She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 29

Tracy's POV

Anong gagawin namin? alam nya kung anong grupo namin!.

Aaron: ba't hindi kayo maka sagot? tama ako di ba? gusto mo hulaan ko pa kung anong mga code name nyo!

Pati codename namin alam nya! nakakainis bakit kasi hindi kami nag iinggat? bwesit!.

Aaron: hindi pa rin kayo mag sasalita! pwes sasabihin ko na, ikaw Tracy ay si Gold tama ba ako?

Alam nya!.

Josh: ikaw si Gold!

Aaron: ikaw naman Jessica!

Jessica: ha-hahh? ano ako?

Aaron: ikaw naman si White!

Jessica:*tama sya!*

Blake: totoo ba? ikaw si White?

Jessica: *paano tohh?*

Aaron: ikaw naman Bianca ay si Yellow

Nathan: ikaw si Yellow!?

Aaron: ikaw naman Maye ann ay si Pink

Vince: ikaw si Pink?!

Aaron: si Julia naman ay si Blue

Jasper: Ikaw si Blue?!

Aaron: si Rachel naman ay si Gray

James: ikaw si Gray?!

Aaron: si Beatriz naman ay si Silver Gold

Andrew: ikaw si Silver Gold?!

Aaron: ikaw naman Thea!

Thea: hhmm...

Aaron: ikaw si Green

CJ: ikaw si Green!?

Aaron: at ikaw Daisy ay si Violet

Kyle: ikaw ay si Violet?!

Aaron: at ang pinaka last ang lider nyo na si...Hindi ko pa alam kong si Crystal ba o si Caitlin, dahil pareho sila ng galaw, pero mas malakas ang hinala ko na si Crystal ang lider nyo at sya si Red, tama ako di ba? kanina pa kayo tahimik! at alam kong pati ang Blood Wolves ay alam ang sikreto nyo!

Blake: mag salita na nga kayo!

James: Oo nga! atsaka kung sa pamilya nyo nga nasabi nyo, atsaka nasabi nyo rin sa Blood Wolves, bakit kami hindi pwede?

Rachel: dahil sa muka mo palang hindi ka na mapagkakatiwalaan, atsaka matagal na namin kilala ang Blood Wolves mas nauna namin silang nakilala kisa sa inyo!

James: so? ina amin mo na gangster kayo?

Tracy: Oo na! tama ka na Aaron! kami nga ang Red Killer at tama rin ang mga codename na sinabi mo sa amin, Oo ako nga si Gold, Oo si Crystal nga ang lider namin, tama ka sa lahat!

Andrew: ano pala yung sinabi ng kapatid ko?

Maye ann: yung mga sinabi sa inyo ay mga kasinungalingan, yung kung saan kami nag aaral ay yung mga pangalan ay peke

Julia: nagpapasalamat nga kami kay Paul dahil tinakpan nya kami kahit na kapatid ka nya nagawa nyang magsinungalin para sa amin

Daisy: napapagkatiwalaan sila, hindi naman sa hindi namin kayo pinagkakatiwalaan kaso lang pinipili lang namin yung pwedeng pagsabihin, at pinag uusapan muna namin, kapag pumayag si Crystal saka lang namin sinasabi

Rachel: atsaka buti pa yung kapatid mo James mapapagkatiwalaan ehh ikaw muka mo palang, malabo na!

James: ba't ba palagi mo nalang ako kinukompara kahit kanino?

Rachel: Wala lang trip ko!

Blake: ibig sabihin alam din ng kapatid ko?

Jessica: Oo

Thea: guyss! na-track ko na!

Julia: Talaga? saan?

Beatriz: kaso lang malayo dito!

Jessica: saan nga?

Thea: sa Laguna,

Jessica: ang layo nga!

Tracy: kailangan natin magplano sa pag ligtas kay Crystal

Lance: tama sya! mas maganda kong pati ang Moon Killer ay sasama sa atin

Maye ann: Oo nga!

Tracy: tawagan nyo na sila tapos mag kita nalang tayo HQ namin

Josh: hindi namin alam kong saan yun!

Tracy: edi magpasama kayo sa kapatid nina James!

Josh: Oo nga nohh!

Thea: pupunta na kami sa HQ atsaka magpapalit na rin kami ng damit,pati kayo magpalit rin,tapos kita nalang tayo doon at don tayo magplano

All: ok!

