag sa akin na baka isang araw daw mawala ka nalang bigla"

[ hahaha oppa naman! seryoso ka?]

"Oo kaya wag kang tumawa tawa dyan"

[ayy! mianhae]

"kaya mag iingat ka"

[sige oppa mag iingat ako, para sayo]

"sige! matulog ka na!"

[ne! oppa good night,good bye! have a nice honeymoon!]

"good bye!"

~next day~

Caitlin's POV

Andito kami sa PR. Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni oppa, seryoso sya!? sino naman ang kukuha sa akin?.

Jessica: hoy!

Crystal: ayy! kidnapper!

Jessica: hindi ako kidnapper!

Crystal: ayy! sorry!

Thea: kanina ka pa tahimik! may problema ba?

Crystal: ehh kasi tumawag si oppa!

Tracy: talaga? anong sabi?

Crystal: sabi nya...May gusto daw na kumuha sa akin!

Andrew: talaga? sino daw?

Crystal: hindi nya alam! basta mag iingat daw ako!

Jessica: baka kalaban nya sa business?

Thea: o kaya naghihiganti?

Crystal: pwede!

Aaron: dapat may bantay ka pala!

Julia: hind nya yun kailangan!

Blake: sa tingin ko kailangan! puro kayo babae at once na umataki sila na hindi kayo handa o kaya ay walang kasama na lalaki pwede nilang makuha si Crystal

Jessica: tama ka!

CJ: mas maganda kong may maghahatid kay Crystal kapag uuwi sya, para hindi sya makuha kung sino man yun!

Thea: Oo nga! pero sino?

Flin: kami nalang ng gang ko! magpapalitan kami!

Daisy: Oo nga nohh!

Aaron: kami rin,magbabantay! para secure!

Flin: kami nalang

Aaron: mas maganda kong dalawang grupo ang magbabantay! o kaya kami nalang!

Flin: sabi na kasi na kami nalang!

Ano ba tohh! kailangan ba talagang mag away.

Jessica: O kaya pareho nalang kayo!

Blake: tama si Jessica, mas maganda kong magtulungan nalang tayo!

Julia: oo nga kisa mag away kayo dyan!

Maye ann: ganito nalang! ang maghahatid mamaya, since wala tayong pasok dahil sa kailangan nga na mag ayus para sa party mamaya, ang maghahatid sa amin ay sina Flin

Vince: sa inyo?

Julia: Oo, sa amin!

Andrew: mag kakasama kayo?

Julia: Oo, syempre magkakasama kami, dahil magkakasama kaming kukuha ng damit namin para sa party!

CJ: ano nga palang costume nyo?

Julia: ang costume ko ay yung kay Belle, si Bianca naman ay Snow White, si Tracy, Rachel, Beatriz ay Witch, si Daisy ay isang devil

Kyle: wow! talaga? bagay na bagay!

Daisy: costume lang yun nohh

Kyle: bagay nga sayo!

Daisy: anong tingin mo sa sarili mo anghel?

Kyle: Oo, gwapong anghel!

Daisy: wow! ang hangin!

Julia: tama na yan! si Thea naman ay Cowgirl

CJ: talaga? cowboy naman ang icocostume ko

Maye ann: wow! partner!

Julia: si Maye ann naman ay si Evie

Maye ann: ako talaga yung sinunod

Julia: si Jessica at si Crystal naman ay si Mal

Blake: iisa lang ang isusuot nila?

Jessica: hindi nohh! yung akin Yellow samantalang kay Crystal ay Violet

Blake: aahhh

Maye ann: atsaka magpapakulay yan si Crystal ng Violet na buhok at aalisin nya na ang salamin nya!

Andrew: talaga?

Maye ann: Oo, kaya sa tingin ko mamayang gabi sya ang kokorunahan ng "Ms.Star of the Night"

Crystal: hahh?

Maye ann: bakit hindi mo alam?

Crystal: ang alin?

Julia: sa party may pipiliin na Queen of Halloween at King of Halloween at Mr. and Ms. Star of the Night

Crystal: at paano naman ako magiging Star of the Night?

Maye ann: dahil syempre maganda ka kapag walang salamin

Julia: at ikaw ang kokorunahan ng Ms.Star of the Night

Bianca: o kaya Queen of Halloween

Crystal: o kaya wala doon sa dalawang yun!

Jessica: grabe ka naman!