Sumabay na kami kina Lance at hinatid nila kami sa HQ. Andito na kami, umalis na sina Lance at pumasok na kami. Nagbihis kami ng Red Killer outfit namin. Pagkatapos namin ay pumunta na kami sa baba. Sina Jessica natulog muna, pati nga ako antok na ehh. Kaya natulog muna ako.

Chris POV

Nagkagisnig ako sa tunog ng alarm clock ko, tiningnan ko pero hindi pala alarm clock, yung cellphone ko pala may tumatawag, kinuha ko ito at si Lance hyung lang pala.

"Hello"

[Chris! tawagan mo lahat ng member mo na pumunta sa HQ ng noona mo!]

"bakit? "

[kasi si Caitlin nakidnapped!]

"ANO?!"

[totoo yun, kanina lang sya nakidnapped at kailangan natin syang iligtas]

"oh sige! tatawagan ko na sila, bye hyung!"

Pinatay ko na ang phone ko at nagbihis. Pagkatapos ko ay tinawagan ko si Calvin hyung.

"Hyung!"

[bakit!]

"si noona daw nakidnapped!"

[ANO?!]

"ililigtas namin sya ngayon!"

[sige! kung pwede lang ako umuwi, uuwi ako dyan]

"okay lang yan! kami na ang bahala, tutulong naman sina Lance hyung sa pagligtas sa kanya ehh"

[sige! bye!]

"Bye"

Dinial ko ang no. ni Xaiver.

"Bro!"

[ano ka ba! natutulog ang tao dito bigla bigla ka nalang tatawag]

"sorry! pero emergency kailangan natin pumunta sa HQ ng noona ko!"

[bakit?]

"Dahil na kidnapped sya at kailangan natin sya iligtas"

[kaya- anong sabi mo?]

"nakidnapped sya"

[sige! tatawagan ko na yung iba at mabibihis na rin ako! ]

"Thanks! bye!"

Tiningnan ko ang oras at 1:35am na pala. Pumunta na ako sa kotse ko at pinagdrive ko ito pero pupuntahan ko muna sina hyung.

Calvin's POV

Bwesit! nakuha nila si Caitlin, sana lang hindi nya saktan si Caitlin dahil kapag nalaman ko na ikaw talaga Taylor ang nagpakidnapped sa kanya mapapatay kita.

Andrea: anong problema?

Calvin: wala!

Andrea: sabihin mo na! ano yun?

Calvin: si Caitlin kasi nakuha na nila

Adrea: ano?!

Calvin: pero sabi sa akin ni Chris na ililigtas nila si Caitlin

Andrea: buti naman! wag ka nang mag alala, sigurado ako na maililigtas nila si Caitlin

Lumapit naman sa akin si Andrea at hinalikan nya ako, at hinalikan ko din sya.

Andrea: wag ka ng mag alala! ipag dasal nalang natin na walang mapapahamak sa kanila

Calvin: buti nalang kasama kita, kung wala ka hindi ko alam ang gagawin ko!

Andrea: hay naku! matulog na nga tayo

Calvin: sige!

Alex's POV

Naramdaman ko na may yumuyugyug sa akin, minulat ko si hyung lang pala, bumangon ako.

Alex: bakit ba?

Blake: magbihis ka

Alex: sa'n tayo pupunta?

Blake: sa HQ ng Red Killer

Alex: anong gagawin natin doon?

Blake: tutulungan nyo kami na iligtas ang noona ni Chris, na si Crysal!

Alex: wala namang kapatid si Chris na pangalan ay Crystal, ang alam ko ay si Caitlin ang kapatid nyang babae

Blake: anong pinag sasabi mo dyan?, ehh may kambal na kapatid si Chris

Alex: wala syang kapatid na kambal, ang kapatid nya ay si Calvin hyung at Caitlin noona

Blake: hahh? sinong lider ng Red Killer?

Alex: hindi ko alam!

Blake: si Crystal o Caitlin?

Alex: si Caitlin

Blake: wala kang kilala na Crystal?

Alex: wala atsaka sino yun?

Blake: nakita mo na sa personal ang Red Killer?

Alex: Oo kaya sinasabi ko sayo hindi ko alam kong sino si Crystal

Blake: sino tohh?

Tiningnan ko ang phone nya at may picture ni noona na may salamin.

Alex: si Caitlin yan

Blake: ito si Crystal!

Alex: ano bang pinag sasabi mo hyung! si Caitlin yan! nag aaral pa nga yan sa school nyo!

Blake: Oo pero sabi nya ang pangalan nya ay Crystal!

Alex: aahh ganun ba? saan nga tayo pupunta?