Daisy: ayaw nya kasi ng dalawang yun, kasi gusto nya best costume!

Julia: hahh?

Daisy: ayaw nya ng dalawa edi yung best in costume ang gusto nya!

Maye ann: galing~

Daisy: naman!

Tracy: alam nyo mas maganda kung kunin na natin yung damit!

Jessica: Oo nga!

Crystal: tsk!

Flin: wag nyong kakalimutan ako ang mag hahatid sa inyo

Crystal: paano yung kotse ko?

Flin: aahhmm sige susundan ko nalang kayo

Crystal: ok!

Umalis na kami at pumunta sa fashion designer namin. Dumating na kami at pumasok.

Gia: Hi! Mam!

Caitlin: hi! nasaan na po yung mga damit?

Gia: aahh sundan nyo po ako!

Sinundan namin sya at dinala nya kami sa isang kwarto. Pumasok kami doon at nakita namin ang sampong magagandang costume, grabe ang ganda.

Gia: ayan na po!

Jessica: wow! ang gaganda!

Julia: Oo nga! grabe ang ganda!

Gia: ilalagay ko na po yan sa kahon, maghintay lang po kayo sa labas

Lumabas na kami at nag hintay.

Gia: ito na po ang mga damit

Caitlin: thanks!

Gia: heonmaneyo!

Caitlin: bye!

Lumabas na kami at nilagay sa kotse namin ang mga damit, sinundan pa rin kami ni Flin. Dumating na kami sa salon nina Julia. Pumasok na kami.

Trish: hi! mam! anong maipaglilingkod namin?

Julia: gusto ni Tracy mag pa straight ng buhok at mag pabangs

EJ: sige po mam! halika na po mam!

Dinala nya na si Tracy sa isa sa mga upuan.

Julia: si Bianca naman ay mag papagupit

MJ: ako na po ang bahala! halika po mam!

Dinala naman nya si Bianca.

Julia: si Daisy naman ay magpapagupit rin

Chantelle: ako na po bahala! halika po mam!

Julia: si Thea ay magpapakulay ng buhok, kulay pula

Patrick: ako na bahala sa kanya! halika na madam!

Julia: si Caitlin naman ay may papakulay ng violet at magpapacurl ng buhok

Trish: ako naman ang bahala sa kanya! halika na madam!

Sumama na ako sa kanya. Umupo ako sa upuan at hiniga ang ulo. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na sya kaya pumunta naman kami sa drying area. Pagkatapos ay nagpakulot na ako.

Natapos na sya at tumingin ako sa salamin, grabe ang ganda ko, ang ganda ng pag ka-kulay nya. Lumabas na ako at nakita ko na para silang naka kita ng dyosa joke lang.

Flin:*grabe ang ganda nya, bagay na bagay ang style ng buhok nya sa kanya, lalo syang gumanda*

Julia: ang ganda mo!

Maye ann: sobra!

Jessica: ikaw na ang kokorunahang Ms. Star of the Night

Daisy: or Queen of Halloween

Tracy: halika na!

Bianca: kina Caitlin ba talaga tayo mag aayus?

Thea: Oo, kapag kasi sa HQ, bawal kasi susunduin kami

Julia: Oo nga nohh

Tracy: halika na sabi!

Rachel: namamadali?

Tracy: yup!

Lumabas na kami at sumakay sa mga kotse namin. Dumating na kami sa bahay at pumasok na alangan sa labas lang kami.

Maid: Good Afternoon Mam! may bisita po pala kayo!

Maid 2: gusto nyo po bang dalhan ng maiinom o pagkain?

Caitlin: huwag na po! mamayang dinner nalang po kami kakain!

Maid: sige po!

Caitlin: halika na!

Umakyat na kami sa taas at pumunta sa kwarto ko.

Jessica: ang ganda pa rin ng kwarto mo!

Julia: Oo nga!

Tracy: sinong una?

Daisy: ako!

Julia: pwede bang mamaya na yan?!

Rachel: Oo nga! mamayang 8 pa naman ang party!

Maye ann: mag bonding muna tayo!

Flin: aahhmm aalis na ako!

Tracy: sige! and thank you!

Flin: heonmaneyo!

Umalis na si Flin, sino kaya ang sunod na magbabantay? kung alam lang nila na gangster ako! hindi na maiisip ni Aaron na magbantay!.