Blake: sa HQ ng Red Killer

Alex: sige magbibihis mo na ako!

Muntik na ako, pumunta ako sa CR at nagbihis.

Blake's POV

Hindi kaya si Crystal at si Caitlin ay iisa. Pero bakit sya nagsisinungaling?. Natapos na sa pagbihis si Alex at pumunta na kami sa HQ ng Red Killer.

Dumating na kami at nakita ko sa labas sina Aaron. Kasama ni James ang kapatid nya, pati si Andrew kasama ang kapatid nyang si Paul. Pumunta ako sa kanila.

Blake: Aaron!

Aaron: hmm?

Blake: may nalaman ako sa kapatid ko!

Aaron: ano yun?

Blake: sa tingin ko, si Crystal at si Caitlin ay iisa!

Aaron: alam ko! pero naghahanap pa ako ng ebidensya na totoo ang hinala ko

Blake: so? matagal mo na palang alam?

Aaron: Oo

Blake: kanina lang yung kapatid ko sinabi nya wala daw syang kilala na Crystal, ng pinakita ko ang picture ni Crystal, sabi nya si Caitlin daw yun at sinabi nya rin na si Caitlin daw ay nag aaral sa school natin

Aaron: talaga?

Blake: Oo sinabi nya yun!

Aaron: kailangan natin tanungin sina Tracy!

Nag doorbell kami at binuksan ito ni Ace.Pumasok na kami at nakita namin na kumpleto na.

Tracy's POV

Nagkagising ako sa doorbell na narinig ko. Tiningnan ko muna kung anong oras na, 3:00 am na pala. Binuksan ko ang pintuan at sina Lance lang pala, kasama nila ang Moon Killer except lang sa mga kapatid nina Blake.

Aiden: nasaan sina Jessica?

Tracy: natutulog pa!

Scott: antok ka pa noona?

Tracy: di ba, obvious?

Chris: gisingin mo na sila! kailangan natin mailigtas si noona! sinabi ko na rin kay oppa ang tungkol dito!

Tracy: Oo na! grabe ka maka utos!

Chris: mianhae!

Umakyat na ako sa taas at isa isa silang ginising.

Chris POV

Umakyat na sa taas si Noona at may narinig kaming doorbell. Binuksan ito ni Ace hyung at pumasok sina Alex kasama ang Black Ace, anong ginagawa nila dito?.

Chris: anong ginagawa nila dito?

Lance: kasama natin sila sa pag ligtas sa noona mo

Chris: ibig sabihin alam na nila!

Lance: Oo

Chris: sino nag sabi?

Flin: si Tracy

Chris: aahh

Aaron: may tanong lang ako

Flin: ano yun?

Aaron: si Crystal ba ay pangalan lang ni Caitlin kapag may salamin sya o isa syang nerd?

Hindi nya pa pala alam yun.

Chris: bakit hindi nyo pa alam?

Blake: ibig sabihin totoo

Chris: since alam nyo na ang sikreto ni noona, Oo, nagpapangap lang si Noona na isang nerd at ang pangalan nya ay Crystal

James: ibig sabihin niloloko nya lang kami

Nathan: kaya pala parehong pareho ang galaw nila at pananalita

Nakita ko naman na pababa na sina Tracy noona.

Jessica: andito na pala kayong lahat

Paul: wala pa noona! istatwa lang ang nakikita mo!

Jessica: pilosopo!

Chris: so? ano? magpaplano ba o nga nga lang tayo dito?

Thea: magpaplano!....ok! nasa Laguna sila

Tracy: maghahahati tayo! bali 39 tayo at hahatiin ko sa apat na grupo! kada grupo may 10 except lang sa pang apat grupo dahil nine lang sila, ang unang grupo na magkakasama ay sina:

Aaron

Blake

Josh

Nathan

Jessica

Bianca

Ace

Vincent

Scott

Andrei

kayo ang unang pupunta, pangalawa ay sina:

Lance

Flin

Aiden

Lincoln

James

Kyle

Rachel

Beatriz

Mark

Xaiver

Pangatlo ay kami:

Ako

Julia

Thea

CJ

Jasper

Kent

Kurt Kevin

Angelo

Aiden

Ethan

Pang apat ay sina:

Chris

Paul

Ruzzel

Alex

Maye ann

Daisy

Vince

Andrew

Jake

Ayan na ang mga magkakasama

Chris: pero kotse dala namin

Jessica: sino bang may sabi na magkokotse tayo!

Chris: ano pala?

Tracy: gagamitin natin ang van namin, bali anim ang van at apat lang ang gagamitin natin

Thea: wag nyong kakalimutan! magdadala din tayo ng armas

Chris: kailangan pa ba nun?

Thea: alangan sa atin kamay lang tapos sa kanila mga baril, gusto mo bang mamatay agad?

Chris: hindi! nagtatanong lang!

James: nasaan ang mga armas?

Beatriz: ito oh

Nakita ko na may dalang bag sina noona. Binuksan ko ito at puro baril, kumuha ako ng isa at ang bigat.

Chris: ang bigat naman nito!

Rachel: ito nalang sayo

Kinuha ko ang baril.

Paul: saan nyo nakuha ang mga tohh?

Julia: anong nakuha! binili namin tohh

Boys: BINILI?!

Tracy: Oo!

Lance: saan?

Tracy: secret

Aiden: ang gagara nito!

Ace: ang gaganda pa!

Tracy: ano? titingnan nyo lang yan!

Rachel: ito ang mga bala nyo! kumuha nalang kayo, atsaka ramihan nyo, baka mawalan kayo sa gitna ng laban, mapatay pa kayo!

Kurt Kiven: grabe ka naman!

James: okay lang sa akin mamatay basta para sayo!

Girls: ayiieeeee

Rachel: tsk!

Tracy: mag ready na kayo!

Kumuha na ako ng baril at mga bala. Pagkatapos namin ay sumakay na kami sa van at pumunta sa Laguna.

Caitlin's POV

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na binuhos sa akin. Iminulat ko ang mata ko at ang dilim, ang ilaw ay nasa akin lang.

"Buti naman at nagising ka na!"

Caitlin: sino ka? nasaan ako?

"alam mo ang ganda ganda mo! sayang lang at hindi ka inalagaan ng oppa mo ng maayus kaya kita nakuha"

Caitlin: sino ka ba talaga? magpakita ka!

"Parehong pareho kayo ng oppa mo! mainit ang ulo"

Caitlin: magpakita ka na kasi! napaka duwag mo!

"anong sabi mo? ako? duwag?"

Caitlin: Oo, dahil kung hindi dapat sana nagpakita ka na! takot ka lang sa akin!

"ba't naman ako matatakot sa isang babaeng katulad mo!?"

Caitlin: dahil kapag naka laya ako dito, hindi kita bubuhayin

"hahahahha ako? papatayin mo? hahahhah baka ikaw ang mapatay ko! lalo na at walang mag liligats sayo!"

Caitlin: akala mo lang yun! kapag nahanap ako ng mga kaibigan ko! sisiguraduhin ko na ako mismo ang papatay sayo!

"Kung mahanap ka nila hahahha atsala sisiguraduhin ko naman na mawawala sila bago pa man nila ikaw tagpuan"

Caitlin: siguraduhin mo!

"sisiguraduhin ko talaga! lalo na, baka ngayong oras natataranta na ang oppa mo"

Caitlin: hayop ka! sino ka ba talaga?

"Gusto mo akong makilala?"

Caitlin: Oo kaya magpakita ka na!

Bigla naman umilaw ang boung paligid at nasa abandonadong buliding pala ako, halata ito dahil sa luma ng pader.

"Tapos kana?"

Nakita ko naman ang isang lalaki na naka business outfit, familiar sya sa akin, baka kalaban ni oppa sa business.

Caitlin: Familiar ka sa akin, saan nga ba tayo nagkita?

"talagang familiar ako sayo! dahil ako lang naman ang matagal ng kalaban ng oppa mo!"

Caitlin: sabihin mo! ano bang ginawa ng oppa ko para paghigantihan mo sya! at bakit mo ko sinssali sa away nyo?

"dahil ikaw ang kahinaan nya! at marami na syang ginawa sa akin, pagiging magaling sa klase, attensyon ng mga tao, babaeng mahal ko at ang pagtingin ng mga magulang ko! "

Caitlin: hahh?

"Nagtataka ka nohh!? palagi akong kinukompara ng mga magulang ko sa oppa mo, bakit daw hind ko kayang higitan si Calvin, bakit daw hindi ko matalo si Calvin, bakit daw hindi ko magawang maging katulad nya, puro nalang sya!"

Caitlin: yun sa babaeng mahal mo?