Julia: manood tayo!

Daisy: Oo nga!

Beatriz: anong panonourin?

Jessica: Descendants 2

Daisy: grabe sya! ehh yun ang susuotin mo gusto mo pang panourin!

Julia: Teen Beach 2 nalang!

Bianca: Adventure in Babysitting nalang!

Tracy: yun nalang!

Julia/Bianca: ang alin?

Tracy: yung lahat ng sinabi nyo!

Caitlin: Maganda yun!

Beatriz: Naisalang ko na!

Umupo kami sa sofa at nanood, nagigitnaan ako ni Rachel at Jessica.

Natapos na at ang sunod ay Teen Beach 2, grabe habang nanonoud sinasabayan nila ang pagkanta nung character.

Natapos nanaman at sunod ay Descendants 2, gustong gusto ko tohh panoorin, ang ganda kasi tapos ang ganda pa nong damit ni Mal, lalo na yung style ng buhok nya. Tiningnan ko ang oras at 5:45 pm na pala.

NAtapos na namin at bumaba na kami para kumain. Pagkatapos namin ay nag ayus na kami para sa party. Nauna ay si Daisy, sunod si Thea,sunod si Rachel,si Tracy, Bianca, Julia, Maye ann, Beatriz, Jessica at pang huli ako. Pagkatapos kung suotin ang damit ay parang naka kita nanaman ng dyosa ang mga tohh joke lang, ako dyosa, maganda lang pwede na!.

Jessica: ang ganda mo talaga!

Bianca: bagay na bagay sayo!

Thea: lalong maiinlove sayo si Aaron nyan!

*DUB DUB DUB*

Caitlin: ha-hahh?

Rachel: Oo nga! lalong maiinlove yun!

Caitlin: tumigil nga kayo!

Maye ann: ayeiiii may pumapag ibig!

Julia: wag mong sabihin may gusto ka rin kay Aaron!?

Caitlin: ano bang pinagsasabi nyo?! wala akong gusto sa kanya!

Julia: Oo na!

*beep beep*

Bigla nalang may nagbusina na sasakyan sa labas. Tiningnan namin kong sino sina CJ lang pala. Bumaba na kami at lumabas, kumpleto sila.

CJ: ang ganda naman ng Girlfriend ko!

Thea: matagal na!

Blake: Ang ganda mo!

Jessica: alam ko!

Vince: ang ganda mo talaga!

Maye ann: alam ko yun!

Nathan: lalo kang gumanda!

Bianca: so?

Nathan: sungit!

Andrew: ang ganda mo!

Beatriz: matagal na!

Jasper: Ang ganda mo pala?

Julia: Matagal na! ngayon mo lang nalaman?

Jasper: Oo! ngayon ko lang na realize na ikaw na pala ang hinahanap ko!

Girls: ayiiieeee

James: Bagay sayo!

Rachel: Thanks! pero dapat isinout mo devil, mas bagay sayo!

James: grabe ka! pero totoo bagay sayo, kasi nung makita kita parang kinulam mo ako sa ganda mo!

Girls: ayiiieeee

Kyle: alam mo?ang ganda mo at ang cute mo sa sout mo!

Daisy: ano ba talaga? cute o maganda?

Kyle: Cute ng damit at ikaw ay maganda, kahit na devil ang costume mo, ang ganda mo ay parang anghel

Girls: ayiiieeee

Josh: Ganda mo!

Tracy: I know right!

Josh: sungit!

Aaron: Nasaan si Crystal?

Nandito kasi ako sa likod ni Tracy at Jessica. Bigla naman silang gumalaw kaya nakita ako alangan hindi, ano ako multo!?.

Andrew: wow! ang ganda mo!

James: sobra!

Kyle: para kang diwata!

James: bagay sayo ang violet!

Aaron: mas maganda ka kapag walang salamin, huwag mo ng suotin ulit ang salamin mo!

Crystal: Bakit?

Aaron: lalo ka kasing gumaganda sa paningin ko!

Girls: ayiiieeee

Tracy: halika na nga!

Bianca: hindi ako sasabay sayo!

Nathan: gusto mo maglakad?

Bianca: hindi! sasabay nalang ako kay Julia!

Jasper: sa akin na sya sasabay!

Bianca: kay Tracy!

Josh: sa akin na sya sasabay!

Bianca: kay Crystal!