"si Jasmine ba?, matagal ko na akong may gusto sa kanya, nung magtapat ako sa kanya, sinabi nya na si Calvin daw ang gusto nya"

Caitlin: Hindi naman sya gusto ni oppa atsaka kasal na si oppa,atsaka pwede mo naman patunayan sa kanya na mas karapat dapat ka at hindi si oppa,Oo nga pala! maganda ba sya? tapos nasaan na sya? may boyfriend na ba? o kaya asawa?

"Oo maganda sya! single pa rin sya at isa na syang singer ngayon"

Caitlin: wow! alam mo ligawan mo na! atsaka ang gwapo mo, kung nag tyaga ka lang edi sana kayo na ngayon baka nga napakasalan mo pa sya!

"Oo nga nohh teka lang! alam ko na yang ginagawa mo! pina pa ikot mo ako para patakasin ka! "

Caitlin: bakit pinatakas mo ba ako?

*pak* *pak*

Dalawang sampal ang natanggap ko sa kanya.

"pilosopo"

Caitlin:tinutulungan ka na nga, ikaw pa ang galit!

"tinutulungan! atsaka ano kayang pwedeng iparusa sayo"

Caitlin: alam ko kung ano! kalagan mo ko at palayain

*pak* *pak*

"tumigil ka nga! takpan nyo nga ang bunganga ng babaeng yan!"

May lumapit na lalaki at tinakpan ng tape ang bibig ko.

Caitlin: Hmmm..Hmmmmm

"buti naman at tumahimik ka na!hahaha dalhin nyo sya!"

May lumapit na lalaki at kinalagan ako. Hinawakan nila ang kamay ko. Bigla naman akong naka rinig ng putukan.

"Itago nyo sya! siguraduhin nyong hindi sya mahahanap"

Dinala nila ako sa isang kwarto at ginaposan ulit. Ni lock nila ang pinto at iniwan ako.

Aaron's POV

Nakarating na kami sa lugar. Tiningnan ko ito at lumang building, maraming bantay, mga nasa libo.

Aaron: kayong lima pumunta kayo doon sa kabila, kami sa dito

Vincent: ok!

Puminta na sila sa kabila, kasama ko si Jessica, Scott, Blake at si Josh. May papalapit na lalaki at tumago kami. Tumalikod sya kaya hinampas sya sa ulo ng baril ni Jessica, at tinago naman ni Blake yung katawan nya sa damuhan.

Blake: galing mo!

Jessica: alam ko!

Tiningnan ko ang paligid at wala, kaya naglakad kami ng dahan dahan papunta sa gilid.

Chris POV

Andito kami sa likod ng building. Napa karami ng bantay, sa tingin ko nasa libo ang dami nila, halatang mayaman. Tumingin tingin ako sa paligid at naglakad papalit sa isang pinto. May narinig naman akong nag salita kaya nagtago ako, nang papalapit na sya ay hinampas ko ng baril ang ulo nya. Hinila ko ang katawan nya sa katabi ko para walang maka kita.

Pumasok ako ng dahan dahan, naka ramdam naman akong ng may paparating kaya nag tago ako.

Paul's POV

Nakita ko na naka pasok na si Chris.

Ruzzel: sundan na kaya natin sya!

Daisy: mamaya nyo na sya sundan!

Vince: kapag wala na masyadong nag babantay saka ka Paul sumunod

Paul: arraseo!

Tracy's POV

Nandito kami sa gilid ng building, sobra ang dami ng bantay.

Tracy: Ethan!

Ethan: bakit?

Tracy: gusto ko na pumasok ka sa loob

Ethan: arraseo!

Nakita ko sya na tumingin sa paligid at dahan dahan na pumunta sa pinto. Naka pasok na sya.

Lance's POV

Andito kami sa gilid ng building. Masyadong maraming bantay sa side namin. May lumapit naman dito na lalaki kaya naka isip ako ng paraan. Hinampas ko ng baril ang lalaki at hinala papunta sa amin.

Flin: anong gagawin mo dyan?

Lance: kukunin natin ang damit nya at papasok sa loob

Rachel: sinong papasok?

Aiden: ako muna!

Lance: tumalikod kayong mga babae!

Rachel: Oo na!

Tumalikod sila at hinubaran naman namin tong lalaki atsaka tinapon sa malayo sa amin para hindi makita ng mga babae. Sinuot naman ni Aiden ang damit. Pagkatapos nya ay pumunta na sya at pumasok, buti nalang at walang naka halata.

Chris POV

Tumingin ako sa paligid at wala na kaya naglakad ako papunta sa hagdan, kaso lang pinag sisihan ko tohh dahil may bumaba at pinaputukan nya ako ng baril kaya pumunta ako sa ilalim ng hagdanan.