Aaron: hindi pwede! sa kotse ko sya sasakay!

Nathan: paano ba yan? sa akin ka sasabay!

Daisy: tayo nalang Bianca! dala ko naman kotse ko!

Kyle: hoyy babae! ako ang date mo ngayon, kaya sa akin ka sasabay

Daisy: sino nagsabi sayo?

Kyle: ako! kaya halika na!

Hinila naman ni Kyle si Daisy sa sasakyan nya.

Bianca: sige na nga! sasakay na ako!

Nathan: ang arte mo! sasakay ka rin naman!

Aaron: ano? dyan ka lang?

Pinagbuksan nya ako ng pintuan at pumasok ako. Tahimik lang kami at walang balak mag salita. Dumating na kami sa party, pinagbuksan nya ako ulit ng pintuan at lumabas na ako.

Pumasok na kami sa loob, marami na rin ang nandito, ang ganda ng decoration. Naka tingin sa akin lahat ng tao, bakit kaya?. Umupo na kami sa isang table at kasama ko sina Tracy.

Jessica: Crystal!

Crystal: hmm?

Jessica: tumingin ka sa paligid!

Tumingin ako sa paligid at lahat naka tingin, anong meron sa akin?.

Jessica: lahat sila naka tingin sayo!

Crystal: bakit? anong meron sa akin?

Jessica: tiningtingnan ka nila dahil nagagandahan sila sayo

Crystal: hindi naman!

Jessica: Oo! tingnan mo yung mga lalaki!

Tumgin ulit ako at para silang naka kita ng diwata.

Crystal: Ahhmm nakatingin rin sila

Jessica: naka tingin sila na parang gusto ka nilang tunawin, sa sobra mong ganda!

Crystal: grabe ka naman! hindi yan, naninibago lang ata!

Jessica: naninibago? hindi yan!

Daisy: Jessica!

Jessica: bakit?

Daisy: anong ipeperform nyo?

Jessica: All night by Girl's Generation, kayo?

Daisy: TT by Twice, kayo Tracy?

Tracy: Peek A Boo by Red Velvet

CJ: mag peperform din pala kayo!?

Thea: Oo, bakit kayo?

CJ: Oo rin, Boom boom by Seventeen

Kyle: sa amin Not today by BTS

Nathan: sa amin Stop stop it by Got7

Blake: sa amin Power by EXO

Daisy: aahhh

Jessica: Crystal!

Crystal: hmm?

Jessica: sumali ka kaya!

Crystal: hahh?

Jessica: kulang kasi kami ng isa!

Crystal: pero hindi ako nag practice!

Jessica: ok lang yan! alam mo naman yung step di ba?

Crystal: Oo pero-

Jessica: walang pero pero, kasali ka na!

Crystal: pero-

Jessica: wala ka nang magagawa, mamaya tayo sasayaw at kakanta

Crystal: wala nga akong practice!

Jessica: so what? alam mo naman yung step at kinakanta mo pa yun! kaya wala ka man practice, mag peperform ka pa rin!

" NAG EENJOY BA ANG LAHAT?"

All: YEAHHH!

"MAY KA DATE BA LAHAT?"

All:NOOOOO!

"WALA ANG IBA! LETS START NA PARTY! SHALL WE?"

All: YESSSS!!!

"GUSTO NYO BANG MARINING NA KUMANTA SI KATTY?"

All: YESSS!!

" OK!!TAWAGIN NA NATIN SYA! ANG KAKANTAHIN NYA AY THROUGH THE NIGHT BY IU"

Pumunta sa stage si Katty at nag simula ng kumanta. Madaming nag perform pati sina Tracy at sina Aaron ay nag perform din. Pagkatapos ay nag salita ang Mc.

"MAMAYA AY KOKORUNAHAN NA NATIN ANG MAGIGING QUEEN OF HALLOWEEN AT KING OF HALLOWEEN"

"HINDI LANG YUN, PIPILI RIN TAYO NG MR. AND MS. STAR OF THE NIGHT"

"AT NG MR. AND MS. BEST IN COSTUME"

"SINO KAYA ANG MAPIPILI NATIN NGAYON?"

"OO NGA LALO NA AT ANG GAGANDA NG MGA COSTUME NGAYON"

"PERO MAY PINAKA MAGANDA NA COSTUME PA RIN DYAN, ISANG BABAE AT ISAMG LALAKI"

"PERO MAMAYA NA YUN, KAYA MAG ENJOY MUNA KAYO"

May tugtug na music at pumunta ang mga studyante sa gitna at nag sayawan.

Blake: halika sayaw rin tayo!

Jessica: ayaw ko!

Blake: halika na!

Jessica: sige na nga!

Naglakad na sila at pumunta sa dance floor. Nakita ko na kukunti nalang ang naka upo. Tumingin naman ako sa kabilang mesa.Nakita ko si Bianca, at Daisy na pinipilit ni Kyle at Nathan na sumayaw.

Aaron: gusto mong sumayaw?

Crystal: hahh?

Aaron: kung gusto mong sumayaw?

Crystal: ayaw ko!

Aaron: ok!

Tahimik lang kami hanggang tumigil na yung tug tog at nag sibalikan na sa upuan ang mga studyante.

"SORRY SA PAG ISTORBO NG PAGSASAYAW NYO"

"DAHIL IAANOUNCE NANAMIN ANG MAGIGING QUEEN OF HALLOWEEN AT KING OF HALLOWEEN"

"ANG TATAWAGIN NAMIN AY PUMUNTA DITO SA STAGE"

"ANG ANG ATING KING OF HALLOWEEN AY SI.....JOSH SPARK"

Pumunta naman sa taas si Josh ay sinuotan ng kurona at kung ano ano pa.

"ANG QUEEN OF HALLOWEEN NAMAN NATIN AY SI....TRACY GONZALEZ"

Pumunta din si Tracy sa stage at tumabi kay Josh, sinuotan din sya ng koruna at kong ano ano pa.

"SUNOD NA IAANOUNCE NAMIN AY ANG MR. STAR OF THE NIGHT, NA WALANG IBA KUNG DI SI....AARON GECOWETS"

Pumunta din si Aaron sa stage at sinuotan ng kung ano ano.

"ANG MS. STAR OF THE NIGHT NAMAN NATIN AY SI....CRYSTAL LEVINE"

Ano daw? ako? pumunta na ako sa stage at sinuotan ng kung ano ano.

"ANG BEST IN COSTUME NAMAN NATIN AY SI JESSICA PATTON AT BLAKE BLACKFORD"

Umakyat rin sila ng stage at sinuotan ng kung ano ano. Nagpalakpakan naman ang mga studyante.

"NGAYON NA NAKURUNAHAN NA NATIN ANG QUEEN AND KING OF HALLOWEEN, MR. AND MS. STAR OF THE NIGHT AT MR. AND MS. BEST IN COSTUME"

"NGAYON MAG SASAYAWAN ULIT TAYO AT ANG MAGSISIMULA NITO AY ANG MGA QUEEN AND KING OF HALLOWEEN, MR. AND MS. STAR OF THE NIGHT AT MR. AND MS. BEST IN COSTUME"

Nagsimula na ang tugtog.

Aaron: shall we?

Inilagay ko ang kamay ko sa kamay nya at pumunta kami sa dance floor. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat nya at inilagay naman nya ang kamay nya sa beywamg ko. Sumayaw na rin ang iba at kaming anim ang nasa gitna. Naka tingin lang ako sa mga mata nya, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Casey's POV

Kainis talagang nerd na yan, talagang mang aagaw sya. Akin lang si Aaron, maghintay ka lang Crystal, pagkatapos ko sa Red Killer ikaw ang isusunod ko.

Crystal's POV

Natapos na kami sa pag sasayaw at natapos na rin ang party. Lumabas na kami at pumunta naman ang mga lalaki sa parking lot, sila ang maghahatid sa amin pauwi. Kasama ko sina Jessica, bigla nalang may tumigil na van sa harapan namin at lumabas ang mga naka mask na lalaki. Bigla nalang nila ako hinila,pinipilit kong makawala pero ang lakas nila, nakita ko naman na nakikipaglaban sina Tracy sa ibang mga lalaki.

Natandaan ko pala na naka heels ako kaya tinapakan ko ang paa ng lalaki kaya na bitawan nya ako, may humila naman sa akin at siniko ko sya sa muka nya. May bigla namang tumakip ng bibig ko at may na amoy akong pabango, nakaramdam naman ako nang antok kaya nag black out ako.

Third person's POV

Kinarga ng lalaki si Caitlin papasok ng van at sinundan naman ito nang iba. Umatras naman ang mga kalaban nina Tracy at sumakay na ng van.