"MAY NAKA PASOK!"

Pumunta naman ako sa isang pinto na nakita ko at doon nag tago. Nakita ko ang mga anino nilang tumatakbo.

Aaron's POV

May narinig kami putukan at bigla naman rumami ang mga bantay.

Tracy's POV

Nakarinig kami ng putok ng baril at rumami naman ang mga bantay.

Lance's POV

Narinig namin ang putok ng baril, sana hindi si Aiden yun o kahit sino sa amin.

Aaron's POV

May lumapit naman na limang lalaki sa amin at nagmamasid kaya nag tago kami. May nakita naman akong sasakyan at nakita ko rin si Taylor Hyung, anong ginagawa nya dito? hindi kaya sya ang nagpakidnapped kay Caitlin, pero bakit?.

Nakita ko naman na lumapit ang isang lalaki at parang may sinabi sya. Sumakay na sya ng sasakyan at umalis na. Ito na ang pagkakataon namin. Bumulong naman ako sa kanila.

Aaron: kailangan natin hampasin sabay sabay ang mga lalaking tohh

Blake: ok

Nilapitan ko ang lalaki at hinampas sya. Hinila ko naman agad ang katawan nya.

Aaron: mahiwalay tayo!

Blake: pwede bang kasama ko nalang sya!

Aaron: sige na magsama kayo!

Naghiwalay hiwalay kami. Lumapit ako may nakita akong pinto at papasok na sana ako ng may nakita akong lalaki, bigla nya akong pinaputukan buti nalang at nakatago ako, natapos na sya at ako naman ang bumaril sa kanya. Pumasok na ako at may nakita ulit akong tatlo kaya pinaputukan ko sila. May nakita akong hagdan kaya umakyat ako, may nakita naman akong lalaki na pababa kaya pinaputakan ko sya, gumulong naman sya sa hagdan.

Lance's POV

May narinig kaming sunod sunod na putukan.

Flin: sa tingin ko, may naka kita na sa iba

James: mas maganda kong sumugod na din tayo! kailangan natin silang tulungan, at mag pair tayo para mas maganda ang pag ataki

Rachel: hindi ko alam na matalino ka pala

James: kapag sa gyera lang o labanan ako may utak!

Lance: tama sya, sige dahil kayo ang mag kasundo kayo na ang magkasama

Rachel: ano?!

James: sige!

Lance: tayo naman Flin ang magkasama,Mark at Lincoln kayong dalawa, Beatriz, Xaiver at Kyle kayong tatlo, Halika na!

Vincent's POV

Nakita namin na sumugod na sina Aaron kaya naisipan namin na pasokin na ang building. May nakita akong lalaki at pinaputukan ko sya.

Tracy's POV

Naririnig namin ang sunod sunod na putukan.

Angelo: pumasok na din kaya tayo!

Jasper: Oo nga para matulungan natin sila

Tracy: sige!

Lumabas na kami at may nakita kami lalaki pero napitukan na sila ni Angelo ng bala. Pumasok na kami at may maga kalaban na naman kaya pinapitukan ko sila.

Paul's POV

Maraming sunod sunod na putukan ang naririnig ko.

Vince: pumasok na tayo!

Daisy: kailangan natin silang tulungan

Paul: sige! halika na!

Lumabas kami sa pinagtataguan namin at may naka salubong agad kami kaya pinaputukan namin sila. May nakita kami ulit at pinaputukan ulit sila.

Aaron's POV

Nasa third floor na ako dahil wala sa second floor si Caitlin. King*na baka dinala nila si Caitlin, pero wala akong nakita, baka iniwan nila o kaya tinago, tama baka tinago nila kailangan ko nalang hanapin sya.

Caitlin's POV

Maraming na akong narinig na putukan sa labas, baka sina Tracy na yun. Sana mahanap na nila ako, sana nga lang! kaso lang nasa pinaka taas ako ng building kahit mag hanap sila sa baba hindi nila ako mahahanap.

Bigla naman bumukas ang pinto pero hindi sila. Hinila nila ako at dinala sa malapit sa mahuhulog na ako. Ginapos nila ang beywang ko at bigla nalang ako tumaas at ang taas ko ng masyado. Nakita ko umalis na sila.

Caitlin: hmmm hmmmm

Pinipilit kong maka alis, galaw lang ako ng galaw dito, sana mahanap na nila ako.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.