Jessica: Nakuha nila si Caitlin!

Tracy: bwesit!

Bigla naman dumating sina Aaron at bumaba sa sasakyan.

Aaron: nasaan si Crystal?

Jessica: may kumuha sa kanya!

Julia: ang rami nila!

Julia: hindi namin naprotektahan si Crystal!

Aaron: ANO!? Put*ng*ina!

Thea: anong sasabihin natin sa oppa nya?

Maye ann: mag aalala nito sina tita

Bigla naman dumating ang Blood Wolves.

Flin: anong nang yayari dito?

Daisy: Flin! si Crystal nakuha nila!

Flin: Ano?! paano?

Jessica: naghihintay lang kami ng biglang may tumigil sa harapan namin at kinuha si Crystal

Lance: anong ginawa nyo?

Beatriz: nakipaglaban! kaso lang marami sila

Ace: nakita nyo ba yung mga muka?

Rachel: lahat sila may takip sa muka!

Aiden: Ehh si Cai-I mean si Crystal may ginawa ba para hindi sya makuha?

Daisy: meron! pero may tumakip ng bibig nya at nahimatay sya

Flin: at anong ginawa nyo?

Blake: nasa parking lot kami!

Flin: wala man lang natira!

James: bakit? kaya ba ng sasakyan namin mag maneho mag isa?

Flin: hindi pero dapat sinama nyo sila o kaya may naiwan man lang!

Aaron: kayo rin naman walang nagawa!

Flin: dahil sabi nyo kayo na ang bahala!

Aarom: edi sana kayo nalang ang naghatid! sigurado naman akong pati kayo walang magagawa!

Flin: palibhasa kasi, hindi mo nagawang protektahan si Crystal kaya sa akin mo sinisisi

Kwenelyuhan naman ni Aaron si Flin.

Aaron: andun ba ako nang makuha sya! wala diba? ehh ikaw! wala rin! kaya wag mong sabihin na sinisisi kita dahil sa una palang wala na talaga akong tiwala sa pagmumuka mo!

Andrew: Bitiwan mo sya Aaron

Binitiwan naman ni Aaron si Flin ng padabog.

Andrew: kahit mag away kayo, wala yang magagawa at hindi nito maiiaalis na nakuha nila si Crystal

Beatriz: tama sya! Kaya sinong may dala ng laptop?

Julia: wala tayong panahon sa pag lalaro ng games Beatriz!

Beatriz: sino naman nag sabi sayo na mag lalaro ako!

Julia: bakit? anong gagawin mo?

Thea: tama ka Beatriz! kaso lang nasa bahay ang laptop ko!

CJ: dala ko yung akin!

Thea: anong klase?

CJ: yung pang gansgter na laptop!

Beatriz: tamang tama lang yan! sino pang meron?

Kent: dala ko rin yung akin!

Beatriz: akin na!

Kent: ito ohh!

Thea: yung sayo?

CJ: ito ohh!

Kinuha nang dalawa ang laptop at pinaligiran naman sila.

CJ: alam nyong gamit nyan?

Thea: Oo

Blake: pero ang alam ko ang marunong lang nyan ay mga gangster, paanong alam nyo rin?

Tracy: *lagot! mabubuking na ata kami*

Andrew: ba't hindi kayo maka sagot?

Ace: kasi tinuruan namin sya!

Kent: Oo tama! tinuruan namin yang dalawa!

CJ: sabi nyo kanina meron din kayo nang ganyan!

Lance: bi-bigay namin yun!

Josh: pero bawat gang ay may isang ganyan except lang kung dalawa ang magaling sa computer

Kyle: bakit kayo natahimik?

James: sabihin nyo nga!, totoo ba ang hinala ko na gangster din kayo?

Tracy: h-hindi, atsaka paano naman kami magiging gangster

Aaron: simple lang, una magaling kayo makipaglaban, pangalawa yung nasa Baguio tayo na sinabi nyo na nalaman din ito ng parents nyo, na proud na proud sila sa inyo, pangatlo kasasabi nyo lang na may ganyan kayo, kaya sabihin nyo na! gangster din ba kayo? dahil matagal na akong naghihinala sa inyo, bawat salita nyo at gawa ay tugmang tugma, kaya tatanungin ko kayo! kayo ba ang Red Killer?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.